"Panahon ay lilipas din mga araw ay daraan, Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso, ngunit hindi ang pag-ibig ko sayo" Nakakataba ng puso. Isipin mo kasama mo na yung babaeng pinapangarap mo, makakasama mo siya hanggang sa pagtanda mo. Unti-unti nyong matutupad yung mga pangarap at pangako nyo sa isa't isa. Unti-unti mong makikita na lumalaki yung pamilyang binuo nyo. Hanggang sa hindi mo mapapansin matanda kna at humihina na yung katawan mo. Ang sarap maupo sa tabing dagat habang pinapanood nyo yung paglubog ng araw, tapos ganito yung background music nyo. Mapapatingin ka nalang sa asawa mo at maiiyak sa tuwa dahil walang sinuman ang makakatumbas ng pagmamahalan nyong dalawa. Sa tingin ko yun ang pagmamahal na pang habang buhay mawala man tayo o magunaw man ang mundo nasaksihan ng Diyos ang pagmamahalan nyong dalawa ❤️❤️
na aalala ko nun habang hawak ko ang kamay niya sa concert ng rocksteddy at eto mismo yung kinakanta nila, sayang lang at hindi namin nagawang ipagpatuloy. sobrang hindi ko malilimutan yung araw na yon at isa yon sa pinaka mahalagang parte ng buhay ko.
When things didn't fall right to what we anticipate and want. Although all of this world has to offer turns into waves of burden on our shoulders. Remember these; "ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso," "ngunit hindi malilimutan ang pagibig ko sa'yo, magpakailanman."
Feb-ibig 13, 2023 and still inlove with this song. This song never gets old like the first love we had in the past, the present and the future. Daming sabe!! haha. Thanks rocksteddy for making this music na babalik balikan namin Magpakailanman :)
Sarap uminom ng beer tas nakatingin sa malayo..tas alalahanin ung mga samahan at kalokohan niyo dati ng tropa na hirap ng ibalik ngayon dahil magkakalayo na mga kanya kanya ng buhay. Sana mangyari ulit yung ganun...
Idol talaga kita Teddy Corpuz:) pag naririnig ko to kanta mo na kahit single ako, wish ko sana may "magpakailanman" ako. ;) ganda ng mga linya ng kanta.. #Rocksteddy fan :)
Kung maligaw ka man at mabasa mo to? Sobrang Mahal na Mahal padin Kita hinding Hindi ko malilimutan Yung almost 5 years nating pinagsamahan pero kahit 2months na tayong wala? Still maghihintay padin ako kasi naniniwala akong ikaw yung tamang Tao para sakin kaya balik ka Lang Kung kailan mo gusto ha? Miss na Kita😁💖
Dito talaga nagkakaalaman ng linis ng tugtog ung galing ang gitarista solo na makapal papuntang clean na basa. Habang nagbebelting ang vocals sabay pasok sa mataas na chorus deym....
"Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso, ngunit hindi ang pag-ibig ko sayo" i remembered my ex m.u. 2 years ago na nakakalipas pero hindi ko pa din makalimutan yung pagmamahal na talagang binigay niya ng buo sakin, sayang lang hindi pala siya para sakin, nalaman ko na habang unti unti na kameng napapalapit sa isat isa at tuluyan ng minahal ang isat isa ay nabuntis na pala niya ang ex niya, wala akong magagawa kundi magparaya na lang and yes wala kameng naging problema. Napakasakit lang dahil yung ending namin is biglaan lang. Kailangan kong magparaya dahil hindi bawal maging makasarili. Ipapasa dyos ko na lang
I remember yung promises ko sa kanya. This is one of many songs na gusto ko kantahin if soon ikakasal kami. Pero siguro mananatiling pangako at kwento nalang yon, kasi wala na sya sa piling ko.
💓💓💓kada papakinggan ko sobrang iyak ko this had brought so much love within me na kahit malupit magmahal there will be someone who will make you special...
Nakanta ko to sa room ng klase haha acoustic ginamit namin. Sinabi kasi ng instructor namin na "oh guys paending na ng semester natin, ano ang gagawin natin while may time pa tayong natitira sa klase?"" Haha tapos itinuro ako ng katabi ko. Sabi nya "maam sya po magaling kumanta" at ayun kinuha ng kaklase ko yung acoustic sa tabi ng pinto. At sabi ni maam, "at wow jan pala nakatago haa" haha tinatago lang namin kase baka makita at mahuli kami na nag iingay. Haha at finally, kinanta ko na sya. 😉🎤🎸
Panahon ay lilipas din pero di ang pagibig ko sayo. Thank you for all those good memories, even though we didn't end up together. Thinking of you makes me smile again. 😊😘
7 years na kmi ng asawa ko.. Kasal kmi sa huwes (un lng kasi nakayanan ng sarili naming ipon) pangarap pa rin naming makasal sa simbahan.. Kakantahin ko to para sakanya at sa anak namin kung sakali matutupad namin ung pangarap naming makasal sa simbahan..
Sa dinami dami ng magagandang kanta sa mundo, ito yung gusto kong kantahin sa mapangangasawa ko sa araw ng kasal namin. Very promising tong kanta at ang sweet 😊
Oo nga haha ngayon ko lang din na appreciate. Maganda kasi pagkakakanta nya dito. Minsan talaga depende sa singer kung paano nya dadalhin yung kanta. Dito lalo nya napaganda yung kanta
hindi ko to napansin dati dahil ang nagustuhan ko lang sa nilabas nila eh yung version nila ng no touch pero nung napakinggan ko to from my friend eh magustuhan ko na ng sobra. kaso sana si teddy eh mag guitar na kasi patay yung tunog o kulang pag isa lang ang guitar. pero nice one ngayon eh mas mag di dig pko mg mga songs from my era. more power sa opm