Paano mag install ng MINI DRIVING LIGHTS gamit lamang ang iisang relay!!! Hope maka tulong mga kaLights... Please support my channel!!! Happy installing... :D #minidrivinglights #minidrivinglightswithsinglerelay
Tama, sa lahat ng vlog na napanood ko ito lng ang pinaka klaro, madaling intindihin, salamat idol nalinawan na talaga ako. Gawin ko n to sa aking motor kc bago lng ako nk bili ng mini driving light, tnx talaga.
Puwede na yun sa terminal relay # 85 may connected wire o jumper wire sa terminal relay #30 na galing sa fuse pero lagyan ng switch (on and off) ang wire after sa fuse meaning protected ang wiring mo, then yun relay terminal # 85 ay sa ground o chassis tapos yun sa relay terminal # 87(N.O) ay maging close contact kung e-switch on o ma-energize a holding coil # 85 & 86 ng terminal relay. Now yun terminal relay #87 na output ay dadaan sa double throw single pole(DTSP)na common wire ng switch( mokoto o domino) na papunta o palabas sa high or low ng light na MDL. Yun bawat MDL mayroon tatlong wire yun isa ay ground o chassis. Halimbawa yun yellow ay high at yun red sa low then yun black ay sa ground o chassis. Ang wire na ground o chassis ay importante dahil yun po ang return wire na maging ganap na complete ckt (circuit) ang system mo.
Maganda ang presentation mo sir di tulad sa marami kong napanood na tutorial. May tanong lang po ako, ang headlight ko ay mayroong sariling relay kung maglalagay ba ako ng mini driving light kailangan parin bang mayroon ding hiwalay na relay, hindi ba pwedeng magkasama sila sa iisang relay. At kung pwede paano nman po ang wire conection? Salamat po sa sagot.
Ang relay ay para lang disconnect switch para hindi ma on ang mini driving light pag hindi naka on ang ignition. Ngunit switch mo naman ang mag handle ng load. Alam naman natin na napakababa lang ng current rating ng mga switch na yan.
Meron namang mga switch na heavy duty sir.. Normally, yung domino switch is nasa 6A - 10A ang rating.. As long as heavy duty switch ang gamit, safe pa rin yung circuit natin.. Tsaka sa typical na 40 watts mini driving lights, nasa 3.33 Amperes lang naman current na kailangan niya..
Kapag naka Off ang ignition mo automatic OFF ang Circuit mo kaya walang dumadaloy na current sa Switch. Ang IGNITION mo ang TRIGGER para mag ACTIVATE ang RELAY mo. Meaning OFF ang CIRUIT pag OFF and IGNITION, vice versa.
Nice video baguhan plang ako. Saan po ilalagay ung 85 at 86? Nd ko masyado gets p Kasi ano po ba ung mas simpleng word saan ilalagay ung 85 at 86 salamat p
Mas safe paps kung tig isang relay ang low beam at high beam para hindi masunog yung switch. Para ang switch ang kalalabasan switch ng relay tapos yung relay ng magiging switch para sa High at low beam
Kung aux light switch gagamitin Hindi masusunog ang switch since positive lamg naman ang naka connect sa switch. Mas maganda rin ang single relay since mas less ang connections, lesser ang chance ng short circuit. P.S. kahit before or after ng relay ang switch, parehas lang 12v ang dadaloy na kuryente. As long as lahat ng wires rated para sa load. Walang problema.
Hello sir! Welcome po sa channel natin.. 😁 Regarding sa question niyo, if ever walang relay na gagamitin, di tayo pwedeng kumuha ng direct line from battery kasi aandar parin yung ilaw natin kapag i-on ang switch. Kaya naman, doon tayo mag tatap sa stock na wiring (galing ignition) which in turn mag cacause ng overload sa ating mga wires kasi naka design lang naman yan para sa stock na load ng ating motor.. 😊
Sa case ng mga accessory lights (LED) , pwede lang na kahit naka tap siya sa stock wiring kasi hindi naman kalakasan yung kailangan niyang power.. Di tulad ng MDL na aabot sa 40 Watts.. Rs po sa inyo sir! God bless..
Optional lang naman yang pag direct ng negative or ground sa Negative Terminal ng Battery mo. Mag kokonsumo kapa ng wire para lang iconnect sa Negative Terminal ng Battery. Pwede naman iconnect mo nalang sa Chassis Ground ng motor mo. Kasi yung Negative Terminal ng Battery mo nayan ay commonly connected sa Chassis Ground. Fyi lng ✌️
@@kalights7739 Actually sir meron na ako nakabit dual horn at halo switch naka steady lang ang ilaw. Pano ko kaya gawing naka ilaw lang pag naka normally open? Yung 86 ko kasi naka tap sa positive ng halo switch tapos naka tap sa positive ng accessory wire
Do you mean Direct sa Battery sir? If naka direct, need mo relay para hindi mo makalimutan na naka off ang lights. Unless merong Aux port yung motor mo, need mo ng Relay at fuse.
Yung ibang tutorial na napanood ko dito, dalawang relay ang ginagamit, hahaha. Sayang lang yung isa eh. Pero the best din yung isang tutorial na napanood ko noong nakaraan na mosfet at resistor ang ginamit niya as relay para ma-disconnect ang connection ng negative line sa MDL.
Boss hindi ba masisira ang switch nyan kc sa switch dumaan ang mataas na ampirahi papuntang mini driving light. Hindi ba ang switch lang ang mag trigger sa relay tapos ang mini driving light sa relay na derectang kumukuha ng mataas na ampirahi?
E kung gagamit ka pala ng heavy duty na switch e bakit ka pa gumamit ng relay na walang function? Wala ka yata idea kung ano at kailan ginagamit ang relay. Sa set-up mong yan walang gamit yung relay mo at masusunog lang ang coil nyan. Biro mo lagi sya naka-on....
Ang Relay is basically an electronic switch. Meaning if naka off ang ignition, hindi dadaloy ang positive current from the battery. Hindi siya required pero if direct from the battery ka, posible na makalimutan mong naka on ang Lights mo especially kung daytime. Kung may dedicated Aux port ang motor mo, no need na relay.
Sa pagkaintndi ko po boss Yung red wire papunta sa acc. wire para mag on lang pag naka susi Yung ignition mo.. at Yung black ay sa negative or ground... Sana maka tulong
Prang ang mali d2 rekta agad ung relay pgon mo ng susian, meaning consumo agad sa baterya lalo nkapatay.. Observe mo sa voltmeter connect at disconnected na circuit na to
May point ka dyan sir! Mag consume ng battery agad ang relay once nag on nang susian kasi ang Ignition yung trigger ng Relay. Kung yung activated circuit ni relay ay d naman naka On or yung MDL ay d naman pinapagana. Not knowingly, nag coconsume kana ng battery. I advise na gumamit ka ng switch On-Off between Ignition and Relay.
Yes paps.. Pero di pa naman naka on yung ilaw kaya okay lang.. At least naka di siya mapapailaw ng mga nang tritrip lang pag naka off motor mo.. Kesa irekta..
Iinit talaga sya at may tendency masunog kasi mali yung wiring set-up nya. Dapat yung switch ay para i-trigger yung relay hindi mismo yung ilaw. Lagi naka-energized yung relay mo e magdamag kaya sya umiinit.
Pwede naka direkta ang isa sa kanila paps pero need pa rin sa accessory line naka connect yung isa para naman hindi mapaandar kung hindi naka on ignition..
@@kevinsargado8762 dapat talaga sir naka connect sa accessory line yung kahit isang linya sir (positive or negative) para hindi bubukas ang ilaw kapag naka off ang ignition. Pwede naman po mag wiring na stock na wire na hindi nababalatan or napuputolan.. Specially sa mga old unit..
Sir tanung lang, ano pinag kaiba halimbawa kung walang relay, tapos nag add ako fog light pero hindi ko kinuha sa accesory line? nag rekta ako ng positive sa battery na nilagyan ko nlng ng fuse at switch gamit ang 18 gauge wire.
Ang pinagkaiba lang nila ay safety feature. Ito refer ka sa baba para sa pinagkaiba nila Fog light mo ay direct to the battery: Advantage - Pwede mo ON kahit naka Off and Motor mo - Madali ang circuit at installation Disadvantage - Maaari mong makalimutan naka On at makonsumo ng labis yung Battery mo Installation of Fog Light with Relay: Advantage - Gagana lang ang Fog Light mo kapag naka On ang susian - May sariling switch ang Fog Light mo, pwedo mong On and Off kahit umaandar ang motor - Safe ang long term life ng Battery mo
85 at 86 direct sa auxiliary line. So automatic on ang relay. Sana hindi ka nlang gumamit ng relay pinadaan mo lang yung positive ng battery ppunta switch. Walang trabaho yung relay, Dumami lang yung wiring totally switch lang din yung nagdala ng load. Na dapat relay ang magbubuhat ng high amper. Mas better na gumamit ng 2relay . Mura lang nman. Safe pa. Opinion lang po. ✌️
Need naman talaga ng separate wiring derekta sa battery para hindi masyadong kargado yung acc wire mo kasi madami ng nakakakonek diyan baka hindi n kaanin ng fuse
sinubukan ko ginawa mo, na di naka kabit sa motor, na off ang mdl after 1 hour ge check ko ang relay at yun, umiinit kung sa tao pa napapagod n kahit wala pang ginagawa, how much more kung naka on n yung mdl sa mahabang oras.
malinaw nmn na sa acc line nakakabit ang 86 85 so off pa rin yan pag off ang susian. syempre on yan pag on ang susian. kung ang 86 85 direct sa battery dun ka mag react 😂
Hindi pwede sir.. Mababalewala lang yung pag wiring mo pag ganon.. Yung purpose kasi is dapat may separate na linya ka from battery para hindi mag overload stock wiring mo..
useless ang relay sa ganitong diagram naka energized na lage..saka masusunog ang plate terminal ng halo switch katagalan sa init dala ng mataas na wattage
Naka energize kapag naka-on lang naman ang motor mo paps.. Yung relay is heavy duty built yan kaya okay lang (pwera nalang yung mumurahin) Hindi naman siguro lalagpas ng 10 hours ang andar ng mga motor natin kahit pa siguro mag enduro ka.. Tsaka yung sa mga switch, hindi naman dumadaan ang current diyan kapag di mo pina andar.. As long as heavy duty gamit mo, at hindi mumurahin, eh kaya yan.. Tingnan nalang natin yung size wires na nasa halo switch tsaka yung sa MDL.. Minsan nga mas malaki pa ang nasa halo switch.. Anyway, salamat sa comment mo paps! At least maliwanagan din ang iba.. 😊 Ps. Walang ibang paraan ng pag install ng MDL na isang relay lang ang gamit maliban dito.. Basta heavy duty lang switch mo, okay yan! Rs!
sabagay ok lang kapag heavy duty yung switch... suggestion lang paps total 2 naman halo switch mo i series connection sana at yung isa pwd mo gawin Hi/low tas yung isa is on/off button at least iisang switch lang pipindutin kapag nag hi/low...😊✌️
@@ekstranghero6310 yes paps, as long as okay yung nabili natin na gamit eh goods yan.. Hehehe Pwedeng pwede din yung suggestion mo paps.. Mas madali nga kung ganon.. Depende nalang sa gusto ng may ari.. 😁 Rs sir! 😊