@@DonBustamanteRooftopGardening marami pong salamat sa inyong supporta. Ako man po ay isang tagahanga at supporters NG channel NYO sapagkat magandang adhikain po ito. God bless us po
"Masakit paasahin lalo na kung asang asa ka na" hugot sir ah hahaha. Ako din po ganyan may mga pagkakataon na hitik sa bunga meron din yun napeste o kaya di namunga. Bago palang mga tanim ko na sili, subalit nakaka adik na pag naumpisahan, lalo pa ko matuto sa mga videos ninyo sir, thank you
iilan lang ang nakapansin dun sa line na yun sir, hehe. agapan niyo na po ng calphos para maging matibay ang kapit ng bulaklak. kung wala pa kaung calphos, kahit durog na eggshells muna, ibudbod niyo po sa lupa o loob ng paso, para maka absorb na ng calcium ang sili.
@@DonBustamanteRooftopGardening meron po ako durog na egg shells sir, pero di ko pa alam yun calphos di bale ngayon alam ko na pwede pala at paano yun gawin 😊 pinanood ko lahat nun mga organic fertilizer videos ninyo
yes sir, imagine, un ang pinapakain natin sa mga anak o pamilya, hndi natin alam kung ano anong synthetic fertilizers and pesticide ang ginamit para lang mabilis na maani. to tell you honestly sir, hindi porke organic ang label, e organic na talaga. marami diyan, lalagyan lang ng sticker. pero kung tayo mismo ang nagtanim, walang duda kasi alam natin. salamat sir.
Kuya Don, right timing itong video mo kasi nakabili ako ng different variety of pepper seeds. Meron akong jalapeno, serrano, cayenne, Anaheim, habanero, California wonder bell pepper and Hungarian hot wax. Susundin ko ang mga instructions mo at sana lumaki at mamunga ang mga itatanim ko. Thank you for this video! :)
wow, medyo maselan po sir ang anaheim, serrano at hungarian, pero kaya niyo po yan, if maulan po ngaun sa area niyo, ilagay niyo po sa area na hindi nauulanan kung kayo ay nagpapatubo pa lang, saka niyo ilabas kapag may init, baka mabulok po sa ilalim ng lupa ang seeds, sayang yan, hehe. rare po ang iba diyan at mahal
@@DonBustamanteRooftopGardening thank you sa mga advice mo, Kuya Don! Hopefully, lumaki at magbunga ang mga chili peppers na nabili ko at huwag silang masyadong maging maselan since imported sila...hehe
Good job po kuya nakakaaliw po kayo panoorin. Di lang educational enjoy pa. Yung sili at kamatis ko 2 inches pa lang po wala kasi fertilizer. Ngayon alam ko na thanks po and God bless
That’s true sir, pag may garden ako na pareha sa inyo seguradong madagdagan ng maraming taon ang buhay ko. Just by sitting in that beautiful garden mawawala na ang stress ko. Watching your videos is like I am attending a class. I have learned a lot from you
maam, that's the point po, proven po ayon sa mga studies na ang gardening ay nakakapagpahaba ng buhay, walang superstitious dito, science shows na malaki ang impact ng gardening sa buhay ng tao, nawawala ang stress, alam naman natin na ang stress ay nakakapagpatanda talaga, relaxation, peace of mind. kapag naiinis ako o nagagalit, sa garden ang punta ko
maraming salamat po, kc may puso k magturo, nakkbahagi din kmi ng kaalaman, s pagtuturo mo...thank u so much po..lagi nmin pinapanood ang mga vedio mo s big screen...
maraming salamat po maam, natutuwa po ako sa mga katulad po ninyo na na aapreciate ang mga ganitong munting pagbabahagi ng kaalaman. God bless po. stay safe
Fav ko ‘tong channel mo kuya hehe, lagi ko pinapanood video mo. Nag try na ko mag tanim ng sili , kamatis. Kaso magastos ako sa lupa lagi ako nabili, yun lupa kasi dito puro bato.hehe pero oks lng, nakakatuwa pag nakikita mo yun tanim mong nalaki, gumawa na rin ako FFJ. Calphos.
@@DonBustamanteRooftopGardening nakakatuwa yung mga chili varieties niyo.. medyo nawiwili rin akong magtry ng iba't ibang klase. container gardening din kami, kaya very helpful mga videos niyo. more blessings to your youtube channel & family!
yes sir, please note na ang sili at kamatis ay galing sa iisang family, "nightshades family" kaya kung mapapansin mo, ang problema nila ay halos iisa, kapag sobrang alinsangan, ganito rin ang nangyayari sa kamatis
Sir Don ano kayang klase ng insekto ung mga nakakapit sa dahon ng tanim kong sili kulay itim at matigas sinisira dahon ng sili. Gusto ko sana inclose ung picture wla naman kc option para makapagpadala ng picture
@@DonBustamanteRooftopGardening I will try it also po sa aking tanim na Sili ...Salamat Idol..You can check my channel Po I already learned a lot from you thanks...
Tatay! Maraming salamat sa mga kaalaman na ibinabahagi. Dahil sayo nainspire ako na magtanim din ng mga gulay, at ngayon ay kumikita na. Dalaw din po kayo sa aking YT channel, nag a upload na din po ako ng agri vlogs.
Gagawin ko lahat advise mo sir, nacha challenge na ko sa paglaki at pagbunga ng sili. Kc dami ko na natanim dati sili lagi kulubot ang dahon. Pag namulaklak d naman magbunga.
@@DonBustamanteRooftopGardening ...na inspired po ako sa sinabi nyo na dumaan kayo sa trial & error pero sa huli ay isang masaganang ani naman ang kapalit...salute po sir...
Pde po ba malaman ang paggawa ng fertilizers na binanggit nyo? Yon celphos, sea weeds foliar fertilizer & fermented fruit juice. Mahilig din ako magtanim.
Maraming salamat sir Don. Gumawa po ako ng FFJ. Ok naman po ang resulta. Pag inispray ko po sa aking mga tanim, dinadapuan po ng mga langaw at nilalanggam. Ano ang dapat pong gawin? Salamat pong muli.
wow.....kababayan po pala kita. ang mga tanim ko pong siling haba at labuyo ay matataba sa una pero konti lng ang bunga.at ung iba po ay nangulubot lng ang mga dahon at tuluyang namatay ang iba.ung iba po ay tinanggal ko ung mga kulot at umusbong uli na dna kulubot ang dahon.bkit po kya nangungulubot at bansot sila?tia oo sa reply.God bless po kabayan.
una po maam, check niyo ang mga likod ng dahon kung may peste, kadalasan spidermites po ang umaatake, pangalawa, apply po kau ng calphos, may video po dito paano po ginagawa ang calphos
hi roxan, seaweeds po, the best po yan, iappply niyo sa halaman, bibihira ang nagtuturo ng seaweeds foliar fertilizer, kasi ito ung ultimate na pampabunga, para sa akin, mas effective pa ito sa fermented fruit juice base sa aking observation. if gagawa kau ng seaweeds, paabutin niyo ng 1 month ang buro para mas effective, lalo na sa mga sili na hindi talga nagbubunga
Good day sir don yung calphos ffj faa kailangan po ba spray lng xa? Hindi xa pwedeng ipandilig? Or anu ang masabisa idilig po banor spray para mas ma absorb kagad ng plants para umepek
Hi Mr. Don, maraming salamat po sa mga information na binibigay mo sa amin. Tanong ko po nagbebenta po ba kayo ng mga tanim nyong halaman? Gusto ko po sana bumili. Salamat po and God bless you.
Laht po ba itong sinabi o ginawa nyong pataba at juice ay gagmitin at ididilig sa sili? Na 2 to 3x a week? Sana masagot nyo po katanungan ko. Salamat po
depende po sa variety, pero kung mga pansigang lang, puedeng puwede, may mga sili na nasa video na pinakita ko na nakatanim lang sa sprite, ung iba sa 6 liters na mineral water
hehe, sa panahon ngunian, dati kita puwede magparaturog lang, higosan lang ang pagtanom ngarig maski anong mangyari igwa ka makakakan, lalo na dai ta aram ang sitwasyon iyo baga? mabalos
puwede po maam, pero magkaiba po ang effect ng fpj at grass clipping, ang grass clipping ay more on sa nitrogen, pampalaki ng halaman, ang ffj naman ay more on potassium, pampabulaklak at pampabunga
Dios mabalos mn po saimo ... Ako ugma sa gabus na pg sheshare mo dakol po ako naaraman na dae ko na nudan sa skwelahan .. 😊 BS Agriculture major animal science (fresh graduate😊)
@@jessalegaspi2473 ay kapareho mo tabi si bilas ko, graduate ning agriculture diyan sa CSAC diyan sa Pili, pero dakol dai aram sa tanom, hehe. sain ka po sa bicol? sa naga tabi ako
bukod po sa rooftop na pinaka main garden ko, meron na rin po ako ngaun dito sa harap ng bahay, a year ago ay inayos ko para mas makapagtanim ng marami.
Kuya Don Yong sili ko na nilaw mga dahon at nag lagasan na kunti nlng natira may mga bunga pa nman ano po nangyari sa mga sili ko paki sagot pls.. Thank you po😊
@@DonBustamanteRooftopGardening thanks po kuya don' salamat po sa mga tips mo about sa halaman kuya don' dami ko po natutunan kuya' nka harvest na po ako ng kangkong hehe
yes sir, pero depende po sa variety, for example, ang hot pepper o ung pansigang ay puwede po, puwede rin ang malaysian purple chili na nasa video, puwede rin ung taiwan chili na kagaya sa mang inasal, ang hindi lang po enough sa self watering ay ung ibang sili na malalaki ang bunga, kagaya po nung yellow habanero na pinakita ko sa video, nakatanim po un sa ice cream plastic na mga 6 liters ang capacity
very informative. sir don yung mga seeds ready na po. pwede irepack para distribute sa members. ipa ship po sa inyo. paki pm po yung address nyo ipa LBC po namin.
Sir ang nabansot na sili plant ay magnda pa ba ipagpatuloy o mas maganda kung magtanim na lang ulit, lalo na sa mga area na maliit lamang ang space na mapaglalagyan ng tanim at bansot pa na halaman ang pananim..mkapag bbigay pa kaya ito ng madami bunga
kapag edible po ang sili, edible din po ang dahon, may mga sili na hindi po kinakain, bunga man o dahon, pero dito sa pinas ay bihira naman ang nakakapasok na sili na hindi edible, sa ibang bansa maraming klase ng sili ang poisonous
2 tanong Sir: 1.) Yan po bang 2 stages (vegetative at fruit setting), yang mga organic sprayer sa ganyang stages pede din po ba siya i-apply sa okra, talong at mga leafy veges? 2.) Sa fruiting stage po ba pede ng pagsamahin/pagsabayin sa spray ang Calphos at FFJ po? Salamat po sa tugon...👍🙏
1. yes sir, applicable po ito sa lahat ng uri ng halaman na namumunga. 2. ang calphos po ay is a must, hindi kagaya ng dalawa, ffj or seaweds na puwede ka mamili. puwede mo pagsabayin o isahang apply sa halaman ang calphos at ffj, or calphos seaweeds po.
yes po, lahat ng namumunga o namumulaklak, ang calphos ay calcium at phosphorus, pampatibay ng kapit ng bulaklak para hindi nahuhulog, pampatibay din ng mga ugat para hindi agad natutumba.