Тёмный

TIPS SA PAGTATANIM AT PAG-AALAGA NG PAPAYA PARA MAGKAROON NG HITIK NA HITIK AT MATAMIS NA BUNGA 

Ang Magsasakang Reporter
Подписаться 510 тыс.
Просмотров 57 тыс.
50% 1

PAGTATANIM AT PAG-AALAGA NG PAPAYA PARA MAGKAROON NG HITIK NA HITIK AT MATAMIS NA BUNGA
Ngayong araw na ito ay ise-share ko sa inyo kung paano ang tamang pagtatanim at pag-aalaga ng Papaya para magkaroon ng hitik na hitik sa bunga.
Ang Papaya ay masarap at masustansiya, pampalinaw ng mata na isa sa mga paboritong prutas ng Magsasakang Reporter
Ilan sa taglay na health benefits ng Papaya ay may mataas na anti-oxidant property, anti-cancer, Protein, Vatamin A, Calcium, Potassium, Vatamin C, Folate, Magnesium at Fiber.
Ang Papaya ay may enzyme na Papain, improve hearth health, fight inflamation, improve digestion at marami pang iba
Masarap na panghimagas ang hinog na Papaya habang ang green na bunga nito ay masarap na sahog sa tinola at iba pang lutuin.
Sa pagtatanim ng Papaya ay magandang ipunla muna ang mga buto nito mula sa hinog na bunga o kaya'y mula sa binhi o seeds nito na maaaring bumili mula sa mga plant nursery, SM Supermarket, Ace Hardware, Handyman, Shopwise Supermarket iba pa.
Simpleng alagaan, patubuin gawing masarap at matamis ang bunga ng Papaya.
Tiyakin lamang na matabang lupa ang gagamitin sa pagpupunta at pagtatanim ng ano mang halaman, tulad ng Papaya.
Ang matabang lupa ay pundasyon ng malusog ng halaman.
Ang ratio ng lupa sa pagpupunla at pagtatanim ng mga halaman tulad ng Papaya ay 60 percent garden soil o buhaghag na lupa, 20 percent ipa ng palay, o Carbonize Rice Hull or cocopeat at 20 percent ay vermicompost or chicken manure
Sa pagpupunla ay maaari gumamit ng sira at butas na palanggana, ilagay lang ang mga buto ng Papaya at takpan ng 1-inches saka bahagyan diligan araw-araw hanggang tumubo makalipas ang 7 hanggang 10 araw.
Kapag nasa isang dangkal na ang laki ng mga punlang Papaya ay maaari na silang i-transplant sa permanenteng pagtatanim.
Gumawa ng butas sa lupa na nasa isa't kalahating dangkal ang lalim, lagyan ng cocopeat o ipa ng palay at vermicompost ang butas bago itanim ang Papaya.
Sa paglilipat tanim ay tiyakin lamang na huwag masira ang ugat ng Papaya, ilagay sa ginawang butas at takpan ng lupa hanggang sa kalahati ng laki ng halaman.
Tiyakin din na direktang naaarawan ang pagtataniman ng Papaya. Kapag nasa isang buwan na ito ay maaari ng diligan at ispreyan ng natural fertilizer na Fermented Plant Juice (FPJ),.isang beses kada Linggo para manatiling malusog.
Pagkalipas ng 3-buwan ay maaari ng mamulaklak kaya ispreyan at diligan na ng Fermented Fruit Juice.(FFJ) once a week.
Para hindi lapitin ng mga insekto ang Papaya ay one's a week ding mag-ispray ng Oriental Herbal Nutrients (OHN) kahit walang naninira para maagapan agad ang posibleng manira sa ating mga tanim.
Sa loob ng 4 hanggang 6 na buwan ay makakapitas kana ng bunga na sahog sa tinola habang sa 7 hanggang 8 buwan ay makakapitas kana ng hinog na Papaya.
Maaring mabuhay ang Papaya ng hanggang dalawang taon at tuloy tuloy ang pagbunga nito.
Para maging matamis at masarap ang hinog na bunga ng Papaya ay isang beses kada isang linggo ay ispreyan ng potassium o FFJ.
Makakatipid kana, masustansiya pa ang pagsasaluan ng buong pamilya at hindi ka maaapektuhan ng mataas na presyo ng Papaya sa Merkado..
Tandaan lang po na laging i-apply ang TLC-Tender Love and Care sa pagtatanim ng mga halaman para ito ay mapakinabangan.
Ang Magsaskang Reporter po ay marami ng tanim pero patuloy pang nagtatanim dahil sa paniniwalang ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ay dapat magsimula sa ating tahanan, "FOOD SECURITY STARTS AT HOME.
Milyun-milyon ngayon ang nagugutom, maraming kabataan ang malnutrition, ang pagtatanim at pagkain ng gulay ang solusyon.
Nagawa ko po ito, magagawa rin po ninyo.
Nawa po ay nakapag-share ako ng kaalaman at impormasyon ngayong araw na ito tungkol sa pagtatanim, pag-aalaga at pagkakaroon ng hitik na hitik sa bunga ng Papaya.
Para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV at Radio program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapakinggan din po sa Radyo Singko 92.3 News FM. Live din ninyong mapapanood sa Facebook at RU-vid.
Maaari din kayong manood at mag-subscribe sa aking RU-vid Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER para sa iba pang kaalaman at ipormasyon sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication. (30)

Опубликовано:

 

20 фев 2022

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии : 103   
@geraldinesalvadormaestro8470
@geraldinesalvadormaestro8470 20 дней назад
Thank you po sa inyong pag share ng makabuluhang video nag start npo kasi akong mag tanim sa maliit naming bakuran 👏God blessed po 🙏 ❤❤❤
@goodvibesonly6060
@goodvibesonly6060 2 года назад
Ang ganda nmn ng mga tanim nyong papaya, sir. Sana mamunga din ng gnyan yung tanim kong 3 papaya. Sinlaki na sya nung ni-repot nyo po. Sarap pa nmn ng maanghang na ginataang papaya with chicken.
@ramoncesarabetria2269
@ramoncesarabetria2269 2 года назад
Salamuch po sa mga tips nyo Sir ☺️👍 at sa pag share sa lahat. Paki shout out po sa next video ABETRIA FAMILY watching from SAGAY City, Negros Occidental....
@mercedesebert629
@mercedesebert629 2 года назад
WOW SARAAAP NAMAN YANG PAPAYA, UNFORTUNATELY HINDI PWEDE DITO SA AMIN. JUST BUY PAPAYA HERE NAPAKAMAHAL PO DITO...BUT LOVE MUCH ITONG MGA TIPS NINYO NA MAY MALAKING MAITUTULONG SA PAG-AALAGA NG MGA HALAMAN. THANKS YOU PO AT MORE COURAGE, LOVE AND POWER FOR SHARING US...GOD BLESS.
@andyrabinotvtech7586
@andyrabinotvtech7586 2 года назад
Nasundan na po namin itong mga video mo sir at sa unang panuod ko ay ipinapanuod ko agad sa aking bonso at ito may tabim na syang siling haba. Maganda ang iyong turo sa pagtatanim, salamat po.
@thomsworld1842
@thomsworld1842 2 года назад
Maraming salamat sa shout-out mo samen dito sa candaba kuya Mer ingat end godbless
@richancuervo9627
@richancuervo9627 2 года назад
Watching from Hinatuan surigao del sur.shout out po
@francisdegracia4133
@francisdegracia4133 7 месяцев назад
salamat po sir madami po ako natutunan,God bless po
@willstvvlog9438
@willstvvlog9438 2 года назад
Thank you very much sir for idea kng paano mg pa bunga Ng papaya.God bless po
@antonioducosin7645
@antonioducosin7645 2 года назад
Thumbs up done sir always watching from davao city
@wilsonsenoron5711
@wilsonsenoron5711 2 года назад
Maraming salamat po sir, sa information kong papaano ang pagtanim ng papaya na hiktik sa bunga. Mabuhay po kayo. God bless
@corazonborja8511
@corazonborja8511 Год назад
Tnk u sir s tips . Papaya tlga ang Pinaka d best k ittanim eh . 👍
@rogeliodangate4517
@rogeliodangate4517 2 года назад
good day Bro Mer, thanks sa bagong kaalaman sa pagtatanim ng papaya, marami na akong tanim na papaya ngunit sinalanta ng bagyong Odette, ngayon magsimula na naman ulit.
@hassansaripada325
@hassansaripada325 10 месяцев назад
Thank you for your tips
@florenb454
@florenb454 7 месяцев назад
Salamat sir sa mga tips❤❤
@renatogarillo7896
@renatogarillo7896 2 года назад
Pa shout sir next vid... More power sa blog sir
@jiceltorres7124
@jiceltorres7124 2 года назад
Good morning po
@jabablues
@jabablues 2 года назад
Ayos idol,,parang mainstream. Galing ng idea mo.👋👍panlinis din ng atay ang papaya.
@rhodagallanes
@rhodagallanes 2 года назад
Wow ang Lalaki nman poh
@growgreenph4536
@growgreenph4536 2 года назад
Pa shout lods Ako ay baguhan pa lng Po sa pagtataniman , maraming Salamat sa pagbahagi Ng mga tips sa pagtatanim.
@gardeningperth
@gardeningperth 2 года назад
Very encouraging bossing!
@maritesfontanosa1114
@maritesfontanosa1114 2 года назад
wow ang daming bunga ng papaya , may tanim din po kming papaya sa malaking balde khit nandito lbg kmi sa 2 nd floor , nakaka inspired po ang video nyo Sir , diko po makita yt channel ni kai pls.i lagay nyo na lng link nya dito sa channel nyo para po madaling mkita cp lng po kasi gamit ko , Thank you po sa mga tips, lagi po akong nanonood ng video mo sir di lng ako ng co comment minsan.
@user-rd4dz5mu8m
@user-rd4dz5mu8m Месяц назад
Okay thank you
@robertrodriguez7299
@robertrodriguez7299 2 года назад
Nakakatulong talaga ang mga sharings ninyo. God bless!
@andyrabinotvtech7586
@andyrabinotvtech7586 2 года назад
Good day sir, pa shout out sa next video po.
@juliemaloma6852
@juliemaloma6852 2 года назад
Salamat po for sharing good morning po
@maloulay9425
@maloulay9425 3 месяца назад
Ty po sa info
@jimmyfogsTV
@jimmyfogsTV 2 года назад
Pa shout out Po the heavy EQUIPMENT operator channel salamat po
@nategiechamchalloway5292
@nategiechamchalloway5292 2 года назад
Sarap
@choly9702
@choly9702 2 года назад
Marami po kaming natutunan sa mga itinuturo nyo Sir....salamat po sa pagbahagi ng inyong.kaalaman....God bless po...
@Tanjiro_Kamado709
@Tanjiro_Kamado709 Год назад
Sir may nalalaglag pa pong bunga.ano pong gawin ko salamat po
@nabellemayorvlog7209
@nabellemayorvlog7209 2 года назад
I love eating papaya Lodi, thanks for sharing .. god bless u watching from hongkong
@gloriaecollado9165
@gloriaecollado9165 2 года назад
Salamat sir marami kaming natutuhan.sana po matulongan mo ako may guyabano po ako masipag mamulaklak pero nalalaglag lng.d na tuloy ang.pgbunga.sana matulongan nyo ako
@junebenagravanteagravante2173
Kuya yong nga na tanim ko Po papaya mahig 1 year subra na pakinabagan Kuna Po nakaka gulay Po Ako at nakaka bigay SA iba tao pag walang ulam Sila🤗👍👍👍👍
@princejanuary6344
@princejanuary6344 2 года назад
Maraming salamat po....☺️
@jethrodanielherrera3346
@jethrodanielherrera3346 2 года назад
Thank you Sir dami ko na tutunan sa mga tinuturo mo pag tatanim nang gulay
@helenantecristo3263
@helenantecristo3263 Год назад
Hi Sir Mer . . . . napakadali. . . . sipag at tiyaga lamang ang kailangan. Maraming salamat at nawa'y pagpalain ka ng Ponng Maykapal palagi at ang iyong pamilya.
@soledadcruz9287
@soledadcruz9287 2 года назад
GOOD DAY PO MAYROON DN PO AKONG PAPAYA TUMUBO PA LNG PO
@queencyreinvillaflor4029
@queencyreinvillaflor4029 2 года назад
Hello po sir ask ko lang po ...pede po bang itanim ang kaimito na mula sa cuttings? at kung pede po paano po ang paraan
@donniebang6151
@donniebang6151 2 года назад
sir mel, pakilagay po ng youtube channel ni ky sa description box pra mas mabilis masubscribe pag nclick yung link ng channel nya...
@nellireneramirez5864
@nellireneramirez5864 2 года назад
Sobrang naiinispire nyo po talaga ako magtanim ng mga gulay. Ngayon po parang narealize ko na mas gusto ko pala magtanim ng mga gulay kesa sa mga pang garden lang talaga kc po may aanihin ka. Thankyouu po Sir Idol Mer for insipiring me. Godbless po. Pashout out naman po. Watching from SanJose Del monte Bulacan po! Thankyouu po!♥️
@susanmercado3033
@susanmercado3033 Год назад
Maraming salamat sir for sharing.naiinspire po ako magtanim
@junebenagravanteagravante2173
Simula na Po nag bugs na Ang mga papaya na tanim ko halos pitas na pitas lang Ako🙏🤗👍👍👍at na mimigay Ako papaya SA kung sino walang ulam ,kapag sugapang Ang nag hihi Hindi ko binibigyan Kasi may iba na halos gusto na kalbuhin Ang papaya ko hahaha😂😂
@mitsubishi_toyota
@mitsubishi_toyota 2 года назад
Pedi po gumawa kayo ng video sa pagtatanim ng pechay
@jainamarges4275
@jainamarges4275 2 года назад
Di ba.po hindi kasama ang mga.maiitim na seeds kc lalaki daw po yun at hindi namumunga?
@atheena88
@atheena88 2 года назад
Salamat po sa inyong mga tips..pero bakit nun diniligan ng anak ko ng FOLIAR ang namumunga na na papaya namin ay humintong mamunga.. Nilagyan ko nga pinaghalohalong Carabao manure, Yara Urea, 14-14-14 at msg at muling namulaklak at namunga. Ang natutunan naman sa ibang magsasaka ay pag hitik masyado ay need din po na bawasan para mas lumaki ang mga bunga.
@criziagailmarte2593
@criziagailmarte2593 2 года назад
New subscriber po, anu po gamit niyo na soil sa pagpunla?
@elviraherrera9358
@elviraherrera9358 2 года назад
Good morning po. Puede po ba itanim sa big paso ang papaya at magbubunga din? .Salamat po
@AngMagsasakangReporter
@AngMagsasakangReporter 2 года назад
Opo
@elviraherrera9358
@elviraherrera9358 2 года назад
Salamat po. Magtatanim na ako ng papaya.
@jabablues
@jabablues 2 года назад
Padalaw din ng Kubo ko idol.
@ilonggoprombievlogger5770
@ilonggoprombievlogger5770 2 года назад
Hello lods sending full support padikit nman sayo Salamat
@arnelbuenaventura503
@arnelbuenaventura503 2 года назад
Saang parte ba ng bunga yung mga babae para hindi masayang yung punla
@thionghochan5910
@thionghochan5910 2 года назад
Boss bakit kaya ang tanim kong mga papaya laging hindi tumutuloy mabuhay, kahit malaki na at kasing taas ko na, biglang kumukuloy yung mga dahon nila pati yung talbos nya, kaya ilang araw lang namamatay na. Ano po ang dapat kong gawin. Need ko pong tulong nyo.
@cyrenefranada4826
@cyrenefranada4826 2 месяца назад
Sir may tanim po aqng papaya ngaun po mamumulaklak n cia then napansin q ung bunga nya naninilaw at hnd natutuloy Ang paglaki tapos nahuhulog nlng ano po Ang dapat qng gawin bigyan nio nmn po aq ng tips salamat po
@evelyntoftesund4143
@evelyntoftesund4143 2 года назад
Sir paano po malaman kung ang punla ng Papaya ay babae?
@waljanaisnaji1775
@waljanaisnaji1775 9 месяцев назад
Maari po bang ispray ang alovera sa papaya
@salvadoralbrertopelino1170
@salvadoralbrertopelino1170 Год назад
Sir ano po ang u tube channel ng inyong anak salamat mo subscriber po ninyo ako thanks
@user-jl8rh7qo4w
@user-jl8rh7qo4w 7 месяцев назад
Pasno kung naninilaw ang dahon ng papaya salamat
@arturosegovia17
@arturosegovia17 6 месяцев назад
Puede bang itanim sa lata ng pintura yon malaki
@liderlaherradura1426
@liderlaherradura1426 2 года назад
Daan po pwede Maka bili ng kalamasi s Laguna
@wildflower9233
@wildflower9233 Год назад
Yung sakin deretso ko na tanim wala ng bilad bilad mabilis naman tumubo kahit anong seeds😁
@binzbayz1828
@binzbayz1828 11 месяцев назад
Pwede po ba yung papaya sa malamig na lugar
@cecillefloresca8475
@cecillefloresca8475 3 месяца назад
Hi po. Ask ko lang po bakit po namatay ang tanim ko na papaya. Ty po
@ramonapatuboofficial7927
@ramonapatuboofficial7927 2 года назад
Sir Mel bakit po yun papaya ko ang taas na tapos yun bunga sa taas nagsimula pero ang tagal lumaki.
@vivianborejon3387
@vivianborejon3387 Год назад
Ano pong gagawin s papaya tree nagiging kulay kalawang po ung gitna ng dahon
@shardbytes2662
@shardbytes2662 2 года назад
pwede po kaya kuya mer sa timba lang na 16L ang papaya?
@AngMagsasakangReporter
@AngMagsasakangReporter 2 года назад
Opo
@markalbertbatalon4578
@markalbertbatalon4578 Год назад
Sir gud day po,magtatanong lang po tungkol sa tanim ng father ko na papaya,bat po kaya ung mga bubot na bunga ng papaya nya,nahuhulog po ng kusa? Mataas na po ung puno,pero ung bunga po kusa nahuhulog.
@margaritacortinas3572
@margaritacortinas3572 Год назад
Ano Ang dapat gawin sa paayang naninilaw Ang bunga
@blancailagan8618
@blancailagan8618 2 года назад
paano po nagpapabunga ng papaya
@AngMagsasakangReporter
@AngMagsasakangReporter 2 года назад
Ispray po kayo ng potasium na FFJ
@norbertoeugenio3541
@norbertoeugenio3541 Год назад
Paano nga palang gawing babae ang binhing papaya mga 2 ft. na ang laki. Pwede pa bang ilipat
@user-bo4hu6ij9o
@user-bo4hu6ij9o 10 месяцев назад
Tanong ko lang Po sir di ba sobrang lalim yang pagtatanim mo?ano ang tamang sukat ng laim sa pagtatanim?
@yunachan8353
@yunachan8353 2 года назад
Panu po ako makakabili ng pataba nyu at para sa mga peste sa tanim
@AngMagsasakangReporter
@AngMagsasakangReporter 2 года назад
Gawa lang po kayo
@leonidaballesteros5223
@leonidaballesteros5223 2 года назад
Paki lang po yong selection ng babae ng papaya thanks
@Tanjiro_Kamado709
@Tanjiro_Kamado709 Год назад
Sir laglag pa din po bunga papaya ko sayang dami po bunga pero laglag po ie
@rguarin540
@rguarin540 2 года назад
Sir ....papaano naman po ang gagawin para maging dwarf ang papaya? ..thanks po
@diosdadofrancisco4767
@diosdadofrancisco4767 2 года назад
yng papaya ko d nbunga bulaklak lng ano gwin ko po
@joyceconejos8527
@joyceconejos8527 2 года назад
Ilang buwan po bago mahinog ang papaya.
@emeldamansan6213
@emeldamansan6213 5 месяцев назад
Hello po ask ko lang po bkit pumayat po ung stem ng papaya namin at lumiit mga dahon ganon din po ang bunga lumiit ano po kaya problema
@user-ft8zb6er5s
@user-ft8zb6er5s 2 года назад
Hello po, ilang buwan po bago magbunga ang papaya? Thanks in advance po sa sagot.
@marlonreyes-oo8gt
@marlonreyes-oo8gt Год назад
Bk po panay lalaki naman
@vtality5354
@vtality5354 Год назад
Sir bakit po nanlalaglag ang bunga .sa container or drum po nakatanim helo po ako
@jinalinejercito4329
@jinalinejercito4329 2 года назад
Ilan buwan bago magkaroon Ng bunga Ang papaya ?
@datubimboromatho4506
@datubimboromatho4506 2 года назад
Paano mo malaman ang papaya na babae o lalaki noon maliit pa ang papaya?
@user-rn9ni6cu4z
@user-rn9ni6cu4z 7 месяцев назад
sir why not cut the main roots of the papaya bcoz it lead to a female papaya...
@vtality5354
@vtality5354 Год назад
Help nyo po ako
@thompson3508
@thompson3508 2 года назад
Nagtanim ako ng papaya pero puro lalaki. Ano remedyo o paano pabungain ang papaya?
@myjesusmylord6526
@myjesusmylord6526 2 года назад
Ikacut daw ang pinaka roots nya sa gitna para automatically babae ung puno
@thompson3508
@thompson3508 2 года назад
@@myjesusmylord6526 thanks!
@felixrodriguez3648
@felixrodriguez3648 2 года назад
Pakibati Ang Asawa ko Emily Rodriguez Ang name nya
@adoramagolta8777
@adoramagolta8777 Год назад
Bkt po ako d mabuhayan ng babaeng papaya? Pulos lalake yung nbbuhay ko, panay bulak2 lng d cia namu2nga!
@bennperia1539
@bennperia1539 Год назад
Sobrang dikit dikit ang pagitan ng papaya.
@MarioValentino-jr1fg
@MarioValentino-jr1fg 21 час назад
Ano ng ano
@vicentelatag972
@vicentelatag972 17 дней назад
Di na maganda ang puno na pinakita mo sa una matangkad tapos ang ilan lang ang bunga..
@CarlosSanchez-lh2ks
@CarlosSanchez-lh2ks 7 месяцев назад
Nasaan ung sinasabi mo na tips wala naman 😂😂😂
@mcrustombulawit3114
@mcrustombulawit3114 Месяц назад
mali mali tinuturo mo spacing palang bagsak na para nagtatanim ng mais
@queencyreinvillaflor4029
@queencyreinvillaflor4029 2 года назад
Hello po sir ask ko lang po ...pede po bang itanim ang kaimito na mula sa cuttings? at kung pede po paano po ang paraan
@dananonoy4119
@dananonoy4119 2 года назад
Sir,pwede ba itanim sa container drum ang papaya
@AngMagsasakangReporter
@AngMagsasakangReporter 2 года назад
Opo
Далее
Me: Don't cross there's cars coming
00:16
Просмотров 12 млн
3M❤️ #thankyou #shorts
00:14
Просмотров 4,2 млн
아이스크림으로 체감되는 요즘 물가
00:16
TIPS PARA MAGING HITIK SA BUNGA ANG BELL PEPPER
19:10
Просмотров 296 тыс.
Pag pili ng tamang buto ng papaya
5:33
Просмотров 7 тыс.
How to Graft Papaya - Home Guides
14:34
Просмотров 8 млн
Me: Don't cross there's cars coming
00:16
Просмотров 12 млн