Ah, dito ako madalas kasi kapitbahay ko lang ito! Dito po ako nagsimulang magsanay para matuto sa tamang pag-ahon. May inaakyat ako diyan na hindi inaakyat nang ibang nagbibisikleta---Magnetic Road. Yun yung kanto pakanan kapag nakalampas na sa mga nagtitinda ng prutas. Matarik pa ito kaysa sa mga siko papasok sa Jamboree site. It's a steep climb with heavily eroded bitumen. Pang MTB lang talaga. Saka dapat, grippy ang gulong. Otherwise, puro back wheel spin lang ang aabutin. Madalas kasing damp to moist yung daan. #KeepBiking
@@reynanbars2311 Subukan po ninyo! Yung taas po niyan ay more/less nasa 300 m above sea level na; kasing-taas po ng National Arts Center (NAC). In fact, daan po talaga iyan (i.e., short cut) papuntang NAC. Kaso sarado at tinubuan na nang mga damo't baging yung dulong bahagi ng daan. Wala pong 1 km ang Magnetic Road. Despite that, challenging yung daan dahil sa kondisyon nito---eroded yung bitumen, malubak na may mga nagkalat na buhangin, kung minsan e malumot at damp, maraming organic material na nakakapagpadulas ng daan, katabi nito ay ilog at bangin, dagdag pa yung mix gradients ng ahon. Diyan ako madalas umahon para lalo kong mahasa ang gear choice at shifting ko, saka line choice, at rider positioning. Mate-test din ang patience ng rider dito sa pag-ahon. Kung gaano ito ka-challenging akyatin, ganoon din po siya ka-challenging babain. Kapag po wala sa kondisyon ang preno at gulong tapos hindi marunong pumuwesto ang biker sa kanyang bike, mataas ang pagkakataong madisgrasya at malaglag sa bangin. No joke! Sana po e masubukan ninyo yung daan! Para naman madagdagan yung nagbibisikleta sa Magnetic Road. Sana mai-document din ninyo! Mapayapang pagbibisikleta po! #KeepBiking