Pansin ko lang, parang mas malakas sa gas pag nasa Baguio. Umakyat kami dati Wednesday yun full tank from our place sa Paranaque. Pag dating Camp 7 nasa 1/4 lang ata nabawas so madami pa. Byahe pabalik Manila Sunday hapon lampas half na gas. May isang araw hindi ginamit sasakyan. So lumalabas mas marami na consume pag ikot ikot Baguio kesa dun sa byahe pa Baguio. Siguro dahil sa mga ahon na daanan at matatarik pa iba. Mas nag eefort engine so mas nag coconsume gas, mas may diin din tapak selenyador pag ahon. Maliit lang Baguio so short distances lang travel kung tutuusin.
Common sense lang naman iyan, nag-eexert ng more effort ang engine dahil most of the time inclined ang daan sa Baguio, car weight plus another factor iyong load mo, ilang passenger at gamit mo and syempre traffic. Kaya mas malakas talaga ang konsumo mo doon. Kaya ang best thing sa Baguio mag-commute and plan it, mag-kakalapit lang naman ibang tourist spot.