Mangandang araw, Kapatid. Ito ay Panalangin natin Para Sa Anak Natin na Matigas ang Ulo, Suwail o Naliligaw ng Landas
Minsan, napapansin natin ang ating mga anak na nawawala sa tamang landas at pananampalataya. Napapansin natin ang mga paulit-ulit na pagsuway sa atin at hindi natututo sa pagkakasala at nakadapa na at ayaw bumangon sa pagkakadapa sa kasalanan.
Minsan nagbubulang-bulagan tayo dahil sa ating pagmamahal sa ating mga anak, hanggang sa matauhan na tayo at makita na may pagkasuwail nga ang ating anak.
Hanggang sa humantong na sa kabigatan ng ating damdamin ang katigasan ng kanilang ulo at hindi marunong makinig sa mga magulang.
Minsan akala natin, maayos na at mukhang nakikinig ngunit pababalik-balik lang kaya ito tayo at idudulog natin sa Diyos Ama ang ating mga anak sa panalangin.
Nakakatakot na wala silang pakialam na sumusuway sila sa Diyos. Ang kanilang katigasan ng puso ay mapanganib at makakasira sa kanila lalo na ang mga pagpili ng maling desisyon sa buhay.
Sa totoo lamang ay may limitasyon tayo bilang magulang at kung hindi natin sila mapipigilan o masusuweto ng tama, idulog natin sa Ama ang ating mga anak at ang ating mga sarili na bigyan tayo ng pang-unawa at gabay. Siguradong pakikingnan ng Panginoon ang ating mga magandang hangarin para sa ating mga anak.
Nawa'y pagbuklurin ng pagmamahal ng Ama ang ating mga tahanan, sa pangalan ni Hesus, Amen.
Bible Scriptures | Mga Talata Sa Bibliya
Mga Kawikaan 23:19
Mga Taga-Roma 8:28
Mga Taga-Filipos 1:6
Mga Kawikaan 21:1
Isaias 54:13-14
Mga Awit 38:15
Mga Kawikaan 22:6
Mga Kawikaan 11:21
Credits:
Para sa background videos
www.pexels.com/videos/
Para sa background music
• Relaxing Music for Sle...
Mood Videos - Creative Background Music
#panalanginparasaanak
#dasalparasaanaknasuwail #parasaanaknanaliligawnglandas
#dalanginparasaanaknapasaway
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#prayerforarebelliouschilldtagalog
6 июн 2021