Ang Our Lady of Lourdes Grotto Shrine na matatagpuan sa Graceville, San Jose del Monte ay ang kilalang replika ng Rosary Basilica ng Lourdes, France. Isa ito sa mga pinakabinibisitang dambana sa panahon ng Kuwaresma sa kabila ng pagiging isang pribadong pag-aari.
Itinayo ng pamilya Guanzon at pinasinayaan noong Pebrero 11, 1965, ito ay naging simbolo ng kanilang pasasalamat sa mahimalang paggaling mula sa kanser ni Anita Guidote-Guanzon na asawa ni Horacio Guanzon pagkatapos ng kanilang pilgrimage sa Lourdes, France noong 1961.
Itinatampok ng Shrine ang Calvary Hill na may mga life-size na estatwa na nagpapakita ng 14 Stations of the Cross, at ang Rosary Hill na may 155 malalaking konkretong kuwintas. Ngunit ang pinakamaganda sa lahat, ay ang maliit na spring-hosed na tubig na umaagos sa ilalim ng rebulto ng Our Lady of Lourdes na sinasabing milagroso.
17 сен 2024