TANIKALA LYRICS Sabi nga ng iba pagbitiw ang sagot kalagan na ang tanikala Pero papano ko sisimulan kung ikaw ang paksa ng aking tula Ibig sabihin lang Mahal ka parin At ika’y walang kapantay Pangako na dadalhin ko ang lahat ng ito Hanggang sa ako ay mamatay Ilang beses rin naman natin sinubukan pero puso di na mabuksan Ibibigay na ang lahat walang natira, naabot na ang sukdulan Ano ba yan, ganto nanaman ano pang gusto mo hindi ko alam Bibigkasin ang huling kataga na ito hanggang sa muli paalam Pero kaya ko ba? Kaya ko bang kalimutan tayong dalawa kung patuloy na minumulto ng mga ngiti mo ang alaala Nakaukit ka sa isip Maging sa panaginip Hanggang dito nalang ba? Ang daya naman ng tadhana Marlborong Pula nakaipit sa labi baka sakaling mawala ang bigat Pero kung ikaw lang rin naman ang aking pasan ay handa naman na magbuhat Matulog ka na binibini mahaba’ng gabi sa balikat ko ay sumandal Pangako na ang ‘yong sakit na nararamdaman ay hindi na magtatagal Naubos na’ng lahat, ang natitira sa akin Di na babalik kahit pa anong sabihin Ayaw ko lang naman na maging pabigat kaya ako nalang ang lalayo para sa pag-angat