Hello bakit po pla nagtatagal yung pagkuha ng OEC? May consultant po ako.. 1 month n po nakalilipas after kong pirmahan yung addendum na ipapasa sa MWO sa vancouver.
Sir my kakilala ako hndi na dumaan sa poea ang ginawa nila nag stop over sila or nag tourist sila sa ibang bansa na free visa country at duon na sila nanggagaling papuntang Canada.TFW entry po.. pwde kaya yon.?
Hello sir,pwede naman po yung kung makakalusot ka sa immigration, at kung madami ka pong budget habang nag stay ka sa bansang yun,at isa pa kapag passport mo is may Visa na nakalagay for canada..sempre questionable kana sa immigration, maraming pwede mangyari sir.mas maganda may OEC ka bago umalis..isa pa kapag umuwi ka ng pinas mas madali mag travel pag may OEC ka..unlike pag wla
Hello po sir baka pwede nyo po ako matulungan as of now po working ako sa Israel, ngayon po waiting ako going to Canada po ang balak ko po kasi bago mag punta po ng Canada uwi muna po ako ng Pinas. Palagay nyo po ba sir pwede ako makakuha ng OEC dito sa Israel going to cad po? Para hindi na po ako kumuha sa Pinas po. Salamat po sa pag sagot.
Sir,need pa kumuha ng pag-ibig for what yon? ... Pwede sa Davao City ito e process yong mga requirements: OWWA -PDOS ..? Pasinsiya na SELF DO IT din ako...inaral q lang din lahat.
Boss ask ko lng pano pag Yung work ko sa Canada is labor pero dito sa pinas as a nurse.. ok lng poh b Yun sa poea for oec Kung authenticity lng Yung pinaguuspan. Thanks
Hi sir. Salamat sa info. May tanong lang po ako. Direct hire rin po ako ng dati kong manager sa mcdo, nag tayo sya ng bottle depo tapos kinuha nya ako as supervisor. Tapos na ko sa medical,actually naka 2 medical ako kasi 2020 pa yung application ko eh nag pandemic so nag passed nako ulet sa medical last Sept 22. Siguro PPR naman sunod. Ngayon ang mga isipin ko eh yang OEC na yan at polo. Parang napaka daming kailangan pang gawin. Saan po ba kabilang na polo ang alberta sa fortmc Murray ako. Salamat sa tugon sir.
Sir, need pa ba medical clearance sa OEC ? Naka pag pa medical na po kasi sa IOM during visa application e wala naman pong certificate pero passed naman po.
@@maikerusan4169 sir one question p po. s verification process ng contract s polo, yung employment contract, addendum to the employment contract tska yung mga iba p doxs dpat po b original signature dn s employee not scan? o s employer lng yung dpat original yung signature. TIA po godbless.
Hi Sir. ask ko lang po ano yung TRV? yan din po kasi question ko kung need po ba ipa apostille/authenticated ng diploma/tor sa dfa.. waiting na lang pokasi ako sa POLO ko.. thanks po..
May employer na po ko from Canada, flight ko na po sa October 4 unfortunately wala pa po yung VERFIED CONTRACT ko, nasa POLO pa di po sa Vancouver. Makakakuha po ba ako ng OEC here sa Philippines?
Mali po yang ginagawa nyo, hindi kayo makakalabas once na wala yung OEC...dapat inanantay po muna yung verified documents from polo, then need nyo pang kumuha ng oec sa POEA, once na may OEC na saka sana kayo nqg book ng ticket masayang lang yang ticket nyo..kasi it takes time kumuha ng OEC ngayon..then pagkagaling ng POLO going to Phil. It takes 1 to 2 weeks darating yung documents same din sa POEA 2 weeks to 1 month ang verification to get an OEC.
Mali po yun..dapat antayin yung polo verification, saka hindi po sapat ang polo lqng need mo ng OEC galing POEA, may babayaran pa don nasa 6,700 peso. Then insurance 2,500.. dapat inantay nyo po.
Hindi po ba pwedeng pumunta ko ng POEA dito sa Philippines para mapabilis? Kasi kung aantayin ko pa po yung sa POLO sa Canada baka icancel na po yung contract ko
Question lng Po, may nabalitaan Po b kayo na nag apply from Japan to Canada? Puede kaya na dito sa japan mg apply, mgprocess ng mga papers? Thank you Po
Hi Sir sa ibang video na nakikita ko 1 to 2 months daw po bago makakuha ng OEC after maapprove sa POLO, Hinehelp ko kasi kapatid ko na magwork dito sa canada, approve na po visa nya. After maapprove ng POLO ilang days po talaga or weeks bago makakuha ng OEC, Thanks po in advance
Good day Sir, ask ko lang, base sa experiences niyo po, nagpamedical ka po ba sa pagkuha ng OEC except sa medical mo sa application mo sa IRCC? Nakita ko kasi sa lists ng requirements sa POEA para sa mga direct hire na need ng medical exam.
@@maikerusan4169 sir seasonal ung sa beekeeping po. Medyo may kataasan po sinisingil na 50k ng agency. Ang tanong po employer e bakit sa kanya na lmia and aayusin nya yung needed from polo. And besides approved na visa if ever. Dun na po kasi sa part ng OEC sir
ah oky po ser baka pwding malalaman kong anong uras yan d2 sa pilipinas ung 4pm ng hapon dyan my intervie ako sa employer ko fr toronto canada nov 17 2020 4pm ng hapon anong uras d2 sa pinas
Pwede naman tlga DIY if direct hire ka..then kausapin mo employer mo kung anong bansa ka... dapat Verified yung contract mo or other documents ng POLO para makakuha ka ng OEC,important documents yung ma verified muna...kasi pag mag agency ka or ng deal ka sa agency..nasa 30k yan OEC lang...
@@maikerusan4169 @Lester Dialola Sir may tanong lang ako, Bound to Canada din po ako. Nag pa medical na din po ako sa IOM as requirement sa visa. Ang tanong ko po Sir, sa pag kuha po ng OEC, nirerequire pa po ba ulit mag pamedical? Ano pong hinanap sa inyo dati.? Thanks po
No need to provide na yung medical sa pagkuha ng OEC kasi alam nila naman kasi na yung hospital hindi nila bibigay sa patients yung result direr sa IRCC send yun
Sir tanong lang po nung nag pasa kaba sa poea as direct hire ng mga school credentials mo need pa ba ipa red ribbon or kahit hindi na po. Salamat sa sagot.
sir sakin po my working visa na po at LMIA. ang problema ko ung employer ko po ayaw na ako ikuha ng verified contract galing polo sa canada. kaya hindi ako makakuha o. e. c. kaya hindi din po ako makapunta jan.. ano po ba ang pinaka magandang gawin. maraming salamat po
un nga po ang hindi ko alam ang gusto nila mag crosscountry kame para lang makapag trabaho sa kanya.. ee un nalang ang kulang ung verified contract ko sa polo at para makakuha ako o. e. c at makapag PDOS.. sa british columbia po sana. sayang kasi ung visa ko
@@alvinglodocesa6968 I suggest po ikaw na lang ang gumawa ng mga list ng documentary requirements, then scan mo lahat then send mo sa employer mo, para isasign na lang nya yung mga documents mo. Medyo marami kasi yung documents na kailangan ng employer mo para isend sa POLO dito kaya siguro tinatamad na sya gawin, another option is lumapit ka sa agency jan sa pinas to help you process the POLO, mercan canada po try niyo, but I think need niyo magbayad ng around 5k, not sure sa amount
@@maikerusan4169 hi sir..update ko lng po..meron na po ako visa ..waiting po ako schedule ko sa pdos..ask ko lang po.meron po ba mga babayaran nian sa pdos at oec?salamat po and godbless
Gandang araw Sir, ask ko lang po, mga ilang weeks kaya ang passport request sa ircc.last Feb 23 pa kasi akong natapos sa biometrics ko pero til now wala pang update eh? At paano ko po e verify and contract ko from POLO para makakuha ako nang DPOS for my OEC. Salamat
hello po, dahil not applicable naman for caregiver ung mga list ng document kahit hindi na po kukuha ng POLO and diretso OEC na? Ano naman po mga requirements po dun para sa mga caregiver? Pls notice po, first time lang po magapply. Thank you.@@maikerusan4169
Student to work visa po ang status ko. Pano po pag nasa Japan na po mismo tas need po ng OEC para pag nagbakasyon po sa pilipinas makabalik po sa Japan. Need lang po ba verification ng contract tas usual process po? Kasi nung tumawag po ako sa POLO for accreditation daw po ng company need nila and gusto daw po nila company ang kausap kaya wala po ako idea ano po dapat gawin 😭
Pd po b phelp pnu mkapunta jn..at anu mga available na work pra sa katulad ko po babae...dto p po kc me sa riyadh now gusto ko po sana makpgwork dn jn.. thanks po🙏😇
Ah now po household worker ako...pro nais ko po nmn maexperince ANG ibang klase Ng work....like cleaners SA hotel,sa MGA factory at iba p po na babagay SA akin kakayanan..salamat po
Yung PDOS po during na pag punta nyo sa POEA yung schedule, but dpat maaga po kayo pumunta..kasi start ng 8 or 9am ang PDOS,tatanumgin kayo ng gard don kung ano yung purposes ng punta nyo...bago kayo papasok.but make sure dala po lahat ng requirements if ever na direct hire
@@maikerusan4169 ok sir Pag Peos po?di pa po ba sure ang release ng visa nian?sabi kc ng agency ko dto pinas.waiting erelease visa tapos pdos na.thank u and advance po godbless
Salamat po lagi sa reply.. Tapos palang po ako sa PEOS.sabi po waiting po release visa then pdos to owwa na po?MERCAN agency po my hawak sakin. Ilang months po release ng visa sir?
Pero mas maganda pa sigoro mag japan ako caregiver bago ako managahas sa canada for more experience,sigoro ilang taon kana sir noong nag apply sa canada
@@maikerusan4169 ahhh,ganon po ba,salamat sir,sa info. More informative videos po,bat kunti lang videos mo nong sa japan kapa? Hindi mo pa napasa ang language test sa Japan or choice mo talaga mag Canada?
Sir sabi ng polo need daw na dumaan sa agency kc hindi daw abot ng salary namin ang median wage para sa NOC namin, tas un agency ang bayad ay 1 month mo na sahod sa canada?? totoo po ba un?
Question lang po. May work permit and PR application po ako sa canada. I applied single. May VISA na po ako at anytime ay pwde na umalis. However, I’m planning to get married here in the Philippines before my flight, will there any problem po with my PR application? Thank you po in advance
If under ng LMIA yung work permit mo, need mo ng POLO verification. At OEC bago ka makaalis dyan. Hindi sapat ang visa...at regarding sa PR application hindi nman issue if you get married, kasi dika pa naman permanent application palang un..but once na ma padalhan ka ng invitation to apply once nag submit ng documents need mo baguhin status mo.
Hi sir, derictly hired po ako ng employer ko sa Canada then pinaprocess na Rin po NG travel agencies ko sa Canada Ang application ko but need ko daw mag bayad NG processing fee 135.52 Canadian dollar para daw maiprocess nila Doon sa. Canada Ang application ng visa ko..ako po ba tlaga Ang magbabayad sir?
Hindi po ganun, wla pong bayad ang visa process, yung may bayad ay ang application ng work permit,then kapag na approved ka..don kapo magkakaron ng visa
Hindi sila tumatangap mg walk in ngayon. Thru online ang submission kung may account kana sa e registration don mo submit lahat ng file..phase 1 at phase 2
Hello Sir direct hired po ako need ko papo ba mag undergo ng ganitong process? For medical napo kasi ako and ngayon ko lang nalaman na need pa pala ng ganito
Both kayo ng employer mo dapat may communication sa polo dito sa canada...para maasikaso ng maayos...dapat mag message kadin sa page ng polo sa facebook..if saan ka banda Vancouver area or Toronto area.
Hello..if dumating na yung papers mo from POLO you can go to POEA ang get your OEC because your employer is already verified, submit all the documents at POEA and start your process.
Sir ask ko lng po ung sa poea na requirements na medical pwd naba ung medical sa st.lukes nung ngpavisa aq un nrin ba ung ipapasa q sa poea kkunin q lng ung result nun or mgpapamedical aq ulit pra sa poea?
Wla pong require na medical sa POEA..pag canada kapo alam nila na st.lukes napo mag submit nun sa canada. Kaya no need to provide napo yun when you are going to POEA to get an OEC
Sir paano ka po nkapg appointment ng PDOS thru online? Ano pong link nila pra po pag punta ko sa poea tulad po ng sbe mo pra kompleto nq pgdting dun at maivaluate na nila agad ang papel ko...slmat po sir sa pgsagot
Thank u po sir...as of now not available ung page bka po kc sa ristriction dhl sa pandemic...i gonna try nlng in other time...thank u so much po godbless and keep safe po...
@@markjeffersondeguzman5933 Ganun talaga sir..depende din kapag marami naka line up for authentication, but mostly 2 weeks lang ok na yan..isa pa may pandemic ngayon..kaya it takes time po.
Hello po...depende po yan sa mga ka lineup na papel for verification, usually it takes 2 weeks kapag complete po lahat ng requirements mo...please like their facebook page Polo Vancouver, para po makapag update kayo.
Hello po sir bale naisubmitted na po ng friend ko noon March 13,2020 tpos actual narecieve naman noon March 16,2020 doon sa polo vancouver ng documents ko Until now wala pang resulta ng papers ko for verification and anu ung Facebook pages ng polo vancouver sir?
@@josephbelong5300 Hello...kasi close yung mga offices dito gawa ng Covid19,diko lang sure if open yung polo...pero much better kung update nyo sila..ito name ng page nila, Polo Overseas Labor Office Vancouver, malapit na yan..kunting tyga lang..mostly it takes 1 months din..kaso gawa nga ng virus kaya siguro delay.
Yes...yun naman po talaga mas maganda sa pinas ka kukuha kasi mahirap na asikasuhin ng employer mo yung insurance, at make sure na cover ng insurance mo yung repatriation or mortal remains.
Hi sir. ask ko lang if paano kung diko parin nakukuha diploma ko sa college until now after ko grumaduate kasi may balance pa ako eh pero graduate na ako so ano need ko kunin or supporting documents ng school ko nung college para payagan ako makakuha ng OEC?
@@maikerusan4169 mali pala tanong ko sir sorry hahaha ECA pala dapat yun hindi OEC kasi nag-aasikaso ako ngayon ng direct hire para sa akin papunta canada din eh pero nalaman ko na need din pala talaga yung Credential assesment kaso diko pa nakukuha diploma ko sayang graduate pa naman ako ng 4yrs course/marketing. Diko pa kasi mababayaran yung balance ko dun kasi nanghihinayang ako edi pang dagdag ko nalang sa requirements ko pag apply sa canada.
@@jaysonfgivero ok lang yan..kahit dimo makuha diploma mo...present no nlng yung highschool diploma mo..kasi kahit graduate ka college pagdating dito...dina tatangapin yan...need mo mag aral ulit..but if yung skill mo is iba naman dyan sa trabaho kung saan ka na hire...kahit highschool diploma ok na yun...
@@maikerusan4169 wala na sana ako plano mag-aral ulit kung sakali sir haha bale Work Permit lang sana iapply ko kasi dipa ako sigurado sa pagkuha ng PR eh isure ko muna kung talagang handa na ba akong ipagpalit yung pagtira sa pinas sa pagtira sa canada😅. Ttry ko sana magwork kahit mga 2-3yrs tapos dun ako magdedecide kung magmigrate na ako sa canada o hindi.
Pwede bang mag direct hired sken ang 1st cousin ko galing s pinas?cya ang mgiging employer ko as nanny ng anak nya tga ontario mississuga cya.thank you po.
Hello po..yes po pwede po yun...yun po ang mas madaling process...yung relatives mo yung magiging employer mo...,submit lang po sila ng LMIA application.
Same po tayo,nabuhayan ako jan hehe. Pero sabi nila kelangan mo na ma qualified ng Employer mo if kaya nila kumuha ng nanny ganun. Think positive lang tayo. Keep safe! God bless us 💓
If direct hire kapo make sure na hawak mo na visa mo...then sabihin mo sa employer mo po na ipa verified sa Polo UK yung mga documents mo.. gaya ng nakalagay dyan sa video..click nyo po yung link na nakalgay sa description, need nyo po muna mapa verified lahat ng document's bago po kayo maka kuha ng OEC....panoorin nyo po yung video ng buo para ma intindihan nyo po.Good luck.
Hi po. Ask ko lang, inadvice po kasi ako na POLO verification and POEA Clearance nalang ang need ko po. After po ba nun, good to go na po ako sa canada? and gano po katagal ang processing ng polo at poea?
Hello,on that day after mo mag PDOS pwede kana bumalik sa windows kung saan lalabas yung number na hawak mo galing sa Guard, then pag complete na lahat ng requirements mo proceed to payment of OEC, aadvice ka naman ng staff dyan at makukuha mo na po agad if direct hire process ka.
Hello Required po talaga ang insurance once you get OEC at POEA,at para din po sa atin yun..kasi pagdating natin sa bansa na pupuntahan natin.wla la tayong insurance agad so need po talaga yun...you can get your insurance at paramount insurance company...near dyan sa POEA,kahit valid for 1 year lang ok na yun,acceptable na sa POEA yun..cost of 1,800 I think just inquire nalang po sa office nila.
@@nerwacvlogcanada7283 your welcome po...just stay connected if you have any questions, and please dont forget to subscribe.Thank you..keep safe always
Hi po im new po sa Chanel nyo.. I just wana ask po about sa case ko direct hired din ako from Philippines. But currently im struggling on how to do process here in Philippines.. I hope to know more information about direct hire
Hello..wla ng ban ang direct hire ngayon...pwede ka kumuha ng OEC..but need mo muna pa verify lahat ng documents mo sa.polo dito sa Canada..yung mga documents na galing sa company...
Hello,Kapag direct hire ka ikaw kukuha ng OEC mo..pero if may agency ka..sila mag aasikaso nun, but you need get verified by POlO kung saan ka pupuntang bansa...yung mga contract mo at iba pang documents.
@@maikerusan4169 I mean po wala akong job offer pupunta lng ba ako ng poea at kukuha ng oec tapos si poea na ba ang magbibigay ng job offer para sa akin wla pa kasi akong employer eh
Yung OEC ko it cost 6,700 plus I think...about naman sa Polo verification company ko na ngbayad...24 CAD lang nman po yun...then sila nadin nag pay sa DHL para sa pagpapadala papunta dyan sa pinas ng mga verified documents na papasa mo sa PoEA
Hi sir new subscriber po. mag aapply din po kasi ng direct hire, ask ko lang po: Kung sakaling makakuha ako ng employer tas ngayon kasalukuyang nagwowork dito sa Dubai kapag may job offer nako kelan ako mag resign sa work at kailangan ba umuwi ako ng pinas para kumuha ng oec? Or dito mismo sa dubai ako kukuha ng oec? Salamat po
Hello, no need kana kumuha ng OEC..mag cross country ka nlng..need mo lang ng OEC pag galing ka ng pinas...saka kapo mag resign kapag may visa kana...sure na yun...Good luck po.
@@maikerusan4169 ibig sabihin mag cross country ako pupunta ako ng ibang bansa kapag kompleto na lahat may working visa na bali kailangan ko mag exit mula dito sa dubai papunta sa ibang bansa basta huwag lang sa pinas sir yun ba ibig sabihin ng cross country sir? Sobrang thank you sa channel nyo at lalo na po sa reply nyo sobrang malaking tulong po sir..
Yes po..if nag apply ka from Dubai..wag kana umuwi ng pinas para hindi po maging conflict, them when you got your visa ska kapo mag resigned sa work mo dyan.
@@maikerusan4169 ok sir sobrang thank you at sobrang linaw ng sagot nyo po. Napakalaking tulong po sakin at sa mga naghahangad na pumunta jan sa Canada ng direct hire. Salamat ulit sir ng madami