Kung matawagan ng travelling at na shoot. Ilalabas ang bola sa FT line extended. Ang Tanong counted ba o Hindi. Alam ko not counted. Di po Kase nabanggit counted o not Counted. Thanks
Uncle B Good Morning! regarding naman po kapag ang timeout ay under 2mins. ng 4th quarter. Kng nagtime-out po ang Team A and then sa kanila po ang bola. Kung galing sa shoot ang inbound ay pwedeng backcourt for 24sec. shotclock or extended 3pt. line kapag 14 sec. shotclock? tama po ba Uncle B? Kung violation nmn po or foul at hindi pa penalty, tama po b n ang inbound ay nearest area kung saan nngyari ang foul/violation drecho po ang shotclock kung pinili ng team n duon maginbound? at extended 3pt. line po b kapag pinili ang 14sec.? tama po ba Uncle B? Salamat po sa inyong magiging tugon Uncle B?
Tama po ang unang scenario sir. Sa pangalawang scenario, liwanagin ko lang po sir. Kung ang violation or foul ay nangyari sa team's backcourt at nagkaroon ng timeout under last 2 min ng 4th quarter or overtime kapag bumalik sa game at pumili ang coach kung saan sila mag to-throw-in, tama po ang resumption nyo sir 👍 Magkakaroon lang ng pagkakaiba ang shot clock kapag nagkaroon ng violation or foul ang defensive team at nangyari sa frontcourt ng opensa at tumawag ng timeout ang opensa.
Gd morning po,ask ko lng po kung ano po ang tama na desisyon regarding sa senaryo na ito,si a1 ay naaward ng 2 free throw,nong natira na nya ang last throw, during rebound play,nahila ng opposing player ung net habang ng bounce pa ung bola sa ring,kya po d na syut ang bola,ng desisyon po ung lead reperi na 2 points daw po ung count don,tama po ba ung desisyon nya,slmt po
Ang tanong ko po sir ay ito, may kakayahan pa ba na pumasok ang last free throw? Kung oo, pumasok ba ang bola? Kung oo, counted na ang last free throw at technical foul para sa opponent dahil sa paghawak sa net. Ang bola ay mapupunta na sa opponent. Kung hindi pumasok ang last free throw at may kakayahan pumasok ang bola, 1 point para sa opensa at technical foul sa opponent. Ang bola ay mapupunta na sa opponent. Kung walang kakayahan pumasok ang bola, technical foul sa opponent at susundin natin ang APA kung kanino mapupunta ang posisyon ng bola.
D ko po masabi na my tsansa na pumasok sa ring ung bola,ng ba bouce pa lng po kc ung bola sa ring pero hindi pa po palabas ng cylinder ng ring ang bola ng mahila ng opposing player ang net,slmt po
Then, sa sinabi mo po sir it is considered na may kakayahan pumasok ang bola. Importante lang po sa atin ang magdesisyon ng tama according sa pangyayari. Maliwanag ang mga rules na nakasulat at lahat yun ay fair sa lahat ng pagkakataon. Ang paghawak sa net during last free throw at kakaiba sa pag-touch ng bola galing sa ilalim. Pairalin lang natin ang fair-decision sa laro sa pamamagitan ng paggamit ng ating "common sense". Mali po na tawagan ng 2 pts counted ang scenario na yun sir dahil sa paghawak sa net. Salamat po sa suporta sir, God bless po lagi 🙏💗
@@UncleBaldoOFFICIAL1973 maraming salamat po uncle at may bago na naman po na natutunan mula sa inyo,wag po sana kayong magsawang magturo at mangaral,more power po at God bless