Nung Dec 2020 naghanap hanap ako ng mga magandang kotse pero nauwi din ako sa Mirage G4 GLX CVT dahil tipid daw. After 1 year of usage, dama ko ung tipid sa gas, maganda ang handling ang daling i-turn kasi malaki ang kain at madali i maniobra at mura pa maintenance. Maganda din sa long drive (idrinive ko hanggang Pampanga, Baguio sana if di lang noon restricted ung lugar due to pandemic). Sa speed, gumuguhit din siya sa daan na try ko na itakbo ng 120 sa highway ndi siya hirap at parang nakadikit ung gulong sa kalsada, di mo feel ung parang nagiging papel sa bilis unlike sa iba na nadrive ko. Okay na okay din sa uphill kahit naka normal drive, nasa nag ddrive nalang din kung magaling bumwelo. Usefull ung B mode sa kambyo ginagamit ko sa sobrang matarik na lugar paakyat or pababa, maski sa overtaking kumakambyo ako ng B okay naman siya. Yung preno malakas kahit na ung harap lang ang naka disc brake. Ung aircon malamig laging naninigas sa lamig ung mga sakay ko, maluwag din siya. Practical lang ako kaya ako nag Mirage G4, mura na naka kotse kapa and nice quality na din for its price for me. Sulit buy for me in my opinion.
the best po ang mirage kung daily usage gaya ko po. nakapagdrive na dn ako ng vios. honda city at celerio sa ate at kuya ko nung magkaron na ako ng sarili etong mirage g4 ayos na ayos tipid po sa gas kumpara sa mga ndrive ko, ok n ok po itong mirage g4 3 years n ung sa amin wala pa din sakit ng ulo mag 70k mileage na dahil araw araw tlga gngmit.
Kahit second hand ok talaga pag ipunan ko talaga ito Mitsubishi mirage G4 tipid sa gas kahit secondhand basta Mitsubishi mirage G4 Brand quality talaga maganda ito.
Tingin ko ideal na yun mirage g4 ngayon nag taasan na yung prices ng sedan. Yun mga ibang brand ang top of the line umaabot na ng 1m at 900k pataas para sa base variant. At maganda pa is mas fuel efficient pa sya kesa sa ibang brand. Di mo naman kelangan ng ganun kalakas na power kung malakas kumunso mas ok pa yun average lang pero tipid.
nice facelift ng mirage g4 pero some will prefer parin ang manual version katulad ko na manual lover kasi nakakaantok talaga ang cvt at automatic e drive at saka d tulad ng manual na initial bite pa lng may power agad makaka engine brake pa kapag pa sulong ang daan at pag paahon may power agad sa lower gears
Yan kagandahan sa manual hihi...kaso nga lang sa mga lady driver hirap 😅😅...tipid sa gas lalo manual overdrive ka lang sana 2k rpm 5gear nako nakakamis yung hatchback ko
Ang lamang ng Mirage over its competitors is aside sa fuel efficiency, ay yung promo na low down payment / P0 down payment through the whole year. May mga tao kasi na hindi afford mag down ng P75k++ para makapag avail ng City or ng Almera.
899k 1.2 liter engine,, 3 cylinder, 78 hp.. Better go for vios or city and almera.. Don"t get me wrong.. City cabin pa plng panalo na wc is 888k.. With side air bags..
d best ang g4 500 lang gasolina ko balikan laguna to bulacan swabe di mna need ng fancy car matic lang gamit ko pero mas tipid pa.yan sa manual ksi na try kna rin manual ni g4 300 cavite to bulacan depende kung hataw ka including traffic nanyan im not a fan of mitsubishi ksi civic guy ako pero gasoline wise i choose g4 any day.
Meron ako Honda City RS wala pang 2 months sakin.The best ko inside the city ay 7.5 Km/L. Hindi ko lang alam sa long drive. I think yung 25 km/l ay na achieve lang ng Honda under controlled not real everyday conditions. Hindi pa nga ako naka-abot ng more than 8.2 km/L mixed city at expressway.