hello! mga ka adventures tara libutin ang dalawang naggagandahan at malinis na Dam dito sa aming probinsya sa Nueva Ecija.
1. AULO DAM
-matatagpuan sa brgy;Aulo Palayan City, Nueva Ecija . Madalas itong paslayan ng mga mamayan dito sa Palayan dahil sa nakakarelax at malinis na tanawin na makikita . May mga mangingisda din dito namimingwit,naglalambat at patuloy na inaalagaan upang dumami pa. Marami din ang nag pipicnic at nagliliwaliw dito ngunit pinagbabawal na maligo dahil sa mga may mga alagang isda ang mga tao dito.
Dito din dinaos nuong 2021 ang motorcross na isang event na nangyari nuong fiesta ng Palayan City, may mga pumupunta padin na motorista dito upang mag practice at mag adventure . Halina at dumayo sa aming Aulo Dam.
2. ATATE DAM(boundary ng Natividad at Singgalat)
-matatagpuan sa brgy;Singgalat, Palayan City , Nueva Ecija. Isa din itong picnic spot ng mga mamamayan kung saan malamig at presko sa ilalim ng tulay na siyang daanan ng mga motorista papuntang Natividad. Malinis at malamig ang tubig dto kaya't bentang benta ngayung tag-init sa mga tao. Halina at dumayo sa aming Atate Dam.
Maraming Salamat sa inyo sanay nag enjoy kayo at nasiyahan .
please follow my account for more upcoming videos;
youtube@jeffdeompoc
tiktok@jeffdeompoc
facebookpage@jeffdeompoc
8 сен 2024