Si Maria Rica Baluyut Key na mas kilala bilang Lotis Key ay isang Filipino-American film at theater actress na nagbida sa halos 85 na pelikula sa Asya. Para sa mga Pinoy, hindi malilimutan si Lotis dahil sa kanyang maganda at maamong mukha. Nakilala siya nang husto dahil sa tambalan nila ng Comedy King na si Dolphy noong '70s. Kabilang sa blockbuster movies nila ay ang Captain Barbell (1973), Fung Ku (1973), Facundo Alitaftaf (1978), Darna, Kuno? (1979), Max En Jess (1979), at Bugoy (1979).
#lotiskey #throwback #actress #model #pinoy #filipino #artista #viral #trending #dolphy
8 фев 2023