Patuloy na gumagawa ng hakbang si Cong. Danny A. Domingo upang marami pang nangangailangan ang matulungan. 💙
Nitong Agosto 6, nasa 395 residente ng Unang Distrito ng Bulacan ang natulungan sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay para sa mga Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE), katuwang ang tanggapan ni Cong. DAD.
Matapos ang sampung araw na paglilingkod sa komunidad, bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P5,000 sahod sa pay-out na ginanap sa Citywalk Sports Center, City of Malolos. Nagmula ang pondo para sa TUPAD na ito sa tanggapan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.
#NaibaNa #CongDAD #DADNgUnangDistrito
29 сен 2024