Тёмный

MAHIMASMASAN SA KAHIBANGAN (Unang Linggo ng Kuwaresma) 

Diocese of Kalookan
Подписаться 28 тыс.
Просмотров 18 тыс.
50% 1

MAHIMASMASAN SA KAHIBANGAN
Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, Marso 6, 2022,
Luke 4:1-13
Pilit na nililito ng diyablo si Hesus, ang Diyos na totoo na tao ring totoo. Alam kasi niyang hindi niya kaya ang pagka-Diyos niya, kaya ang pinupuntirya niyang iligaw ng landas ay ang pagkatao niya, katulad ng alam niyang napagtagumpayan niyang gawin kina Adan at Eba ayon sa kuwento ng Bibliya sa Genesis. Kaya pilit niya tayong tinutukso. Ang hangarin niya ay ang linlangin o lituhin ang tao. Lahat ng paraan ginagawa niya para makundisyon o mabago ang oryentasyon o direksyon ng tao sa buhay.
Hindi niya alam na ang pinaka-misyon ni Kristo ay ang maibalik nga ang tao sa tamang oryentasyon o direksyon sa buhay. Ang salitang ginagamit sa Griyego ay METANOIA, sa Ingles, conversion, sa Filipino,“pagbabalik-loob”. Ito ang layunin ng pagkakatawang-tao ni Kristo: ang maibalik-ang-loob ng tao sa Diyos. Kaya nga ang mensaheng narinig natin noong nagsimula ang Kuwaresma sa ritwal ng pagpapahid ng abo ay: “Talikuran mo ang kasalanan at paniwalaan ang mabuting balita.” Ibig sabihin, “magbalik-loob sa Diyos.”
Ang tawag ko sa misyon ni Satanas ay “negative reorientation” o kaya, mas mabuti, “disoryentasyon” o pagkahibang o pagkawala sa sarili. At ang misyon naman ni Kristo ay “positive reorientation”, ang mahimasmasan tayo, ang maibalik niya tayo sa katinuan, sa tunay nating sarili-ibig sabihin ang ituon ang loob natin sa Diyos.
Simulan natin sa negative reorientation. Paano inilalayo ng dimonyo ang tao sa Diyos? Tingnan natin sa unang tukso: GAWING TINAPAY ANG BATO.
Pinipilit niyang kumbinsihin ang tao na:
-pwede namang magshort-cut; ba’t mo pa kailangang magpakapagod o magsumikap? Maraming katumbas ang tuksong ito. Halimbawa, “Bakit ba kailangang magsimula sa mababa kung puwede namang gumamit ng koneksyon para diretso na sa itaas? May padrino namang pwedeng gumawa ng paraan? Pag may impluwensya, samantalahin! Gamitin! Bat ba susunod pa sa patakaran e pwede namang maglagay? Bat ba mangangampanya pa, pwede namang mamili ng boto. Bat ba mag-aadvertise pa e pwede namang umupa na lang ng mga trolls, na magkakalat ng fake news at disinformation sa social media? Bakit magrereview pa kung pwede namang mandaya sa exam? Bat ba maghahanapbuhay pa e pwede namang mabuhay sa nakaw?
Tingnan natin sa pangalawang tukso: SAMBAHIN MO AKO AT SASAMBAHIN KA:
-tinuturuan ng dimonyo ang tao na tumulad sa Diyos ngunit sa maling paraan-sa pamamagitan ng paghahangad ng kapangyarihan at kapurihan. Kaya pala napakadelikado ng kapangyarihan, nakakahibang, nakakahumaling. Para kang langaw, akala mo kalabaw ka na, natungtong lang sa ulo ng kalabaw.
Tingnan lang ang kasalukuyang ginagawa ng presidente Putin ng Russia. Litong lito na siya: ang tingin niya sa ginagawa niya ay pagpapalaya sa Ukraine, hindi pananakop. Nakakahibang talaga ang kapangyarihan, lalo na kung pinaiikutan ka ng mga alipores na walang ginagawa kundi purihin at sang-ayunan lahat ng gusto mo. Mula sa pagsamba sa Diyos, nililigaw ni Satanas ang tao na maniwalang di na niya kailangan ang Diyos dahil ramdam niya na Diyos na siya pag nakabihis siya ng kapangyarihan at kapurihan.
At sa pangatlong tukso: BAHALA NA ANG DIYOS! Ang tawag ko dito ay bulag na pakikipagsapalaran. Tuturuan ka ng dimonyo ng maling klase ng tiwala. Iyung tipong basta ka na lang tataya o lulundag nang hindi na mag-iisip ng pagkatalo o pagkapariwara. At ang pag pinakinggan mo ang katuwiran niya parang tama pero mali: “hindi naman tayo pababayaan ng Diyos, hindi naman niya tayo matitiis. E ano kung magkasala, mapagpatawad naman siya.”
Parang ganito mangatuwiran ang mga laki sa layaw at mga walang responsibilidad sa buhay. Magwaldas, tutal, mayaman si papa. Siya ang bahala kahit ano pang kalokohan ang gawin natin. Parang tama, di ba? Pero mali. Kaya nga tayo binigyan ng talino at kakayahan para tulungan natin ang sarili at ang isa’t isa. Kahit totoong kailangang magtiwala sa Diyos, di dapat malimutan na may tiwala ang Diyos sa atin, kaya niya tayo ginawang mga katiwala sa daigdig.
Dumako naman tayo sa misyon ni Kristo: ang ibalik tayo sa katinuan, ang iligtas tayo sa kahibangan at pagkaligaw ng landas, ang ibalik ang loob natin sa Diyos. Ito ang good news. Hindi tayo likas na masama; tayo ay likas na mabuti. Bago pumasok ang original sin, mas nauna ang original blessing-na ang orihinal nating layunin ay tumulad sa oryentasyon ng Diyos. Ano ang oryentasyon na ito?
-Sa unang tukso, ang sagot niya ay maghanap ng TUNAY NA PAGKAIN: hindi lang tinapay kundi Salita ng Diyos, para mabuhay. Ito ang itinuro niyang hingin natin sa AMA NAMIN: Bigyan mo kami ng kakanin sa araw-araw. Ang pagkaing nagpalakas sa bayang Israel upang ma-survive ang 40 taon sa disyerto: hindi ang manna kundi ang Salita ng Diyos.
Ang iisang landas na ituturo sa atin ng Salita ng Diyos ay PAGIBIG, PAGMAMAHAL. Ito ang magtuturo sa atin na magparaya, magsakripisyo, magbigay na walang kapalit......

Опубликовано:

 

4 мар 2022

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии : 31   
@erlysantos4946
@erlysantos4946 2 года назад
Amen po Bishop Ambo tnxs for d gospel nice exciting god bless Amen Amen Amen
@evelynignolosloso310
@evelynignolosloso310 2 года назад
Pinupuri ka namin panginoong HesuKristo
@leonciobaylon7006
@leonciobaylon7006 2 года назад
✝️💐🌄📖. For the soul of Kambal's in law Russel,📯🌺💖🔥 have mercy on his soul, ⛲🌉👪🌽🔥o loving and merciful LORD🕊️💖☔🍇
@ophieyaleahsarmiento9374
@ophieyaleahsarmiento9374 2 года назад
Amen 🙏. Thanks be to God. Thank you Bishop Ambo for the inspiring homily. 🙏
@avelinamanamtam967
@avelinamanamtam967 11 месяцев назад
Amen po Bishop Ambo to be continued po again low battery po Amen
@isabelitaolar9821
@isabelitaolar9821 2 года назад
Sana po O Diyos gisingin Mo ang kamalayan namin lahat,pagkalooban ng Karunungan ang aming mga isip,at sa tulungan Mo po kami na sa bawat bagay-bagay ang Kalooban Mo ang aming piliing gawin...Amen🙏💖
@lrey3849
@lrey3849 2 года назад
Nsa Diyos ang awa nsa tao po ang gawa,naway mmulat po tyo sa taong my mlskit s taong bayan at di sriling interest lng hngad. God bless d Fil people n our country d Phils!Amen po!
@litacabison7089
@litacabison7089 2 года назад
Thanks Bishop. I pray that many heared your message today will realized kung paano mag- maniobra ang demonyo at isaisip na piliin ang makakalapit sa atin sa ating Panginoong Jesus, I pray in the name of Jesus, our Lord ang King. Amen. I
@litacabison7089
@litacabison7089 2 года назад
I’ll
@dimaygarin2866
@dimaygarin2866 2 года назад
A very moving and powerful homily you've given us, our dear Bishop Ambo. Let's all pray for the welfare of our country with the Lord's blessings🙏🏻✝️🛐💒📖📿 #SacredChoice #PHVote
@marizsantos9370
@marizsantos9370 2 года назад
I always enjoy listening to your homily Bishop Ambo, I am blessed🙏
@julietahamoaynazif5203
@julietahamoaynazif5203 2 года назад
Salamat sa Diyos! Amen 🙏
@juvylynhabon7688
@juvylynhabon7688 2 года назад
watching from hk po
@avelinamanamtam967
@avelinamanamtam967 11 месяцев назад
Tobe continued please.....
@shepherdson6189
@shepherdson6189 2 года назад
Amen Bishop 🙏
@mariarosaigrobay8665
@mariarosaigrobay8665 2 года назад
Buongiorno, buona santa domenica padre bishop, grazie mille sempre e tuoi omelia molto interessanti e ispirato assai, grazie e prego per voi, coraggio
@jojiesiega5585
@jojiesiega5585 2 года назад
Bishop , pls can u also upload English mass & homily .
@mariamvillaver9510
@mariamvillaver9510 2 года назад
Amen 🙏
@melliemedina8801
@melliemedina8801 2 года назад
Amen 🙏🙏🙏
@wisdomlady75
@wisdomlady75 2 года назад
Salamat po Father sa sharing .God Bless po
@blancapage9423
@blancapage9423 2 года назад
Very well said, Fr. Ambo.
@genevievevelasco8207
@genevievevelasco8207 2 года назад
Thank you Bishop Ambo
@julietahamoaynazif5203
@julietahamoaynazif5203 2 года назад
Thank you Bishop Ambo! Godbless 🙏
@lrey3849
@lrey3849 2 года назад
Hindi po ako ssangayon n paskop tyo s china. My klayaan po tyo s demokrasyang bansa nting ngayon.God bless us all po!
@corakilaykokinoshita7790
@corakilaykokinoshita7790 2 года назад
Please interpret. Thanks. How are you doing? Cora
@driggsbaylon4655
@driggsbaylon4655 Год назад
🌍🔥🏞️🍓🕊️🌹🐠💐🌈🌉🍇🈴🪂⛪❤️🌾For Ukraine USA Nigeria Myanmar UK Koreas China Philippines Russia Taiwan Hong Kong Mongolia Vietnam Vatican Nicaragua Germany Poland Spain Italy France🌅☔🌴🎀🎁🍀🌍🏞️🌴🍇🌉🌈💐🐠
@fernandoargana5739
@fernandoargana5739 2 года назад
Unang linggo ng karesna wla na mg ssimba pa ksi my demonyo SA simbahan
Далее
Huwebes ng Ika-12 Linggo  sa Karaniwang Panahon
10:57
Просмотров 1,5 тыс.
BARYA NG KATOTOHANAN (Biyernes Santo)
29:31
Просмотров 25 тыс.
GOD THE FARMER
20:44
Просмотров 4,8 тыс.
I LOVE YOU NANAY ... HAPPY MOTHER'S DAY
2:29
Просмотров 3,2 тыс.
ANG REGALO NG PAMILYA (kalawang Simbang Gabi)
20:01
Просмотров 11 тыс.
Tahanan ng Puso
12:53
Просмотров 3,3 тыс.
Fr. Dave Concepcion's Story of Vocation
36:55
Просмотров 87 тыс.
KAPANGYARIHAN NG SALITA
15:53
Просмотров 6 тыс.
Feast of the Holy Family Homily
21:28
Просмотров 25 тыс.