Iginiit ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na walang “political pressure” sa pagbawas sa security detail ni Vice Pres. Sara Duterte at hindi lang siya ang tinanggalan ng security personnel.
Wala rin aniya silang nakikitang aktwal na banta sa seguridad ng bise.
Paglilinaw pa ni Gen. Marbil, pagra-rationalize ang kanilang ginagawa dahil kailangan ding magamit at ma-deploy ng maayos ang mga pulis at hindi lang napupunta sa seguridad ng mga VIP.
“Wala pong political pressure. Ang ginagawa po natin is to really rationalize ‘yung deployment ng PNP natin,” saad niya.
Sinabi ito ni Marbil sa pagdinig ng komite sa Senado ngayong Lunes, Aug. 5 hinggil sa umano’y excessive force ng PNP sa pagsilbi ng warrant of arrest laban kay KOJC Pastor Apollo Quiboloy.
Umapela naman si Sen. Bato dela Rosa kay Marbil na payagan si Vice Pres. Duterte na pumili ng mga matitirang miyembro sa kaniyang security detail at kung maaari ay mga taga-Davao na lang ang ilagay sa security ng bise.
“Kung ‘yung 31 na iniwan mo, pwede ba na pagbigyan natin ang pangalawang pangulo na pumili kung sino ang gusto niyang ma-retain doon… Walang problema kahit hindi mo na ibalik ‘yung 75 na tinanggal mo, gamitin natin ‘yun sa police visibility,” ayon kay Sen. Dela Rosa na dating PNP chief.
Matatandaang tinawag ng bise presidente na "political harassment" ang pagtanggal sa 75 pulis mula sa kaniyang security detail. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
/ news5everywhere
/ news5ph
/ news5everywhere
/ news5everywhere
🌐 www.news5.com.ph
8 сен 2024