Noong kasagsagan ng pandemya, kaliwa't kanan ang pangamba sa paligid. Naging malaking dagok ang pandemya sa pamumuhay ng mga tao ngunit hindi nito kayang puksain ang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos lalo na ng mga taga-Hagonoy. Si Santa Monica rin ay humarap sa napakaraming pagsubok na halos tumarak sa kaniyang puso, ngunit nagtiwala siya at hindi tumigil sa pananalangin. Ngayon ay pinararangalan natin siya sa hanay ng mga banal na santo't santa dahil sa pagbabago ng kaniyang anak, ang Dakilang San Agustin.
Ang likhang awitin na ito ay naisapubliko noong taong 2021 at naisaayos ngayong taon, 2023 upang gamitin sa mga pagdiriwang na kaakibat sa kapistahan ni Santa Monica.
LUHA'T PANALANGIN
Titik ni: Yhurie T. Amurao
Musika at Pagsasaayos ni: Klarisse Ann L. Clemente
All Rights Reserved 2023
Ad Majorem Dei Gloriam
Ad Jesum per Mariam
Viva Santa Monica!
31 окт 2024