@@bornfree1888 nangyari yan sa pinsan ko. Sabi niya 10 years lang siya sa Canada 🇨🇦 hanggang ngayon andun pa rin siya after 30 years. Kung tutuusin pwede na siyang umuwi kasi retired na siya pero mas gusto niya pa rin dun. Bakasyon lang siya dito every few years. Karamihan din ng kamag-anak namin at kakilala sa North America 🇺🇸 di na bumabalik sa Pilipinas 🇵🇭
Tama ka team kaskas kung saan dapat masaya ang tao. Ako nandito sa US 23 years na mag for good na ako sa pinas after my early retirement 4 more years meron na akong nabili na farrm sa quezon province, masaya ako dun pag nagbabakasyon ako theres no place like home talaga.
Sounds good po. Maganda pinsan farm tahimik Ang buhay at masartmag alaga ng aso, manok at mag tanim2 jan. Good luck pinsan plano nyo👍👍👍 San Jose CA lang po ako
Opo mam. Marami pong nakaka relate sa frustrations nya. Bilib po ako kay sir dahil konti lang po ang may lakas ng loob na magsabi ng sitwasyon nya dito which is madaming makaka relate. Canada may pera talaga dito but the quality of life majority of people life revolves around work. Social aspect of life is lacking. Thanks po sa panonood. I like your vlogs pareho po tayo na passionate sa business. 😊💙
E ready talaga ang mindset if pupunta ng Canada. Less muna ang expectations kasi yong iba gustong yayaman agad. Walang madali na buhay kahit saan lupalop man ng mundo. Ang kasihayan ay hindi makikita sa material things, kundi ang kasiyahan ay makikita sa puso natin, its within us.There's still joy in suffering because eventually it make will make you strong and ready in life. Always keep your hopes up because we know we have God, greater than our problems. So goodluck sa pupunta ng Canada and keep praying.
Middle east walang tax ,dapat ipon lang ,then uwi pinas ,magpundar sa pinas , health care lang bakit isipin mo magkasakit ,just relax at magpundar back to Philippines masaya buhay dito
I agree dun sa nag post sa reddit to some degree. Pero overall, grateful ako na nandito ako sa US. Its not perfect and if I had the choice i’d rather stay in the PH kasi mas masaya talaga dun. Home is where the heart is ika nga. Pero for me, its about sacrifice and delayed gratification. Puro work, aral, save, at ipon lang ako for now. I have my plans. Pero end goal ko is someday to live comfortably without having to work. Kahit mag for good ako sa pinas, the money will keep coming in. Im 31 y/o, single, male, wala pang anak or asawa. Someday gusto ko maka hanap ng wife sa pinas or if dito man sa US is yung babae with the same traditional values tulad ng mga pinay sa pinas. In the future magkaka family din ako at magiging head ng household so dapat lang na pag butihin ko trabaho ko, pag iipon, at pag iinvest. Para later, easy easy na lang ako kahit magpa balik balik ako sa US, PH, Canada, etc. Hindi ako nandito sa US para magpasarap. Im here to fight for my dreams. Nandito na ako, ngayon pa ba ako susuko? Laban lang. Atleast in the end, masasabi ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat at wala ako regrets.
That's the right mindset. Financial literacy is the key talaga kahit saan ka pa sa abroad kung hindi din marunong humawak nang pera wala pa din mangyayari sa buhay. Nag sacrifice ka na malayo sa family eh so do the right thing.
Mas maganda pa rin sa canada dahil walang marites, walang discrimination at walang age limit sa trabaho sa phil. kailangan 20 ‐25 yrs old with pleasing personality degree holder ang need ng company kaya marami unemployed ...paano kung degree holder pero pangit ka di hindi ka tanggap that's discrimation d2 canada kahit elementary grad k makakapag work ka
@@gloriaramos643 You live in La La land if you think walang discrimination especially pag coloured ka. Hindi man sabihin sa mukha mo, behind your back is another matter. Like one time dito sa UK, may Filipino Festival sa isang park, madaming Pinoy, dumalo, may pa concert, kung ano ano pa. Here comes, yong 2 Brits na naka inom na, tumingin sa paligid sabay sabi nong isa, "Blimey, they're bleeding ugly, aren't they mate". Reality yan. Sabagay walang perpektong lugar. ☹️
Kabayan I admire your frankness and respect for other's decision on where to settle down. When I was younger I also wanted to migrate in US or Canada but many things intervened which hindered my plans so I have come to accept that living abroad is not God's plan for me.
Salamat po sir. Sa totoo lang po sir kung papalarin na magkaraoon ulit ako ng stable na pagkakakitaan sa Pilipinas balak ko pa din pong umuwi. God bless po sir 🙏
Nakaka-inspire ang Canadian na si Kyle aka "Kulas" na naging Filipino 🇵🇭 citizen na. Ang RU-vid channel niya is becoming filipino. Basta maging positibo lang kayo sa imahe ng Pilipinas, aasenso kayo dito.
Malaking impact talaga sa desisyon un kung saan ka masaya para maluwag s dibdib mong gawin ang mga bagay n gusto mo,At syempre dpt sinupin din ang kinikita wag ibaon ang sarili s mga bagay n hinde importante..Unay Dyos lagi❤
Salamat sa mga honest vlogs nyo. Kasi ako dito ako sa Malaysia, mga naririnig ko lang about sa Canada magada daw, malaking sahod. Ako naman at iba kong kaibigan nag kukumahog din. Planong mag apply. Pero sa mga narinig ko, although di nga parepareho ang swerte sa buhay, matutu nalang akong e appreciate ang trabaho at kinikita ko dito sa Malaysia. Salamat sa AWAKENING. You probably save me sa kung ano man ang ma datnan ko dyan. God bless you always❤
Yung relatives ko nga 35 years sa US mataas ang position sa company pero nag for good pa din sa Pinas. Yung tita ko since 1987 sa US working sa gobyerno pa retire na sya uuwi na din Pinas. Iba talaga buhay sa sariling bansa
Thats the plan, go back home, enjoy life and share your blessings. Invest while you can, do not spend it all in luxurious lifestyle. Ang sarap magbakasyon sa Pinas kapag may sarili kang properties and investments, hindi mo iisipin ang panggastos dahil pinaghandaan mo lahat. Stay healthy and happy...
Yan ang good content! Real Talk no sugar coating! "We have all different experience in our owned life" No need to be correct for others people decision! Be nice and respectful gesture is much needed in times of tough times!
Salamat din sa Inyo mga Łódź tuloy lang ninyo pagbavlog first time ko kayong napanood at gusto ko yung pana naw ninyo sa buhay at yung mga tips o payo nyo see you always mga Lodi👍❤️
NAG MIGRATE AKO SA CANADA IN 2005. HINDI KO RIN NA GUSTUHAN DAHIL SOBRANG LAMIG. PERO BAGO AKO UMUWI INAYOS KO MUNA ANG CANADIAN CITIZENSHIP, PARA KUNG MAG BAGO ANG ISIP PWEDENG BUMALIK
I watched you because your are so real no pretensions.walang halong pagpapangap❤nagulat ako while writing a comment na shout out mo name ko meaning ngbabasa kayo ng comment. Natuwa naman ako. Dont mind the bashes madami ganyan talaga stay focus on your life. I admire you and Olga. I hope i can meet you once i visit Toronto. Thank you so much!
Iba't iba talaga tayo ng mga experiences and swerte sa buhay. Sa Pilipinas may mga mayaman, may mahirap. Swerte siguro kami kasi nasa situation kami na mas gusto ko ang life ng family namin dito sa Toronto kaysa sa Pilipinas. Di rin dapat natin icompare na mas maganda magmigrate sa ganitong bansa versus sa ganitong bansa. Goodluck everyone.
Maraming umuwi rin na nasawi po. Mas maigi na magtyaga. Kasi Mas mataas ang retirement na makukuha. At saka pag hindi ka nagwagi pag uwi babalik ka naman at mag-umpisa muli. A friend of mine bought a 3 bedroom house noong caregiver pa lang siya 2013 ata yon. Eh baba pa ng presyo noon. Pag taas ng presyo. Over $100K itinaas ng 2015 lang. ibininta niya. idi masaya ang buhay...
Thanks po sa update,,,ng buhay buhay,,God is good all the time,,kahit saan po may pagsubok,,sinusukat lang kung gaano tayo katatag,,more videos to share po! realtalk po talaga kayo,,tuloy tuloy po ako susubaybay sa inyo,,there's a rainbow after the rain❤
My point ka s mga sinabi mo host ❤,50 nko pero gusto ko prin magtry pumunta jan s Canada to work and maexperience ang buhay jan ,,Mabuhay ang channel nyo Team kaskas❤❤
Basta solid lang kayo team kaskas kasi magkakasama naman kayo ng family ninyo dyan at parents ninyo sa Canada. Anu mang hirap ang suungin ninyo sa Canada, ang importante ay magkakasama kayo ng pamilya mo sa paghahanap ng solusyon 😊👏
Very well said bro we are same sentiments regarding sa living abroad . Akala nila masarap ang buhay abroad . 30 years na ako sa Australia na sa akin na lahat pero bakit ganun di pa rin masaya tuwing umuwi sa pinas iba yun feeling kahit konte lang ang ulam sa lapag masaya pa rin . Good luck sa inyo . Ito nababalak na din umuwi ng pinas at mag negosyo. Someday baka magkita din tayo . New subs here .🇵🇭🙏🥰🇦🇺
Ayos ang iyong mga paliwanag tungkol sa kalagayan ng buhay dyan sa Canada......totoo yan yung kaligayajam ay nakukuha hindi lang sa Canada, kungdi kung saan nanduduon ang pagiging masiyahin at kuntento kung ano ang meron......goodluck po Team Kaskas at tuloy tuloy lang kung ano ang iyong pananaw at sikap lang, malay natin maging mala-Canada din ang Pilipinas ay makabalik kayong mag-anak dito sa atin......salamat po....
4:12 watched from Uae .. my original plan why i go to Dubai is to be able to apply to Canada but some past circumstance prevented it. It's also same here most of your time all spent on work . I spent most of hours at times 9 hours - 10 hours on regular time work but mostly on usual 12-14 even 15 hours work in overtime that was usually needed on the Sales job . Far from my usual office 9-5 job work weeks once I came here. But the time that i watched your video , i decided to forward it in facebook at that time too. Congrats if you reached more viewers .. always God Bless
Hi I m watching your vlogs I m from Sydney,Australia... I can relate to that coz, I m also planning to go back home for good I was migrated yr 1991 after my graduation. I was 23 yrs old at that time I m here for almost 30yrs +. Based on my experience I d rather say Canada and Australia has the same benefits too like health care system and more but, for me, I don't have plans to retire abroad kahit gaano pa sya kaganda uuwi't-uuwi pa rin ako. I finished my college in the Philippine but, when I came over I studied Nursing too I took up Assistant in Nursing, when I finished my course my on the job training for 300 hrs. So to cut the story short, I work in an aged care as AIN then, I become a Diversional Therapist/Recreational Activity Officer then after 8 yrs working in an aged care I worked in the hospital as AIN I worked in Acute Care for 3 yrs, But I left coz, too much pressure and I work double shift, morning and night shift. Mahirap talagang maging Nurse. I worried kasi If I pursued my nursing job bk bumalik ang sakit ko dahil parating puyat at stressed ang job. I m a cancer survivor since 2006. So for over 30 yrs + living in Australia, I m planning to go back home for good. But, before I decided to go home pinagisipan at pinagplanuhan ko na I know I m taking the risk ksi we all know mahirap ang buhay sa pinas But, what I did I save and I invested sa pinas I m an Entrepreneur, Franchisee owner and Real Estate Investor hinanda ko na sarili ko para pag uwi ko di ako nganga at walang pagsisishan sa huli kaya tama ka po kung ano ang sinasabi ng isip at utak mo gawin mo at kung saan ka masaya. Masaya ako kasi makakasama ko na ang pamilya ko especially, my mum who is a widowed and she is now 76 yrs old.
That's good to be with your mother, ganyan din plan ko but nagpaalam na mama ko. I have my brother there so I'm still thinking of going home because home is still the best place to retire 😊
Relate Ako sa mga story mo bilang ofw,me, nag work Ako bilang physiotherapist sa jubail Al fanateer hospital under royal commission sa KSA,22 yrs old Ako that time,1988,it was during gulf war inabot Ako sa pinas Ng gyera,di Ako makabalik,until 1991,naka balik Ako sa ministry dun Ako sa border sa Yemen,malayo at malungkot 300 km.away kmi sa city proper,there was a time na mis na mis ko Yun mga Kapatid ko at parents,homesick kalaban mo sa disyerto,3 mo's Bago dumating Yun mga letters from manila .culture shock talaga kmi,nag apply Ako Ng Canada way back 1996,natangap Ako sa Quebec,umuwi Ako Ng pinas para magpaalam,Dala cguro Ng lungkot at pagkasabik ko sa pamilya at magulang mas pinili ko Ang pamilya di Ako tumuloy mag Canada,so,ginawa ko bumalik muli Ako Ng middle east sa UAE,2002 after 2 yrs 2004 umuwi Ako dahil nagkasakit na Yun father ko at namatay sa cancer,,,,so,heto Ako now sa pinas nagdecide na Lang Ako dto sa probinsya,alam mo ba di ko akalain nandto Pala sa pinas Ang swerte nmin,LAHAT Ng pangarap ko na di ko nabili nun ofw Ako,nakamtan ko LAHAT,nakapag travel kmi ni misis sa Asia,nakapag pundar Ako Ng businesses,cars at LAHAT Ng gusto na di ko nabili nun nabibili ko na at higit sa LAHAT kapiling ko mga parents ko Bago sya namatay...Kya alam ko Masaya cla na nagkasama kmi at naalagaan ko sya Bago pumanaw.....gudlak n stay healthy....God bless
100% brother 🤙 that is the same reason kaya uuwi nadin kami ng pinas for good galing dito middle east. hindi lahat tungkol sa pera, pero malaking pasalamat namin kahit papaano nakaipon at nakapundar..panahon naman para magnegosyo hanggat malakas pa..gusto ko din yung pagiging natural mo sa vlog, dahil dyan sub ako sayo 🙂
Hey bud! May RU-vid ka pala nag show up lang dito sa youtube ko hehe… Good job bud I’m so happy for you!! This guy is such a nice person really down to earth! Keep it up!! -Rona
Nakita at narinig ang mga kwento ninyong magasawa,tunay tyong mga filipino ay nkahanda sa ano mang pagsubok,bastat s Lord ay laging nasa center ng inyong buhay familya,kagaya rin ng 2 kong anak yung isa nasa Italy at Usa nmn sila,na patuloy din silng nagssikap para s kinabukasan ng knilng familia n naroon kasama ng aming mga apo.Thank God always ,God bless ❤
2 beses ko tong pinanuod. And yes, it has helped me a lot on my decision. Tama yung binasa nyong comment na 3 yrs sa abroad and iba pa rin sa pinas. Im here in the UK as an Occupational Therapist din and thinking of moving back in the mideast. Mas ok ang lifestyle dun at kaliwali na ang snow at weather dito. This vlog has been an eye opener for me.😊
Iba rin ang buhay sa pinas kpag marunong ka rin doon lalo't nakaipon ka sa pag aabroad mo meron karin patutunguhan ang buhay mo doon dahil ang buhay sa pinas ay magaan at simple basta marunong kang magmanage sa kinita mo sa pag aabroad. Compare to canada maganda dahil iba rin ang weather condition din diyan. Pero ang suma tutal kung saan ka masaya doon ka.
Ganun talaga swertihan ang pag abroad hindi lahat araw araw Christmas Kaya kelangan sipag at tyaga Well as they always say There’s no place like home Experience sa buhay.
natutuwa ako na may ganitong vlog realtalk. honestly, nakakatakot maglabas ng realtalk na vlog dahil hindi lahat tatanggapin ito as positive at nakakatulong. mostly iisipan ka pa negatibo, depress dahil sa pagsasabi ng sasaloobin at kung ano ano pa. gaya niyo nagbavlog din kami about dito sa canada para di na makabiktima pa ng iba dahil sa maling akala. isa din sa nagustuhan kong.vlogger si indianong bisdak. kung may mga ganitong vlog sana malamang di kami tumuloy dito dahil sayang iniwanan namin sa pinas lalo na sa health care dahil sobrang hirap magkasakit dito (base sa experience ko at ng iba na dig kilala ko na kasama dito sa ontario canada)
Sabi nang karamihan free healthcare nga daw pero kung iisipin mo di ka naman din e entertain kung hindi emergency yung sakit, tapos may mga napanuod na wala ka daw option to get private healthcare so lahat nang nasa Canada pipila para sa healthcare eh sabi nga nila kulang yung manpower nang nasa healthcare industry eh. Gusto ko magCanada before but I realized na kung may magandang work ka dito sa pinas, may health insurance ka, may HMO, may life insurance etc I think you're good. Libre daw manganak dyan eh hindi ka naman din manganganak taon taon HAHAHA
@@ifyouseejeanne honestly di din naman masasabi libre health care kasi isa sa requirements para makakuha ng "libreng health care" ay may full time work ng ilang buwan. saka naranasan ko din mahospital kahit emergency pila pa din 😅🤣 kaloka, kaya naappreciate ko pinas kasi sa pinas may bayad man uuwi ka na alam mo na sakit mo saka monthly may check-up anak ko, dito inabot ako ng 6mos para sa wala at taon na anak ko wala pa ding check-up. 😅
Agree with you when you said the Canada is not for everyone.. very true.. I'm a resident in Abu Dhabi for. more than 17 years now, had the chance to migrate in Canada and the reason that we did not pursue is because we believe that Canada is not for everyone.... Kudos to you guys
my own tayo na choice at decision kasi. kailangan lang magkaroon tayo ng expectation sa lahat kung anung reality ang ma incounter po natin,,,,kahit kasi sasabihin natin na na naka set at naka script na ang ating mga sa goal sa buhay may posibilidad po na mababago yan kaya Pray to God by His Grace,, Godbless us all,,Kaya tama kung saan ka masaya at kuntintoka na nakikita mo na pweding maka suvive ka don ka,,, Godbless si in more power to your channel yan ang good vlog related in reality,,,
Basta ako super Grateful to be herw and my family.. never ko pina day care ung anak ko. Ako at ang husband ko ang nagbabantay sa anak namin.. salitan.. kung sa pinas din ganun din mangyayari magtrabaho at magtrabaho ka parin ng to do.. ok lang kung tunay kang mayaman.. at mag aaway pa kau kasi naubos na ang pera mo sa kung sino mab nagkakasakit sa family... pag mayaman pwedi... pero dito malaking tulong natong andito kami para sa mga magulang at kyng sino pa ang need ng help sa kamag anak sa pinas espicially related medical.. kapag mashonda ba dito sa canada pwedi ka namsng magbakasyon find yourself a leisure para ma enjoy ka.... Thanks God for everything na andito kami sa bansang ito im super grateful at walang pagsisi kasi ito ung bansa nagpapakain nv buong pamilya ko at nagpapagamot sa family ko sa magulang ko sa pinas...
True canada not everybody kasi iba iba din tqlaga ang mararanasan jan like my sister 3 months lng siya umuwi lng siya na homesick at nag aalala sa mga anak kasi niya nun.
Sir/Mam, wag ninyo INTINDIHIN ang mga BASHERS at STAY FOCUS sa LONG TERM GOAL ninyo. Kapag nag START ka ng BUSINESS, KALIMUTAN muna LAHAT ng WANTS mo. BASIC NEEDS lang ang DAPAT PROVIDE. Goodluck & GOD bless.
Kabayan Yung kwento mo parang dito rin sa US, however a little bit better lang Ang life. Mejo ok naman dito basta may work ka mabibili at makukuha mo lahat ng gusto mo. Nurse ako dito since 2007 pero nagsawa ako. Halos 16hrs ako araw2 ang laki ng sahod at makakapag ipon ka agad, makakapag travel, mabibili Ang gusto at makakain lahat ng masasarap na restaurant pero parang nagsawa ako at parang hindi ko makita yung buhay ko na trading time for money. Imagine working for the rest of your life till you retire and hoping na ma enjoy mo yung few years remaining sa buhay mo. Now I'm planning to do a small business sa pilipinas kahit ano lang to make me some money pambayad ng food, kuryente at tubig. Hindi ko na hinahangad ang malaking sahod, ang importante masaya ako. I hope I'm not making the wrong decision. If ever cguro kung hindi man ako mag succeed sa pinas, I can always come back to US and work as a nurse ulit. As for now buo na loob ko umuwi muna ng pinas early next year 2024. I will take the risk bahala na. This time cguro asikasuhin ko muna sarili ko. Na pabayaan ko sarili ko walang tulog, walang exercise at kinakain nalang kahit ano dahil sa double job ko. Alam ko maraming makaka relate sa sinabi ko lalo na mga nag double job na katulad ko. Well bihira naman yung 1 job lang sa sobrang daming binabayaran. Reply lang po kayo sa tingin nyo po sa decision ko.
Ofw din po ako dito sa uae at gusto ko na din umuwi sa atin at mag tayo ng small business kahit 4yrs pa lang ako dito, minsan talaga hindi palaging pera2 lang mas importante pa din talaga ang kalusugan natin at kaligayahan ng puso kasi kahit kumita tayo ng malaki palagi tayo nag hahangad ng mas malaki parang nagiging walang kakuntentuhan na tayo sa buhay kaya mag tatake na din ako ng risk gaya nga ng sinasabi palagi ng mga tao na maiksi lang ang buhay natin piliin natin maging masaya, piliin natin palagi kung saan tayo mas sasaya mas masarap gumawa ng mga memories na kasama ang mga mahal sa buhay kahit minsan kinakapos importante nakakaraos at di nagugutuman kesa kumayod ng kumayod ng kumayod hanggang sa di natin namamalayan na tumatanda na tayo at ang daming oras at panahon na nasayang kakahanap ng pera pero di pa din maligaya, tapos isa isa na nawawala ang mga mahal natin sa buhay kakatrabaho dito sa abroad, na di man lang natin naenjoy na kasama sila kasi palagi tayong nag hahabol sa pera.
@@libralife420 tama, I agree with you kabayan. Choose life, choose to be happy. Ang pero kikitain lalo na kung masipag ka pero Ang oras pag nawala hindi mo na maibabalik. Take the risk 💪💪💪 ganyan din gagawin ko next year kabayan 💪
Kung nakaipon ka na … pwede ka nang mag-retire for good sa Philippines. Lagi ka lamang maging masinop at maingat sa kabuhayan mo. Huwag masyadong pamimigay! 🤣