Тёмный

TBT Unplugged + Nintendo Switch Giveaway  

Mayonnaise PH
Подписаться 415 тыс.
Просмотров 36 тыс.
50% 1

Опубликовано:

 

17 сен 2024

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии : 511   
@patrickkevinfernandez7781
@patrickkevinfernandez7781 4 года назад
Para sakin the best #TBT is yung The Reason by The Hoobastank. Bata palang ako, mahilig na magpatugtog ng cassete tapes at physical cd's (minsan pa nga burn type cd's) ang aking Papa at ang aking Tito. May isang physical Cd na nakakuha ng aking atensyon para makinig palagi ng music. I think eto yung compilation album ng mga Alternative songs noong mid 2000. Kabilang na dito ang bandang Maroon 5, Oasis, Evanescence at syempre ang Hoobastank. Pinakinggan ko ito ng paulit ulit. Araw araw pagkagising ko. Di ako nagsasawang pakinggan kahit kada naglilinis ako ng bahay. Dito ako nagsimula mahilig sa musika. Di lang sa foreign bands, kundi lalo na sa OPM music. Marami akong iniidolong banda at isa na dun ang Mayonnaise. Malaking bahagi ng aking pagkabata at ng aking buhay ang pakikinig sa musika. Dito, nagagawa kong maging kumportable at maging masaya tuwing nakikinig ako ng music. Nahilig din ako sa pagtugtog ng instrumento, lalo na ang drums. Salamat sa musika. Salamat sa aking mga iniidolo. Salamat sa pagkakaroon ko ng interest sa musika. Salamat Panginoon. ☺️☝️🙏 #Mayonnaise #Mayonation #2YearsOfTBT
@donbonayon6341
@donbonayon6341 4 года назад
#TBT The Reason - Eto yung kantang pinakikinggan ko simula palang bata ako hanggang ngayong college nako. Sa lahat ng TBT Sesh niyo, ito yung pinaka tagos sa puso di lang dahil sa grabe yung bagsakan niyo dito kundi dahil para akong bumalik sa pagkabata nung pinakinggan ko to. Ito yung mga araw na tatakas pa 'ko ng bahay para pumunta sa computershop at magiipon ng P15 para lang mag download ng mga kanta na naging inspirasyon din namin ngayon sa pagbabanda (syempre di mawawala dyan yung legendary na jopay) hahahhahaha shout out sa lola ko dyan! Sorry matigas ulo ng apo mo HAHAHA Sobrang solid ng mga covers niyo, salamat sa pag tapon pabalik ng mga kantang kinalakihan namin! Sana makasama ulit namin kayo sa gig, Sir Monty! Sana matapos narin 'tong pandemic para mapanood ko ulit kayo ng live! 😁 Kudos sainyo, Mayonnaise! #2YearsOfTBT
@xX_Raccacoonie_Xx
@xX_Raccacoonie_Xx 4 года назад
My favorite for TBT would probably be "I Miss You - Blink 182" the first TBT I listened to and have made me follow the channel ever since(For the TBT where the whole crew is present it would be "Torres Live"). Thank you Mayonnaise for also making me love music I never thought I'd listen to. PS: I'm writing a comment not only because of the prize but also because I now have an excuse to say something cheesy/cringy in public. More power to you bloody legends. Happy #2YearsOfTBT
@growlxchristian
@growlxchristian 4 года назад
Ang pinaka favorite ko po na tinugtog nyong TBT is your own song "Bakit Part 2". Dahil isa po ito sa mga unang tinugtog namin as an aspiring band sa maraming audience. Masarap sa pakiramdam na makapag kalat ka ng mensahe sa mga tao through music, bihirang bihira makahanap ng katulad nyo (Mayonnaise). At first, grupo lang kami ng mga estudyanteng mahilig sa OPM, at supporters ng Mayonnaise. Nagsimula kami sa pa unti-unting jamming session hanggang sa maisipan na po namin bumuo ng banda. Pero makikita mong mas maraming mas magaling, mas bihasa sa larangan ng pag b-banda. Sa mata ng mga baguhan, nakakatakot makipag sabayan at nakaka pang hina ng loob. Sobrang laking part ng Mayonnaise sa pag - inspire saming tumugtog at maniwala muli sa OPM. Proud kami na ang una naming tinugtog bilang isang banda ay ang mga kantang "Jopay" at "Bakit Part. 2". Simula non ay nabago na ang aming buhay at lubos po namin iyong pinasasalamatan. Kundi dahil sa bandang Mayonnaise, ay hindi kami magkakaroon ng lakas ng loob para makatugtog sa iba't ibang gigs at makapag pa saya sa madla gamit ang mga kanta mismo ng Mayonnaise! "Oh, bakit ba pag wala ka na, ako'y kulang" yan ang linyang hindi namin malilimutan dahil kapag wala ang Mayonnaise, Wala din kami. (Look at us now, Nakapag front act na po kami sa isang Gig nyo po dito sa Montalban, Rizal, una naming beses ma kita ang Mayonnaise non at sobrang nakakaiyak sa tuwa.) Happy 2nd anniversary po of TBT!! Sana patuloy kayo magbigay ng saya at inspirasyon sa marami pang aspiring bands sa Pilipinas. Mabuhay ang OPM! #2YearsOfTBT
@kiers7637
@kiers7637 4 года назад
Lahat ng tbt for the past 2 years ay sobrang maangas, lalo na sa generation namin na nasanay sa mga hits ng Coldplay, Paramore, Oasis at madame pa, tapos mapapadaan ka sa channel na to para kang dadalhin sa nakaraan na puro saya at kantahan lang ang importante, hirap pumili ng best kase ganun na man pag nakikinig ka ng music, hinahayaan mo lang sarili mong magenjoy at kalimutan panandalian ang mga problema, pero kung kailangang mamili, Imissyou tbt with IBTZ yung solid, hindi nakakasawang ulit ulitin, napakabasic pero tagos na tagos, sarap sabayan ng redhorse at growers peanut. Salamat sa #2YearsofTBT, tuloy tuloy lang mga sir.
@happyfretmachine2671
@happyfretmachine2671 4 года назад
My favorite #TBT song is "Eddie Song" This song is from their 1st studio album. Naaalala ko, HS palang ako pinapatugtog ko na 'to sa discman ko. Haha! Ngayon, 'di na uso ang cd, pero proud akong kumpleto ko ang physical cd albums ng Mayonnaise! Andaming underrated songs ng Mayo! Pink White Blue, Dahil, Aircon, Punk You, Pseudo, Deeper Meaning of Love, 5:03, Sana Kung, Looking for Love, Voices, Etc. etc. etc! At personally, 1st album talaga ang favorite ko sa lahat! Syempre, iba talaga ang goodvibes aura na dala netong Eddie Song! Kaya sobrang nakakatuwa pag tinutugtog nila ito hanggang ngayon. :')
@KarlTheCatto
@KarlTheCatto 4 года назад
First of all, happy anniversary po! #2YearsOfTBT
@aishiteru359
@aishiteru359 4 года назад
My favorite #TBT performance is your one of originals the "Sinungaling". I heard it first from your official music video 2 years ago and then 8 months ago when you releases the #TBT performance of Sinungaling This one of my favorite song because it means a lot, the lyrics and also to me. When I heard this song first come to my mind is myself, because I know that I am not so honest as you think, I'm also telling lie sometimes and I ruined my life because of lying, I have this special someone and because of lying our special connection has ended. And now this song changes me, I am just picking the situation when and where should I lie, to avoid what already happens to me and if it has a good effect. I always repeating the song when I want and I also says to my self repeatedly, "Tagos parin talaga sa puso". Happy #2YearsOFTBT and more years to come. STAY SAFE diiin poooo🤗🥰😄
@johnchristopherviduya9538
@johnchristopherviduya9538 4 года назад
Nung bata pa ako yung mother ko nagwowork siya as a saleslady sa isang mall. every time na susunduin namin siya ng father ko sa mall tuwing closing pinapatugtug lagi sa mall yung closing time ng semisonic. Favorite ko yun kahit di ko alam yung kanta. Until highschool ko lang ata nalaman yung pamagat ng kanta. So everytime na naririnig ko yung closing time ng semisonic talagang naalala ko yung panahon na nag aabang kami ng father ko sa mall. After a long day at work makikita mo yung saya ni mama kapag nakita niya kami after work. Tandang tanda ko pa yung scene na nakadungaw ako sa glass wall ng mall habang nakikita si mama na nagreready na para umuwi habang tumutugtog yung closing time. Napakanostalgic at nakakamiss yung ganung feeling. Di ko pa alam na ganun ko pala itreasure yung moment na yun. May mga song talaga na malaking impact satin kahit di natin namamalayan. Thank you mayonnaise sa pagtugtog ng kanta na yun. Konti na lang din ata yung nakakaala ng closing time ng semisonic yung mga ka batch ko na lang siguro haha I wish there are more bands like you that do this kind of thing. Daming magagandang song ang nalilimot na ganito pala kapag tumatanda haha
@russelandreibacani5488
@russelandreibacani5488 4 года назад
My fav since childhood is My Hero by Foo Fighters, dati nung bata ako di ko alam meaning nung kanta basta nagustuhan ko yung rift ni Dave Grohl at bass line ni Nate Mendel. Nung nagkaisip na, dun kolang narealize na yung kantang yun ay para sa mga silent heroes or mga ordinaryong mga tao na pwede mong maituring sa sarili mo na bayani. Para sakin iba yung impact niya especially yung mama ko nasa ibang bansa and 5 years na siyang andun hanggang maabutan na siya ng pandemic ngayon, tinaguyod kaming dalawa ng kapatid ko ng mama ko mag isa kasi yung papa namin hindi na nagpaparamdam samin nun. Kaya masasabi ko na ang My Hero ko ay ang mama ko. Shinare kolang po hahaha pero alam ko yung TBT na episode niyo po na nacover niyo yung kanta eh apat lang kayo ni kuya Shan, kuya Carlo, kuya Nikki at kuya Monty. #2YearsOfTBT
@Sijimon
@Sijimon 4 года назад
Di maaalis sa utak ko simula pagkabata yung kantang torres, lagi pumapasok sa isip yung lahat ng what ifs and lahat ng memories sa kahit anong pinagsamahan, and mga favorite memories ko naaassociate ko sa lahat ng kanta niyo, kaya on repeat sakin lahat ng performances niyo live lalo na yung torres, too bad di niyo natugtog nung nasa Iriga kayo for the Kaogma fest, thank you mayo! Long live OPM and long live Mayonnaise! #TBT #2yearsofTBT
@jackskellington3966
@jackskellington3966 4 года назад
*"Pinatagpo ng Quarantine pero hindi itinadhanda kahit na wala pang Vaccine"* #2YearsOfTBT Since nung naglabas kayo ng ganitong segment lagi ko nang inaabangan at soundtrip sa CR habang naliligo ang #TBT pero nung ginawan niyo ng cover yung "I Miss You" ng blink-182, siguro 'yun na 'yung pinaka tumatak saken. Naging isa sa main track ng playlist ko 'yung cover niyo sa blink sir para patugtugin sa bawat inuman ng magtotropa. Siguro naging memorable din 'tong song saken dahil parang naging themesong na din ng ka M.U. ko ngayong quarantine na classmate ko din nyahaha. Naging fav song namin siya, lagi kong nivovoice message sa kaniya yung song at lagi kaming magkachat boung araw. Kaso nahinto lahat lahat nung sinabi niya na ihinto daw muna namin 'tong gantong sitwasyon dahil alam niyang mali. Mahal niya pa 'yung ex niya, at kakabreak lang din namin ng girlfriend ko. Siguro parehas lang kaming naghanap ng moment na alam naming makapagpapasaya sa amin kahit panandalian. Kahit na ganon, yung I Miss You ng blink eh pinaka tumatak sa akin kaya nagiging emotional ako kapag natugtog na yung cover niyo sa playlist ko. "Don't waste your time on me you're already the voice inside my head, i miss you", wala eh ganon talaga. Sila na ulit ng BF niya, kami na din ng GF ko. Siguro pinagtapo lang kami ng quarantine pero hindi kami itinadhana kahit na wala pang vaccine.
@humbleedition6184
@humbleedition6184 4 года назад
The first TBT cover na napanood ko is ang Only One - Yellowcard. It was a typical day sa faculty room last year, nung lumabas ang video na yun sa recommended videos for me to watch. (kailangan ko ng background music while working) I listened and switched the tab LAKING GULAT KO, nag kocover pala ang Mayonnaise! Bumalik sa memories ko ang highschool days ko kung saan ako natuto mag drums sa patingin tingin lang and I looked for some highschool students that knows how to play and I formed a band with those 13/14 year old kids na alam kung may skills and we spent several hours tuwing uwiian sa maliit na room sa gymnasium ng school namin, covering songs, the kids were so happy. And on from day on, di pwedeng wala ang TBT covers ng Mayonnaise sa playlist ko. Nung binisita niyo ang Davao City last year, I was there and after ninyo mag perform umuwi na ako and thatbwas the first time I saw you perform live and I have been a fan since Jopay days sa myx, elementary pa ata ako nun hahaha. Patuloy lang Idol!
@micojamesgonzaga7937
@micojamesgonzaga7937 4 года назад
Yellow - Coldplay | Mayonnaise #TBT Congrats and Happy #2YearsofTBT Mayonnaise! I chose this #TBT song covered by Mayonnaise because aside sa favorite song ko talaga ang Yellow this song really reflects my life, Wherein the lyrics are about being devoted to someone, wanting to do anything for them. Sobrang coincidence lang kasi nakakarelate yung personality ko sa kantang ‘to, I admit na I was a really selfless person minsan I rather choose to help others than to my self na minsan iniisip ko I cared too much to them not to gain my ego or need lang ng attention pero ang sarap kasi tumulong without asking na kapalit and that really means a lot to me. Nakakatuwa lang kasi Mayonnaise pa ang nag cover parang two favorite bands in 1 song yung dating. Last time na ka-kwentuhan ko si Mr. Macalino (ohh that’s my papi!!) ang saya lang kasi idol mo same vibe kayo and favorite ang Coldplay then he says na Coldplay was the one na nag-iinspire sakanya mag sulat ng kanta isa na dun ang first album ng Mayonnaise (nung sinabi nya sakin ‘to na goosebumps talaga ako..) So before I end up this madramang comment, for me this comment is not just for an entry to win the price but I just wanna Thank always Mayonnaise at sa mga bumubuo neto kahit paulit ulit ko pang sabihin yan. I owe a lot to mr. Macalino the “coolest ever tito” and the band coz they’re the one who saves me from my problems through their songs, good vibes and advices. More power and an endless support to all of you Mayonnaise! #IbalikNaAngLiveGigsAndConcerts #2YearsofTBT
@justineabanilla5562
@justineabanilla5562 4 года назад
#TBT yellow - fan din ako ng coldplay since then and fan nyo rin po ako since then and nagulat nlng ako nung kinover nyo yung yellow click agad ako tas yun nayung lagi kung pina pakinggan mga na 100+ na ulet na nga ata ako sa cover nayun eh hanggang ngayun d parin ako nag sasawa pinapakinggan ko yun tuwing feeling lonely ako dahil sa lyrics palang nung sung tagos sa laman na and quick story lang big fan din ako ng opm at isa kayu sa mga inspiration ko kaya ako nag patuloy sa music kahit hindi ganon kaganda boses ko and dahil din sa mga tbt nyo naging fan narin ako ng mga bands dati ko kilala happy#2yearsoftbt
@joboyffernandez
@joboyffernandez 4 года назад
My favorite Mayonnaise #TBT is Wonderwall by Oasis kasi bukod sa personal favorite ko to e nakakatuwa na tinugtog din to ng paborito kong banda. Kahit hindi ngayong tbt. May acoustic cover nuon si sir monty na napanuod ko nung college ako bandang 2013. And since then nainlove na ko sa song and also lalo sa bandang Mayonnaise kaya sinundan ko na sila sa live gigs kapag kaya ng time and budget. Kada nuod ko ng live gig umaasa akong makanta nila to kahit di nila orig song kahit pahapyaw lang haha or part ng mash up tulad ng lagi nilang ginagawa sa live show. Kaya sobrang saya na nadinig ko uling kantahin to ng Mayonnaise dito sa tbt 2 years ago. And tho madami na natbt na kanta in the past 2 yrs. Wonderwall cover will always be my favorite. Sobrang nakakainspire tumugtog pag ganyan yung napapakinggan mo. Thank you Mayonnaise for your music. Thank you for inspiring. Thank you for featuring our local/underground bands in TBT because honestly I just discovered a lot of great bands dahil sa TBT collabs. And well appreciated yung effort na buhayin ang OPM. Long live Mayonnaise and sana pwede na lumabas para makapanuod na ng Anniv Concert nyo sa November. Yun na ang pinakamagandang reward na pwede after nating mapagtagumpayan ang pandemic. More power! Peace! #2YearsOfTBT
@claydmanuel293
@claydmanuel293 4 года назад
#TBT - Synesthesia. Laking part po yung kanta nyo sa buhay ko. Yan yung kanta na lagi kong kasama tuwing may ups and downs sa buhay ko. It's the perfect song na pwedeng pwede ko iplay in any type of mood na meron ako ngayon hahaha. Nakakatuwa lang kasi, mas naimprove yung songwriting skills ko dahil sa mga kanta nyo po. At mas lalo kami nagconnect ng mga kabanda ko because of your songs din po hahaha.lalo na sa bakit part 2. Lagi kami nagkakasundo dun. Salamat sa lahat, Sir Monty, Shan, Keano, Carlo, & Nikki. Always supporting y'all po! 💛 Kahit di manalo, I'm always thankful sa mga kanta na naibigay nyo samin hehe.
@joyciericohermoso8222
@joyciericohermoso8222 4 года назад
Happy 2nd year, TBT! 💛 THE REASON - I got sooo many favorites from the TBT Episode, but eto yung pinaka striking for me. Sobrang timely. Nung inupload to, kasagsagan ng sobrang daming nangyayare. Not just battles in the mind / own battles, pero sa kapaligiran din natin. But, this song reminds me to keep going. To move forward not just for me but sa mga taong nakapaligid sakin. (“A reason to start over new”), because, we might not know (for now) why these things happened, but someday. Then, magiging proud tayo na we continue life dahil sa mga taong nakapaligid sayo. :) #2YearsOfTBT
@spaynecr
@spaynecr 4 года назад
WONDERWALL BY OASIS ang pinaka-favorite kong #TBT cover ng Mayonnaise. Napaka-nostalgic nung beats, rhythm, vibes and the song itself and very homey nung pagkakakanta na bagay na bagay this rainy season. Binalik niyo sa akin yung feels ng kantang ito lalo na't favorite ng High School crush ko ang kantang ito (lel) at dahil na rin sa kanya naging favorite ko ito. This cover really hit the spot and, for me, it's the perfect way to end the session for tonight =). THANK YOU! Kudos for this and more awesome songs and covers sa inyo, Mayonnaise! #2YearsWithTBT
@sean8867
@sean8867 4 года назад
Ang favorite kong tbt cover niyo ay ang kantang kapag lasing malambing dahil ang kantang ito ay tinugtog ng banda namin sa isang event sa school and ito din po yung kantang talagang sumabay yung audience samin FOR THE FIRST TIME, almost every tugtugan kasi namin tahimik lang yung crowd so sobrang natuwa at nagulat kami ng mga kasama ko sa banda nung sumabay sila. Dito ko narealize na, di pala kami pa puchupuchu na banda lang kasi baguhan pa lang kami. May kaya din pala kaming patunayan. So iba talaga impact ng kantang toh sakin and sa band namin. Dahil sa kantang toh mas na inspire ako tumugtog at mas na convince ko ang sarili ko na ituloy ang pagtugtog sa banda and nangangarap, hopefully balang araw sumikat yung banda namin and makasabay kayo sa isang gig. Dahil sa pagtugtog, mas naging proud at mas may napatunayan din ako sa parents ko lalo na at tuloy tuloy yung pag pasok ng banda namin sa competitions sa school. Sarap sa eyes na makitang natutuwa sila sa sakin💯. So yun lang, salamat sa musika niyo mayonnaise❤ you'll always be my idol and inspiration! More tugstugan pa mga brader
@xiankojicarreon7564
@xiankojicarreon7564 4 года назад
Una sa lahat. Happy 2nd anniversary po sa TBT. Coolest band in my life. So ayun ang favorite song ko pa YELLOW. Kase bawat oras na napapakinggan ko ito. Talagang relate po ako dahil sa lola kong namayapa nitong buwan lang na ito. First verse palang po, talagang tumama sa buhay ko. Dati ay ginagawan ko ng kanta ang aking lola habang kami ay nasa ospital at akong apo nya ang nagbabantay sa knya. Habang nagbabantay nagsusulat ako kanta pero ang lungkot nung kanta na para sa lola ko. At ibinabasura ko iyon dahil ayokong magisip ng kung ano anong mangyayare sa lola ko. Kaya naman pinapakinggan ko nlng ung cover ng yellow. Kahit parock version talagang nakakahubog ng damdamin kasama pa ung boses mo sir monty. At ngayon hindi parin ako makatapos ng kanta at puro lang simula at sabay tapon kase malungkot. Siguro dahil ganitong kamamatay lang ng lola ko hindi ko pa matanggap siguro matatapos na ako makagawa ng kanta pag natanggap ko na. Kaya naman ngayon bawat gabing natitingin ako sa mga bituin "look at the star, look how they shine for you" (boses mo sir monty ang tumutugtog sa isip ko) naiisip ko na isa sa mga bituin na iyon ay ang lola ko na kumikinang na nagsisimbolo ng pag asa at nagsasabing masaya na sya at wala na syang hirap na dinaranas. Yun lamang ang kahulugan ng kantang ito para sa akin. Keep rockin' Mayonation loves youuu!!! #2yearsofTBT
@prudencechristienne3619
@prudencechristienne3619 4 года назад
First of all, happy 2 years tbt MY! ✨ My favorite performance would be “Wonderwall by Oasis”. Upon listening to this song, it really feels like there’s someone who will always be there for you that will really help you save your life even you’re at your worst, or even at times that you hate yourself. With that, I can say that music can be a “Wonderwall” too. It will help you make yourself happy/uplift your emotion or even save your life by listening to it. Thank you for your music, Mayo!! Thank you for being our Wonderwall. Hoping for more covers. I will forever support you, mabuhay ang musika! 💛 Stay safe!
@marky6910
@marky6910 4 года назад
Torres #TBT performance is my favorite (where every member was present). It was the song that introduced Mayonnaise to me. Ito ung kanta para sakin that when I play, romantizes all the heartache and sad relationships that I had in the past but without the pain and the hate.. anymore. Sinsabi niya "Things have changed, it's a good experiience and feeling but it's gone and it's done, it's okay to be sad but it's time to move on". Napakanostalgic ng kantang to especiially Monty on that train. More power Mayonnaise. So sad we won't be able to spend your anniversary show together this year but our heart's will always be with you and with your music. #2YearsOfTBT
@jordsdejesus
@jordsdejesus 4 года назад
My favorite TBT Mayonnaise is Dare You To Move - Switchfoot. Since gradeschool ako I love this song. OST ng A Walk to Remember movie. Until now pinapakinggan ko din siya that one is classic! Cheers! More TBT covers to come. Galing! I love your music! Hope this pandemic will end. Godbless Y’all! 💖 Keep safe!
@jrwndelaluna
@jrwndelaluna 4 года назад
Every thursday nakagawian ko na na panoorin ang bagong #TBT song nyo. Like iniisip ko lagi ano kayang bagong kanta na icocover o gagawan nyo ng live version mapapanood ko. After kong mapanood ang video, i will pick a line sa song sa cinover o orig song ginawan nyo ng live version na pinakatinamaan ako o pinakagusto ko and post a screenshot on twitter with the link of your video.(@princejawe nga po pala sa twitter) Nakakatuwa lang na panoorin na sa mga TBT nyo, madalas may featured artist. Iba yung suporta na pinapakita nyo lalo na sa mga bago at di pa gaanong sikat na mga banda. support opm, ika nga. Sa #2YearsOfTBT, paborito at paborito ko pa rin yung Bakit Part 2. Mula pa noong una ito na talaga ang paborito song mula sa inyo. Sapul na sapul pa rin hanggang ngayon sa line na: "O Bakit ba 'pag wala ka na, ako'y kulang. ako'y kulang." At mas dama ang sakit ng song doon sa live tbt version nyo. ♥ Sa tbt covers naman, paborito ko naman yung cover nyo ng New Order (Bizarre Love Triangle) di dahil sa meaning ng song (solid po ako magmahal), pero gusto ko yung nag-iba yung tunog nung kanta. Iba yung dating sa cover. Iba talaga pag kayo na nagcover gumamit pa ko mp3 downloader/converter para magkaroon ako sa phone ko neto haha. (wag tularan) para mapakinggan ko kahit san. More power sa inyo Sir Monty and Mayonnaise. Labyu!
@fushumang1716
@fushumang1716 4 года назад
Para sa akin Bakit Part 2 (Live). Simula pa nung unang lumabas first album ng Mayonnaise, paborito ko na talaga ang kantang ito. Sa tagal ko nang pinapakinggan ito sa mga concerts, shows at uploads, narinig ko na kung pano nag evolve itong kanta at lalong gumaganda. Sa TBT performance, solid talaga! Yong kulitan sa una habang nagtotono ng base ang nagpaganda lalo XD. Saktong sakto yung mga "wo-hu-wo-ho" at second voice, pati bagsak ng mga instrumento at effects. Long live Mayonnaise at sana wag kayo magsawa na tugtugin ang kanta na ito.
@elginbouynicdao
@elginbouynicdao 4 года назад
Wonderwall by Oasis !! no doubt about it haha Seems like it was yesterday when you hear it but To be honest all of these TBT covers you made were so nostalgic, i mean most of it .. These covers make the better feeling for us and they will never be forgotten. Despite of the new songs of this era people will turn back their music that has been familiar with their habit for a long time. So we say thank you to Mayonnaise coz our nostalgia is derived from these feelings/impressions of a time and place now gone but made real for us through the music. Rock on MayoNation 🤘 #2YearsOfTBT #Mayonnaise
@tonyskull4097
@tonyskull4097 4 года назад
HAPPY 2nd ANNIVERSARY ! ! !🎉🎊 More covers to come! #2YearsOfTBT Actually halos lahat nang TBTcovers nang Mayonnaise favorite kong pakigan haha sinave ko nga yung TBT playlist sa youtube tas palagi ko syang pinapatugtog nang naka shuffle sa bluetooth speaker tuwing nag u-urong ako nang mga hugasin, nag wawalis nang bakuran, at tuwing nag babantay nang tindahan tapos naka headset naman pag bumabyahe at bago matulog habang nag e fb haha naka notification bell nga ko sa channel para malaman ko agad kung may bagong TBTcover. Di ako nag sasawang pakinggan ang mga covers nang Mayonnaise kase every cover nila ay parang nakikinig ako nang ibang kanta, well it's the same song pero dahil sa ganda nang rendition nila sa kanta minsan yung ibang cover nila mas maganda pa sa original katulad nang Yellow cover nila unang beses ko narinig yon "EARGASM" nabigay talaga nila yung true meaning of covering a song paulet-ulet ko syang pinakinggan hanggan sa nalaman ko na marami pa silang covers at dun ko natuklasan yung TBTcovers nang Mayonnaise. Ang akala ko nga noon eh yung TBT ay mga cover songs lang nang MAYO from different foreign artists or bands yun pala pati original songs nila ay kabilang din, at dun ko unang narinig yung rendition nang SYNESTHESIA (one my favorite songs unang kanta rin na natutunan ko sa gitara) na hindi acoustic kungdi FULL BAND matagal kung hinintay na gawin nang MAYO to sobrang ganda! Pero ang pinaka paborito ko sa lahat nang TBTcovers ay TORRES isa sa pinaka malungkot na kanta nang MAYO na tuwing naririnig ko ay tagos sa puso ang bawat salita sa lyrics, sobrang ganda nang rendition na yun ramdam na ramdam ko yung emotion nang song sa pagkaka-tugtog nang MAYO lalo na dun sa extended instrumental yung may improvise lead solo si sir Monty tas yung vocal ad libs sa dulo PERFECT. Dahil sa sobrang nagandahan ako sa kanta pinilit ko pa noon yung date kong banda na i-jam namin yung Torres kahit d nila alam yung kanta (kse metal ang trip pakinggan nang mga kabanda ko) pinilit ko silang pakinggan yon para ma jam namen haha. Lagi kong naiisip non na saan kaya nang gagaling yung mga song title nang MAYO tulad nang song na Synesthesia, ang alam ko ay nakuha ni sir Monty yung title na Torres sa pangalan nang isang football player (Im not sure)🤔 pero nag tataka ko noon bat kaya bihira lang tugtugin nang MAYO yung Torres nang live. One time nanood ako nang MYX kasama tito ko tas si sir Argee nang I BELONG TO THE ZOO ang guest sa segment tapos ang ni-request nya music video ay TORRES at may biglang kinuwento yung tito ko tungkol dun sa kanta na Torres na may personal story daw si sir Monty sa song (di ko na sasabihin para sa privacy ni sir Monty) kaya daw bihira tugtugin nang MAYO ang Torres kase may naa-alala si sir Monty at nalulungkot sya. WOW CONSPIRACY THEORY 😆 Ewan ko kung maniniwala kayo sa pinagsasabe ko o baka nabu-bullshitan na kayo saken hahaha😅 Basta ako sinabi ko lang yung nilalaman nang puso't isip ko haha hindi narin ako umaasa na manalo nang nintendo switch dahil sa dami nang nag submit nang comments baka nga d na rin mabasa nang MAYO to eh kaya gusto nalang i-share na ang Mayonnaise is one of the best and my favorite OPM band.🤘
@OwlxPenguin
@OwlxPenguin 4 года назад
Paborito kong #TBT ng Mayonnaise syempre yung original song nilang The Only Thing! Piyesa nila ito noong nag champion sila sa Redhorse Muziklaban noong 2004! Lupet! Grabe! Ilang taon na tong song pero pag tinutugtog nila grabe parin yung performance at impact. Back from Fine Arts days, nagheheadbang pa ako habang gumagawa ng plates (artwork)! Ngayon, napapa-headbang parin ako sa mga kanta at performance niyo! Salamat Mayonnaise! #2YearsOfTBT
@crispullan8945
@crispullan8945 4 года назад
Ang pinaka paborito kong #TBT performance ng Mayonnaise ay syempre yung Synesthesia. Ever since I was a kid, isa na ito sa mga paborito kong kanta. Napakaraming version na nito yung narinig ko. Pinaka una yung may intro pa siya na plucking na naka dead string before yung mas sikat na intro na siguradong alam ng lahat. Sobrang hirap gayahin for me na bago pa lang natututo mag gitara way back 2011 (hanggang ngayon naman hindi ko pa rin magawa haha). Nakarinig na ako ng pure acoustic version, full band, and isa sa pinaka maangas na version na narinig ko is noong tumugtog ang Mayonnaise live sa UPLB Feb Fair (2019 ata ito). Pagbagsak ng intro, full band agad sabay pa ng dead string sa modified version. Grabe, kinilabutan ako. Wala man akong lovelife pero napasaya ako ng Mayonnaise noon. Sobrang nostalgic para sakin ng kantang ito dahil sa kantang ito nainspire ako matuto mag gitara. Pati nga style ng pagkanta ni Sir Monty nagaya ko na eh. Kumbaga, nung nagsimula akong magkaroon ng opportunity na kumanta sa isang banda eh ito talaga yung napansin ko. Kung kinakailangan tumugtog at kumanta ng biglaan, Synesthesia agad ang takbuhan na kanta. Paborito talaga. Isa pa sa mga nagustuhan ko kasi sa kantang ito, sobrang ganda ng lyrics niya. May laman. "And if I die, remember these lines 'I'm always here guarding your life'". Odiba? Ang ganda. Syempre nung high school tayo, love song yan. Emo phase pa dati eh haha. Ngayong medyo tumatanda na, narerelate na natin yan sa mga ibang bagay gaya ng pamilya natin. Ngayon malayo ako sa pamilya ko. Isa kong working student at kabilang sa trabaho ko ang pagiging exposed sa labas at iba't ibang tao kahit may pandemya. Isang paraan ko na to para maprotektahan ang kanilang kalusugan at makaiwas sila sa pinansyal na gastos para sakin kung ako'y nasa bahay lang. Yung parte naman "I'm waiting for you, waiting for this dream to come true just to be with you" relate din ako ngayon. Kailan kaya ako sasablay? Hanggang kailan ako mag-iintay? Gusto ko na ring gumraduate kagaya ng mga kasabay ko! Haha pero ayos lang din naman dahil masaya naman ako at marami akong natututunan sa buhay sa pagtatrabaho ko. Ayun lang. Ingat kayo and more power, Mayonnaise! Tuloy niyo lang kung anong ginagawa niyo. Nakakapagpasaya kayo ng maraming tao. Maraming salamat sa lahat ng kanta simula sa Jopay na pinakauna kong narinig hanggang sa Kumander na pinakahuli kong naging paborito. See you soon sa mga gigs pagkatapos ng pandemyang ito! (UPLB FebFair 2021 please! Haha) #2YearsOfTBT
@sudaizhajihil9295
@sudaizhajihil9295 4 года назад
Ang paborito kong #TBT ng bandang Mayyonaise ay lahat ng songs na ni-cover nila. Ang explanation ko dito is very simple, kase dahil sa Mayyonaise kaya ko nadiscover ang napakadaming magandang songs and napakadaming banda na sobrang lupet (Oasis, Paramore, Third Eye Blind, Deftones, Blink and most def, MAYYONAISE). I was born in the year 2001, imagine almost lahat ng songs na kino-cover ng mayo matanda pa kesa sakin. To be in this generation kung saan almost lahat ng songs ay puro rap, pop and etc., dahil sa Mayo #TBT there was a chance for us Gen Z's na madiscover ang mga songs na napakaganda na tinutugtog ng Mayo dito sa TBT. and also what i really like in this TBT series is that, kino-cover niyo yung talgang gusto niyong i-cover at hindi nakabase sa mga spam comments sa vids niyo HAHAHAH. At the first place yun naman tlaga dapat, kaya solid Mayonation ako. In behalf of the Gen Z's na nasumusubaybay sa Mayo TBT, I would like to say THANK YOU! For sharing to us the beauty of the songs from back in the days. Thank you mayyonaise! *and also laging maganda mga sapatos niyong lima sir monty hahahah* #2YearsOfTBT
@anythingyt2781
@anythingyt2781 4 года назад
#2YearOfTBT The best cover niyo for TBT para sakin is yung Dare You To Move by Switchfoot. Sobrang ganda sakin ng movie na A Walk To Remember kung saan ginamit ang song na ito ng switchfoot. Nakakaantig yung scene dun kung san nagdrive ng sobrang layo ni Landon(Shane West) and itong song na to ang backgorund para puntahan yung tatay nia na doctor at humingi ng tulong para gamutin si Jamie(Mandy Moore) kahit na masama loob niya sa tatay nya dahil iniwanan sila ng nanay nia. You need to make a way even if you lower the pride you feel as well as your resentment towards someone just for the person you love. And ito ang sinasabi ng lyrics, "Like today never happened, today never happened before." I dare every people na naapektuhan ng pandemic (including me), mga nawalan ng trabaho, ng minamahal, mga nastress, i dare you to move, lift up ourselves, kaya natin to, and malalagpasan din natin to. Maybe redemption has stories to tell. Maybe forgiveness is right where you fell. Makakabangon din tayo, matatapos din to. Di tayo pababayaan ni Lord. :)
@mrkara6300
@mrkara6300 4 года назад
Pinakagusto ko sa #TBT nio ung I Miss You by Blink. Nakasama nio I belong to the zoo, grabe napaka ganda ng pagkacover nio. kahit bang lahi na papahanga sa inyong musika.. Sana madami pa kayong ilabas na bagong kanta at wag magsawa sa isat isa..maraming salamat sa inyong musika.. #2YearsOfTBT
@javiepogi123456
@javiepogi123456 4 года назад
Ang solid naman talaga ng mga #TBT performances ng Mayonnaise, pero ang pinaka paborito ko talagang performance ay yung The Reason by Hoobastank dahil noong bata pa ako madalas ko ito marinig sa radyo at TV. Naging memorable rin ito para sa akin dahil pag tuwing naririnig ko itong kanta na to naaalala ko yung kapanahunan na bata pa ako at wala pa masyadong pinoproblema sa buhay, magigising nalang ako at malalaman na hapon na pala kapag naririnig ko na ang intro nitong kanta dahil madalas rin ito tinutugtog ng mga bandang magkakabarkada na nakatambay malapit sa amin. Naging iconic rin itong performance na to para sa akin dahil sa likod ng lahat ng pangyayari at problema na dulot ng pandemya, yung mga #TBT performances niyo lang talaga nagpapaaliw sa akin at panandaliang makalimutan ang mga problema. Maraming salamat sa mga solid na kanta at performances niyo Mayonnaise! Stay safe and God Bless! #2YearsOfTBT
@andrewvalbano4113
@andrewvalbano4113 4 года назад
The Reason - Hoobastank #2YearsOfTBT I love all their covers but my favorite Mayonnaise #TBT performance on this video is The Reason by Hoobastank. Hands down, it's the best cover song of one of the most important bands of the 2000s. Their rendition of this song doesn’t even need flowery words for appreciation. I love how they cover this song while sticking to their own musical style and without destroying the original song. Tatak Mayonnaise talaga. It makes me reminisce of the good old days especially this was one of my late mom's favorite songs who passed away 8 years ago. I consider you one of the few but most creative and melodic rock that continues to inspire different generations. You've already created your own legacy. It's more than the TBT, mga lodi. Congrats, Mayonnaise. Thank you, Mayonnaise for sharing your talents with us especially these days. Happy Second TBT! We love you!
@markseemus
@markseemus 4 года назад
Favorite #TBT ko ay yung cover nyo ng Only One. Isa sa mga paborito kong kanta ng Yellowcard. Paulit-ulit kong pinapakinggan ang mga kanta nila noong high school pa ako. Sa sobrang adik ko sa Yellowcard noon, 11 years ago ginupit ko pa yung isang notebook cover ko na yellow. Tapos sinulatan ko ng "Yellowcard" at ginawa kong bookmark! Hahaha Medyo mababaw kung tutuusin, pero nagsilbi na rin itong marka at gateway sa pag-build up ng taste ko sa music at syempre kasama kayo doon, Mayonnaise. Marami pa sa #TBT covers nyo ang nakakapag-reminisce talaga ng high school and college days ko. Maraming salamat!!! Happy #2YearsOfTBT!!!
@juless27
@juless27 4 года назад
The band's rendition of "Yellow" is probably my overall favorite TBT song.. It's so unique to me that it basically turned to the "original" in my head. I'm also not a very big fan of Coldplay but ya'll pushed me to listen to them. So far, tbt has been like a go to material for me whenever I want to learn more about music and how it works since I've always wanted to create my own renditions of songs that is actually unique in itself. I know malayo pa ako doon but seeing your works... It really pushes me to my limits. I always think din whenever na tumutugtog ako, paano kaya nila ginawa yun? Ano kayang process? Then dadating ako sa point na I'm just listening to your songs here on tbt + talagang ina-analyze ko siya. This is especially true sa tbt songs niyo na "Yellow" and and "I miss you". Thank you for playing for us Mayonnaise. It's been a very awesome 2 years. To be honest, 2 years ago lang din talaga ako naging fan ninyo and I do not regret any second of it. Hehe. Keep safe Mayonnaise and God bless.
@johnpaulcanada1845
@johnpaulcanada1845 4 года назад
TBT# I miss you Yan Ang paulit ulit ko pinapakingan halos lahat nman napakingan kna keep it up lods
@jaremgilgoma3701
@jaremgilgoma3701 4 года назад
As a boy na wala pang alam sa mundo.#TBT performance of mayonnaise ng "My Hero" by FooFighters is my all time favorite, although i'm younger than others thought. Cause I offers this song sa lola ko na cancer survivor for me siya talaga yung hero ko... And everytime na nagiging komplikado na ang sitwasyon sa family or sa sarili ko, I always listen sa kanta na to kase parang lagi kang may masasandalan. Especially ngayon na may "pandemythic" lol. #2YearsofTBT Thank you mayonnaise for making an opportunity to express our individual feelings and stories in every genre of music. Rock'nRoll
@ij_thecashthrow
@ij_thecashthrow 4 года назад
Happy #2YearsOfTBT My fave #TBT performance of all time is the My Hero by Foo Fighters and its also my favorite Foo fighters song (I always dedicate this song for the people I look up to and my significant other) and mula nun lagi ko na inaabangan mga TBT performance niyo and it always never fails to make me sing along from new found glory, blink-182, incubus, smashing pumpkins, and other 90s & 00s band. And now sa TBT unplugged you did outdone your first perfomance ng My hero (goosebumps grabe) . Makes me feel parang pinapakinggan ko yung live version ng Foo fighters sa Pantages Theatre and sobrang bagay during these times na may pandemic and we can dedicate this song para sa mga frontliners natin for the fight against COVID. Keep it up and more TBT performance! (more Foos cover and other band din sana like 311 , Goldfinger, or The killers) Love all your cover and original songs! #KungWalaKaNaSanaSaMundoNiJopay Happy #2YearsOfTBT !!!
@iCe-jo2jd
@iCe-jo2jd 4 года назад
The reason po,. Yan unang tumatak sakin nung elementary palang ako ser monti💞💞💞 Happy 2 years TBT,. Cheers to more covers and originals sa TBT series nyo
@zhouckynervascki7566
@zhouckynervascki7566 4 года назад
Ang pinaka Favorite ko po sa lahat ng song na nakanta ninyo sa #TBT ay ang BAKIT PART 2 which is original song ng inyo pong Banda #MayonnaisePh. Ang reason why, dahil ito ang isa sa mga pinaka pinapaulit ulit kong song ninyo at sinasabayan sa tuwing nag e-emo ako, lalo na noong nagkaroon pa ng version na nag second voice si Ms. Maan Furio. and I really appreciate the song since the first time nga na narinig ko ito. HAPPY HAPPY HAPPY 2ND ANNIVERSARY TBT!! More power po #MayonnaisePh! Keep safe po sa bawat isa. God bless. #2YearsOfTBT
@johnhenryrafanan4435
@johnhenryrafanan4435 4 года назад
To be honest, I'm a silent viewer of your videos and ngayon lang po ako magco-comment. Thank you for giving us opportunity to win po sa great giveaway niyo. That would be a great "pampalipas oras" and "stress reliever"" this quarantine. Looking forward for more videos to come. My all time favorite #TBT performance is your Iris by Goo Goo Dolls. Given na that you are talented and magaling sa music field. The real reason is that, the message of the song is so deep and nabigyan niyo pa ng tamang emotions which is nagkaroon tayo ng connection. When the lyrics said "And I don't want the world to see me 'Cause I don't think that they'd understand", I really felt that. I'm not depress and thank God for that because I know that even if no one will understand me, I believe God will. I know that somehow ay nakakapagbigay kayo ng inspirations sa mga viewers niyo and for sure may impact yong mga videos niyo sa mga viewers including me. Thank you and may God continue to bless you. Keep safe. 😊😊 Happy #2YearsOfTBT and more years to come. 😊
@jofranman
@jofranman 4 года назад
Easy answer. The Reason by Hoobastank Eversince I subscribed sa channel niyo, super in love na ako sa #TBT covers niyo. Then one day while browsing your videos, napansin ko na wala pa yung cover niyo ng The Reason. One of the most iconic songs in the early 2000s, and made Hoobastank one of my favorite rock bands of all time (the other is Incubus). Reason bat ito pinakagusto kong #TBT cover niyo? Simple. Week before your #TBT ng The Reason, I commented dun sa current #TBT niyo (Change by Deftones) to make a cover of The Reason. Hoobastank is one of my most influential international bands of all time, and it's reasonable lang na gawan niyo ng cover. The week after, PAKINGSHET. Nasa #TBT na The Reason. Eversince then nakaloop na cover niyo sa akin. Ang sarap pakinggan at gulat ako na 1 take lang yun. Super stoked ako at masaya na shinare ko sa Facebook ko yung vid (which I don't normally do anymore). And you guys hearted my comment sa cover na yun! Super saya ko nun. It made me once again to realize that there will be always at least 1 person that will be THE REASON to live your life to the fullest. Akmang akma to sa nangyayari ngayon. We need a reason to live and to love ourselves amidst all the tragedies we are facing. Hoping more covers of old Hoobastank songs or maybe another Incubus cover! I love you guys! Been a solid fan since Jopay! Sana marinig ko ulit kayo live sa UP Fair pag okay na lahat. 😍 HAPPY 2 YEARS OF #TBT AND MORE COVERS TO COME! #TBT #2YearsOfTBT
@josefrobrigado7335
@josefrobrigado7335 4 года назад
Berinays...happy 2nd anniversary TBT Session! Fave kong TBT session song cover nyo ay yung 'The Reason' by Hoobastank. Nabigyan ng magandang hustisya. Nostalgic din ang song na to para sakin. College days,actually seminary days, ay namamayagpag ang mga banda mapalocal or international scene. College din ako natutong maggitara & isa rin sa mga songs na inaral ko ang The Reason sa loob ng seminaryo. Gustuhin ko man syang kantahin ngunit hindi kaya ng vocal range ko,hehe. Sobrang lupet mo talaga Monty, more than 10yrs na kayo sa music scene pero wala pa rin kupas ang boses mo.
@martinalessandroragasa1819
@martinalessandroragasa1819 4 года назад
Gen Z ako. Nasimulan ko ang pakikinig sa Mayonnaise dahil sa jopay at kapag lasing malambing. Then nadiscover ko tong playlist ng #TBT. Di ako familiar sa mga songs na nacover nila kasi di ko naman ito panahon. Pero napakaswabe ng renditions nila. Total eargasm kada song cover. Iba talaga kapag tatak Mayonnaise. Favorite ko ay cover nila ng 1979 by The Smashing Pumpkins. Napakachill ng vibe. Eto yung isa sa mga pinakikinggan ko kapag di ako makatulog sa gabi at nagfaflashback yung memories ko noong high school kasi high school was the best! No one will disagree HAHAHA Currently nasa college ako and stressed sa studies pero once I play this song, paired with my high res headphones, out of this world experience talaga at napakasoothing sa pakiramdam. Eto sin yung best song para sa akin kasi legit na TBT siya. More power Mayonnaise!!
@keenomendoza7704
@keenomendoza7704 4 года назад
One of my Favorite #TBT Songs, is also your original song “Bakit Part 2”. ❤️🎶 Isa ito sa mga luma nyong kanta pero sikat pa din hanggang ngayon, yung tipong kasi saang jam ko tugtugin napapasabay sila, alam man nila ang song or hindi. 🥰 Nagustuhan ko din yung pre-chorus neto na “Ngunit bakit pinilit, kung ayaw mong masaktan” parang lesson na din, kahit ayaw mong masaktan or mahirapan sa isang bagay, kailangan mo itong ipilit gawin para maging successful diba sabi nga nila “No Pain, No Gain”. 😁🥰 #2YearsOfTBT
@aaaaaaaaaalj
@aaaaaaaaaalj 4 года назад
#2YearsOfTBT | #TBT Synesthesia | Una ko kasi siyang narinig sa radio, tuwing hapon kada uwi ko ng school. Grade 6 ako noon, 12 years old, so bale 10 years ago na yun. Hindi ko pa dati alam ang title nun, pero abang na abang ako parati. Kaya yung linyang, "Because I'm waiting for you, waiting for this", naging literal na nag hihintay akong iplay siya sa radio. Instant favorite, kasi iba yung feels ng kanta. Kaya nung narinig ko siya ulit, yung bagong version na- ito nang #TBT series, napaka nostalgic ng feeling. Also, the song gave me hope, it made me feel things, it wanted me to keep going, to keep wishing- na sana, maabot ko pa yung panahon na yun, na someone is worth waiting pala. Na after all these things, after all the heartbreak and everything, there is someone waiting, someone worthy, someone who'll choose me over everything, even in their last breath. And all will be alright, all the pagods will be paid off. I wanted to reach that moment. Because I've been trying to escape this lifetime.. I actually wanted to be that someone worth waiting for. So, thank you, thank you for telling me not to give up, and to keep hoping thru this song, your songs actually. Happy 2nd Anniversary, #TBT Series! More TBT's and new songs for Mayonnaise! Love you lots! 💛🕊
@adrianbryvenida1250
@adrianbryvenida1250 4 года назад
The best para sakin ung A decade under the influence! Nabigyan ng bagong kulay ung kanta sobrang solid! Happy 2nd Anniversary #TBT 🙏💛
@kibendevera7388
@kibendevera7388 4 года назад
I loved all your TBT performances for real sir Monty, but the "only one - Yellowcard" performance hits home.. that particular song has a very very special place in my heart. I remember being in love for the first time and also experience the pain of being heartbroken in the same stretch, still feeling the pain tho.. I feel like, I will never get over this feeling in this lifetime and, that was like 10 years ago.. the pain is still fresh AF as if it was yesterday. He he he ps: my Angel I cant still get up since you've gone.. #2YearsOfTBT this is my absolute first time commenting on any videos or any kind of medias. This is how I love mayonnaise. Thank you Monty san
@vincentrafaelcunanan9828
@vincentrafaelcunanan9828 4 года назад
Favorite ko na #TBT niyo e 'yung orig song niyo na Magkalayo. Galing ni Sir Keano sa pag backup don tsaka 'yung guitar solo part ni Sir Monty at Sir Carlo. And lagi ko siyang pinapakinggan hangga't pwede hahaha. Na-inspire talaga ako tumugtog nang dahil sa inyo lalo nung napanood ko kayo live (sa Dasma ito). Kung pwede nga lang na skills sa paggi-gitara ang ipa-raffle niyo e hahaha. Anyways, tuloy niyo lang ang #TBT dahil marami kayong nai-inspire na tao lalo na 'yung mga aspiring musicians na tulad ko. #2YearsOfTBT #SolidNiyo #SupportOPM
@rockyastor8799
@rockyastor8799 4 года назад
"Wonderwall & Sway" posted a year ago. Actually dalawa sila na pinakanagustuhan ko. Sobrang chill ng kanta at nakakagaan ng pakiramdam while resting after hardwork in front of PC. Thank you Mayonnaise! Long live. :)
@camusarnoldjr.e.6691
@camusarnoldjr.e.6691 4 года назад
Happy 2nd anniversary mayonnaise pinaka fave ko pong #TBT performance niyo is yung synesthesia kung papakinggan yung lyrics sobrang sakit niya in terms of love pero kaya ito yung naging fave ko kasi tumatak sakin yung lyrics na "and if I die remember this line I'm always there guarding your life" malaki naging impact sakin ng kanta sir monty eveytime na pinapakinggan ko sa yt lagi kong naaalala yung namatay kong lola na kahit di kami ganon kaclose before nakasama ko naman siya sa mga huling sandali niya at until now nafifeel ko na lagi siyang nakabantay samin tulad ng mga lyrics ng kanta kaya yan po yung pinaka tumatak saken na inupload niyo sa #TBT Godbless sir monty more power happy 2nd anniversary ulit ❤❤❤
@kaelbhyadoggTV
@kaelbhyadoggTV 4 года назад
Kapag Lasing Malambing (Live) - Mayonnaise #TBT -ito yung paborito kong #TBT Performance ng Mayonnaise, tinamaan kasi ako sa kanta, dati pa, mas nagustuhan ko siya nung may upload ang Mayonnaise na Live sa yellow room... so heto yung kwento ko... palagi akong lasing dati way back 2012-2014, every sahod ko magyayaya agad sa mga barkada na maginom, minsan namay magba-bar hopping makahanap lang ng magagandang chix (hahaha). Pag-uwi ko parati nung araw palaging nawawala yung wallet kong may laman, sa loob ng 2 years, 9 times ako bumili ng wallet dahil nawawala palagi sa bulsa ko kapag lasing. Ang lambot kasi ng ilong ko, konteng lambing, tapik o dikit lang sa chix, wala na , init na agad, yun chix naman iba na pala yung pakay, di ko parati namamalayan dinudukutan na pala ako...hays.... nung napakinggan ko to sa work place ko dati... dun ako natauhan. di na ako gumigimik ng madalas... iniwasan ko na din malasing at konrtol na sa pag-inom. Natatakot kasi akong malustay yung pinaghirapan kong pera sa wala. Ang laking sampal sakin ng kantang to hahaha =) Summary ko lang, Bale itong kanta yung nagpagising sakin eh na... wag masyadong masweet sa kaka-kilala lang o sa kainumang babae, lalo na't lasing. NO NO NO My Friend! Siya nga pala, kung sakaling manalo ako, ibibigay ko sa Partner ko yung prize =) ni minsan di pa kasi ako nakapagbigay sa kanya ng mamahaling regalo (di kasi namin afford ang ganitong gadget hahaha), tatlong rose at chocolate, sobrang happy na niya. ♥ sana kung sakaling manalo, isusurprise ko siya, kasi palagi niyang tinitignan sa Lazada at Google ang nintendo switch, di lang niya alam na matagal ko na napapansin na gusto niyang magkaNintendo Switch. =) =) =) Gusto ko lang siyang pasayahin palagi, hanggang sa pagtanda namin =) Pambawi ko sa lahat ng mga kabulastugan ko nung binata pa ako. ika nga nila... Happy Wife, Happy Life =) More Powers, Mayonnaise! ♥ #2YearsOfTBT
@pardsnicca1207
@pardsnicca1207 4 года назад
First, gusto ko munang sabihin na miss ko na pumunta sa mga gigs nyo. For my fave TBT video as well as fave song ko din talaga to - TORRES Eto yung kantang legit na maiisip mo na hindi ka na makakabalik sa dati, di mo na mababalik oras and kahit yung dating ikaw, wala na rin. (Pota lalim) Pero atleast you have the memories. Natatandaan ko din na eto yung song na nakaloop sakin nung pauwi na ko after sukuan ang 4yrs "almost". To think na alam mong ikaw lang yung nalulungkot since it's a one sided thing. That's why ang bigat and light at the same time ng 'Hindi ka ba nalulungkot?' Na intro ng song.. Andami ko nang sinabi. But I'm really happy and thankful sa mayonnaise.. Sa mga songs na umaaccompany sakin through ups and downs. Aye! I love you 5ever!
@doomguy3662
@doomguy3662 4 года назад
Happy 2nd Anniversary sa #TBT. Ang paborito kong #TBT ay Ocean Avenue. One of all my all time favorite songs. Stay safe. God bless us all. ❤️
@rachelangelapunzalan2741
@rachelangelapunzalan2741 4 года назад
Champagne Supernova by Oasis Champagne Supernova has a soft and calm vibe lalo na sa intro na parang may waves. Di mo aakalain na yung kanta ay tungkol sa struggle ng singer kaya humantong siya sa pagdru-drugs. Siguro kaya may waves and calm sound ay dahil nais lang niya maramdaman ang katahimikan ng kanyang magulong isipan sa tulog ng pagdrodroga. experience. Di ko po talaga alam ung kantang ito hanggang sa marinig ko po ung TBT Session ninyo. Simula nun, pinakinggan ko na po ito palagi at kinakanta sa karaoke. Hahahahaha! Sinimulan ko na rin pong pakinggan at kantahin ibang kanta nung 90s na kinover ninyo po. Salamat Mayonnaise band for bringing the legendary music back to my generation. 🥰
@johnmelvincataag6392
@johnmelvincataag6392 4 года назад
#2YearsOfTBT ang naging favorite ko po na performance nyo po dito sa tbt po ung yellow ng Coldplay kasi po favorite song ko din po yan saka band syempre mas idol ko po kay mayonnaise solid ko pa talaga kau pati po lahat ng kanta nyo po. Saka po kasi ito "yellow" po ito po ung una kong napakinggan sa tbt gandang ganda po ko nun lagi ko po pinapakinggan. Tas ayun na po lahat po ng tbt song nyo po lagi ko na po pinapakinggan simula una na download ko n nga po ung ibang kanta nyo po sa tbt e😁😁 Saka po kaya din po naging fav po tong tbt nyo po mahihilig din po ako sa mga old song po n mga banda mga tugtugan po hanggang ngayon po ganun po ung pinapakinggan ko po kaya the best tong tbt nyo salamat mayonnaise 😁 Tas po ung kanta nyo po na fav ko dito sa tbt is ung "torrres" ganda po nag pag kaka arrange mas lalong gumanda po ung kanta 😁 Yun lang po tagal na din po ko naka subscribe sa inyo sana manalo ahaahaha solid #mayonation
@zacreyes03
@zacreyes03 4 года назад
Hi Mayo!! Sobrang favorite at nagustuhan ko yung TBT performance niyo ng Yellow by Coldplay. Sobrang laki ng impact ng song na to sa buhay ko. Para sa akin, it symbolizes hope, devotion and brightness at the same time. I was once an apple of bully's eyes. And sa mga panahon na yun, para sa akin, yellow is the most luminous of all the colors of the spectrum. It's the color of happiness, optimism, enlightenment and even creativity. So even kahit halos araw araw akong nabubully, this song gets me going. Literal na dito ako kumukuha ng lakas ng loob para magpatuloy sa buhay at huwag sumuko. Na darating din ang araw, matatapos din ang lahat ng ito. Na darating din ang araw na those stars will shine for me and all the things that I do. Sobrang salamat and more power! Binigyan niyo ng bagong timpla yung kantang literal na nagsalba sa akin noon. #MayoNationLangMalakas #2YearsOfTBT
@jamersjames329
@jamersjames329 4 года назад
My favorite would be Only One by Yellowcard :) Isa tong kantang to sa mga pinapatugtog ng pinsan ko dati. Nung bata pako wala patong masyadong meaning para saken bali pinapakinggan ko lang dahil ang ganda sa tenga pakinggan. Ngunit nung medyo nagkaedad na at nagka gf ako na appreciate ko ung meaning nung kanta. Un nga lang naghiwalay kami dahil sa kadahilanang sabihin nanating nakahanap siya ng mas better saken. Malapit na din siguro mag dalawang taon simula nung nag hiwalay kami at hanggang ngayon hindi parin ako nakakahanap ng iba dahil siguro part of me still hope na siya talaga ung only one ko in the end. But honestly, i think i'm better of accepting the fact na wala na talaga siya at humanap nalang ng tunay na only one para saken. Edited: Ocean Avenue pala nalagay kong banda hindi yellowcard HAHAHA! Napagsama ko
@aryanasis2199
@aryanasis2199 4 года назад
Ang Favorite TBT ko yung wonderwall kasi ito ung una kong TBT na napakinggan, halos lahat rin kasi na nakainfluence sakanila pinapakinggan ko lalo na Oasis. Ung ang swabe nang bassline sa verse ni sir Nikki, ung mala violin effects ni Carlo sa gitara, ung vocals nila Sir Monts, at Syempre ung malupet na Solo HAHAHA. Kung sa Omp nila Torres tayo diyan kasi ung kanta na un ang nagcomfort sakin noong medjo naguguluhan sa buhay. Wala ihhh ang ganda kasi every little detail sa performance nila na yun the loud melodic guitars beautiful vocals and painful lyrics it's just perfect HAHAHA. Basta keep it up Mayo! 💛🖤
@argiemunoz3824
@argiemunoz3824 4 года назад
My all-time favorite TBT session that you guys had is "The Decade Under The Influence". Mayonnaise being one of my favorite band, singing a song from one of my favorite band is just insane. #2YearsOfTBT
@adriangajudo2053
@adriangajudo2053 4 года назад
Happy 2nd Year Anniv TBT Session 💛💛💛 Madami akong gusto, pero Bakit Part 2 pinaka gusto kong TBT kasi ito talaga pinaka favorite ko na kanta ng Mayonnaise, sobrang relate e. Solid pa nito pag live, tapos may line ng kanta dun na puro fans at Mayonation lang kakanta. Angas nun 💯👌 Nakakamiss tuloy manood ng live
@ivanvitocachero5925
@ivanvitocachero5925 4 года назад
A decade under the influence taking back sunday favorite ko sa tbt lupit ng bagsakan nyo talaga mapapakanta ka more power mga lodi
@JuNoSaNtos_TugtogPunsKahitAno
@JuNoSaNtos_TugtogPunsKahitAno 4 года назад
Andami kong favorite na #TBT performances eh. Inaabangan ko talaga ito every Thursday since My Hero pa. To name a few, Torres, Stars and Caramel Bars, The Only Thing and Franklin. But the most special one for me personally is Sway with Madeline and Rayna. Aside from favorite ko na siya since HS, I often listen to your #TBT with my 2 kids. And since nakailang ulit ako, my youngest (2yr old daughter) already knows most of the lyrics. First note pa lang kakanta na yan. We often catch her singing "Don't stray don't ever go away..." while playing or bigla bigla lang. Salamat, Mayonnaise. Your music has been a family favorite. My kids already know your songs by heart. And I have videos to prove it. Salamat ulit. #2YearsofTBT
@kareru1360
@kareru1360 4 года назад
One of my favorites is your version of Yellow. which actually was the first #TBT performance that i've watched. That time was actually the first i've finished listening to "Yellow" to the end. Yeah i havent really heard the original to the end before until i heard your performance kekek. From there, i've became a more of fan of you guys -Mayonnaise- and started listening and learning more of your original songs. I don't wanna say a lot of because the bottomline is i really like your band. But yeah about your TBT version of "Yellow"; it actually inspired me to get back on to playing the guitar. Got a little cold feet before as im not really confident in my skills and lots of others are much better. Well im Still not as good as you guys, but i'll get there. Happy anniversary, #TBT #2YearsOfTBT
@christianjosephagote2755
@christianjosephagote2755 4 года назад
My favorite #TBT performance in this video was Yellow hahah actually mas matanda pa nga po yang kanta na Yellow kesa saken na released yan nung 2000 and pinanganak naman ako nung 2003 hehehe kinalakihan ko po ang coldplay at marami pang banda dahil mahilig po ang pamilya namen lalo na ang mga tito ko mag patugtog ng malakas at mag jamming jamming kaya sa tuwing nakakarinig ako ng mga kanta na kinalakihan ko katulad ng Yellow by Coldplay naaalala ko lang yung mga masasayang araw katulad noon and isa pa po i have a band po netong senior highschool hehe and i am one of the vocals kase dalawa kame ng tito ko hehehe we played Yellow sa mga birthday gig na tinutugtugan namen at haha miss ko lang po yung mga kabanda ko at tawanan namen hahahahaha sana maulit ulit pagkatapos ng pandemic haha💛😁 HAPPY #2YEARSOFTBT 💛dahil po sa mga throwback covers nyo sa tuwing nakikinig ako eh nostalgia feels talaga 💛💛💛
@jeremiahmagbojos8869
@jeremiahmagbojos8869 4 года назад
For me I choose yellow by coldplay because I'm a very big fan of this band and napaka sarap pakinggan netong kantang to sobrang chill lang and at the same time meaningful din. Palagi ko din tong kinakanta sa gf ko Kahit na Hindi naman ako Marunong kumanta. Palaging kasama sa playlist kapag maliligo, travel at sa pagtulog. Ewan ko ba. Ansarap lang sa feeling na namulat agad ako nung kabataan sa Music Industry kaya Kahit na Hindi naman ako ganoong ka talented e naeenjoy ko ng buong puso ang musika. This song also brings back a lot of memories. Happy 2 years of tbt guys. More tbt songs to come. Wish u all guys the best! Stay safe 👌 #musicisgoodforthesoul #2YearsOfTBT
@kirkarcena3786
@kirkarcena3786 4 года назад
my favorite is “My Hero by Foo Fighters”. sobrang laki ng impact sakin g kantang toh. Nung narinig ko yung kantang toh nung 13 years old ako (18 na ako ngayon hehe) sobrang pinilit ko alamin kung sino sino pa mga kasabayan nila sa genre mga ganun tapos dahil don nahiligan ko mag gitara and magbanda eto yung una kong kantang natutunan sa gitara. And it’s such a versatile song na depende sa nararamdaman mo yung pagkakaintindi mo sa kanta iba iba talaga yung meaning nya para sa iba ibang tao at iba ibang nararamdaman and that’s what makes it special for me and for everyone. si Dave Grohl narin nagsabi na di nila ineexplain yug meaning ng my hero kasi a lot of people is singing it together as one but with different meaning and it so wonderful na ganun and nainspire akong maging musician and mahilig sa ganitong klase ng music (grunge, post grunge, alternative rock etc) kaya thank you foo fighters! thank you dave grohl! and thank you mayonnaise!!
@9istupido
@9istupido 4 года назад
Synesthesia - Mayonnaise Synesthesia is one of my fav song from the band, pero halos ata lahat fav ko hahah at lahat ng videos nyo naview ko na ng paulitulit hahah...Pero e2 ung kantang pagnaririnig ko parang ang bagal oras at ngreremind skn na maging matibay ako, lalo na sa #TBT permormance nyo galing hahah... Kanta ko to sa long time gf/fiancee ko for 12 yrs... pero kakabreak lan nmin last Oct 2019 hahah.. pero kanta ko parin sa kanya to na "And if I die, remember these lines I'm always here guarding your life, guarding your life". Kahit hnd na kmi, kht iba na ung ksma nya, asahan nya parin na lagi aqng magbabantay sa kanya... at kht hnd ko sya mapanatili sakin lagi parin xang mananatili sa puso ko... Happy 2nd TBT!!! More dreams to come true... #2YearsOfTBT #TBT
@wajakeeleda5032
@wajakeeleda5032 4 года назад
Sa lahat lahat ng kanta na tinugtog nyo sa #TBT mapacover man o original song ay napakaangas pakinggan pero ang tumatak talaga sakin ay noong nag cover kayo ng "I miss you" by Blink 182, "Champagne Supernova" by Oasis at "Only One" ng Yellowcard sarap sa ears. Ang ganda ng pagkakacover ng mga kanta nyo. We have a little band at aspiring bassist ako idol ko mga kanta nyo sinusubukan ko aralin kasi napakagaganda ng kanta pati pinapahiwatig ng bawat salita. Hope for the best on this band and lezzgow Mayonnaise❤️❤️ #2YearsOfTBT
@mcoiselegna8273
@mcoiselegna8273 4 года назад
SYNESTHESIA Ito din ang pinaka paborito ko sa lahat ng kanta nyo, kaya nung nilabas nyo dito sa TBT ang laki ng tuwa ko. Ito din kasi ang naging inspiration ko nung may nililigawan ako ,na ngayon ay asawa ko na. Kaya napaka significant ng kantang ito sa akin. Keep safe guys and more power! Cheerrrrssss more TBT!!
@makoyjapitana968
@makoyjapitana968 4 года назад
#2YearsOfTBT Favorite music: Yellow By Coldplay Ito yung kanta na bumabalik balik talaga sa isipan at nakakapagtulo ng luha ko kapag naaalala ko yung mga panahon na masayang kaming magkasama. Sa intro pa lang na "Look at the stars, look how they shine for you.." ito kasi yung linya na nag sisymbolize kung gaano sya ka ganda at ang rason kung bakit ako nainlove talaga (Parang sya yung "Jopay" ng buhay ko). Yung line naman na "I swam across, I jumped across for you.." ito yung line na parang nagdedescribe sa mga efforts ko sa kanya, sa mga away namin na pinapakalma & hinahanapan ko ng solusyon, yung mga tagpo na halos guguho na lahat pero laban lang pa rin hanggang dumating dun sa lyrics na.. "You know I love you so.." Ito yung pinakasakit na part. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nakaya kong makita syang masaya sa piling ng iba. Yung tipong ang sakit sakit talaga at parang mapaparanoid ka kasi nasa malayo ka at walang magawa kundi tanggapin ang katotohanan na masaya na sya sa iba. Yellow by Coldplay plays a big impact not just only in my failed relationship, but also in my entire life. Na realize ko na lang na kailangan kong tanggapin ang pait na katotohanan dahil ito yung magpapatibay sakin, ito yung huhulma sa kung gaano ba talaga ako katapang para harapin yung kinatatakutan ko, ang iwan ng taong mahal na mahal ko. Pero ok na sakin yun lahat, gaya nga ng outro nung kanta, sya pa rin yung minahal ko nang lubusan. Masaya na ako para sa kanya ngayon at susuportahan ko pa rin sya sa mga susunod nyang mga plano 😁 P.S. Gusto ko lang magpasalamat talaga sa inyo mga tol #Mayonnaise dahil sa kanta nyong "Jopay" at "Kapag Lasing Malambing" nakatulong talaga sa pag move on ko. God Bless, More Power & Long Live Keep touching ones life by means of music🎶🎙️🎸 -Your #1 Fan #Mayonnaise #TBT #2YearsOfTBT
@genersalinas7665
@genersalinas7665 4 года назад
#TBT Only One by Yellow Card isa ang Only One ng Yellow Card sa mga kanta na paborito kong soundtrip nung highschool. Isa din to sa mga kanta na paboritong paborito nameng tugtugin ng mga tropa kong naging ka-banda ko na din at banda pa din kame hanggang ngayon. Sobrang memorable ang 'Only One' kase isa din to sa mga kanta na kauna-unahang natugtog namen on stage nung nayaya kameng tumugtog sa isang bar (DAYO BAR) nuon. haysss.. nakakamiss! Nostalgia talaga kapag nadidinig. Sarap balikan nung mga panahon na peace peace lang walang pikunan. Salamat mayonnaise! #2YearsOfTBT
@junecorpuz2071
@junecorpuz2071 4 года назад
"Eddie Song" Ito ay isa sa mga kanta na ni-release ng Mayonnaise nung first album nila na "Mayonnaise". Ayon sa interview sa kanila sa 15th anniversary documentary nila na "Live at The Social House", ito ay tungkol sa driver ni Monty na si Eddie na kung saan lagi niyang sinasabi na "yun lang" kapag may problema si Monty. Ito naman yung mga dahilan kung bakit nagustuhan ko itong #TBT na to. 1. Mas gusto ko makinig ng live. Yung kanta na to na-release wayback 2004 pa so mas nagimprove na yung tunog nila by using their favorite Earthquaker devices. 2. Ang jolly and positive pag pinapakinggan ng kantang ito, kung mapapansin niyo enjoy na enjoy lang sila sa pagtugtog sa buong kanta. 3. Nikki Tirona's bass lines - ang sexy pakinggan lalo na pag may sub-woofer or malakas yung bass ng headphones 4. Carlo Servano's verse riffs - nagcocompliment sa bass lines ni NIkki 5. Shan Regalado - napakalinis ng tunog ng drums, rinig na rinig lalo na yung hi-hats, snare, and bass 6. Keano Swing - ang pagkakaalam ko isa sya sa mga touring guitarist and in-absorb na sya nung nawala si Maan Furio. Gusto ko yung confidence niya kahit parang ramdam ko na nahihiya parin sya until now hahaha (peace!) 7. Monty Macalino - napakapassionate niya pagdating sa music. Alam niya yung tamang timpla, yung tamang mga gamit and set up for recording live sessions kaya kahit anong #TBT gawin nila nakakaamaze eh. 8. Gustong gusto ko yung concept ng #TBT na nagfefeature sila ng mga solo artist or ng mga bands which is makakatulong sa kanila for exposure and mas natutulungan sila ni Monty regarding sa recordings, sa mga tamang gamit at pagtimpla ng mga kanta.
@auikim1013
@auikim1013 4 года назад
The Reason - Hoobastank Ang Mayonnaise at ang The Reason ng Hoobastank ay ilan sa mga nag inspire sa akin na mas i-pursue ang pag-babanda at pagsulat ng mga kanta. Bata pa lang ako napapakinggan ko na ang The Reason at nung high school ako, isa ang The Reason sa mga una kong natutunang tugtugin sa gitara. Nung nag college naman ako, mas unti-unti nang dumarami yung knowledge ko sa pag gigitara at sa music as general. Then, naalala ko na napag-usapan namin ng mga ka-banda ko nung college na i-jam ang The Reason, at noon ko lang mas na-appreciate at na-realize na even using simple chord progression and and melodies, pwedeng makagawa ng isang maganda at catchy na kanta. Dun ko nasabi sa sarili ko na gusto ko rin makagawa at makasulat ng ganung klase ng kanta. Hanggang ngayon nag-i-strive pa rin ako na makagawa ng ganung kanta at marami pa.
@modeeeeee
@modeeeeee 4 года назад
A DECADE UNDER THE INFLUENCE ENTRY KOOOOOOO, Orensanz feels please since acoustic setup pero syempre jammed to that song nung highschool days *original*. Loved your rendition plus those were the years na una ko rin marinig mayo, so two birds haha. Maybe an Orensanz Special from mayo in the future? ♥️
@rhajanchristianignacio6510
@rhajanchristianignacio6510 4 года назад
Ang hirap mamili kung ano sa lahat ng TBT ang pinaka favorite ko. Lahat kasi sobrang solid! Napaka sarap pakinggan ng paulit ulit. Super namaster ni Sir Monty and mixing ng mga instruments. Siguro yung Torres nalang po. Sobrang relate ako sa kanta na yun. Isa din sa Favorite kong kanta nyo. More power po sa inyo! Godbless and keep safe po.
@brentlawrencefeliciano5071
@brentlawrencefeliciano5071 4 года назад
Favorite ko idol monty is IF I HAD - Nine days Cover!😍 very unexpected in my lifetime na i get the opportunity to jam with you.. thanks talaga idol monty❤
@malvincalaunan1473
@malvincalaunan1473 4 года назад
One of my favorite throwback songs of all time that you all decided to cover is the song yellow, yes I'm really a huge fan of Coldplay back then because they have this distinct style of writing their songs which I really love.Hearing you guys play that with heart and passion made us believe that Music really forms a big part in our lives. I listen to it every single day, while exercising and while relaxing . It becomes a part of our identity. Your style of Music while singing that song made me wanna connect to you and you gave justice to the song by not sounding like the original band and just being you with your instruments and your voice and your heart which is why I picked that song. #TBT #2YearsOfTBT
@lazydrain
@lazydrain 4 года назад
#2YearsOfTBT My favorite TBT is Wonderwall... It just feels like time is slowing down and memories of the past flashing back. TBT fan since then. Keep it up!
@yzaangela4100
@yzaangela4100 4 года назад
Happy 2nd, TBT Sesh! ❤ Vindicated - Dashboard Confessional will always be a fave & hit sesh of TBT. Really brings back the old memories na chill vibes lang while listening sa mp3 and wired earphones 👌 TBT sesh never fails to bring back the nostalgia.
@JoshAmadork
@JoshAmadork 4 года назад
My favorite was Yellow by Coldplay because it was one of my favorite songs growing up, and it was also a favorite song of my bestfriend whom I grew apart with. We would always sing this song together loudly while playing Dota. We were bestfriends up until college when we chose different schools and developed different interests. He is now living in another country and we don't talk anymore but I still consider him my bestfriend and I will always remember him especially when listening to this song. Listening to your cover of the song (which was the best cover of the song so far) made me reminisce all the childhood memories with my bestfriend and it made me tear up. Your music is definitely a blessing to the people. Thank you ❤🤟 #2YearsOfTBT
@karenlimson8133
@karenlimson8133 4 года назад
Happy 2nd Anniversary sa TBT sessions nyo mga idol! I really love and appreciate the #TBT jams kasi puro paborito kong mga songs ang jinajam nyo. Para sakin ang pinaka the best cover nyo sa TBT Sessions nyo is yung Torres (Live). Actually nung narinig ko po yung TBT Live version nyo ng Torres, may kurot pa rin sa puso same when I first heard it way back 2011. Lalo na sa part ng lyrics "O wag ka nang mawawala. Mamamatay nako." Ang kanta nyo po kasing Torres ang naging reason bakit nahilig ako sa OPM. It is also memorable song kasi that year madami akong pinagdaan at sumakto talaga yung lyrics nung kanta. Kaya nung tinugtog nyo po uli TBT, it was heartwarming and brings back a lot of memories. Thank you po sa patuloy na paggawa ng original pinoy music. Been a Mayonnaise Fan since 2011. Thank you mga Sir! And rock on! #2YearsOfTBT
@faithp.macatangay8661
@faithp.macatangay8661 4 года назад
Pinakapaborito kong #tbt ay Synesthesia. Naging bahagi na ng buhay ko ang kantang ito, simula pa noong 3rd high school. Kaya sa tuwing napapakinggan ko ito, marami akong naaalala. -Jamming ng mga kaklase ko tuwing vacant hours. Isa ang Synesthesia sa kanilang kinakanta. -Sinalihan kong college publication kung saan iisa lang ang kantang naka-loop sa pc -SYNESTHESIA. Kaya paulit-ulit namin iyan napapakinggan tuwing nakatambay sa pub office. At naging team song pa ng pub. -Sa pub ko rin nakilala ang aking MINAMAHAL! Happy #2YearsOfTBT
@MadTempura
@MadTempura 4 года назад
Para sa akin yung #TBT The Reason. Sa kahabaan ng Community Quarantine, eto yung kantang binabalik balikan ko, whether sa Spotify, RU-vid, at tinutugtog ko rin. Ang ganda ng meaning e. Feels train talaga. Tapos, biglang nyong nilabas sa #TBT. Finally, a version na mas masasabayan ko. Sobrang solid. Sobrang saya lang. HAPPY #2YearsOfTBT MAYONATION!
@HaroldLDitching
@HaroldLDitching 4 года назад
The reason High school life puro intro lang ng song lagi namin nagagawa dahil hindi pa marunong masyado mag gitara at walang kumakanta haha Pero solid sa jamming tuwing recess palo palo lang sa mesa pwede na pang drums haha The reason lagi namin tinutugnog dahil madali lang intro puro kalabit lang hehe tapos ipapasok namin intro ng jopay kapag hindi na alam kasunod sa the reason.. #2YearsOfTBT
@christianaquino8940
@christianaquino8940 4 года назад
Happy #2YearsOfTBT... Sympre Bakit Part 2 padin.. walang kupas ang song na yun. Sarap pakinggan.. Rock and Roll mga idol. The best kayo. God Bless 🙏💯🙂👊✊
@DustineLuke
@DustineLuke 4 года назад
*Change (In The House Of Flies)* Throwback. Looking back on something that reminds you of the good memories you had when you saw or hear a thing. the said deftones song, narinig ko sa isang record bar noong maliit pa ako. sobrang iba yung dating nung kanta kasi ambigat nya yet ang smooth nya at the same time. since bulinggit pa ako di ko alam kung anong title or anong pangalan ng banda. naaalala ko lang is yung melody. fast forward into highschool, nagsimulang makagamit ng internet. ginamit ko lang yung online radio feature ng windows media player. at last narinig ko ulit. from 2000 nung bulinggit pa ako then by 2008. 8 years i've been trying to find the song title. partida walang mga apps like shazam na isang tap lang, itutok lang sa sound source, instantly malalaman mo na yung title. ngayon, natutugtog ko na rin sa gitara yung kanta. in every practice, di pwedeng di ko tutugtugin. kulang kulang man sa effects, sige lang. importante is yung essence at significance nung kanta para sa iyo. kaya ko rin talaga nagustuhan yung tbt cover nyo, first time ko lang marinig na tinugtog ng pinoy na banda yung kanta. di sya technically ganun ka-sikat kung tutuusin for someone born in the mid 90's to early 00's. puro maririnig mo sa radyo eh mga pop, r&b, alternative, kung ano yung sikat, yun at yun lang. paminsan lipat ibang station like NU107 para maiba, nakakadiscover ng mga malulupit na tugtugan kaso pinapatay ang radyo o kaya nililipat ang istasyon dahil maingay daw. yun lang mga tol. congrats @Mayonnaise PH sa 2 matindi at matibay na taon ng TBT. 🤘🏻🤘🏻
@nestortiozon6679
@nestortiozon6679 4 года назад
Favorite Mayonnaise #TBT ko ay ung kumunta kau ng mga ColdPlay songs lupet tlga nun the best " Yellow " . Pero Best Memories padin tlga ung MusikLaban "The Only Thing " one of the unforgettable moment na nangyari sa buhay Rakista ko .. Thank Mayonnaise No. 1.. More Power God bless Happy 2nd Anniversary #2YearsOfTBT
@marielleempedrado1953
@marielleempedrado1953 4 года назад
Mahirap pumili sa dinadami nang favorite ko sa mga #TBT nyu. Pero, para sakin mas nangibabaw yung A Decade Under the Influence by taking back sunday. I'm a fan of taking back sunday kahit na 5 years old pa lang yata ako nung nag simula sila as a band pero up until now yung influence nila sakin sa music grabe, isa sila sa mga dahilan kung bakit nahilig ako sa music at sa ganitong genre. OPM is my roots, pero pag international eh isa sila sa mga pinaka paborito ko. #TBT also gives me the vibe na namomotivate ako mag trabo kahit nkakapagod na. Btw, I'm a frontliner so malaking responsibility talaga ang work ko in times like this, I work in a laboratory as medtech. Before I start my duty I always make sure to have my music on, and I always listen to your #TBT playlist to give me the vibe and motivation I need to work. Nakakaailis nang pagod at mapapakanta ka na lang talaga while working at maalala ang gold old days, where you can just chill. But now, hanggang #TBT na lang muna. This too shall pass. Thank you for making music and please do more. Thank you for giving me the motivation through your songs. God bless and more gigs pa 😁 #2YearsOfTBT ... And counting
@paultrongcoso3692
@paultrongcoso3692 4 года назад
#2yearsOfTBT my favorite TBT song is MY HERO by foo fighter....dedicate to our all frontliners...foo fighter is 1 one my favorite foreign band ang cover by mayo 1 of my local band....astig mxado...sana forever na tong TBT ng mayo.
@popoigapal
@popoigapal 4 года назад
#2YearsOfTBT #TBT My favorite throwback song of Mayonnaise would be MY HERO - FOO FIGHTERS, This song is dedicated to all our front liners who are serving the Filipino people in the middle of the COVID-19 threat. You are our modern-day HEROES! Sana maka -Jam ko kayo sa song na to. Gusto kong kantahin to with Sir Monty.
@nahlacutie3701
@nahlacutie3701 4 года назад
Favorite #TBT performance ko yung Synesthesia! ⭐⭐⭐⭐⭐ The lyrics, the emotions, the melody, the music! Super love ko 'tong song na 'to, as in. Mayonnaise is genius! Keep on making great music, Mayo! :)
@exaltx9406
@exaltx9406 4 года назад
#TBT My Hero - Foo Fighters. Naalala ko pa way back in 2015-2016 during one of the yellow room Paramore night sa Bside(rip) last na tumugtog ang Mayonnaise tapos ang intro nila sa kantang ito ay "Ang sunod na kanta namin ay cover na na cover ng paramore sa Foo Fighters" Sir Monty is always funny on his takes, making lighthearted witty comments kahit dis oras na ng gabi at pagod na ang lahat. I've always loved mayonnaise, sabi ko nga dati ang mayonnaise ang isa sa mga rare na banda na wholesome lagi tuwing on and off the stage kaya FiveEver akong supporter and i always try to attend the Yearly Mayo Anniversary. kaya My Hero ng Foo Fighters ang naging paborito ko because it instills a certain level of hope and belonging-ness everytime na madidinig ko yung kanta, napapakanta ng malakas kahit paos na at headbang sa palo ng drums at slaps nang bass lines. Struggling with mental health problems, juggling educational, relationship at general life issues, Mayonnaise is that one band na sa sobrang daming beses ko na napanood, pakiramdam ko kaibigan ko na sila kahit minsan lang ako lumapit para magpa picture. kaya My Hero ng Foo Fighters ang naging paborito ko kasi ang unang idol ko pagdating sa grunge na tugtugan ay si Kurt Cobain. Na sabi ni Dave Grohl ay ginawa para kay Kurt ang kanta. Na kahit gaano ka sikat ang isang iniidolo mo, hindi mo dapat makalimutan na sila ay tao pa din, may nararamdaman, may sariling buhay, sumasaya, napapagod at nalulungkot din. Win or lose, okay lang. basta alam ko na babasahin niyo ito kaya ginagamit ko na ang platform at situation na ito para magpasalamat sa inyo directly, Maraming Salamat sa halos isang dekadang pagtugtog, pagpapalaganap ng OPM music kahit madami na ang nagsabi na patay na ang OPM, sige pa din kayo sa pagtugtog, pag hustle at pag pursige sa mga baguhang banda para tumugtog. Maraming salamat dahil minsan sa buhay ko ay kayo ang naging tulay kung bakit buhay pa din ako ngayon, For The Rest of My Life pa din ang aking paboritong album. At Napakaraming Salamat ulit sa inyo, dahil sa pagpapatuloy nyo bilang kayo. #2YearsofTBT #FiveEverAFan
@imananaman1075
@imananaman1075 4 года назад
So my fav #TBT performance of yours will be Yellow by Coldplay. Why? Aside from they're one of my fav bands and then my fav local band which is your band do a cover of one of their songs. I really love that song tbh, the message, and to know how Chris Martin (Coldplay's vocalist) wrote the song. You definitely gave justice on the song from your cover! Lalo tuloy akong na-LSS ika nga. Fav song ko talaga yun hahaha, halos lahat ata ng cover ng local artists pinakinggan ko, at paboritong kanta ng tatay at nanay ko rin yun. Lastly, fav band namin kayo ng tatay ko hahaha, sana soon makita namin kayo sa mga gig. Honestly, my dad told me na pakinggan ko raw kayo noon, and then nagtuloy-tuloy na hahaha. I've been supporting mayonnaise since Rakrakan days! So ayon, tuloy pa rin ang suporta ko sainyo mga sir! Looking forward for more tbt unpluggged, covers, and songs. Sayang hindi ako nakapunta noon sa may gig nyo sa waves bar before pandemic pa 'yon hanep. Ayon lang, I'm a fan, and will always be a fan of this band. This series reminds me of Nirvana ah hahaha, MTV unplugged joke! Cover naman po kayo ng Nirvana songs pls. Keep safe! God Bless y'all #2YearsOfTBT
@exonregencia6476
@exonregencia6476 4 года назад
Yello by Coldplay is the best dahil ito ang kanta na pinakinggan ko at dahil nag champion kami sa intramural meet namin sa school.Dahil dun binilhan na ako ng bagong gitara kahit mura lang at naka pag gig narin kahit saan🎸❣️.Thank you mayonnaise for the best cover❣️. #TBT #2YEARSOFTBT
@karlozapatero8214
@karlozapatero8214 4 года назад
Lagi ko to sinisigaw as a request tuwing nanunuod ako sa mga gig nyo, dahil bihira nyo na to tugtugin since na release sya, medyo matagal na din yun hehe. Ito na yung naging paborito kong kanta nyo in an instant simula ng napanuod ko sa Myx non. Una ko to naman tong napakinggan ng live sa Mayrics pa at huli naman bago nagkapandemya ay sa Upperhouse. Pagkakita ko ng TBT version nito, agad ko tong pinanuod at sabay pikit para pakinggan na lang. Intro pa lang, masakit na hehe. Binigyan nyo ng bagong buhay uli, bagong pasakit hehe. Naka iba't ibang areglo na din nito ang napakinggan ko non, marahil dahil siguro na din sa ilan na ang mga nagdaan na mga miyembro. Pero itong TBT version nito, ibang klase! Di ko alam kung sabay sabay ba kayo nag reminisce bago kayo mag record. Bawat paboritong kanta, may kaakibat na espesyal na alaala, makulay man'to o madilim, at isa ito. Para sa akin, isa tong kanta na ito ang magsesemento sa legacy nyo. Napakasarap sa tenga ng version na to at the same time, napakasakit sa damdamin. Itong TBT version nito sa tingin ko ay ang pinaka solid na version, unless mahigitan nyo pa uli ng isa pang TBT version hehe. Para sa #2YearsOfTBT, ang aking pinakapaboritong TBT ng Mayonnaise ay ang kantang Torres.
@carmelafrancisco5763
@carmelafrancisco5763 4 года назад
My personal favorite Mayonnaise #TBT performance is The Reason by Hoobastank last July 16, 2020. This song is the 4th song in this video and I watched this video 5 times before giving it a shot to comment and enter the giveaway. For me, win or not, I am able to share how I love this song and its significance in my life. This has been an anthem for me. For instance, I find this song suited for my past self. I did bad things in love, as a friend and as a daughter. I changed a lot and for me there were persons involved that gave me the experience of making mistakes and learning from them. I matured because of those people. I learned to accept that mistakes are part of growth. One major thing that this song taught me is that if I know I'm not doing it correctly, I should change before that one person slip away. It's a song of regret, and life is short to keep regretting, spread love and keep peace. Dedicate this song to people who inspire you to be the best version of you. Of course, this song is one of the best songs during inuman with friends. It hits a lot more when you're drunk I guess hehe Thanks for playing this song, team. More TBT please. Napakaangas ng tugtugan niyo, hall of fame na kayo sa playlist ko. Isa kayo sa reputable and effortless tumugtog pero sobrang patok. Di kayo malalaos kasi you play for people not for money. We love you, Mayonnaise. #2YearsOfTBT #TBT #MayoNation
@mrolliepoper
@mrolliepoper 4 года назад
#2YearsOfTBT my favorite has to be That's what you get-Paramore. Both your vocals and arrangement captures the song so well, yet introduces new feelings and wonder to it. The way Monty sings the line"I wonder how am i suppose to feel when youre not here." I go back to that video just to hear that line. Monty perfectly captured what i felt when i asked myself that question about a girl i used to love. Thank you and congrats on 2 awesome years of TBT. I've been introduced to so many songs, and I've honestly preferred your versions 85% of the time.
Далее
Aircon (Live) - Mayonnaise #TBT
9:10
Просмотров 58 тыс.
How would you react?!😳
00:44
Просмотров 4,1 млн
Каха и жена (недопонимание)
00:37
Dora was kidnapped and then… 😨 #shorts
00:18
Просмотров 2,4 млн
Jeepney- Kala (HQ Audio)
6:06
Просмотров 678 тыс.
Thannos: Piano Bar Sessions
30:40
Просмотров 6 тыс.
Evidence (Live At The Campfire Sessions/2018)
4:24
Просмотров 62 тыс.
Torres (Live) - Mayonnaise #TBT
6:44
Просмотров 1,4 млн
Alt-J - Full Performance (Live on KEXP)
42:28
Просмотров 10 млн
Yellow - Coldplay | Mayonnaise #TBT
4:35
Просмотров 3,9 млн
How would you react?!😳
00:44
Просмотров 4,1 млн