Hindi ko masabing this vlog is a collab between me and Mama Tanya kasi wala ito sa plano. Hindi naman ako nagsabi na mag-vivideo ako sa bahay nila days before. Basta noong mismong araw lang din na 'to na magkasama kami sa store opening ng friend / colleague namin, saka ko nagsabi kay Mama Tans na kung pwedeng pumunta ako sa bahay nila para i-house tour ko siya. HAHAHA! Bilang malapit naman ang bahay nila, pumayag naman siya. Welcome na welcome ako, kabisyo! So ito na nga, sa kalagitnaan ng house tour, (ABA!) may biglaang masinsinang usapan kami. Tagal namin di nagkita and sobrang wala akong kaalam-alam sa recent kaganapan sa lovelife niya. Nagulat ako sa nalaman ko.
I've known Ma Tans as a super bubbly person. Hindi yan basta-basta umiiyak, di katulad ko na iyakin. HAHAHA! Pwede siguro siya maiyak sa sobrang tuwa pero masyadong matibay at matatag tong si Ma Tans para maiyak ng basta-basta. We are so accustomed of seeing her and her family on vlogs na sobrang nakakatawa/ nakakatuwa - very natural and raw typical Filipino fam. Masaya lang, kumbaga. But in this vlog, she was different.
I look up to this person and alam kong di ako nag-iisa sa paghanga sa kanya.
Lalo na pag nakwentuhan mo siya tungkol sa buhay-buhay.
ENJOY WATCHING! Wait niyo ang part2!
14 ноя 2020