Composition by Brother Ed Manguiat
Orchestration by Brother Yandrell Gargantilla
Vocals by INC Sanctuary Choir
Minus one starts at 02:56
1
Tayong bayang hinirang,
Natatanging kawan;
Ang Diyos, ating kaligtasan-
Di tayo pababayaan.
Kahit tayo’y mabuwal,
Babangon, maninindigan
Sa masunuring paglilingkod,
Tanggulan ang ating Diyos.
Refrain
Sumampalataya at magtiwala,
Tayo’y umasa
Sa magagawa ng Diyos
Sa lahat ng mga hinirang Niya.
Bridge
Pupurihin nating lagi ang Ama;
Tayo’y panatag, may tiwalang pag-asa!
2
Di tayo malulupig;
Sa Diyos ay manalig
Sa kaaway, ililigtas,
Sa Kaniya ay lumapit
Kung mabuwal man sa dilim,
Ang Panginoon, tanglaw natin;
Dama nating tayo’y ligtas,
Matatag, at malakas!
Coda
Tayo’y bayang hinirang,
Natatanging kawan;
Sumampalataya at magtiwala,
Tayo’y umasa sa magagawa sa atin ng Ama!
#INCOriginalMusic
#INCChoralMusic
#INCMusic
#INCSongs
#IglesiaNiCristo
#ChurchOfChrist
#ReligiousMusic
24 авг 2023