Lugod na Bunga ng Pagsunod sa Kalooban ng Diyos
Ngayong huling Linggo ng Setyembre, pinasasalamatan natin ang Panginoon sa maraming biyaya na ipinagkaloob Niya sa atin sa buwang ito. Tunay Siyang Diyos na bukas-palad. Tinatawagan din tayo ngayong lumago at mamunga ng kagandahangloob. Hinahamon tayong isaayos ang ating mga pinahahalagahan at maging handa sa anumang maaaring ibunga ng gayong pagpapahalaga. Tanging ito ang magbibigay lugod sa ating pagkatao.
At pagkat ngayon ay Pambansang Araw ng mga Mandaragat at Refugees, alalahanin natin ng may tanging pagmamahal at pagmamalasakit ang tatlong daang libong Pilipinong mandaragat sa iba’t ibang panig ng daigdig. Nagtatrabaho silang malayo sa kanilang mga tahanan alang-alang sa maginhawang buhay at magandang kinabukasan ng kani-kanilang pamilya. Nawa ang pag-aalay natin ng Eukaristiya para sa ating mga mandaragat ay maging isa sa pinakamagandang tanda ng ating pakikiisa sa kanila.
Read weekly gospel reflections at our website at sanlorenzoruiz...
Visit our facebook page at: / sanlorenzoruizparish
For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: www.katolago.com/
Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: sanlorenzoruiz...
30 сен 2024