Hi po ate Tin. Naguluhan ako dun sa DTI scope which is National? sa mga nababasa at napapanood ko po kasi ang sabi pwede magregister sa BMBE ang mga online sellers which is under lang po ng barangay if ever na isa lang naman ang address mo. for example sa bahay lang naman po ako nag oonline selling.
Phirap to new policy ng shopee dpat selected lng nila un mga mlalaki tlg kita un dpat pg partime lng nmn maliit un shop sna nmn wag n irequire kumuha .
isang security improvement din ito... madaling makita o mahanap ang fake product sellers... beneficial sa buyers... tsaka magkano lang naman ang requirements... sa lugar nga namin kahit sari sari store may BIR... nsa poor management of business na lang kung talagang di ka kikita...
Kaya nga po kagaya ko yung mga used items lang naman binebenta ko gusto ko lang ma disposed sa bahay, tapos biro mo para mkpag benta ako sa shoppee kailangan kumuha pa ako ng BIR, sana may exemption sa mga maliit ang kita.
Lagi huli po ang BIR. Depende kasi po sa municipality. Usually ang pagkakasunod sunod po are: 1. DTI - online registration 2. Barangay Business Clearance - depende po sa municipality, meron iba pinapa-skip na to pero ung iba pinapakuha parin para sa mayors permit 3. Mayor's Permit - 4. BIR - di ka po makakakuha ng BIR if wala ang DTI at ung business permit
Pwde po kumuha ng BIR kahit walang Mayors permit . Kng online seller ka. Cguro kng ibang line of business yes tlgang hanapan ka ng Bir ng Mayors permit .. gnyan po exp ko dto sa RDO sn fernando pamp
Ang hirap. Nagbebenta lang ako ng mga stuff na di ko ginagamit. Gusto ko lang mas maraming market and para pwede cod option kaya gumawa ng shopee. Ang hirap talaga sa pinas.
I recently got my COR, no need mayors permit, only DTI and TIN ID. ang catch d2 ay if you close your business BIR rules, you must have a Mayors permit closure certification before you close your business, if you have a physical store i think, in our part wala tayong physical store nasa bahay lang paninda natin, but you must ask your BIR rdo branch about online seller in our rdo they do not need Mayor's permit for online sellers in closing your business, i have ask our RDO branch about IRR for online sellers they said they are working on it, but i dont know when it will be release.
Hassle wala akong pera for the paperworks. Dapat naging considerate sila, may range sana king magkano kinikita or number of buyers per month. Kse sellers like me na halos wala pang benta. Wala ding pera. Anyway I will go vacay mode nlg or better yet sell on my personal profile, or garahe Ng Bahay. Thanks tin for this informative video.
This law curtails the entrepreneurial spirit of Filipinios. BIR Gusto nyo lang naman makaka share sa kita namin bat nyo pa pinapahirapan ng todo mga Pilipino. Karamihan nagtitinda sa shopee mga nagsisideline lang na mga estudyante, housewives, people who cant leave the house because love one who are sick or other of personal things. Kaltasan nyo na diretso sa App yung share na gusto nyo, wag nyo na pakunin ng ano anong documents mga tao. Less hassle, mas klaro at less prone sa corruption. 2024 na paperworks pa rin yung banatan anak ng kalabaw.
Hi guys question how do we get the FDA registration number for supplements and skincare or do we have to go to the FDA office to register each item? Please advise.
kelan nyo po inistart irecord yung sales nyo po, anung date po una nyong inirecord? kasi 2021 pa po ako seller sa lazada pero nitong april 5 lang po ako nakaregister sa BIR, anung date po istart kong irecord?
Bago lang po ako sa shopee at dalawa lang benta ko in 6 months. Sana na man may exceptions sa mga mababa ang monthly sales or small online business owners. Sad.
Naiistress na nga din ako mi, kasi d na ako makapag product listing sa shopee. Nanghihingi na sila ng business information. Mahal tuloy ng sf ng mga buyers ko dahil sa regular J&T courier ako ngayon nagpapa ship. Small online seller lang ako and still starting. Tapos pagbabayarin pa tayo ng Tax😢
same po tayo ma'am :( malaking impact yung nawala yung access ko makapag checkout thru shopee namamahalan na tuloy mga buyers ko dahil shipping palang matatalo na sila :(
hi maam, sa j&t express ka app papadala? yung sf & item value ba nilalagay mo dun sa value sa app? or value lang sa item? tapos pinababayad mo ba muna yung buyer sa sf & item? before e ship out?
nakaka sad talaga,tulad ko na lazada seller,wala ako sa pinas online lang ako nag re register sa DTI at BIR.palaki na ng palaki commision ni lazada at shopee
Waiting for your next vid Mam Tins. Thank you po sa video upload nyo na to. Tanong ko lang, kapag po ba narestrict na yung shop, pwede pa.kayang bumalik if ever ready na ko magbenta ulit?
I think pede kse it will be invisible lang nmn Yung products mo or store pero you can still operate inside it. Also still be able to buy items on your separate personal profile JMO
kung hindi po ba mkasubmit ng COR at restricted na? wala po ba akong pending na bayarin?? kasi, yung account ko ginawa ko lang yun months ago pero di ko talaga sya naman nagagamit wala nmn akong product..at wala na dn ako time
Hello ma'am tins, I already sumbit my requirements to Bir Online, how do I know na approved na ako since wla pa akong email natanggap from them. Please pasagot. Thank you
Hello, ask ko lang po if kailangan po ba National yung babayaran, student pa lang po ako pero i don’t know kung okay lang ba kahit barangay which is mura lang, ano po ba mas okay or sulit dyan?
ahaha total mam mag kano na gastos mo para naka kuha ng BIR certificate ? sideline ko lang yung shopee kumikita lang magkano sympre hindi ganun ka benta ang product ko pa minsa minsan lang meron bumibili, sana yung kumikita ng 10k above na lagyan ng permit
Nkakalunkot isip sa mga bago sa shopee katulad ko na housewife na nag start mag negosyo pra pangdagdag sa gastusin sa bahay maliit lng ung puhunan ko at wala pang maxadong bumibili 😢 saan aq kukuha ng pera pra kpag apply ng BUSINESS PERMIT AT BIR.
Hello po. Familiar ka po ba maam sa tiktok affiliate? My friend is a tiktok affiliate last year lang but since then, she has never gained sales and already stopped promoting. Gusto n niyang idelete po yung seller acct niya at hindi na kukuha ng cor , dti etc na need ni BIR before April 15 Pwedee po ba iyon?
Youre back miss Tin. Miss ko mga vlog mo regarding sa shopee maam Tin. Masakit po tlga ang tax, bukod sa Bir may Mayors permit pa na itatax ka based din sa gross sales mo. Tapos shopee fees pa na pataas ng o Pataas, kawawa tlga yung mga new seller. Hindi ito Unfair sa mga nagsisimula plang nakaka Discourage tlga. Kahit saan mo tignan anggulo malala yung taxes..😢😢
Okay lang sana Kahit Bir lang kaso kailangan pa daw ng Business account sa Banko para dun mapupunta Yung Payment. Hindi na pwede Savings account, Anti Poor talaga ang pinas...
Online business na nga lng may ganito pa,..hindi nman everyday ang kitaan sa online market like shopee and lazada tpos may babayaran ka sa BIR na revenue at taxes,..kaloka..sideline sideline nga lng ung pag oonline selling mo..ung iba reseller pa..nagpapatong lng para tumubo,..tpos ung may mga babayaran pa at grabe ung proseso..wala nman problema sa registration,..kasi mas magnda nga yun ang problema ung proseso,..tpos mga hinihingi requirements bukod pa sa babayaran,..kala mo nman bigtime business ung online shop 🤣🤣🤣
Hello po Ate tin! ☺️ Na miss ko po manood ng video niyo po❤️ Ang hirap po para sa amin na maliit lang kita sa shopee at madalas walang benta sa shopee 😅 tingin ko tama po yung sa ibang paraan na lang po magbenta lalo na po sa konti lang kita like me. 💔
Aq nga bka ndi nq magccomply, mnsan wla nmn aqng benta kya ok lng skin kz extra income lng, S dmi ng klban mu s online selling, ibbenta q nlng s labas ang item q ng palugi pra mkblik lng phunan q, ndi mktarungan,
I experienced it before..Ang advise ko sa mga small business wag na lang po kayo magparegister kasi mas pahirap ang mga requirements and kapag hindi mo macomply ang bir on time mas malaki po penalty... Before ,Hindi ko nacomplete ang pagclosed sa bir ng business ko kahit sila ang may kasalanan dahil sabi nila tatawagan na lang after makuha nila ang book of accounts...so naging busy ako sa work kaya hindi rin ako nakabalik .. Ayun Nung nagpa titulo ako ng bahay naungkat ang business ko need ipaclosed yung business with certificate nila .. So I paid 30,000 for the penalty.. It's sad pero need to comply kasi dahil mas mahalaga ang titulo 😢
sana lang yung penalty rules nila ay baguhin... ease of business ang kelangn ng pinas hindi takot magkuha ng BIR... dapat sa kanila may mailing system na funtional... kung 1 year na di makapagrenew ay ipapasara ng business o may visitation... kung thriving o sarado na... dapat kasali sa trabaho nila yun... para silang nanggigipt sa ganyang policy... nalugi ka na tapos may penalty ka pa? kawawa naman si juan
Maam sana po magkaroon ng tutorial for shopee sellers on how to do bookkeeping specifically Ledger, Journal and Columnar po sa mga Non-Vat at kung paano po ba pinapasa sa BIR kung kailan po dapat mga ganon po sana. salamat po
Shopee selling shop signing off... kalungkot iyong konting kita mapupunta lang sa mga ganyan. Wala pang 10k kita ko in a year dapat exempted na kaming low income sellers...
Correct, akala siguro ni BIR na puro big time sellers/shops ang ngbebenta sa shopee. Barya nga lang ang profit.. imagine mag iissue ka ng Sales Invoice for a 5php or 10php purchase..kalokohan.. ang mahal pa ng per stub receipt prang 3php per receipt. Ano nalng matira sayo.. sa shopee minimum amount 5php, 2php lang makuha mo after the fees ni shopee. Then mas mahal pa yung resibo 3php. Di pa kasama ang pouch, waybill sticker, tape, bubble wraps and the time mo for nothing..
Hello ate Tin sana masagot nyo po Ask ko lang po diba po may exemption yung mga seller na below 500,000 kinikita? nabasa ko po sa shopee pwede mag submit non how po 'yon? or pano po makuha or maipasa yun, kasi ako for checkout lang po talaga yung sakin eh🥺
Hi po ate Tin. Naguluhan ako dun sa DTI scope which is National? sa mga nababasa at napapanood ko po kasi ang sabi pwede magregister sa BMBE ang mga online sellers which is under lang po ng barangay if ever na isa lang naman ang address mo. for example sa bahay lang naman po ako nag oonline selling.
Mabilis mag market sa mga social media platforms pero mahal ang magiging shipping fee, ma didiscourage mga buyers 😢less benta.. ang hirap sa mga nag tatry palang or bago lang nag sisimula. 😥
Yung requirements lang pag me Mayor's Permit pa and DTI. Inquire muna kami sa BIR, sana wala na. Pag registered ka naman sa BIR tapos bigla close na business mo, punta ka pa sa munisipyo bayad ka pa rin for closing naman. Baka close ko na rin Shopee store ko...maganda lang kasi talaga ang me platform eh.
Hello po ma'am. ..ask ko lang hindi po makakasuhan or magbabayad kana ng malaking halaga pag hindi mo nacomply mga requirements ni BIR. .almost 2weeks palang ako nagstart. ..nangangapa pako sa shopee online selling. .. .Salamat po.
ndi rin basta basta kukuha ng DTI dpat alam mo din kung anu ang pwede sa ndi pwede my mga business name kasi na pumapasok sa system pero bawal pla at pwede mapostAudit
Maam silent viewer nyu po ako may shop po ako,nkaBIR ngstart ng 2022 tapos ngstart ako sa shopee last nov 2023 lng,yun na rin ba ang gamitin ko?same lng ba?
Hello po! Currently selling on shopee po. Bago lang din po ako, since required na mag register sa BIR nag apply po ako. Kaso hanggang ngayon hindi pa din ako nakakatanggap nalg confirmation from BIR na na tanggap nila ang application ko.