Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad.
Messenger: shurl.me/TLMes...
Tagalog Christian Music Video|"Gaano Kahalaga ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao"
Ang larawang nakapinta sa Bibliya "ang utos ng Diyos kay Adan"
ay nakaaantig-puso't nakapupukaw.
Bagaman ang nilalaman lang ng larawan ay ang tao't Diyos,
ang ugnayan sa pagitan ng dalawa ay matalik,
na tayo ay makararamdam ng pagkamangha't paghanga.
Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ibinibigay sa tao,
pag-ibig Niya sa kanya'y nakapaligid.
Ang tao, inosente't dalisay, walang alalahanin,
maligayang nabubuhay sa mga mata ng Diyos.
Nagmamalasakit Siya sa tao, at nabubuhay ang taong protektado ng Diyos.
Ang lahat ng ginagawa ng tao, mga salita't gawa niya,
ay nakaugnay sa Diyos, 'di mahihiwalay.
Mula sa unang sandaling nilikha ng Diyos ang sangkatauhan,
pinananagutan ng Diyos ang tao. Anong pananagutan iyon?
Ito ay ang protektahan at alagaan ang tao.
Inaasahan ng Diyos na ang tao'y magtiwala't sumunod sa mga salita Niya.
Ito ang unang inasahan ng Diyos mula sa sangkatauhan.
Taglay ang unang pag-asang ito, sinabi ng Diyos ang mga salitang,
"Sa lahat ng puno sa hardin ay malaya kang makakakain:
Ngunit sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti't masama,
mabuti't masama, huwag kang kakain:
sapagkat sa araw na ito'y kainin mo ay tiyak na mamamatay ka."
Ang simpleng mga salitang ito'y kumakatawan sa kalooban Niya,
nagpapakita ng malasakit para sa tao'y nasa puso na ng Diyos.
Kaya, sa simpleng mga salitang ito, kita natin ang nasa puso ng Diyos.
May pag-ibig ba sa puso Niya? 'Di ba't may kalinga at malasakit?
Ang pag-ibig at kalinga ng Diyos ay kapwa nadarama.
Kung ikaw ay taong may konsensya at pagkatao,
mararamdaman mong ika'y nililingap at minamahal,
madarama mo na ika'y pinagpala ng kasayahan.
'Pag nararamdaman mo ang mga bagay na ito, pa'no ka makikitungo sa Diyos?
Kakapit ka ba sa Kanya?
Hindi ba't mapitagang pag-ibig ang lalago sa'yong puso?
Mapapalapit ba ang puso mo sa Kanya?
Mula rito makikita kung ga'no kahalaga ang pag-ibig Niya sa tao.
Ngunit ang mas higit pang mahalaga kaysa rito
ay ang madama at maunawaan ng tao ang pag-ibig ng Diyos.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa RU-vid channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.
Ebanghelyo ng Pagbaba ng Kaharian: tl.kingdomsalv...
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos: tl.godfootstep...
Maaari ninyong i-download ang app ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Andriod App: play.google.co...
App Store: itunes.apple.c...
CAG Hymns - Mga Bagong Awitin ng Kaharian App.
Google Play:play.google.co...
App Store: apps.apple.com...
Email: contact.tl@kingdomsalvation.org
#MakapangyarihangDiyos
17 сен 2024