TANYA MARKOVA 11TH ANNIVERSARY ACOUSTIC GIG Benefit gig din para sa mga kaibigan naming nangangailangan ng tulong GCash 09166123666 #TowerOfDoom #TowerSessionsLive
Naalala ko noong tumogtug kayo sa Tacloban City 11 years ago, nag front act kami ng banda ko sa event na yun..Memorable kasi yun din ang gabing nagkita si Sir Iwa ang Ama nya na taga Tanauan City, Leyte..More power! Hanep walang kupas and kwela pa rin! Salamat sa mga masasayang kanta!!! Peace out!!!
Dear TanyaMarkova, isa lang ako kumpara sa libu libong taong nangangarap na mapansin nyo at makilala. Gusto ko lang magpasalamat sa musika na binabahagi nyo sa amin. Wala pang pandemya kayo na ang happy pill naming mga solidong Tanyakis at mas lalo nyo kaming pinalalakas ngayong mga panahong sinusubok sinuman ng pagkakataon. Bilang isang fan ninyo, (actually di nga fan ang turing nyo samin kundi kaibigan na din kasi napakadali nyong lapitan), gusto ko lang hilingin sa mga dasal ko na mas pahabain pa sana ang samahan ninyo hanggang sa mga kaapu apuhan nyo kasi habang nabubuhay ako hahanap hanapin ko ang TanyaMarkova. Salamat sa mga liriko na mababaw pakinggan kung minsan pero matalinghaga naman kung nanamnamin, sa melody na halos ibalik ako sa sinapupunan ng nanay ko kasi para akong nagta-time travel pabalik sa panahong kendi lang ang iniiyakan ko. Salamat sa kulitan na kahit hindi tayo pisikal na magkakasama ay tumatagos sa mga earphones at screens ung saya at kwelang hatid ng banda. Salamat sa pagmamahal nyo sa mga nagmamahal sa inyo. Sulit na sulit ang load, panahon at pakikinig namin sa musika ninyo kasi ramdam namin na may pagmamahal din kayo para sa amin. Happy 11years and still counting mga mahal. Sir Iwa, Sir Norma, Sir Skrov, Sir Mowmow, Sir Japo, Sir Ole, Sir Levy at Sir Rez salamat sa walang sawang pagbibigay saya. Mawala na ang pandemic, mawala man ang lahat, ako, hinding hindi mawawala ang pagmamahal at respeto ko sa inyo. Nagmamahal, Hazzel Ham. Certified lalakero kasi mahal ko kayong lahat. Peace! ❤️
Happy 11th Anniversary Tanya Markova! 8:57 Hello, Hello 20:50 High End 31:51 Jacuzzi 43:10 P. A Roadie Fernandez 53:30 Linda Blair 1:04:58 Bituin 1:17:24 Ganda mo X Iglap 1:37:31 E.O.W 1:49:33 Nakatutok 2:16:45 Ang Darling kong Zombie 2:32:34 Stranded 2:50:42 Picture Picture 3:16:45 Pandemonium 3:46:57 Disney Ps: Hindi ko na sinama yun cover nila kasi syempre anniversary nila, labyu mga tanyakis.
Late ko na to napanood since hindi naman ako gaanong active before sa mga soc meds at YT pero palagi kong pinapakinggan mga kanta nyo eversince, college pa lang. 😄 sobrang gagaling nyo poooooo!!! 💕
Ang saya niyo tlga panuorin mga lods sana umayos na ulit ang mundo para may gig na ulit at mapanuod ko kayo isa kayo sa nagpaparelax ng nakakapagod na mundo ko hehe
Mr.big ng pinas to. 💔 Sobrang underrated ❤️ pero salamat di nagsasawa mag share ng music kahit di nila makuha ung spot na dapat sa kanila. Loveyou mga mahal. 😘