Good day po sir. Ask ko lang po sana kung need pa po bang magpalit ng mahabang timing chain at manual timing chain tensioner, kapag naglagay ng 3mm stroker pin at long connecting rod(95mm stock vs. 98mm)? At kung need pa po bang magtabas pa sa crankcase? Thanks po sa sagot.
kailangan po talaga ng mahabang timing chain, yung sa akin dinugtungan lang po namin pero mas safety kapag brandnew talaga na mahaba, yung sa amin tabas talaga sa crank case kasi 63 na yun, at tabas ng kaunti sa piston para d tatama sa crankshaft, mas malalim kasi yung hatak ng piston pag nag stroker pin po kayo.
A ok boss. E boss pwede bang gamitin yun stock timing chain tensioner o palit manual timing tensioner na po yun gagamitin? Bale yun set up ko po sa crankshaft ng honda click ko po na naka 59mm, ay 3mm stroker pin at 98mm connecting rod po. Atsaka ilang mm ng base gasket po ang gagamitin ko po sa set up ng crankshaft po na naka 3mm stroker pin at +3mm na connecting rod? Thanks po ulit sa reply.
A ok boss. So yun pong gagamitin sa ganun set up ay manual tensioner? Pwede po bang gamitin yun stock timing tensioner po ng click? At last question na lang po, ilang links po ng timing chain yun gagamitin? Thanks po.
Napakalayo masyado ng top sa block kakalabasan nyan low com dapat kahit papaano mga 1m clearance ng piston yan napakalalim boss bawas kayo gasket sa ilalim