Hi ma'am, pwede ba ako kumuha ng prutas sa iyo at ittinda ko rin, need ko po kumita at may mga maintenance ako na iniinom. Salamat po sa reply mo. God bless you 😊
Mam mahigpit ngayon ang travel requirements hanggang April 30. Pangalawa po - hindi po ako producer ng prutas na dapat kausapin sa iniisip niyong negosyo. Salamat po.
Hi mam! Baka po pwede nyo ako matulongan na maka kuha ng supplier galing Mindoro po. Ngttinda din po kasi ako ng prutas sa trabaho pang dagdag kita.baka mas mkamura po ako pag galing po sa Mindoro kesa sa divisoria. Gusto ko nlang kasi po mgtinda ng prutas para maalagaan ko po anak ko. Salamat mam.. New subscriber here
Kung pang sideline lang ang iniisip mo, mahihirapan ka sa uri ng negosyong ito. Cash na kaliwaan ang transaksiyon at makikipag unahan ka pa kung darating na ito sa Divisoria sa madaling araw. Ang mga producers dito ay sa mamamakyaw nakikipag usap. Kung wholesaler ka naman kailangan mo ng sariling truck, malaking kapital, at establisadong bagsakan ng paninda. So, depende sa iyo kung alin dito ang makakayanan mo. Mahigpit ngayon ang pangangalakal lalo na’t may Covid. Maraming sigurista sa mga producers. Cash talaga ang usapan.
Plano ko po bumili ng multicab na pang sampuan after ko mgpa opera pra po sa fruit business ko po pra madami ako babagsakan.. Sana po matuloy ako plano ko po pra tlga maalagaan ko na ank ko
Kailangan maging fulltime ka sa negosyong ito at siguradong bagsakan. Siguro mas maiging makapag arkila ka ng sasakyan at pag aralan mo maigi ang travel restrictions.