wow! tnx for the tricks momshie honey using aloevera po na now ko lng nakita sa lahat ng style in planting rubber tree.Hope it will be good for my tineki...
bagong kaibigan po, tamang tama po itong na ito kakatanim ko lang po super gustong gusto ang rubber plant ang ganda po kasi ng kulang lalo na ung burgundy and lemon lime, thanks fpr sharing
Tnx for sharing sis bagong kaalaman sa pagpapatubo ng rubber plant ,full support ako d2 tinapos ko panoorin video mo sana ganun ka din 😊..hintayin kita s bahay ko...
Yes, we're back always, mam swet honey. Hindi po nmin palalampasin ang mga katuruan mo sa pagkat ang lahat na ito ay pampakinis ng buhay, di ba! Siya nga pala, may katanungan ako sau kong totoo itong quotation ------> "He who plants a beautiful flower, a beautiful girls shall hunt him." Kong totoo yon ay hihinto na ako sa pgtatanim ng magagandang bulaklak dhil baka habulin ako ng mga dalaga. Hee hee.
Hajji ha🤭🤭🤭 nako ewan ko sa iyo. You plant or not those flowers if God has that plan for you to go through a struggle and pain wala kang magagawa. Look at Joshua's life in the bible he ran but eaten by a whale for him to go back to where God wants him to be🤪🤪🤪🤪 So keep on planting and just harvest them for beautiful girls🌹🌹🌹
Ang lamig po ng kamay ninyo,buhay talaga yung rubber tree,baka marami na po kayong nabuhay,baka pwedeng makahingi na lang😊..mahal daw po iyan,cant afford po..🥰🥰 God bless po.
Hi Gen. Super tawa naman ako sa comment mo. Eto. ha. Kapag hindi ka nakabuhay ng rubber plant na yan feed back mo ako. ipagbubuhay kita. Bukas magtatanim na ako at pag di yan nabuhay, ibibigay ko sa iyo. That is my promises. 🌹🌹🌹🌹🌹
@@ansherina94 are nagpakuha na ako ng bagong putol. vlog ko ang pagtatanim para may remembrance pagkabigay ko sa iyo. kaw pa ba? lab kaya kita. T.I. days, Yazaki days. and Everyday 😍😍😍😍hahahahaha
@@honeyviemagno0314 love love love you everyday, sana mahawahan mo ko ng galing sa pagtatanim....Lalo tuloy ako na excite umuwi, isang taon na ko di nkkatuntong ng lupa ng tanauan 😳
Hello. Ang pagbabalot sa plastik o pagkukulong sa plastik ay para yung halaman hindi mawawalan ng moisture at ang temperature nya ay di gaanong pabago bago. Greenhouse effect ang dala ng pagkulong sa plastik. Mas malaki ang chance ng pagkabuhay nya kung may plastik dahil sa loob ng isang buwan at kalahati di ka magdidilig sa kanya o mag wo worry kung kelan ka magdidilig. Tnx sa comment. God bless you.
@@honeyviemagno0314 Thank you Honeyvei stay connected na po para marami ako matutunan about plants wala po kc akong alam pag nkauwi ako sa atin gusto ko rin magkaroon ng marami indoor plants
Magandang gabi din sa iyo? Kailan mo pa itinanim at paano mo siya itinanim? Balikan mo ako ng detalyado ha at alamin natin ano naganap sa mga itinanim mo. God bless you.
Hi Darice. May next video ako about rubber cuttings i upload ko this week. Baka makatulong sa iyo. Malay mo makabuhay ka na ng rubber. At baka matuwa ka sa content. Baka yun ang sagot para magka rubber plant ka na.,♥️♥️♥️♥️♥️
Hi Ms. Susan. Sa totoo lang ang rubber hindi nya palaging kailangan ng abono.kaya pwedeng once every 2 months lagyan mo ng pataba. Pwedeng organic lang. Diligan mo pag tuyo na ang lupa nya sa ibabaw or ubra na isang beses isang linggo. Pagdating ng summer limitan mo ng konti. God bless you.
Hello po yung rubber tree k po nuong binili ko po ang lago2 ngaun po natutuyo ang dahon ang ganda p nmn po nuong una nilipat ko lng po s paso natutuyo mpo ang dahon? Wl po kasing sikat ng arw smin garahe
Neng Hindi sikat ng araw kulang diyan. Dapat di mo muna inilipat ng.paso. yun ang malimit na ikinamamatay ng rubber pag nagalaw sya .Tsaka bakit nasa garahe?🤔🤔 Ayaw mo sya sa loob ng bahay?
Hi Boubert. Kapag hinati mo ang dahon ng halaman ang gagawin ng halaman ay mag concentrate sa kanyang pag produce ng ugat kesa sa pagtuloy ng paglaki. Very nice question. Matalino kang viewer. God bless you.
@@honeyviemagno0314 Maraming salamat dito, Mdm. Honey. I was really wondering kanina as to the reason why kailangan hatiin. Na miss ko yung point na highlight niyo. Now, I know. :D MAraming Salamat ulit po. :D
@@boubertdumagan3194 Super kwento kita sa team. Sabi ko ini expect ko yang tanong na yan, ang you are the only one who asked that. Galing mo. God bless you.
Hi. Pag irerepot mo kunin mo ng buo ang lupa nya as in all tapos yung paso na paglalagyan mo syempre a bit larget lafyan mo ng base na potting mix then patong mo yang rubber mo na kasama lupa nya tapos lagyan mo ng new soil sa ibabaw. Duligan mo ng basang basa. Ingatan mo ang paglilipat. Nakakamatay sa rubber ang pagrerepot pag di pa established. Pwede mo namang iplastik ng 3 days lang. Wag matagal. Kase transplant mo naman sya at hindi newly planted. God bless you.
Hello po Miss.Honeyvie! Ask ko lang papano kung walang kusot? Pwede po ba ang ipa ng palay isama sa soil at buhangin? Thank you po sa sagot nyo.God Bless po.. 🙏😅😊🌿🌿❤❤🌺🌺
Dba po maam lalo na pag cuttings dapat wla lahat dahon kundi talbos lang ang matitira dahil pede sisipin ng dahon ang Nutrients na natitira sa katawan oh stem na pinagka cuttings?
Hi chael. Pag cuttings kahit ang isang ruler at kalahati ay di.mo alisan ng dahon mabubuhay at gaganda. Napakatagal ng ipag iintay mo kung aalisin.mo mga dahon. Hindi magiging masaya ang owner ni rubber kakaantay magkadahon pag ganon. God bless you.
Hello po thank you for sharing this method. Excited po ako gawin may nagbigay ng rubber plant cutting sa akin. Isa pa po gusto ko lng itanong anong gawin sa rubber plant ko ang dahon po sya nag start ng brown spot. Need help po😬
Hi Elke🤗 Kung ang Rubber Plant(RP) mo ay established na ang brown spots nya lalo na kung kung pakalat ay dahil sa sobrang pagdidilig po. Hayaan mo muna syang matuyo ang lupa pag sa tingin mo wala nang moisture ang lupa dun mo lang sya diligan ng mababasa ang lhat ng potting soil nya. Tnx for the comment. God bless you.
madam ,new subscriber po ako, pwdeng mgtanong anong kusot ang ginamit nyo po? kusot ba yan ng niyog or kusot ng kahoy?nirepot ko po kanina ang nabili ko pong rubber plant after a week kc wala pa palang roots kaya unti unting nalalaylay,,kaya ginaya ko ang ginawa nyo sa video na to, ,sana mabuhay ko ang plant ,newbie ako kaya nalulungkot akong mamatay ang rubber plant ko,
@@honeyviemagno0314 thank you po madam sa agarang reply really appreciated po, tama po bang ngrepot ako after a week since nabili ko kc nga po namamatay na kaya nacurious ako why?
Thanks po sa video ask ko lang po hindi po ba mabubulok yung stem kung itutusok sya sa pagitan ng aloevera na kasama itatanim at same time basa rin yung soil baka po kasi mabulok sya kasi babad masyado thanks po.
Hi Micah. Kung susundin mo yung nasa video demo sigurado ko sa iyo na hinding hindi mabubulok ang stem ng rubber na itatanim mo. 10 piraso ang itinanim ko kasabay nung nasa vlog. Lahat sila nabuhay may mga ilan lang na nalaglag dahon bago gumanda. Mga 2. Tnx sa comment. God bless you.♥️
Pano po ba ang technique para po maiwasan na mag brown nag mga dahon ng lemonlime kahit galing sya sa marcot at maraming ugat after ilang days nag bobrown yung mga edges ng mga dahon
Hi. Kung after 18 days màayos na ang halaman after every 3 days diligan mo kung inalis mo na sa plastik🤗. Pero ang talagang best ay 6 weeks na kulong sa plastik.♥️
Merz Thanks for watching. On December may next video po kami ng propagation ng rubber plant mula sa single leaf with stem na walang kahit anong ilalagay on regular soil only. Baka po sakaling gusto nyo pong maki-discover kung mabubuhay po si rubber plant. God bless you.
Good day mam. Ask ko lng po. Yung 1st rubber plant ko po nag luyloy ang dahon. At nalaglag hanging maubos. 2nd rubber plant lo po Ganon din ang nangyari. Sobrang nlungkot po aq. Kz nahal po pagkabii ko. Ano po dahilan bakit cla namanatay?. Sana po natulungan nyo aq. Kz po gustong gusto ko ng rubber plant. Sana po sagutin nyo tanong ko
Hi arlene. Pag bagong tanim ang rubber plant from marcot dapat maingat na itinatanim tapos hindi mauuga o magagalaw ang atem na itinanim. Tapos pag hindi pa madami ang ugat nya upon planting nalungkot dahon at naninilaw ang ibaba. Pero nabubuhay pa din naman lesser leaves na nga lang. Let me see. Chat ka nga sa FB account. Mamayang hapon online ako dun.
Good morning! New subscriber here. 😊 Paano po mapalaki yung dahon ng rubber plant? Kakabili ko.lang po at mga 6-8 leaves po per pot yung nabili ko. Salamat po in advance. 😊😊😊
@@honeyviemagno0314 Salamat po sa reply. 😊 Currently po.amg nilagay ko na soil is halong loam, ipa, pumice, and konting coco peat ulet. 😁 Naglagay din po ako ng complete fertilizer. Tama lang po ba yun? 😁 O may kulang pa po 😁
Hello Ms. Honeyvie! Napanood ko yung video this afternoon. Meron sa aking binigay na lemon lime rubber plant na wala ng mga dahon. Sabi ng friend ko itry ko daw buhayin. nung tiningnan ko kanina may mga roots pa sya pero malambot na yung upper part ng plant . Pinutol ko about a foot from the roots. wala po akong nakitang sap na lumabas pero ginawa ko yung tinuro inyo na palibutan ng aloe vera tapos tinanim ko sa perlite and vermiculite combined with kusot and soil. i hope it grows leaves. Tama po ba yung ginawa ko? pinalibutan ko na lng ng aloe vera yung roots nya kasi hindi po pwede isuksuk sa aloe vera.. masyadong malaki kasi po.
Hi Melene. Yung lemon lime mo Im afraid na baka...baka lang ha...baka ma deads. Gawa nang ang lemon lime ay hindi kasing tatag nung green na rubber plant at ng burgundy. May time na kahit nagdahon na namamatay pa rin. Pero malay natin. If mamatay yan at malapit ka lang (kayang i meet up♥️)at reachable kita give kita ng buhay nang lemon lime😎😊🤗
@@honeyviemagno0314 Wow!!! Thank you Ms. Honeyvie sa pagsagot mo sa akin.. hindi ko akalin na sasagot ka sa dami dami ng nagko comment sa iyo. Malulungkot ako pagnamatay yung lemon lime rubber tree na pinaghirapan ko. Pero thank you po kung mabibigyan nyo ako ng bagong lemon lime tree na mas matatag. Saan po kayo banda?
@@melenebonnevie2733 hello. kumusta na ang rubber plant mo na lemon lime? ako ay from Sto. Tomas, Batangas. Naalala kita. Nangako kase ako sa iyo ng rubber plant. kaya kinukumusta kita.
May rubber plant ako nasa paso at naarawan directly from morning to 1PM. 3/4 ng pot ay cocopeat and the rest soil. Bakit Laging nalalaglag mga dahon pero May mga umuusbong naman kaya lang matagal. Salamat
Hi ...laging nalalaglag? Kapag nasanay na ang rubber plant sa araw hindi na nalalagas dahon nya. Mali rin na 3/4 ang cocopeat. Dagdagan mo or i revised mo potting mix mo. Add ipa or river sand and add more soil than cocopeat🤔
Hi chael. Kapag pure sand mabuhay man si rubber later on mamatay ulit kase napakalamig or napakainit ng buhangin sa ugat ng rubber. Kaya nga 60% soil at 40% sand ang ratio pag gumagamit ng buhangin. Or 20 to 30% lang pag may kusot God bless you.
Gud am po, ask ko lang po droopy pa rin leaves ni rubber tree ko pero using the moisture meter nasa gitna pa indicator. Need ko pa po ba diligan mas thoroughly?
Hi. hindi pwedeng babad na babad sa tubig ang rubber plant kahit na nangaglaylay ang mga dahon. Hayaan mo lang ang tamang tubig sa kanya maghintay ka lang baka recovery period nya pa na mabuhay at sumigla
Hi. Tag ulan naman ang panahon natin ngayon. Kung di mo ilalagay sa plastik at ilalagay mo sa maayos na lugar mabubuhay din yang rubber plant mo. God bless you.
@@nenifemonter9056 Hi Nenife. Sigurado kang di mo mabuhay rubber plant.Panoorin mo muna bago ko vlog. tapos add mo FB account namin. same name. Honeyvie Magno. Dun mo ako i chat. God bless you.
kung may suloy na po ba ung rubber tree may ugat na din ba un?? or ibabalik pa din sa pagka plastic hanggang 4-6 weeks. meron na po kaseng suloy yun tanim ko after 2 weeks e
@@honeyviemagno0314 so pde ko pa po ba ibalik sa pagka plastik kahit nabuksan ko na un plastic? maraming salamat po sa sagot. kayo po ang nag inspire saken na magtanim ng rubber trees. more power to you and your channel po.
Hi Melanie. Nabili mo ba ang rubber plant mo o ikaw ang nagtanim nyan? Kung nangaglaylay ang mga dahon ng rubber, normal yun kung wala pa syang two months na naitanim, eventually tatayo ulit sya. Kung galing naman sa marcot, ganun din, unless kulang pa sa araw nang pinutol from marcot. God bless you.
Hello Madam. Ginawa ko po yung method ninyo may nagsprout na pong leaves after a month. Kaso nung inalis ko na ang plastic may nalulusaw na tangkay. Dapat po ba na hindi ko muna inalis? Or dapat talaga inalis ko na plastic after nagsprout na leaves?
Hello miss Dina. Isang beses isang linggo mo diligan.yung dapat basang basa ang buong.lupa sa paso sa pagdidilig. Lahat ng naka pot na halaman need ang abono. Para may makuhang sustansya sa lupa. Diligan mo sya ng epsom salt solution every 2 weeks o once a month. Pag wala ka nun hugas bigas kung nag subscribe ka may video ako ng paggawa ng organic liquid fertilizer to be uploaded soon.God bless you.
Mam may order po kase akong cuttings at marcotted. Tanong ko lang po. 1. Yung sa cuttings po ba, pede po sa ilalim ng puno ilagay? Nasisinagan po ng araw pero hindi po direct at nauulanan din po at di din po direct ang buhos. 2. Sa marcotted plant, pag nai repot ko na po hahayaan na lang po ba na ganun? Nasa morning sun po pero not directly tinatamaan. May mga kasama pong halaman. Bala natatakpan po ng konte. Or need po as in nasisinagan siya ng morning sun nang walang harang? Salamat po, and more power.
Yung cuttings talagang much better kapag nasa lilim ng puno di mo ba inilagay sa plastik? Tag ulan naman pede na hindi iplastik Sa marcotted ang gusto lang niyan ay wag.magalaw pagkalipat unti unti ang pagpapaaraw hanggang makaya na nya ang strong sunrise
@@honeyviemagno0314 maraming salamat po mam. Pede po pala kahit nauulanan siya sa ilalim ng puno. Mas ok po ba yun mam? . Kase minsan grabe po init dito sa Malolos. Itatanim ko po bukas. Bale binabad ko po muna ng rooting hormones magdamag. Magtry din po ako ng hanging method sa ibang cuttings. Pinuwesto ko po yung marcotted sa tabi ng mga halaman ko. May morning sun po sa banda niya pero natatakpan po siya ng malalaking halaman sa harap. Kaya sinag lang po ang makukuha niya.
Hi Monilla. Nabibili ang rooting hormone na ANAA sa mga agri supply. May paliwana ako nyan sa isa pa naming video. eto. ru-vid.com/video/%D0%B2%D0%B8%D0%B4%D0%B5%D0%BE-ODtNqTvy-O0.html. God bless you.
Hi Jackie. Kung walang dahon ang iyong rubber plant mas mabuti na itanim mo na ng direkta sa lupa kesa ibabad mo sa tubig. may bagong upload akong video niyan. eto. ru-vid.com/video/%D0%B2%D0%B8%D0%B4%D0%B5%D0%BE-GK_yz8v2EWs.html tingnan mo lang ha baka may makuha kang info. God bless you.
Bakit hinde ako Maka buhay ang dami Kung tinanim nakuha kopo dito sa mall nong MAGKAROON ng bagyo MGA 14 pcs yata tanim ko Yong Iba nagkadahon pero namatay din naglagay din ako ng hallovera buhangin wala lang akong kusot pero bumili akong soil ready to use wala ring nangyari saan po ba Yong problema ma'am?
Hi Alvin. Syempre hindi ka naman mag aaksaya ng panahon kung may nabuhay. Saan ka mali? Mag chat ka kaya sa akin sa FB account ng aming youtube channel. Para masolusyunan natin yan. Or check mo ibang video ko sa honeyvie magno youtube channel. God bless you.
@@honeyviemagno0314 salamat po ma'am sa reply Sana makabuhay ulit ako SAYANG talaga ma'am ang dami Sana kasi maraming na Ali ng bagyong sa GA maraming KUMUHA pero Yong sakin talagang hinde ko nabuhay. Susubok po ulit ako ma'am at pwede po makahingi ng guidance sayo?
Hi Miss Violeta may bago po akong upload na video. ru-vid.com/video/%D0%B2%D0%B8%D0%B4%D0%B5%D0%BE-3YY-5tR7uoU.html baka po mas helpful sa iyo. God bless you.
May nagbbenta po ng cuttings online..gusto ko sanan I try bumili..ano po ba dpat na packaging ng cuttings na for delivery?dpat ba lagyan nman nia ng kahit kontin basang lupa yun dulo ng stems pra nman mabuhay yun cuttings?
Hi Mavic. If marami kang bibilhin paputol mo ng sakto sa styro na maliit palagyan mo ng basang tela basahan damit or retaso para fresh pa din na dadating sa iyo🤗🤗
Hi Ivy. ...may mga pagkakataon na hindi nabubuhay ang dahon lang kung dahon na dahon lang. mapwera ang tanim mo sa kanila ay matyaga at hindi magagalaw pagkalagay sa taniman. at it takes so much time para magkasuloy sila from dahon at para palakihin sila. kesa magsimula ka sa plain na dahon e di magsimula ka na lang sa kapirasong sanga. Madami na ang nagbebenta ng cuttings ng rubber. May nabibili na 100 pesos lang per cutting. God bless you.
Hehe! Kaya pala namatay ang tinanim ko.nkakatakot po kc kumuha ng sanga dun sa punong ndaanan ko.as in npakalaki nya.parang balete pala sya kung lumaki.
And isa pa po question .yan po na nilagyan nyo ng aloevera.. nasan na po yung aloevera nung tumubo na yan? Inalis nyo.po ba or anjan pa rin po yun sa paso?
Natutunaw ang aloe vera parang decaying naturally kasama ng lupa at lahat ng nandun sa tanim sa paso. More effective nga ang aloe vera na rooting hormone sa marcotting.
Hello gud eve po, thank you po sa pg share nyo. may tanong lang po ko ung rubber ko po 1month ng nka ICU, pwede ko k po bang alisin un plastic? Mbbuhay n po kaya sya? 4ft po un taas nya. At nid po b naarawan? Slmat po sana po mapansin nyo itong message ko. Slamat po & God bless u po.
Good Evening din po sa iyo. Mataas po ang itinanim mong rubber plant. Kung kaya mo pa po siyang tiisin na 2 weeks pa sa kanyang plastik, after two weeks mo na po alisan ng plastik cover. Pero ako po may mga inalisan na din ako after a month ng plastik at nabuhay naman kaya lang maiikli sila. 1 1/2 ft tall lang. Pagkaalis mo po sa kanya sa plastik stay mo na lang sya sa nalililiman o nasisinagan lang ng slight na araw. Di po sya need ang direct sunlight. Dahil po mataas ang plant na pinili mong buhayin wag mo po siyang paggagagalawin ng medyo matagal. Pagkaalis mo ng plastik hayaan mo na lang siya sa place na paglilipatan mo for long time (mga isang buwan) hanggang most of the leaves ay natayo na pataas. Wag mo ring ire-repot kung sa pot na sya nakatanim. Tapos after a week na maalisan mo ng plastik diligan mo sya ng may mix na root enhancer and small amount ng gamay mong fertilizer.(or add vermicast soil) para po may pagkain ang rubber plant mo para sa kanyang pagpapalakas.
Kahit hugas bigas lang every 3 days o binabad na dahon ng malunggay every 2 months ay ok na sa kanya. Kung gusto mo buy ka ng complete fertilizer lagyan mo ng mga 10 butil every 45 days♥️
dati po tayong tayo dahon nya. tas ng magkaroon ng bagong dahon nanlupaypay na. dpo kaya dahil laging nadidiligan? kya po nilipat ko na lang sa mas malaking paso babalik pa kaya un sa dating freshness ung dahon nya? tnx po. Godbless
Hi nice video po.. ask ko lang po. Kahapon po lasi nakabili kami ng marcotted na na rubbertree meron na po ugat paguwi sa bahay nilipat napo namin sa paso.araw araw po ba yun didiligan?
Hi aileen. Oo. Pwede naman na dahon itanim. Kaya lang ang tagal namang mabuhay nun at kailan pa lalaki?🥺🥺🥺 Kaya nga namimigay ako ng mga rubber plant sa subscriber ko pero depende kung taga saan at di ba talaga kayang bumili🤗🤗