Nagsisimula pa lamang ang 2024, muling naranasan sa Davao del Norte ang malawakang pagbaha. Paano hinarap ng ating mga kababayan ang kanilang itinuturing na unang mabigat na pagsubok sa taong ito?
kahit binaha po sina kapatid n julito beramo ay tumupad pa rin po sya sa kanyang tungkulin SCAN, ni rescue po nila mga nabahaan. God Bless you Jhong 🥰🥰🥰🥰
Despite the hardship that they are going through ipinapakita ng mga kapatid ang kanilang matatag na Paninidigan na mas lalong magtalaga sa paglilingkod sa Panginoong Diyos. Kaya nyo po yan mga kapatid, nasa panalangin din po namin kayo.
Kung sila na mga kapatid natin na dumadaan sa pagsubok at kahirapan ay naninindigan sa pagsunod at paglilingkod, lalo na tayong mga nasa magaan na uri ng pamumuhay. Maraming salamat po sa Pamamahala ng Iglesia sa walang sawang paglingap at pagmamalasakit po sa aming kapakanan. Maraming salamat din po sa CEBSI sa inspirasyong dulot ng episode na ito. ❤️ Kasama po kayo mga kapatid namin sa aming mga panalangin. Malalampasan din po natin ang mga pagsubok na ating nararanasan.
Salamat po sa Ama may ganitong mga Paninindigan ng mga Kapatid na kahit may kalamidad ay tumutupad pa rin sa tungkulin at sumasamba. Nagbibigay inspirasyon sa amin, na kami na di man nakakaranas ng sitwasyong tulad sa kanila, ay lalo naming itataas ang uri ng aming pagtupad at pagtitiwala sa magagawa ng Diyos.
Hello po sa mga kapatid namin dyan Davao🇮🇹❤️ tama po kayo lalo pa tayong magpakatatag sa ating pananampalataya, dahil ang lahat ng hirap at pagluha ay mapapalitan ito ng kasiyahan pagdating ng araw ng paghuhukom.
Salamat sa Diyos na nagpapalakas ng ating loob at pag asa dahil mayron tayong mapagmalasakit ng pamamahala ,maraming salamat po kapatid na Eduardo V. Manalo.
Salamat po nang marami sa Pamamahala sa lagi pong pagtuturo at paggabay, sa iba’t ibang pamamaraan, sa mga pagsamba at sa mga ganito pong programa. Matibay na patunay po na napakabisa ng lahat ng pagpapayo ng Pamamahala kung paano pa po maka Paninindigan ☺️
Ito yung tagpo ng buhay na ang sarap sarap tumawag sa Ama....ung tipong bigat na bigat kana....alam mo sya nalang humahawak sayo kaya nakakapit kapa 😢😢😢 wala po bibitaw mga kapatid konting pagtitiis nalang..😭😭😭😭
Mahirap Ang makaranas ng pagsubok ngunit dahil sa pagsubok napatutunayan natin na Tayo ay iningatan at minamahal Tayo ng Amang Diyos at nadama natin Ang wagas niyang pagtulong sa lahat ng panahon ng ating Buhay magtiwalang lubos sa magahawa ng Diyos sa ating mga Iglesia ni Cristo
Lalo po tayong magtiwala, sumampalataya at umasa sa magagawa ng Panginoong Diyos sa ating buhay. Yan po ang katangian ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na matibay ang Paninindigan. 🙏
Taga Davao City ako, malapit lang sa Carmen town. Nnasaksihan namin ang dambuhalang baha na sumira saa malaking bahagi ng lugar. Nakakaawa ang mga residente.
Kaya ako at ang aking buong sambahayan ay walang liban sa paghahandog gaya ng lingap kasi ginagamit ng ating pinakamamahal na Tagapamahalang pangkalahatan sa pagtulong sa mga inaabot ng kalamidad kapatid man o hindi maraming salamat po Dakilang Ama sa pagkasangkapan sa Tagapamahalang Pangkalahatan Ka EVM❤❤❤❤❤
salamat sa inyo mga kapatid, nakapagbibigay kayo ng inspirasyon sa amin, nakakalungkot lang na may mga kapatid na maginhawa naman ang buhay pero tinatamad pang sumamba, yong iba kailangan pang sunduin samantala kayong may pinagdadaanan pero masigla pa rin sa paglilingkod
Ang pagsubok ay sandaling panahon lang kong ikukumpara sa tatamuhin nating buhay na walang hanggan. Kaya kahit na anong kahirapan at pagsubok ang maranasan natin, patuloy lang tayong magkakapatid sa masiglang paglilingkod sa PANGINOONG DIYOS. sa tulong at awa niya, malalagpasan din nating lahat iyan. Basta lagi lang tayong manalangin sa AMA, ilagak natin sa kanya ang lahat ng ating mga pasanin na maaaring magpabigat sa ating pag lalakbay. Makapangyarihan siya sa lahat hindi niya tayo pababayaan.
ganyan kaming mga inc pag dating ng pag subok naninindigan sa panig at awa ng panginoong Diyos kaya ano man dumating sa buhay namin ...we proud na iglesia ni cristo kami
Maging tayo man mga hinirang ay hindi makakaligtas sa mga pagsubok maging ito man ay kalamidad ang bentahe natin sa sanlibutan ay may AMA na magliligtas sa atin sa kapahamakan, at may Pamanahala na magpapatibay sa ating buhay spiritwal upang lalong patibayin at patatagin ang ating pag asa at pananampalataya upang makapagpatuloy sa mga paglilingkod sa Panginoong Diyos. R. M. GUDOY🇮🇹👍
Mula po rito sa Lokal ng San Guillermo Distrito ng Rizal East, ang tanging masasabi ko po ay bahagi po ang mga iyan ng pagsubok sa ating katatagan at batid ko pong hindi tayo pababayaan ng Panginoong Dios.🇮🇹
Paano na lng po kung hindi tayo mga lingkod ng Diyos? Katulad ng mga sanlibutan nawalan na po ng pag-asa at nanghina sa buhay na ito.Malaki po tlg ang kontribusyon ng ispiritwal na pananampalataya sa Diyos.Dumating man ang matitinding pagsubok hindi nanlulupaypay.
naiyak aq habang pinapanood q ito..malalagpasan din po natin ang mag pagsubok na dumarating sa ating buhay basta magpapakatatag at patuloy lang sa paglilingkod mag kapatid
Tumulo Ang mga luha ko sa Inyo kapatid...Ang Akala Namin na mga pagsubok sa buhay ay mabigat na pero meron pa palang mas mabigat na pinagdadaanan Ang ibang mga kapatid .Saludo po Ako sa Inyong paninindigan ..salamat po AMA!
Nakakainspire na mapanood ang ganitong karanasan ng ating mga kapatid. Malungkot man kung titingnan ang kanilang karanasan subalit ang nagbibigay lakas sa bawat isa ay ang tulong ng Diyos - na sa panahong ito ng matinding kalamidad at pagsubok ng buhay, lalong mas masarap lumapit at tumawag sa Kaniya.
Iba-iba man ang pagsubok na ating nasasagupa ngunit bilang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, mayroon tayong iisang solusyon na alam ang manalangin sa Ama. Amping mo permi dria mga igsoon na naa draa karon sa Davao Region. Puhon dili na kita mabahaan, dili na mohilak, dili na ta malisdan pa. Kapag ihatag na sa Amahan ang hingpit na pagtuman Niya sa saad ka nato, ang pagpuyo sa Balaang Siyudad.
Bilang Yoland survivor, ramdam ko kung gaano kabigat ang sitwasyon ninyo. Ang AMA po ay hindi magpapabaya sa inyo. At makakaasa kayo kaisa ang lahat ng mga kapatid sa buong sa paglingap na gagawin ng Pamamahala sa inyo.
May pagsubok man tayong nararanasan, hinding-hindi tayo dapat manghina. Dapat tayong maging matatag dahil alam natin na hinding-hindi tayo bibigyan ng Ama ng pagsubok na di nating makakayanan. Lagi tayong mananalangin sa ating Amang Diyos upang palagi tayong gabayan at tulungan sa anumang pagsubok na ating nararanasan.
Maraming salamat po Sa Karagdagang Pagpapatibay. Sa Pananampalatya Na kailangang maibahagi rin po.. Ibalik po natin Ang Pinakadakilang Kapurihan sa Ating AMA na DIOS🙏📖 na .Pinakamakapangyarihan po sa Lahat😇♥
Ingat mga kapatid, may awa ang ama hindi tayo pababayaan. Naranasan din namin ang hirap nung bata pa kami..isang oras ang lakad namin sa maputik na daan makarating lang sa pagsamba.. mahirap ang buhay pero masaya.. panalangin lang talaga lumalakas ang loob natin.. ingat kayo mga kapatid
Danas din namin yan kapatid ung mahabang paglalakad at maputik na daanan papuntang Kapilya, ung pabigat ng pabigat ung suot mong sapatos dahil sa Kapal ng Putik nung nasa PNK pa ako mang aawit sa lokal ng Capitol dati maliit pa lng ang Kapilya pero ngayon nakikita mo talagang Napakaganda na, yan ang dati kong lokal, masaya sa puso kapag nakikita mo ang dati mong lokal, talagang Makapangyarihan talaga at Tunay ang Dios naning mga Kaanib sa INC 🇮🇹 Talagang madami pang Pagsubok ang ating daranasin kasi naglalakbay pa tayo d2 sa Sanlibutan, darating ang Panahon maninirahan tayo sa Bayang Banal wala ng paghihirap wala ng pagluha at wala ng pagsubok na daranasin, konting tiis na lng mga mahal kong Kapatid 😇 sa Ngayon may Anak din ako na lumusong sa Banal na Ministeryo, Regular na Manggagawa, na naka Distino sa Labas ng Bansa, malawak na ang INC kaya need ng Ating Tagapamahalang Pangkalahatan ang Katuwang sa Pangangalaga, Pagpapatibay sa mga Kapatid, at sa Gawaing Pagpapalaganap sa mga aral at utos ng Dios, Purihin ang Ating Ama na nasa langit, napakabuti ng Ama 😇 Parang Gintong Korona na itinataas ng Kamay ng Dios sa Gitna ng Sanlibutan ang Iglesia ni Cristo 🇮🇹 Hayag na hayag ang Kanyang Kapangyarihan 😇 Sa Ama ang lahat ng Kapurihan❤️😇