Best friend, naghihintay ka rin bang bumalik siya? Baka para sa iyo ang MusiKong ito!
Tayo’y Magsasama sa Habang-buhay by Xyvey Rayn Odchimar
Tayo’y Magsasama Habang-buhay
Nasasabik akong makapiling ka, sinta
At masilayan ang kumikinang mong mata
Ating tutuparin mga pangako natin
Sa araw ng iyong pagdating.
Lala… lala… lala… lala…
Malayo man tayo sa isa’t isa
Ang pag-ibig mo’y akin pang nadarama
Aking panghahawakan, pangakong binitiwan
Ikaw at ako'y magmamahalan
Chorus
Isayaw mo ako sa hardin ng mga bulaklak Pahahalagahan itong munting alaala
Tayo ay mahigpit na maghawak-kamay Magmahalan sa habang buhay.
Lala… lala… lala… lala… (2x)
Sa hirap at ginhawa aalalayan ka
Ipadarama sa iyo na di ka nag-iisa
Ang iyong mga mithiin ay mahalaga sa akin
Kaya sasamahan ka na ito ay kamtin.
Last Chorus
At alam kong ito’y magtatagal
Ngunit ako’y maghihintay sa iyo, mahal
Dahil ang aking pag-ibig ay sa iyo nakalaan
Kaya ako’y nakahanda sa ating inaasam
Tayo’y magsasama habang buhay
Lala… lala… lala… lala… lala Lala… lala…
CREDITS:
Composed and Performed by Xyvey Rayn Odchimar
Musical Arranger: Vicar Oyes Velayo
Band:
Guitar: Arnel Abenoja
Bass: Chadymar Alayan
Keyboard: Lester Paco
Chimes and Tambourine:
Edar Joshua Montero Rosas
Animator & Graphic Artist:
Julius Catudio
Musical Arranger: Vicay Oyes Velayo
15 мар 2023