Magulo kang paliwanag, Jr. Ang pinapaliwanag mo ay "Small BMS Hack To Handle Bigger Load Than its Rating"...tapos magtuturo ka pa tungkol sa SSR... SOLID STATE RELAY. Anong kinalaman ng SSR sa ipapaliwanag mo?
Di naman magulo, nka dpndi lang sa comprehension ng nakikinig. Baka cguro nag skip skip ka kya d mo masundan ng buo. Kumbaga kung sa eskwela pumasok ka sa klase pero umalis ka saglit pagbalik mo, nasa last part na ng discussion si teacher. Tapos sasabihan mo si teacher, "Maam, ang gulo ng pagpapaliwanag mo, di ko na gets!"
thank you sir, more power po, ang relay ang sumalo ng malaking load, si bms ang mag bibigay ng signal para mag contact si relay, ang galing po ng set up sir.
Sir JF ang galing mo talaga. ang linaw mong magtagalog, pwede ka maging news caster sa TV. Malinaw na Malinaw kun mag salita ka. talo mo pa yung mga announcer dto sa pinas. Good luck po sir JF. more power po sa ginagaws nyung mga tutorial. thanks
thanks sir, more power sa vlog mo, madami ka n pong natutulungan tulad ko ang dami ko nang natutunan sa inyo lalo nat baguhan plng ako sa pagsosolar, nagkainterest ako dahil wlang kuryente samin pro ngaun 3 yrs. na kming nkasolar kht na maliit n setup lng pra sa ilaw.. thanks s mga vids mo sir, God bless.. 👍😊
Sir, Nice tutorial po overall, baguhan po ako sa pagseset ng mga batttery packs, parang namissed ko po ata yung if may ginawa po kayo para madisable yung over current protection ng bms? salamat po sa magiging tugon sir. madami ako natutunan sa mga videos nyo. my question : di po ba magcucut off si bms pag humugot ng more than 20A ang load if 20A po yung rating ng bms?
sir question ko lang hindi pwede yan ganyan paraan sa common port na bms diba? Kasi wala sya direct connection from bms to battery para sa charging naman.
Sir salamat sa po sa tutorial .. tanong ko lang po pag sa charging nyan sir bypass narin po ba ang charging amp limit ng bms ? Pwede narin po ba syang taasan ng charging amps para madaling mapuno ang battery? Salamat po sana mapansin.
sir jf napakagandang paliwanag, yung ssr yung nag handle ng cut off pra sa load. galing po more power. ang tanong ko lang po sir is saan po ipapadaan ang linya from ssc to battery BMS po?
Pareho din sa discharge, pero mas magandang gumamit ng tamang amp rate ng BMS kesa gawin eto. Eto ay paraaan lang kung sakaling kailangang kailangan lang talaga na hinihingi ng pagkakataon. Kung para sa permanenteng setup, gawing tama ang amp rating ng BMS 😊👍
Sir pwede na po ba 3s40A na bms sa tatlong set na 18650 10pcs na battery Bali 30 PCs po ung battery TAs naka 3s 10p TAs iba iba po gamjt na battery galing lang po sa battery Ng loptop na order ko sa shopee d ko alam specs Ng mga cell Ang alm ko lang po ayy voltage Ng mga cell dahil I Ng charge ko po sila gagawa po Kasi ako Ng power bank
Pwede kung ang discharge current ng bawat cells ay nasa 5A to 10A. Pakipanood ang aking tutorial tungkol sa C-rate para maunawaan mo ng husto kung ano ang discharge/charge current o C-rate ng cells. 😊👍
Sir JF bago lang po sa renewable energy. Meron po akong 3s10p 18650 pack at meron itong 25A na regular bms. Balak ko po gawin 3s20p, pwede ba yung current bms na gamit ko. Meron po ako isang bms pa na 40A naman. Pwede kocba itong gamitin incase na di na pwede ung aking 25A? Salamat po
Good day. Pwede pa din naman ang 25A na BMS, pero kun ang purpose mo sa pag-add ng cells (from 10P to 20P) ay para makahugot ng mas mataas na amps, pwede din na 40A ang gamitin. Kung hindi naman, 25A pwede pa din. 😊👍
goodday sir. ang galing neto 30p sa 4s mataas po capacity neto? anu kaibahan neto sa 1p kada pareller sir thanks po kakasali ko lang din po sa group new willing at gus2 ko p po matutu ng matutu pra sa asfety ng 1st set up ko po
Good day. Ang bawat BMS na nabibili ngayon ay may kasama ng diagram or at least meron itong diagram sa online shop na inyong pinagbilhan. Mahalag din na ang BMS type ay common port.
Walang anuman. 😊 👍 Kung mas mababa ang amp rate ng circuit breaker kesa load, dapat lang mag trip eto at ibig sabihin nyan, gumagana ng maayos ang circuit breaker, kung hindi, kwestyonable eto.
Malinaw sir.. Slmt... My tanong lng po aq sir... Pano po kung nasira ung bms d po ba mwwalan na xa ng connection sa scc hnd poh ba masusunog ung scc gawa ng nagggenerate ng voltage ung solar panel papuntang scc at hnd na dadaloy papuntang battery gawa ng nasira na ang bms o nasira ung output nia. Slmt
Good day. Ang pinaka tamang paraan dyan ay siguruhin na matino ang mga cells na ginamit sa setup. Ang SCC parameter settings ay pasok sa max charging voltage ng ng battery bank. 🤓 👍
Good day bro. 😊 Pwede din yan at ganun din ang magiging connection, trigger ang + at - ng BMS at yong postive line ng load ang dadaan sa switching terminals ng solenoid relay. 👍
Good day. Karamihan sa mga plug and play na LiFePO4 batteries ay may BMS na sa loob mismo. Kung wala naman, kailangan nyo pong buksan yan para makabitan ng BMS. 🤓👍
Sir pagka nabaliktad kabit ng polarity sa. bMS bili n bago ba? Ayaw n gumana ng discharged eh pag sinukatan ko 49v n lng pag nilagyan ko load babagsak sa 1v Peru yung charging ayos pa nag kacut off pa
Depende yan sa gagamitin nyong BMS. May mga bms na ang positive at negative sa bms mismo, meron naman ay ang negative sa bms at ang positive ay sa battery bank. Kapag bumili kayo ng bms, may kasama na pong diagram yon. 😊👍
may video puba kyo prof nung nag wiring kyo ng connection ng inverter at ssr to battery bank.. gusto ku sana gayahin yan.... may bms ako 3s same ang charging at discharging...
Good day po sir JF.. Kung icha charge ko po ung battery sa positive at negative terminal ko po ba ika2bit? Diba ung set up nyo po ng battery pack eh ndi po dumaan ung negative terminal sa bms so panu po mag cut off pag full charge na. GOD BLESS po
Good day. Ang BMS ay naka trigger sa SSR relay, kaya protektado pa din ang battery bank sa overdisharged at over charged. Paki panood po ang video ng buo, ipinaliwanag ko po dyan lahat. 🤓👍 God bless. 🙏
@@JFLegaspi salamat po sa pagsagot sir.. Huling tanong q nlang po sir kelangan po ba gamitin sa ganyang set up ung common port na bms? O pwede dn po gamitn ung different port na bms.may bms po kc ako wala po ung P+ na sign salamat at GOD BLESS po
Magandang araw po sir JF.. Nagawa q na po ung video na ginawa nyo at gumagana nman po ung set up q pero napansin q lng po magkaiba ung volts ng ssr sa no. 1 at 2 ung no. 2 po mas mataas ng 1volt sa no. 1. Ganun po ba talaga un sir o sira na po ung ssr na ginamit q? Salamat po sir GOD BLESS
Hello. Sir mgttnong lng po ako ksi po nghhanp ako ng bms n pwede pong gamtn s battery ng motor ? 32650 po gmt k kya lng po wlng bms kso lng po d ngbblance charge nya bka po m overcharging.ang bawat cell 4pcs lng po n 32650. Thank you
Good day. 😊 May pang LiFePO4 na BMS at ang Li-ion BMS ay hindi pwedeng gamitin sa LiFePO4 cells at vice versa. Pwede ang 20A kung yon lang ang huhugutin ma current ngh load mula sa battey bank.👍
Good day sir, salamat po sa info ask ko lang medyo hindi ko po nakuha kung paano po nadisable yung 20 amps medyo nalito lang po ako, gawa po ba sya ng SSR salamat po. @@JFLegaspi
Goo day J. 😊 Theoretically speaking, gagana dapat ang dalawang parehong BMS kapag pinag-parallel at magiging doble ang rating neto. Pero, hindi ko pa eto na try sa actual. Maaring gagawan natin eto ng video sa darating na mga araw. 👍
@@JFLegaspi Sir, good day po asko lang about sa load b+ po from battery positive direct paano po yung negative direct din po ba sa battery o daan pa sa bms thanks po.