Titik at Musika: Dexter de Lara Tumang
Lahat tayo ay may pangarap sa pasko. At nananalangin tayo na sana matupad ang lahat ng mga pangarap na iyon. Ilang pasko na ba ang nagdaan, pero patuloy pa rin tayong naghahangad ng kapayapaan sa mundo, pagkakaisa ng mga tao, pagbibigayan, pagpapatawaran, at pag - ibig sa puso ng bawat isa.
Sana ang awit na ito ay makapagbigay ng inspirasyon at bumuhay sa ating pag - asa para sa isang MALIGAYANG PASKO AT MAPAGPALANG BAGONG TAON.
Halina't pakinggan ang mensahe ng awit na ito na binigyang-buhay ng magagandang tinig nina Yara Leane Fabricante, Kiana Nicole Hubalde, Jhaz Maliza-Labiano, Unica Raija De Vera, Carla Mae Ocay, Reggie Cadorna, Tristian Mar Awit at Brian Joseph Sales.
3 дек 2021