Dapat cut mo lang ung green wire series mo lng dun then tie mo ung fuse dikit mo sa copper hindi sa ibabaw ng wire, thermal fuse yan kapag nag overheat ung fan mag blow yan di masusunog ung motor
Thank you idol.. marami akong pinanood ng pagkakabit ng thermal fuse.. pero ikaw yung napaka detalyado kung paano at saan idudugtong...mabuhay ka idol...
ang dami ko natutunan sayo sayo sir.. lagi ko na inaabangan mga apload mo , dahil dyan lahat ng ads lumalabas sa video pinapanood ko at tinatapos ko lahat.. ng video mo.. more blessing sir god bless your family..
ikaw yung pinaka best sa pag linya ng thermal fuse ng electric fan lods detalyado bawat step madali natutunan mag tap pwede na ganyan sa lahat ng electric fan na walang thermal fuse
Salamat idol napakadanda Ang iyong paliwanag step by step maintindihan ko lahat Ng vlog mo ay lagi Kong sinosobaybayan sulit. God bless more power mabuhay.😄😄😄
Sir pwd nmn cguro yung common lang yung e cut.tapos paa nung fuse connect sa pinutolan sa bandang motor,connect uli yung common sa isang paa nung fuse .
Dalawa po paa ng thermal fuse... Yung isang paa ang kasama line ng capacitor at end wire ng winding At yung isang paa nman po sa common Kung san po kayo mapapadali mas ok po yun sir..salamat po
Magandang araw idol lagi akong nakaabang sa mga bago mong upload na video.. Ask ko lang idol magkano ba nabibili ang mga bagong rewind na motor? Balak ko mag DIY sa isang electric fan ko sa bahay.. Maraming salamat idol malaking tulong ka sa aming mga baguhan.. God bless u more...
Maraming salamat sir... Iba iba po presyuhan ng rewind ng electric fan range po sya ng 200-250..maganda rin pong mapagaralan pano magrewind pra.mas madali maintindihan ang sistema ng motor
sir! pareho nman may continuity yun 2 wire pa punta sa capacitor pag tinester sa comon wire, pede ba malaman sa reading sa resistance? kung sino mataas oh mababa ? alin dun ? thanks po!
Pasensya sa terminology na binanggit ko...yung continuity po na tinutukoy ko ay yung infinite as in zero at yung isa po ay may reading na 1k ohms more or less dipende po sa rewind..salamat po
tanong ko din pala sa JFG anong gauge po ng wire gamit sa motor. kasi po sunog na mga wirings and balak ko sana palitan ung wirings papunta sa winding ng motor.
Yes tama po kayo..kaya ko ginawang ganyan para malaman ng mganonood ko saan nakaconnect ang terminal ng thermal fuse kung nasa rewind na mismo tapping...sa mga marurunong po syempre madali na sa inyo yan..salamat po sa pang unawa
Sir JFG Isko, pag bloated na po ang Capacitor, 'damaged' na po; di na po ito magtatagal, at masisira na. Dapat po pinalitan nyo ng bago para magtagal, mura lang naman ang bago. Psensya na po sa puna.
Sir gud day Po, maitanong ko sana sir paano ba Malaman Ang tamang farad Ng capacitor na ikabit dto sa bagong rewind ko, Kasi Po Nung pinagana ko ito maugong at mabilis mag init Lalo sa # 3. Duda ko baka Hindi akma Ang 1.5 uf kaya ganun. Tsaka paano Maitest Ang capacitor gamit Ang analog tester kung ok pa
Double check nyo po connection nyo sa winding kung tama ba...pati mo position ng coil sa core...sa mga rewind po kadalasang ginagamit ay 1.5uf lang or 1 dipende sa size ng core Sa pag test nman po ng capacitor gamit anolog tester lagay nyo po sa setting ng ohms tester x10..short nyo po muna capacitor bago itest..dapat ang pali ng pointer ay lagpas sa kalahati at dapat ay babalik...pag di nangyare bumalik pointer sira capacitor...
Pag nakuha nyo po number of turns ng standard size ng core..kayo na po mag adjust ng turn sa bawat kapal ng core kasama na ang size ng wire..halimbawa sa 18mm #34 wire 800/750 turn..kung 24mm core #33-32 750/700 turn
Sir mas maganda siguro Yung thermal fuse na ikinabit mo ay nka dikit mismo sa pinaka windings Ng motor mas madali nya Kasi ma detect kung mag over heat na Yung motor
Tingin ko lang po, kaya nilagay ni sir ang thermal fuse na nakadikit sa stranded wire d nakadikit sa magnetic wire my mga thermal fuse po ngayon wala pa sa 115 degrees cut off na agad kaya isa yan sa mga diskarte na para maiwasan ang back job agad,pero ang thermal fuse mag cut off din yan once na subrang init narin ang wire na pinagdikitan kaya sa tingin ko safe parin
Baka po kulang ang turn ng mga coil..umiinit nman po tlga ang winding kahit po yung mga stock winding nagiinit din..pero kung pag saksak mo pa lang at ilang segundo mainit na..baka po may mali sa rewind..minsan po sa position ng coil sa core malaking factor pra mabilis kung pag mali
Ang trabaho po ng thermal fuse para putulin ang supply pag umabot na sa rating ng fuse ang init...yang sa ginawa ko po ay isinama ko sa mga connection ng winding..mas mainam po na nasa winding
Sa winding po pag magrerewind ako gamit ko po ay shoe string at wala pong thermal fuse na kasama...pag lalagyan ko po ng thermal fuse ang bagong rewind ang ginagamit ko po ay cable tie..salamat po
Pwede naman po wag insulate...para po sa akin mas prepared ko insulated dahil po magkakadikit sila at ddaluyan ng current..pag may dumikit sa mga connection pwedeng magkashort ang winding..salamat po
Sa original na rewind po ang nkalagay sa winding ay 125°c 2a..pero sa nabibili ngayon 115°c 2a nlng..dalawang klase po isa prang resistor type at yung isa square..
Sir salamat po sa kaalaman, may tanong po ako tungkol sa thermal fuse,.un po bang mga bagong electricfan ay walang thermal fuse? Dahil po sa.baguhan ako medyo lito po ako doon sa bagong rewind na motor o motor ng bagong electricfan.. halimbawa po may electricfan ako na di pa nmn nagagalaw o naayos ay wala din po ba thermal fuse un.. at kung wala po ay pde ko po ba lagyan? Salamat po
Opo sir pwede pi lagyan..mas ok po na meron thermal fuse for protection po.. Lahat po ng nabibiling motor rewind wala po thermal fuse.. Meron po thermal fuse naka installed sa fan na galing ng factory
Sir tama po ba pag kaka intindi ko yung dalawang wire n yellow sk green pinutol dun ilalagay yung fuse na nilagyan din ng isang mahabang wire na yellow din so tatlo na wire ang lalabas na naka tap sa isang paa ng fuse ...tapos sa kabila po yung green lang...sana masagot po .thanks
Yung common po green wire at isang yellow wire ng capacitor yun lang po ang puputulin at dun itatap yung paa ng thermal fuse.. Sa mga rewind po yung green at isang yellow magkasama....kung lalagyan ng thermal fuse yung dalawa na yun ang puputulin..sa pinagputulan magtatap po ng yellow wire at isang paa ng thermal fuse....at yung usang paa ng thermal fuse sa kulay green naman po..
For protection purposes po kaya po binabalutan ko at ito po ay tutorial dapat safety po pra makaiwas sa electrical hazard at pra di magaya ng ibang mga baguhan..kahit po may insulation yan kaya nyan i detect ang temp ng winding dahil hindi naman po kalayuan sa winding...salamat po
Idol buti nlng pinanood ko ito, mali po yata proseso ko sa pagkalagay ng thermal fuse kc un po ang napanood ko sa isang tutorial video un pong common na green ang turo nya ay i-cut lng at.ung idugtong sa dulo.ung paang fuse at sa kbila.nmn.ung pinutol.na green.. bali parang ipinasok lng ung fuse sa katawan ng common.. pero bakit.nmn po tumatakbo pero pansin ko laging pumuputok yata di ko po alam kung iyon ang dahilan ewan ko po kung para sa iyo ay ok lang iyon o kung ano ang disadvantage nya.. sana masagot idol
Ang paglalagay po ng thermal fuse sa bagong rewind na fan motor ay sa pagitan ng lead common at isang wire ng capacitor at yung winding wire at itap sa wire ng capacitor...pinutol ko lang po yan green at yellow wire para maipakita sa manonood kung saan sya dapat nakakabit...pero lang po yan ng napanood nyo...kung palagi po nabubusted ang thermal fuse may problema po ang winding..salamat po
Bkit pa kailangan mglagay ng thermal fuse eh bgo nman ang rewind nya!bkit ni-rewind ba iyan na bgo na ang motor nya wla pang nakalagay diyan ng thermal fuse!!??
Sa lahat po ng nabibiling motor fan rewind wala po talagang nakalagay na thermal fuse...nasa user po kung gusto nila lagyan ng thermal fuse nabili nilang rewind for protection at safety...
Pinahirapan mo pa viewers mo samantalang pwede mo namang sa common wire(green) lang ilagay ang thermal fuse tapos idikit mo lang sa winding motors hindi mo na kailangan putulin yung capacitor dahil magkarugtong naman yun sa common😂😅