SAMYO NG PUSO
AWIT KAY SANTA MARIA NG BETANIA
I.
Namuhay kang payak doon sa Betania
kasama ng mga kapatid mong aba,
naglingkod na tunay sa Poong minamahal
sa pakikinig mo sa Kanyang mga aral.
II.
0,
taguri sayo'y kapatid ni Lasaro't Marta,
kababaan ng 'yong puso sa'min nawa'y yong ituro
upang makasunod kay Kristo.
Refrain 1:
Santa Maria ng Betania,
ituro mo ang pakikinig kay Kristo na Salita,
kami rin nawa'y maghugas ng paa
ng mga kapatid naming ulila.
III.
Lakas at yaman mo'y inialay ng lubos
upang mahalin ang Manunubos,
pabango'y ginamit mo, sagisag ng iyong samyo
na nanggagaling sa busilak mong puso. (Ref 1)
Refrain 2:
Santa Maria ng Betania,
ibulong kay Hesus ang aming mga dalita,
tikom man ang 'yong bibig, pagmamahal ang sinasambit,
ipanalangin mo kami sa Poong marikit.
Titik at Himig ni JM Dolom
19 сен 2024