Tanong ko lang po sir, Hyundai Accent po yung sasakyan ko, unang beses ko lang po naranasan yung overheat nito lamang po sa isang long drive. Nung tumaas po yung gauge, tinabi ko at pinahinga tsaka nag fill up ng distilled water. Pagkatapos po nun, naging okay naman na po ang takbo, naibyahe pa siya ng dalawang oras at naka aircon pa. Sa ngayon, dalawang beses palang po nailalabas yung sasakyan and hindi naman po nag ooverheat Ano po ba dapat kong gawin? Kailangan ko na po bang magpalit ng coolant? thermostat? at fan motor? Salamat po