Sobra nkkamis ..the original teen superstar from the 80's . Very talented in singing and acting . .. She was followed by donna cruz from the 90's and then jolina magdangal and then after was toni gonzaga... Bawat generation tlga merun...
@@eliezerlogronio sa GMA cia nagsimula. Siya si "Dodith" sa teleserye na Anna Liza ni Julie Vega. Sarado ang ABS-CBN nuong Martial Law. Ginamit ng crony ni Marcos na si roberto benedicto ang frequency ng ABS-CBN kaya ang Channel 2 na station that time ay BBC-2. Ang BBC-2, RPN-9, and IBC-13 ay pag-aari lahat ni Benedicto nuon. Lahat ng tatlong stations na yan ay inilipat sa iisang compound nuong 1978 na ang name ay Broadcast City sa Capitol Hills. Lahat ng mga shows ng tatlong stations puro magaganda at magkakapitbahay lang ang mga studios nila sa Broadcast City. Tanging GMA lang ang independent station that time kaya walang network wars. Ang ABC-5 sarado din nuong panahon ng Martial Law. Late na muling nagbukas ang ABC-5, 1991 na, unlike ABS-CBN na muling nagbukas nuong 1986. After EDSA '86 ibinalik ni Cory ang frequency na Channel 2 sa ABS-CBN kaya nagsara ang BBC-2 tapos siniquester ng gobyerno ang RPN-9 at IBC-13. Dun na nagsimulang lumipat sa newly re-opened ABS-CBN ang mga magagandang shows ng RPN-9 at IBC-13. And.... dun na nagsimula ang rivalry ng GMA at ABS-CBN.
@@hunyocavite7875 Nako, salamat bossing sa info ah. :) Hindi pa kasi ako buhay nung nagsisimula pa lang siya. 1993 po kasi ako pinanganak, pero medyo old soul ako, kaya kilala ko siya :)
@@eliezerlogronio golden age of philippine TV ang era ng 70s, 80s at early 90s. Nuon TV lang entertained ka na, hindi mo need gumastos ng extra money, unlike ngayon na need mo magpa-cable para makapanood ka ng mga foreign shows at iba pang magagandang palabas.