Hello po sa inyo. Depende po ang location ng critical section ng bending o flexural stress ng footing sa sinusuportahan nito. Pero sa column footing, ang critical section ay nasa face of column. Binanggit po ang code reference sa part 1 ng videong ito. Section 413.2.7.1 at tabulated sa Table 413.2.7.1. Ang rebar anchorage (development length) Ld or Ldh taken from the critical section going to the edge of the footing sa limit ng concrete clear covering.
Hello po sa inyo. Hindi po dependent sa laki ng area ng slab para maglagay ng biga. Mayroon pong floor system na ang slab ay directly supported ng poste. Walang biga. Mayroon naman na kailangan ng biga pero walang slab like in the case of roof beam ng mga single-storey house o bungalow. Depende po ito sa chosen floor system configuration selected by the designer. Isang bagay pa. Iko-consider din ang bending behavior ng slab kung one-way or two-way slab. Mas marami ang biga na inilalagay sa one-way kaysa sa two-way slab. Ang recommended thickness ay 100 mm sa one-way at 125 mm naman sa two-way. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.