Meteor Garden ang teleserye na nagbukas para sa mga FIlipino ng mga tinatawag na Asianovela.
Naaalala ko kung gaano nabaliw ang mga PIlipino kina Shan Cai at Dao Ming Ze noon. Pag uwian na kumakaripas na ng takbo ang mga tao dahil alanganin na 5:30 ang ere nito sa ABS-CBN.
Nakaka-miss ito lalo na yung mga kanta ng F4 ,a Oh baby baby baby at Meteor Rain. Tinagalog pa nga noon ang opening nito. Ganun siya ka-sikat.
Ewan ko ba kung bakit di ginawan ng Pinoy Adaptation. Pero nakaka-miss. at totoong iba ang impact sa amin nito.
Naaalala ko bwisit na bwisit kami nung binugbog si Dao Ming Zi, pero dahil dun mas nailove sa kanya si Shan Cai. SI HUa Ze Lei din ang bias wrecker na humahati sa fanbase ng Meteor Garden hahaha.
Ikaw ba, naaalala mo pa ba ang Meteor Garden?
Sali ka na sa #TeamThirdie. Subscribe na! bit.ly/ClaroTheThird
TWITTER - / clarothethird
INSTAGRAM - / clarothethird
FACEBOOK - TeamThirdie
26 июл 2022