Tunog Lamang
Sa Tamis Ng Sumpa
Sa tamis ng sumpa mo
Puso ko'y nalapuyo
Na ikaw ay mahalin
At suyuin hanggang libing
Pinaglaanan kita
Ng wagas na pagsinta
Kahit sa pangarap ko
Kausap ay larawan mo
Ngunit nang matapos na ikaw ay mahalin
Lumimot kang lubos at sa aki'y nagtaksil
Hinahanap-hanap ang dating taos mong paglingap
Sa tamis ng iyong sumpa, ang puso ko'y lumuluha

8 авг 2009