ang sarap naman po maglakad lakad dyan sa Japan. Relaxing po. I enjoyed po panuorin ng buo yung vlog niyo. Stay safe po lagi! See you in Japan po soon :)
Maraming salamat sa panonood sa vlog namin. Oo nga napakasarap maglakad dito kasi maganda ang panahon at safe ang daan. Sana panoorin nyo rin ang iba pa naming vlog. Papunta din po kayo dito sa japan? let us know baka malapit lang kayo dito sa amin.. keep safe din.. :)
Parang destined talaga sakin na mag apply for exchange student program sa japan🥺 itong topic na ito nasa isip ko lang tas biglang nag pop sa youtube feeds ko.. thank you po for this!!
Thank you po sa panonood.. Try nyo po kasi di natin alam ang pwedeng maibigay na benefit ng pag-aaral dito. Either makakuha ka ng full employment dito or magamit mo ang matutunan mo dito dyan sa Pilipinas. Siguradong di ka magsisisi.. Ang makarating lang dito ay napakagandang experience sa buhay. Even though uuwi rin kaming family sa Pilipinas, di naman kami nagsisi na nag-stay kami dito. Thank you ulet.. Gambatte! Goodluck!
@@FlynnMayumi Hello po mga kabayan nice vlog po new subsciber po.Ano po name ng school mo po at pwed din po b cla ang magsponsor sakin halimbawa kung wla po ako sponsor pagmag student visa po ako dyan sa Japan?Maraming salamat po and Godbless
Hello po! Thank you po sa pagsubscribe.. Topa21st Century Language School ang name ng school sa Tokyo. Ang school di pwedeng magsponsor since sponsorship risky yan para sa kanila. Kamag-anak ang best kahit wala sa japan. Kung maipoprove mo yata na marami ang pera mo baka pwede kahit wala na...
Hi Sir! Saan po school kayo nag aral? Kamusta po? Nabawi niyo din po ba yung mga nagastos ninyo? :) kaya po ba mabawi sa part time ? What if po marunong ka na mag japanese pero di pa jlpt passer ありがとう.
@青 Hello po! Nag-aral ako sa TOPA21st Century Language School sa Tokyo. Yes bawing bawi na namin kasi nagkaroon ako ng working visa dito. 10 years na mula noong naggraduate ako. Yung part time tatabla ka lang kasi sa gastos mo everyday. Aim mo dapat makakuha ka ng working visa after graduation. Sulit naman kasi nandito na pamilya ko 4 kami dito at may working visa na din asawa ko. May naipundar na rin sa Pilipinas. Kung marunong ka na mag japanese advantage yun kasi sa mas advanced na section ka ilalagay at mas maikli na pag aaral na lang ang kailangan. Mas madali ka rin makakahanap ng work o part time kung may alam ka na.
For example po, ako lang po pupunta diyan to study. Paano po kayo nabubuhay, like for example hindi ka pa po marunong makipag-conversation in Japanese? Paano ka po bibili ng mga grocery? Mga ganyan po. Medyo nakakatakot po kasi kapag mag-isa and walang masyadong matatanungan and kasama. Hehe. Tapos anong school po recommended niyo para 'di na po ako dadaan sa agency? (Ano po name ng school niyo?) For example po, N4 passer na po ako dito sa Ph. Kapag nag-aral po ba diyan magsisimula po sa beginner's level ulit or may ino-offer po na ituloy hanggang N3 and above? Thank you po and ingat po kayo.
Thank you po sa pagdalaw sa channel namin. Kahit papaano naman ay nakakapagsalita ng konting english ang japanese kung nasa Tokyo area at nasabi mo rin kung n4 ka na sa pinas pwedeng pwede na yun magkakaintindihan na kayo. Ako kasi Topa21st Century Language School sa Tokyo ako nag-aral. Kung N4 ka sa pinas, di ka na uulet sa basic. Bale ipapasok ka nila sa class na angkop para sa iyo.. marami ding pinoy dito kaya pwede ka nilang matulungan. Sana nakatulong ang sagot ko. Maraming salamat ulet sa pagbisita sa channel namin. :)
@@FlynnMayumi I’m a BS Air Transportation graduate and currently working din po sa Naia, after studying Japanese, may chance po kaya ako makapag-work sa airport po or any job related sa field ko po? Thank you po sa pagsagot. I appreciate it po.
Hello.. pasensya na late ang reply.. possible po pero hindi karamihan ang nasa field na iyan. kahit anong job pwede rin basta tapos ng bachelor's degree.. Mostly ng nagwowork dito either engineering or english teaching jobs.
Hello po! Yung asawa ng tita po namin ang guarantor.. Meron syang business kaya at nagbigay din sya ng details ng bank account nya.. Pero kahit walang kamag-anak dito sa Japan possible namang mag-sponsor ang nasa Pinas.
hello po nag apply po ako student visa. ask ko lang po kahit po ba hindi graduate ng college pwede padin magkaroon ng working visa after maka graduate sa japanese language?
hello po.. kung yung regular working visa mahirap po.. need talaga ng college degree.. pero may ibang visa naman like SSW visa pwede nyong subukan after nyong mag-aral ng Japanese language. Sana po nakatulong! :)
Thank you po sa panonood. Kayang kaya ng sinoman yan basta wag lang susuko sa paghahanap ng work after graduation. Magbibigay naman ang immigration ng visa habang naghahanap ng work. Pero ako from student visa derecho na to working visa. Pagnatapos student visa mo ang pagkakaalam ko magbibigay sila ng 6 months na visa para lang makahanap ng work dito. Panoorin nyo rin po iba naming videos. Thank you! :)
Hi po, question. Nakakuha po ako ng relative visa for 90days and sa July ko po sched pumunta ng japan.. Iniisip po namin if possible ba yung tourist to student visa?. Balak po kasi sana namin magstudent visa ako or habang nasa japan ako, iprocess dyan ASAP yung student visa, possible po ba yun?. Or maghanap lang kami ng school dyan?.
mukhang pwede naman pero dapat mabilis ang processing. usually matagal lumabas ang visa. siguro need mo lang umuwi kung abutan na ng expiration ng tourist visa. Pati timing ng pasukan dapat tama din. Kung july ka pupunta dito, october na ang 1st day ng schooling mo.
Hello po, new subscriber here! 😊 Pwede niyo po ba i-share kung ano po naging work mo sa Japan after school? Was it worth it po ba? Thank you so much po 🥰
Hello po..Thank you po sa pagsubscribe. After school nakakuha ako ng Engineer Visa. Depende sa tinapos sa college mo, pwede ka makakuha ng working visa. Engineering, IT, Education, Health related courses madaling makakuha ng jobs. But any 4-year course okay lang basta willing kang magshift ng career. Naging test engineer ako, nagturo and now engineer sa isang global company. Nadala ko si misis at nagkaroon din ng working visa even though ako lang ang nag aral ng japanese. Nakabuo kami ng pamilya na may 2 kids. Comportable ang buhay at nakakaipon naman. Kaya masasabi ko na worth it talaga na nag school ako dito. Thank you ulet. :)
@@FlynnMayumi Hello sir, thank you po sa pagsagot. I appreciate it!! 🙏 May last question pa po sana ako 😅 After po ba ng Japanese school, if naka pasa ng either N2 or N1 (sana all) need po ba mag vocational para maka pag shift ng career at mabigyan ng working visa? Business Administration po natapos ko here sa Pinas.
Hi po sir. Teacher by profession po ako at currently na approve napo yung coe ko for student visa application. Soon makakapunta by January 2023, sa may Tokyo po ang school ko po. May experience po ako sa school at english online tutor din po. May mapapasokan kaya akong part time as english tutor po with my experience po? Mahirap kaya siya pasokin sir? Thanks in advance po sa inyong reply.
yes po maraming pwedeng pasukan na part time kung english teaching like sa benesse. Tyaga lang sa paghahanap maraming available. Kung gusto mong ituloy to working visa, kailangan mo lang tapusin yung pinag-aaralan mo dito as student visa. Thank you sa panonood!
Hello po. Required po ba na JLPT Exam passer bago po makapunta sa Japan? Or ok na po yung Certificate of Completion as proof na nakapag aral ng Japanese Language? Sana po ma notice. I am planning to study in Japan next year.
Noong time po namin kahit wala pwede kahit yung completion wala. Recently ang pagkakaalam namin ay basta may basic knowledge ka ng japanese pwede na. Wala pa kaming nabalitaan na nagrequired ng jlpt. Ipakita mo pa rin na may alam ka na para maassess nila saan ka magsisimula. sayang naman kasi kung uulitin mo ang basic. Thank you po sa panonood.! Goodluck sa journey mo dito sa Japan.
hello po. Kung student visa po ang pakay nyo, pwede naman kayong magdirect sa school dahil mapapamahal pa kayo ng gastos kung mag-aagency kayo. personally wala akong kilalang agency for student visa, lahat ng ginawa namin ay direkta sa school.. Thank you po sa panonood. kung may tanong pa po kayo feel free to ask.. :)
hello po. kung ordinary working visa, hindi po even vocational courses hindi rin.. pero pwede sa trainee at ssw visa. pero mahirap din ang visa na yun kasi di ka free sa company na gusto mo. maraming limitations.
nag-apply po ako ng regular work after graduation kaya naconvert to working visa ang student visa ko.. bago matapos ang pag-aaral dapat naghahanap na ng target na employer para mapalitan ang visa.. sana po nakatulong..
Kailangan lang po ng pera.. Yun ang pinakamahirap.. Tapos yung mag-guarantor sa iyo.. madali kung may kamag-anak dito pero kung wala medyo mahirap.. yung pag-aaral naman madali lang.. pwedeng mag-part-time job habang nag-aaral.
hanap po muna kayo ng school at sila na magbibigay ng requirements. usually mga school documents, birth certificate, bank certificates ng sponsors, etc. madali lang makuha ang mga yan kaya di ka mahihirapan. pinakaimportante talaga school muna. Yhank you po sa panonood.
Mag kano po na gastos nyo dito palang kayo sa pinas ?? Sir pag natapos na kayo mag araw kailangan ba umuwi sa pinas ?? Pag gradute mo ? Mahirap ba maka hanap ng partime dyan ?? Mag kano po tuition nyo?nag aaral pa kayo
Hello po.. Ang nagastos po namin sa Japan side lahat halos. Kasi sa pinas visa processing at ticket lang. Kung ticket at visa lang wala man 15k pesos pwede na, pero sa Japan side ang maraming gastos. 500 thousand pesos for tuition. Kung kaya mong magturo ng English madaling magpart time as English teacher. Bago maggraduate kailangan nakahanap na ng bagong employer to convert to working visa ang student visa. Kung hindi makakahanap ng work kailangang umuwi before magexpire ang student visa. Pero nagbibigay ng 6 month grace period ang japan para makahanap ng work kung expired na student visa.
@@FlynnMayumi helow maam/sir kahit po ba hindi ka graduate ng english teacher pero graduate ka nman ng college pwede mag partime as tutor mag turo ng english ? Or kailangan po talaga na teacher ka? Salamat po sa sagot
@@4encle yes basta kaya mong mag-English. Kahit di nga graduate ng college pwedeng magpart time sa ganun. kapag natuto ka na ng japanese pwede ng magpart time sa ibangwork.