Video Card na nga ba agad ang sira kapag walang display ang inyong mga computer? baka mabigyan ko kayo ng idea o tips para sa simpleng DIY troubleshooting.. #znedvlogtv #pcproblems #computer #LCDproblems
sakin ang may tama graphics card not bad nadin kasi tumagal sya ng halos 10years model ng graphics card ko MSI N760 Tf 4DG5 atlis kahit papano ok pa motherboard Thaks sa info
@@ZnedVlogTV sir ask ko ang bat ganon po ung pc system unit ko need pa ng mga limang force restart bago mag on at may lumabas s monitor.. pag unang on kasi black screen lang..
very informative!..ask ko lang boss pano ko malalaman if sira yun video card ng laptop ko ksi wlang picture sa extra monitor ko na 27 inch nag update nko ng intel uhd graphics 620 sa website and yun mga cable nmn ayos lahat sinubukan ko like hdmi thunderbolt 3 type c connector and i think nagawa ko na lahat pero ayaw prin mag response sa xtra monitor ko di rin sya ma detect sa settings ng win 11 ko ang hindi ko na lang nasusubukan yun vga pero wlang vga sa monitor ko!..if ever anong adaptor need ko para makakonnect ako using vga cable???pls let me know and thank you! btw im using lenovo thinkpad x1 carbon gen 6..i5 8th gen processor with windows 11 wlang issue yun laptop ko except di ako makagamit ng 2nd monitor
Hi sir. Try mopo bumili ng hdmi to vga adaptor po. To test lang sa vga if ok ang display. Medyo komplikado kasi when it comes to laptop display. Yun lang po marecommend ko bili muna kayo ng hdmi to vga adaptor sir. Then kapag wala parin. Mas magndang ipa check niyo napo sa laptop tech. Baka may loss conection na sa mismong port niya.
Bumili po kasi ako ng 2ndhand na monitor mabagal po sya mag start kung nag open ako ng laro clack muna sya mga 15 sec bago maggdisplay kaso kung yung luma nmn monitor gamit ko pagka pindot 2 sec lang bukas na ano po kaya problem ng monitor ko po?
Kung mga 15 sec. Lang po ang pag open ng monitor niyo, wala naman po siguro problema. May mga monitor tlga na may delay dahil sa mga opening ng mga brand logo nila. Meron din naman mabilis.
boss yung monitor ko nagblink lang tapos nagblack screen na at walang display. chineck ko naman mga cable ok naman kasi nung ginamit ko yung isa kong monitor gumana naman. posible kaya na yung adapter ng monitor ko yung problema kasi naisaksak ko pala sya sa 110v sa may avr pero pang 108-240v pala yun?
Kung yung avr niyo po is 108-240v ok lang po yun. Lalo na sabi niyo nga nagbiblink naman yung indicator niya. Ibig sabihin may power pa siya. Posible niyan sir yung graphic card adaptor (video card) niyo may problema.
Kapag nalabas po ang brand niya, ibig sabihin po good pa po ang LCD niyo. Pero kay naman nag no signal at nag black. Dahil wala pong response galing sa video card o vga ng inyong PC
Good day boss.. hindi napo kailangan i reformat yung pc kung ililipat. Ang maoobserved niyo lang po doon is magiging low graphics lang po siya hindi tulad ng naka videocard
Ano po kaya issue nung Computer ko na nagbubukas naman po sya pero after ilang minutes lang nawawalan ng display. Kakabili ko palang nga po ng PSU dahil akala ko yun problema pero di pala. 2nd hand po motherboard na gamit ko
Check niyo po processor niyo baka hindi nagana yung fan niya. Kapag nainit po kasi ng sobra ang cpu. Isa rin po yan sa dahilan ng oag shutdown after ng ilang minuto.
Hi sir ask ko lang panu po pag ung laptop ko ilang buwan na din kse sya na wla display kya inadvice aq ng technician na gamit na lang external monitor..ngaun ok nman ngamit aq mg1 yr na kso bgla ngblackscreen na nman ngaun
Hello maam, kung nag blakscreen na din po yung external, posible po na nagka problema po yan sa mismong port or gpu niya. Pwede din na sa display settings po kung may nakapag set ng di sinasadya. Pero maam try niyo muna na maglinis ng cable niya. Baka nagloose connection lang. Pero kung ganun parin, posible na ang problema ay yung sinabi ko ng una.
sir ung sken po gumagana po video card both fan.pero pagbinuksan iilaw monitor keyboard mouse.pero wala di sya magdidisplay.ano po kaya sir vga port po kaya bago din ung power supply ko.pls help
Kung okay po ang videocard , at standby po ang monitor niyo, posible po na sa settings, baka hindi fit ang display need po ma set ng maayos. Gagamit po ng ibang monitor or LCD. Ilagay niyo po muna sa vga port ng nakabuilt in sa.board yung monitor niyo po. Then babaan niyo lang po display. Kapag wala pdin po. I try niyo mga clean up. Linis lang ng pambura yung mga gold or silver lines ng videocard na papuntang slotds. Then pati cable check.niyo.nadin po. Sana po makatulong.
Sa akin boss nagblue-screen inaccessible boot device error tapos inaayos kahit nireformat tapos hanggang no display ang monitor pero buhay amg motherboard, gpu.. Anong sira noon?
Gud day Po ano Po kaya possible sira Ng com ko,my power Ang cpu display lang Po may prblima my power din white lng Ang display nya,tnz p.monitor kaya Po Ang sira,
Kung may na aaninag po kayo na liwanag sa LCD niyo, or sabi niyo nga po may white siya, possible po niyan is LCD po may problema. I try niyo po linisin yung connectors niya papuntang system unit niya baka maremedyohan.
Sir yong sa akin last day bigla lng syang mawala ang display at babalik naman pero sa next day blink nlng sya ng kaunti tapos wla ng display at naka on naman ang power...
Kung naka videocard kayo sir check niyo po. Alisin niyo then linis at kabit. Kung wala pa po nangyari possible videocard. Pero mag primary po muna kayo. Check yung power cord ng LCD niyo at VGA cable kung nakakabit ng maayos.
masasabi ko po bang sira na yung video card pag wala parin pong dispaly pc ko pero nag okay naman po sya nung una tas nung tinanggal ko lang po yung alikabok sa fan tas nung inopen ko na ulit, kaso wala display
Baka po may natanggal sa paglinis niyo sir. Pero alisin at kabit niyo lang po. Pero kung wala parin maraming pwedeng maging cause. Pwedeng may natanggal kayo na part ng nilinis niyo fan. Pwede ding static issue. Or pwede ding may nag short ng nilinis niyo sir.
Dalawa po cause niyan sir. Pwedeng hindi lang nagrersponsr yung display niya sa video card. Pwede niyo po linisin, then i kabit niyo po ulit yung cable sa videocard. Pangalawa po pwedeng sa memory card. Baka kulang lang po sa linis or need lang alisin at ikabit ulit. Pero kung hindi naman dun nagpopower yung PC niyo may mas malawak po na problema na
Ibig sabihin niyan lods. Walang signal or response na nang gagaling sa system unit papuntang monitor mo. Kaya nag ooff tlga siya. Try mo lods palitan ng cable kung naka vga ka. Kung naka videocard ka naman, tanggalin mo muna linis ng pins tpos kabit. Kapag ganun parin, i try mo muna ikabit sa mismong mobo na vga. Kapag naging okay, may problema videocard mo
Kung na stock napo siya ng ilang months sir, possible po niyan may problema na po yung monitor, pwede pong nag ka moisture na siya sa loob na nag cause ng mga amag at cause din ng kalawang. Mas maigi po na maipa check niyo po sa mga TV technician. Baka may mga papalitan na piyesa.
Magandang araw lods.. pwede pong nagka error lang sa memory niya. Pwede niyo siya tanggalin, linis at kabit. Kapag wala parin. Check niyo po yung socket ng monitor or lcd niyo papunta sa unit.
yung sa akin po sir kapag sinaksak sa vga walang signal, pero kapag sa graphics card po na hdmi gagana, kasi po balak ko na pong alisin yung GPU at gamitin nalang yung vga ng mobo ko ano po kaya maaring problema ??
Hi sir.. babaan niyo sir yung resolution muna sir kapag naka kabit sa gpu niyo. Yung pinaka basic 800x600 ata yun. Baka kasi hindi kaya ng display kapag sa mobo. Gawa ng naka hdmi kayo nakaconnect sa gpu. Try niyo muna sir gawin. Bago kayo mag 2nd option na may problema po yung vga sa mobo niyo.
Ibig sabihin po nun. Hindi nagreresponse si videocard niyo. Pede niyo po alisin at linisin yung pinagkakabitan at yung contact niya sa slot. Pero kung wala pa rin, possible may problema na video card niyo
Mas maganda po kung bumili nalang po kayo video card. Kesa ipagawa. Sa price naman po dedepende po sa model ng motherboard niyo po. Kung latest medyo mahal po. Pero kapag mga oldmodel naman po may mga 2nd hand na nabibili ibibigay niyo lang yung specific model.
Sir yung akin naman is nawawala display tuwing mag on ako tapos ginagawa ko tinatangal ko ung hdmi cord tpos balik tapos may display na sya. Bakit kaya ganun sir? Tapos pag kinabukasan ganun nanaman tangal kabit cord para mag kadisplay lg ung monitor nag palit na ko cord ganun parin
Try niyo po nilisin yung mismong video card sir. Or kung ganun padin po. Baka sa settings napo ng display niyo. Try niyo po muna ikabit sa vga. Kung may vga cable kayo. Then set niyo po is recommended lang ang display
boss good day. problem kopo sa monitor ko no video input. hdmi 3 cable na nagamit no video input parin. kakabili lang din ng dp port to type c. display port no video input lumalabas.. na test kona rin sa laptop lahat ng port working namn sa monitor ko meron din display.. pero sa pc ko wala talaga display. ryzen 5 pro 4060g proci ko. ano kaya problema sa unit ko boss. sana ma solve po salamat
Wala naba vga port sir sa mismong mobo mo? Kung meron, try mopo ikabit muna gamit yung vga cable. Tpos iset mo nalang po muna sa mababang display settings.kapag okay na try mopo ikabit naman yung hdmi niyo para maadjust niyo yung recommend settings niya
boss ano kaya sira ng vedioa card ko mag na high settings ko ng dota2 sa demo palang ng hahang yung laro ko peru sa ibang games hindi naman pag sa dota2 pang madali uminit ng hahang ano kayu problema boss patulong po
Possible po niyan hindi kaya ng high settings ng video card niyo ang dota2. Kung sa ibang games naman niyo po is okay naman. Try niyo po i recommend settings niyo lang or mid lang po sa settings.
Try niyo mag reformat sir. Then palitan niyo vga cable niyo. Minsan nga eerror ang usb ports kapag may problema sa O.S. or minsan sa memory card. Pwede niyo linisin po.
Try niyo muna linisin lods yung mga pins sa cable niya. Then kung ganun parin try niyo ibang monitor to test. Kapag naging ok, monitor niyo lods may problema. Pero kung wala parin, try niyo magpalit ng vga cable.
Ung monitor po ang problema sir, kasi ung cpu po nagagamit q nman pag nagpapatugtog ako, , ung monitor pag sinaksak q xa, , lumalabas po ung blue, at ung brand niya, then No signal na xa, tas black na
Sir yung pc ko nag force shutdown ako tapos nung una nagloloading pa sya sa monitor tapos ngayon no display na pero gumagana naman ang cpu ko . Ano po kaya ang posibleng nangyare ? Thank in advance po . Sana mapansin po .
Hi sir, kung galing ng force shutdown ngyari sir, posible niyan may naging problema hdd mo. Or kung naka gpu ka posible din nagkaproblema sa software na naging sanhi ng pagkawala ng display. Try mo sir yung procedure ng tulad ng ginawa ko. Kapag wala parin, try mo ilagay muna sa vga mismo sa onboard niya
Ibig sabihin po hindi nagreresponsr yung system unit niyo sa monitor niya.. pwede niyo po itry alisin yung connectors niya then linisin niyo po.. baka marumi lang po
Ask ko lnag po paano po kapag binubuksan tas lumalabas ung (there is no signal from ur computer, press any key on the keyborad or mouse to wake up or press the input botton on ur display to switch another source?)
Hello Sir! ask ko lang po if ano problem ng pc ko habang naglalaro ako ng DOTA 2 may times na nag sshutdown yung monitor including yung keyboard pero yung fan sa CPU then yung mga led light nya gumagana naman tapos need i force shutdown para mag open ulit. Sana po matulungan nyo ako ;'( Salamat po.
Hello sir, ano po kaya possible problem pag nagr-random shut down yung pc tapos pag binubuksan sya may power lang pero hindi nag p-post or boot hindi rin nagllight ung numlock and capslock sa keyboard pag pinipindot. May power lang. Then after a while pag triny ulit mago-on na sya, magp-post and boot tapos shutdown ulit then ganun nanaman. Tapos yung issue nya na yan sir consistent sa isang area/bahay lang, pero pag linipat yung pc sa ibang area/bahay no issue naman. Salamat po sa sagot sir.
Hi sir. Tutukan mopo is yung HDD and memory niya. linis muna ng memory sa slot. Alisin then ikabit ng maayos. Then sa HDD po palitan niyo ang source ng supply niya. Sa reserved sa power supply. Then sata cable, palitan niyo sir. Then linis din. Sa mga ports.
Sa memory sir na MEMtest and nalinisan so goods na siya, nagpalit na rin ng new mobo since may issue na yung DIMM slot nung previous. Yung sa HDD po, paanong palitan po yung source ng supply nya? Ibig sabihin nyo po ba sir, yung from power supply to HDD? Sa mismong power supply po ba yung tinutukoy nyo na reserve Salamat po sir sa sagot!
First po, palit po kayo VGA cable. 2nd, linis po ng mga pins ng cable.. 3rd Naka video card po kayo maam? Kung naka video card kayo, mas ok na magpalit napo kayo. Kung direct naman po kayo sa built in sa board. Try niyo po bumili ng videocard. Kung wala po effect yung 1st and 2nd, dun napo tayo sa 3rd option
Wala pa po ba hdmi monitor/lcd niyo? Kung wala po , yung 1st and 2nd po gawin niyo. Pero kung may hdmi naman.. bili lang po kayo hdmi cable. If may hdmi port naman pc niyo
Na gawa niyo naba sir lahat ng paraan na nasa video? Kung ganon po at hindi parin okay. Try niyo po sa ibang pc kung gagana yung monitor niyo. If okay naman., Yung video card or vga port na problema
Kung may power naman ng LCD mo sir, tapos may source naman pero black screen lang. Pwedeng O.S. napo problema. Or kung naka kabit po sa videocard yung monitor or LCD nyo, try niyo po muna alisin. Then, alisin niyo rin po yung videocard. Tpos po i test niyo po na ikabit yung lcd or monitor niyo sa on board na vga port. May mga board kasi na hindi gagana yung onboard vga once na may nakakabit na video card.
Pero po kung sa lahat ng sinubukan niyo po ay ganun parin.. mas maigi po na mag try kayo ng ibang lcd or monitor to test if okay yung system unit niyo. Dahil po kung same parin ng problem, yung lcd napo or lcd ang may problema.
Hello sir! Tanong ko lang po may prob din sa pc ko biglang namamatay siya habang gamit ko tapos yung cpu naka bukas fan pero hindi nagreresponse yung capslock numlock ng keyboard naman. Ano kaya possible na sira sir? Salamat!
Hello sir Magandang araw sayo.. I try niyo sir mag try ng ibang keyboard. Kung ganun parin, possible may error yung operating system mo. Pero itry mo po muna linisin yung memory card. Isa rin yan minsan na sanhi ng pagloloko at restarting ng unit.
Kung nagamit niyo naman po sir yung pc niyo doon sa oras na nagbukas siya, baka po temperature naman po problema niya check niyo cpu fan niyo kung okay or madumi po
Sir sa akin po No Signal i tried cleaning the ram, as well as tanggalin yung cmos, i even tried resetting the motherboard as per ibang tutorials na nakita ko sa ibang vlogs, nakabili na din ako ng new VGA pero still NO signal pa rin po. Saan po kaya ang possible na problema? Sa monitor na po kaya mismo? 1yr palang itong computer set ko and hindi rin naman bugbog sa gamit at wala ding heavy software. Sana po mapansin itong query ko. Salamat po
Kung lahat po ng test ay na try niyo na, possible nga po is LCD/Monitor Pero para sigurado po kung may masubukan kayo na ibang unit para matest lang kung gumana yung monitor/LCD niyo po
@@ZnedVlogTV cge po sir, sana maayos. Wala oang budget pang pagawa hehe. Sir pwede matanong mga magkano po kaya pag ipatingin ko ito sa labas if ever?pra lang may idea ako sir. Salamat po pala ng marami sa pag reply
@@-jojo-I kung sa LCD repair po.. depende po kasi kung ano yung papalitan na parts. Siguro po mag range siya ng 2 to 4k. Depende po sa sira at sa unit niyong LCD.
Subukan niyo rin po na palitan yung VGA cable niya. or manghiram po muna kayo sa mga.friends niyo na may PC. To test lang din po. Kung ganun parin po.. LCD monitor na ang problema.
Dalawa yan sir. Pwedeng operating system or HDD. Try niyo po muna na ipa reformat.. then reinstall os. Then kapag ganun parin ang problema nag hahang, palit po kayo HDD mas ok po na SSD na
Tatlo po yan maam.. pwede pong nag error ang memory niya. Kaya kailangan alisin , linis , at kabit. Pangalawa po, baka marumi na yung socket ng monitor or lcd niyo papunta ng unit. Or pangatlo kung may videocard po ang pc niyo baka may problema napo. Yan pong tatlo ang kailangan niyo po gawin.
@@ZnedVlogTV yes kuya,it's working on my external monitor po but i can't use my keyboard also both stops working and im really having a hard time na ... i dont think sira yung monitor kc the last i remember my kid went into the bios and the pc has been acting strange since then... ngpurple yung display at first while the keyboard began typing on its own... tas mtgl ko di naopen then nwla n cla both..
Boss paano yung Nag pa Reprogram ako ng Cpu dahil sa BSOD, Tas nung okay na No Signal na sa Monitor, Dati okay naman HDMI sa Mother Board to Monitor, after ma reprogram nag no signal na, Bibili po ba ako DVI?? Wala akong Video Card
Hello sir good day po.. try niyo po linisin yung memory card sa motherboard. Mas okay po kung gamitan niyo ng eraser para malinis yung gold pins niya. Kapag wala parin po. Try niyo po alisin yung vga cable then linisin niyo po
Kapag sa laptop po nangyari na walang display.. need po niya i check yung memory card at slot niya. Then kung ganoon parin, possible niyan sa operating system na. Medyo complicated po pag laptop.
sa akin kapag nilagyan ko nang new gpu sa pcie x16 ayaw mg boot ng pc,mag papower cycle xia, sinubukan ko din sa pcie slot sa baba x4, gagana po ang pc, at kapag nilagay q old gpu q sacpcie x16 gagana xia, pa help po, ok kasi ang new gpu ko, sinubukan ko rin sinaksak sa iba, gumagana xia sa pcie x16, na reset ko na bios, nag eraser na aq sa ram at gpu, ng update na rin aq ng bios, paano kaya tu?
Kung may settings sir yung sa LCD niyo try niyo muna mag open sa old gpu niyo. Kabit niyo muna yung old. Then punta ka display settings. Dum mo makikita kung ilan ang hertz na nakaset. Kung may pag pipilian oa kayo na mas mataas mas okay yun piliin mo sir. Baka kasi need mas mataas sa new gpu mo.
wala po problema sa monitor at sa ka sa hz nya po, gagana po xia basta ibang pcie slot q xia ilalagay,basta di lng tlaga sa pcie slot 1, or x16, example, gagana xia sa pcie slot 2, x4 lang
hinayaan ko nlang xia sa bottom pcie slot,kasi dun xia gagana, ila tech na po ang ng try na pa ganahin ang new gpu q sa pcie x16, bigu pa rin cla,huhu, anyways,ang gpu q ay msi rtx 3050 gaming x, taz mobo gigabyte b460 aorus pro ac, nka i7 10700k aq, taz 750watts psu 80 gold
ok lng sana kng hanggang bios lng xia, peru nag pa power cycle xia pag sinaksak q ang rtx 3050 sa pcie slot x16, aandar ng ilang msigundo, iilaw lahat ng mga rgb including gpu, mag spin ang fan, at bigla mamamatay, at babalik ulit xia on, patay nanaman,
Yan din problema dito smin sir pag brown.out taz tagal bumalik screen minsan khit pindutin mo power nya umiilaw prin ng kulay red yung powee nya di nag blue tagal bago bumukas...
Mag update pang kayo sir ng software ng vga niya or video card. Pero kung ganun parin pedeng may problema na video card or vga ng pc mo. Dahil dabi niyo nga lagi nagbbrownout sa inyo. Kung may magagamit kayo ibang lcd or monitor sir para maobserved niyo kung same din mas maganda.
Sir pano kaya yung problem ng pc ko, kapag binuksan ko siya yung cpu okay naman umaandar pero monitor ko lalabas lang yung windows loading sabay after non mag bablack screen na sya
Yung sakin sir gumagana nman yung cpu pero walang display sa monitor ko. Pero na try sya sa ibang monitor okay naman talaga gumagana naman ang cpu. Posible ba na yung monitor ko ang sira?
Kung nagana naman siya maam sa ibang monitor. Isa na yun sa posibleng problema yung mismong monitor niyo napo. May 2nd option pa po is sa ibang Pc niyo naman siya ikabit. Kapag wala parin display yun napo talaga ang problema.
Sir paano po pag e on ko yong computer tapos makikita po brand nya then no signal na po , pagkatapos ng no signal ay black na siya wala response .. kasi pag on ko ng computer hindi po mag on yong cpu, need pa pindutin yong switch ng cpu para iilaw yong cpu pero wala parin response yong monitor ... Hindi kaya vga cable problem sir .. sana po masagot salamat
Pano boss pag naka-on naman pc pero nag no display si monitor. Tuloy tuloy parin naman youtube nung pc at kahit i-connect sa ibang monitor no display parin??
Kung naka gpu (video card) kayo sir tanggal , linis , kabit muna. Pag wala parin. Try niyo ikabit sa Mobo na vga port. Kung naka hdmi kayo gamitin niyo muna vga cable. Kung nag work, possible may problema GPU
@@ZnedVlogTV wala ako integrated gpu sir kaya di ko magamit yung hdmi sa mobo. Sabi sakin pag sira yung gpu is hindi magboboot yung pc sir pero gumagana parin yung tekken at league of legends kahit no display sir yung monitor.
@@haybtooda2243 depende po sa mobo sir kung hindi magboot kung may problema ang gpu. Try mo muna mag palit ng cable sir. Kung naka vga cable ka. Kung wla din stand by yung monitor mo, palit. Kadin ng AC cord
Kung yung previous error naman po niya ay may display pa. At hindi lang po nagpopower. Linisin niyo lang po ang memory card niya sa motherboard. Isa po sa cause ng walang power yung walang response ng memorycard.
sir sakin, una no display tapos nag turn off ako sa power. then nag ON ako ulit. nag display ulit. ganun lang setup ko. ano kaya problema don? kasi last week maulan tas pag kita ko sa fan ng video card ko may tubig. pero hindi naman na basa yung lood sa fan lang niya. maliit na tubig.
Hi lods.. subukan niyo muna linisin yung pins ng videocard yung basic, eraser para mawala mga dumi. Then i blower niyo siya. Baka may moisture. Then kung ganun parin try niyo po muna i direct sa onboard vga. Kung gnun parin possible po na sa mismong power na ng lcd or monitor niyo
@@ZnedVlogTV sir. tinanggal ko na ang video card tapos nag plug ako ng dvi sa motherboard pero wala parin display. steady lang ang ilaw ng motherboard. nilinis ko na ang videocard at tsaka RAM niya. tapos nag change din ako ng power supply ganun padin no video detected.
@@ZnedVlogTV tri-nay ko ang vga. wala parin display. pero yung motherboard naka on lagi ang LED niya. tapos hindi gumagana ang keyboard kahit nag numlock ako
Try niyo muna palitan cable ng monitor niyo if natatanggal siya. Then linis ng vga port. Check muna mga wirings sir. Baka mga loose lang or madumi. Madalang nmn po magka problema ang monitor. Or kung may mahihiraman ka or magagamit na extra monitor pang test mas ok. Para malaman if monitor tlga may problema
Good day po sir.. kung naka kabit po sa VGA on board try niyo po muna linisin or icheckup nasa 1st step po ng video. Pero po kung wala po tlaga display kahit nagawa niyo napo, pwedeng may sira na yung onboard VGA niyo. Need niyo napo bumili ng video card.
@@gabbyperalta7988 wala po kaso dun sir yung pag ilaw ng keyboard. Sadya pong ganun dahil goods naman po yung board nyo. Ang may problema po nun ay yung mismong port ng kinakabitan ng monitor or mismong I.C. na nya para sa VGA. Yun po ay kung nacheck nyo napo lahat katulad po ng nagawa ko sa video
@@ZnedVlogTV thank you po sir will check if kung saan ung mga button na un npabili agad tuloy ginagamit kasi ngayon sa trabaho pero i will try to check it baka un lng ang prob thanks a lot.
@@jazielalimboyong2753 kung may masusubukan kayo sir na ibang unit or system unit, i try niyo po if magoopen doon yung monitor niyo. Then check niyo rin po cables baka lumuwag lang.
Good day.. depende po sa unit niyo.. kung gaming at latest po ang PC niyo naglalaro po sa 4 to 5k depende pa sa brand. May mga naabot pa po ng 10k pataas. Pero kung basic or medyo luma ng model pc niyo may 500 to 2k. Depende sa Gb niya
hi sir ask ko lang po if ano possible sira netong computer ko wala po kasing display sa monitor pero dinala ko po sa repair shop gumana naman po pag dito sa bahay ayaw gumana tnx in advance
Sir yung sakin naka ryzen 5 5600g po ako tas Asrock A320 motherboard tapos naka corsair550watts ayaw po mag display ano po kaya possible problem nagpalit kase ko processor
Good day sir. I try niyo po muna linisin yung saksakan ng LCD niyo papuntang PC. Minsan po nagloloose lang po dahil sa alikabok. Or hindi na nagcocontact mga pins niya.
Hi maam.. depende po kasi maam. May mga monitor na pag walang response ang video niya. Pwedeng nakalagay no signal, no display, no output. Or not supported. Kung naka HDMI po kayo. Try niyo po muna sa vga port niya sa mobo. Baka po masyadong mataas ang hertz ng settings kaya hindi kinakaya ng monitor. Isa yun din po sa posibleng problema. Pwede din pong alisin theb ikabit niyo para pumunta sa compatibility ng display. Meron din pong ganun. Pero kung naka hdmi po kayo try niyo po muna ikabit sa vga port. Need niyo po nun ng vga cable.
Sir good day. Ano kaya problema nung akin, nagoopen siya boss, nagagamit for how many hours, then bigla po namamatay yung monitor, pero buhay naman cpu ko monitor lang namamatay, then kailangan shut down para gumana ulit monitor, sana masagot po.
@@asniecando9076 possible nyan po madumi lang po yan. Try niyo po tangalin yung socket ng monitor sa pc then linis lang po. Kung wala parin, kung may video card mo pc niyo pwede niyo siyang tanggalin ,linisin po ang gold pins niya mas ok kung eraser hanggang kumintab at magkulay Gold ulit.
Sir pahelp po ano po kaya problema nag load nmn windows niya sa monitor pero nagbablack screen sya pag home na pero pag inoff at on ko ung monitor e nagbubukas naman at nagagalaw ko mouse at nakikita ko ung google at mga apps pero after 3 seconds lng nag ooff ulit monitor display niya. Ano po kaya pedeng gawin?
Good day sir, kung napasok naman po sa windows, isa po sa possible niyan is yung Video Driver niya nagka problema. Pwede po kayo mag update or install po. Pangalawa po, kung may masusubukan kayong ibang monitor na iba, pede niyo po ikabit pansamantala. Kung ganun parin po at namamtay parin, update or download kayo driver. Tpos po kung nakavideo card kayo, try niyo rin po linisin. Or icheck. At pangatlo, check niyo po kung naikot yung fan ng processor niyo. Possible cause din po yan kapag namamatay po ang PC. Try niyo po baka makatulong.. ☺️👍