WHAT WE NOTICED ON NICCO'S BEHAVIOR BEFORE HAVING A DIAGNOSIS Facebook: Colleen Tiamzon-Balajadia / colleenbalajadia Instagram: @collsbalajadia TikTok: @collsbalajadia
This almost made me cry. The most touching and heart-warming message I've read. You filled our hearts with so much hope po, because we've been worrying about his future since he was given a diagnosis. Thank you very much po.. ❤️😭
Ganyan din son ko, 20 years old na sya ngaun at proud to say nag wowork na sya. Continue lang talaga ang school at therapy at magiging ok din sila in time 😊 goodluck
My 4 year old son has mild autism too. He was diagnosed at age 2 and started speech therapy around that time. He had issues with social issues before but with the support of a his amazing school and classmates and teachers he has improved a lot. What we are working on atm is his emotional regulation. I am introducing coping strategies such as breathing exercises and grounding techniques. We are still a long way from getting there but we are working on it. He has meltdowns when he cannot do things perfectly. He is a perfectionist. He runs too but not all the time. He wakes up at night and comes to our bed sometimes but then he goes to sleep naman but he moves a lot and he's a kicker 😅. I recently made an angry box for him so whenever he feels angry he goes to the angry box and cuts paper or hammers his toy. I can go on and on and on about this, it's nice to share things to people who can understand.
Hello po.. Your son po is very much the same with Nicco, he is also a perfectionist that leads to having meltdowns when he couldn't do what he wants with his toys, writings, cut outs, etc. Nicco is now 5 years old but he also doesn't know how to regulate his emotions yet, especially now, his meltdowns can last up to an hour. 😭 He also has a lot of energy that he would always run and scream. He is actually on short-term medication for him to have a sleeping pattern because he couldn't sleep even for atleast 4 hours straight (improving na po actually with his medication). Thank you po for sharing some tips on what to do on some circumstances, I appreciate it po and will definitely try them with my son. God bless po.. ❤️😊
@Colleen Balajadia yes, it's really challenging for us parents. Recently we just had a meeting with the school and his learning support educator. The main issue is yung emotional regulation and potty!!! Those are the worst things for me ATM. He is still using nappies and I'm slowly2x letting him wear undies but with constant reminder. The thing is whenever he is so immersed on doing something he wouldn't stop to go to the toilet plus he pees almost 8x in an hour so potty training for us is really challenging. Can't wait for that day to come na he will be able to use undies all the time without being reminded. How about your son Nico, when did he stop using nappies?
@@ladybirdisla5846 Nicco has been potty trained po since January of 2022 but of course with inconsistencies pa. Same with your son po, whenever he's too busy and lazy to go to the toilet, he would pee anywhere, but when it comes to pooping, he would go to the toilet. My problem with him is he would always take his pants off whenever he feels like it. We always explain to him that he can't do that anymore since he is a big boy already, but he still keeps on doing it. By the way we still use nappies every night because accidents happen sometimes and its actually one of the causes he would wake up in the middle of the night. Also, we are still trying to train him to learn how to wait, he has zero patience in waiting. 😭 And he would always run whenever he realizes no one is holding him.. anywhere.. We literally hold his hand all the time when we are outdoors.
My 3 years old daughter knows how to read,identify the shapes,colors and alphabet..worried ko dati kase may mga signs ng din siya late mag talk,pag tawagin di lumilingon..kaya ginawa ko pinaenroll ko siya sa school at dapat bigyan ng mga magulang ng time at iwas screen gadgets ..sa awa ng Diyos malaki ang improvement..subrang dal2 nya na at madali ng utusan at turuan..kaya momhies acceptance is the key and patience talaga
I agree with you mommy, 100%! Acceptance po talaga. Sa una po talaga makakaranas tayo ng denial, pero sana po kung alam at nararamdaman nating may iba kay baby gawan na po natin ng aksyon. Kase habang tumatagal po na dinedeny natin sa sarili natin, lalong napapalayo si baby. Thank you very much po for sharing your experience. God bless po sa inyo at kay baby.. ❤️
my nephew was diagnosed as autistic at 2 yrs old. my sister joined a grp of par3nts with autistic children. my nephew was on casein nd gluten free diet since diagnosed and was given medicines (wc i’m not familiar with sorry) for the succeeding 2yrs. at 10 yrs old he was asssesed at children's hospital as non autistic already. now, he’s in college taking accountancy nd very much independent already. i’m sharing this with you in the hope na makatulong… goodluck and God bless…
Thank you for this very inspiring story. It makes us look forward for the better days to come. Ang pinaka prayer po kasi talaga namin is matutong maging independent si Nicco para makaya nya ang sarili nya in the future. Thank you po for sharing the story of your nephew.. God bless po.. ❤️
Pagnanakarinig ako ng ganito nagkakaroon ako ng Pag asa para sa anak ko Pero hindi ako makagawa ng paraan dahil hikahos kami sa buhay tanging pagmamahal at Pag uunawa LNG ang nagagawa ko ngayon sana my makatulog sa amin
@@michellealavaso3291 Naiintindihan ko po kayo mommy, kase mahirap po talaga lalo na po at mahal ang therapy at consultation. Sana nga po ay magkaroon ng libre o kahit murang therapy para sa mga batang may ADHD or ASD, para po magkaroon lahat ng chance. Pero ang pagmamahal at pangunawa po ang pinaka importanteng pwede nating maibigay sa mga anak natin. Kaya natin to mommy! ❤️
ang bilis naman ma'am noh ? 2 yrs. naging non-autistic na sya. i thought walang cure ang autism yun kasi sabi sa teacher ng anak ko. pero yun nga, need nila may activities everyday para magka improve ang kanilang learnings.
@@jessaminejoyorlanes2148 Yes po, wala po cure ang autism, nama-manage lang po and nai-improve dahil sa mga therapy, activities and other tasks po and management.
Thank you very much po. We are very lucky as well to have him, he gives us so much joy and he changed our perspective in life. He is a great blessing to us. ❤️
@@jhoyleynes5403 Level 1 po yung mga nangangailangan ng minimal support, parang very close to normal na po, Level 2 po nagrerequire ng substantial support, pero matuturuan naman po, Level 3 po nangangailangan ng very substantial support.
Thank you so much sa video nyo po😢same po ng case sa anak ko mild autism sya..emotional po ako kasi nasa abroad ako sister and my parents lng kasama nya😢
I feel you po mommy, yung gusto mong ikaw ang mag alaga sa anak mo pero need magtrabaho.. laban lang mommy! Alam ni Lord ang sakripisyo mo para sa baby mo po. Basta matutukan po si baby magiging ok po ang lahat 😊
@@RodelynFalcutila Basta gabay at tutukan po natin sila, at i-enrich pa po natin kung saan sila magaling while working on where they are weak little by little po, everything will be ok 😊
Visuals po will help to easily communicate with them and they can easily learn through visuals :) I work in school with autism and other malaking bagay po ang visuals at always stay with routine para Hindi sila malito…
Wow thank you po sa advise ninyo, malaking tulong po. We will do that po, we will do more visuals para kay Nicco para mas mapabilis at mapadali ang pakikipag communicate sa kanya. Thank you very much po.. Hope to hear more from you po.. God bless po.. ❤️🥰
@@MommyAlee My heart is so happy po.. Lahat po ng matututunan ko sa inyo iaapply ko po kay Nicco. I'm so happy we found you po. Thank you very much po.. God bless your generous heart po.. ❤️🥰😍
Hai po...yong baby ko 5yrs old na po ngayon pero nong mga 3 or 4yrs old until now nag lilinya po siya ng mga bagay bagay like mga bato or mga sticks, mag nakita din ako sa youtube sign din yong pag kumain uunahin yong ulam bago ang kanin...sign ko na ba ipa check up siya dev ped? Parang yong isip ko nasa denial stage pa..
Hello po, nag paglilinya po kasi ng mga bagay bagay ay isang sign po ng autism pero hindi naman po sya red flag, kase may mga bata po talaga na ginagawa ang ganon pero wala naman silang autism, ganon din po yung pag una sa ulam kesa sa kanin. Pero mas maganda na po siguro na ipa check nyo na po si baby para naman po makampante na din po ang loob nyo. Kung wala po syang autism or hindi naman sya at risk, atleast po alam nyo na, at kung sakali man po na at risk sya, atleast po masasabi na ng doctor sa inyo ang mga kailangan gawin.
Ung bunso ko Ganito din Kaya Panay ko din research Kaya ngwoworry din ako mag 2 yrs old na sya next month . Wala din sya eye contact pero iniisip ko Baka dahil lang sa nasanay sya ky Ms Rachel kasi sknya titig na titig . Mabilis Nya ma memorized Ang mga sinasabi ni Ms Rachel pero saamin Ayaw Nya makinig.
@@ericsoldaveofalla8430 And Dev Ped po ang nag-advise na ipa-therapy namin sya noong first time po namin sya pina-check up kahit hindi pa po sya binigyan ng diagnosis. Ang occupational therapy po ni Nicco ay 850 per hour po, 2 hours per week po sya nagte-therapy, iba pa po ang speech therapy which is 900 per hour po.
This is true po, kaya po noong si Nicco una pong tinanong ng doctor kung na-hearing test ba sya kase isang consideration po yon kaya hindi sya nakakapagrespond sa name nya and delayed ang speech nya. Isa po yon sa mga hininingi ng doctor.
Mami ung anak mahilig den mag paikot ikot ng mga bagay bagay lalo na Pag gulong ng laruan nya un lang nmn jng nakikita ko sa kanya may problem ba un mga mi btw 2yrs old na baby ko nasunod nmn sya tapos nalingon nmn Pag tinatawag sya tapos until unti na sya nakakapag salita Pero ung hilig nya talaga mag paikot ikot ng mga bagay bagay Sana masagot salamt
Hello po.. Palagay ko po ok lang po si baby kase may mga bata po talagang mahilig sa umiikot na mga bagay.. lumilingon po sya pag tinatawag at naguumpisa na po na magsalita. Ok lang po sya mommy.. 😊
Hello po, pwede nyo po ipa-assess sa Dev Ped si baby para malaman po kung need ba nya ng speech therapy or kahit exposure lang po sa ibang bata para mapabilis po ang development nya sa pagsasalita.. :)
Ramdam ko po yung in denial stage kase dumaan din po kami sa ganon.. Pero it's never too late po, basta po naumpisahan na at naging tuloy tuloy, makakahabol din po si baby.. 😊
@@Durnell5 Ah.. Maaga nyo po syang nabigyan ng intervention ano po.. Mas mabuti po ang ganon para mas makahabol po sya. Si Nicco naman po 5 years old na sya nang binigyan sya ng diagnosis ng Dev Ped. Nagstart po kami mag consult at magtherapy 3 yrs old po sya.
D nmn kelangan ng therapy outside kase ng therapy lang ako sa bahay nabawasan nmn. Yun flapping and spinning toys kelangan if nakikita mo sila ganyan hold their hands kasi mahina sila sa motor they can't control their hands. And sa pgtulog nmn ako kase dim lights and no loud noises pg ready to sleep na and busog dpat si baby. No chocolates mghyhyper sila.
@@jhajamarielibrado370 I agree po sa inyo, no loud noises at busog po dapat si baby bago matulog and definitely no chocolates po. Nicco can have chocolates pero very minimal lang ang hindi sa bago mag nap or matulog.
Yong anak ko rin na diagnose ng autism spectrum.. hirap pa ako maka hanap ng therapy sa boğayım kasi mag Christmas break na sa January na.. ako nalang muna nag tuturo sa kanya ngayon.. sumusunod na mn..
Good start po ang magsimula sya sa bahay kase sa therapy po oras lang sila don, icocontinue parin po natin sa bahay. Challenging po ang pagturo sa mga anak natin pero masaya po and fulfilling ang hands on tayo sa kanila 😊
Hindi po sya babad sa tv noon pero meron syang minimal tv time, and yes po after po nya mag 1 year old tinuruan na po namin sya sa mga letters, colors, numbers, shapes, animals, and yung iba pa kahit hindi namin sya tinuruan we were surprised na alam na nya pala.
Less mobile mam gadget Po, Kasi anak ko talagang focus Ang ginawa Namin baby sister ay Yung coco melon at any kids cartoons. Ngaun nakikipagtitigan na sya at alam na nya name nya.
I agree with you po, less screen time po talaga dapat para makipag interact sila sa iba. Nakakatulong din po ang screen time basta limited lang po.. ❤️
taga saan po kau? buti po nai share nyo po . kc sobrang pareho po ng experience nmin ngayon sa anak ko.. malayo na po development ng baby nyo saamin 2 years old pa lng xa pero I think pareho po tlga lahat ng sinabi nyo sobrang exact sa anak nmin... sna po mareplyan nyo po ako.. dito po kmi sa taiwan and hindi cla ganun ka hands o sa ganyan..
Dito po kami sa Pampanga. And doctor po ni Nicco ay sa The Medical City sa Clark. Sana po mapatingnan nyo po si baby para malaman nyo po kung ano ang dapat gawin. Kasi po, early intervention is key po talaga. Makakahabol po si baby (if ever man po meron syang developmental delay) kapag napatingnan po sya nang maaga at para po magawa nang maaga ang mga dapat gawin o therapy para kay baby..
Hi is there any way we can talk my 1 year old baby don't let me hold her hands neither she let anybody else also she hate cuddling and she's slow in everything
Maam same din po sa daughter ko 3.5 yrs old na xa ngayon njng 1st chk up namin sa dev.ped nya need lng daw muna therapy ot at speech wala pa xa diagnose na adhd,need lmg daw early intervention almost 6 mos. na xa sa ot nya sa speech di pa ng start ,plan ko din ipasok sa sped nxt yr January 2024.,ask lng po Maam gaano na xa katagal ng OT po at sa Sped nya..thanks
Hello po, yes po actually si Nicco dapat matagal na po syang nagstart ng speech therapy kayalang waiting pa po kami ng slot, pahirapan po sa pagkuha. Pero sa OT po almost nagstart po kami Jan 2021 then nagstop po kami Aug 2021 because of covid, then nag school po sya, then nagOT po ulit Jan 2023 up to present po. Ang sped naman po nya nagstart palang po kami itong Oct 2023 up to present po. Early intervention is key po talaga 😊
Xame sakin as a dad talagang napakasakit and lahat ng signs ng asd nkikita ko sa anak ko his turning two and it's too hard for a father to see his son in difficult situation
I feel you po, ganyan din po kame, lalo na po pag nagmemeltdown sila, nakakadurog po ng puso. The best thing we can do po is to love them and teach them the basics of daily life first. God bless you and your son po. Everything will be ok po.. 😊
Ramdam kita pre. Nasobrang deppressed din ako nong nadiagnosed ung dalawang anak ko ng autism. 1 and 3 yrs old. Puro cesarian pinanganak. Hindi kaya ng misis ko na alagaan silang sabay, kaya affected talaga trabaho ko.
Ung anak ko naman before he reach 2 yrs hnd rin naga respond ng name nya. Pero ngaun 2 yrs na xa naga respond na xa. Except pag nanonood lng xa. Non verbal din xa ang alam nya baba at mamam(mean kakain) pero nagagawa nya ibang bagay na without our help gaya ng pag hnd nya maabot xa gagawa ng paraan. Ok naman xa matulog. Malakas kumain. Ung meltdown nya hnd naman ganun ka always minsan isang beses sa isang linggo at tumatagal lng 10mins ang tagal. Hnd rin xa madali magalit. Lagi xang masaya. About naman sa pag spin. Gnagawa nya yan mga 1 yrs old pa xa. Ngaun alam nya function ng car minomove nya na back and forth. What do u think po? Wala kc ako pera for treatment. Bale ako na ung naga treatment s kanya
Sa tingin ko po based sa mga nasabi nyo, ok lang po si baby. Although hindi naman po ako expert talaga, nagbabase lang po ako sa experience namin, baka po nadelay lang po si baby. Mawawala din po ang mga symptoms na ganyan nyan kase bata pa po sya. Pero if ever po, mas maganda mapatingnan nyo sya sa doctor para malaman na din po kung meron pang pwedeng gawin para mapabilis ang development nya at makahabol sa edad nya. Pero para sa akin po, based po sa mga nasabi nyo at sa experience namin, parang ok naman po si baby..
In addition, ung eye contact naman sometimes naman tinitingnan nya ako alam ko naintndihan nya ako. May times pag kinausap ko xa minsan ayaw tumingin naman. May times pag dumedede kinakahsap ko xa ng more than five minutes nakatingin naman. Or pag kumakanta ako tinitingnan nya ako. Pero pag nakatayo sya at nag decide kausapin xa ayaw naman tumingin. Parang confuse ako.
@@colleentiamzonbalajadia Kc nung cmula nakakita na xa mga 2 to 3 months xa. Pag kinakausap xa nakatingin naman at naga cooing. Then pag ka 6 months tinawagan nya lolo nya ng "lolo" at sakin "mama" tapos ung ibang simpleng words kaht "wow" nasabi nya. Then pagka 1 yr xa nawala. Ngaun 2yrs na xa. 2 to 3 words lng alam nya ung iba imbento lng nya.
Sorry for many question. Dto rin sa lugar namin wala mga ganyan na doctor at kung meron man wala rin budget para jan. 😔 That's why po nag tatanong n lng ako
@@farahmai3641 Sa tingin ko po ok lang sya. Ang mga toddlers po kase minsan talagang ayaw makinig at busy masyado sa mga ginagawa. Pero kung may eye contact po sya at nakikinig naman, ok lang naman po sya. Pero kung may makita po kayo na ibang sign or symptom, mas maganda po kung iconsult nyo po sa doctor para sure lang po.
Mild autism din si baby Theo ko which is now 2 yrs na sha. Na pansin ko first was ngtitip toe sha and tatawagin ko ayaw mg respond. Pina therapy ko lang sa bahay. Nawala na yun spin nya ng toy cars, yun flapping rarely na and yun tiptoe din. He plays with his brother. If my tantrums I just hug him tight mawawala yan. Yun nga lang autism kids are picky eaters
Yes po sobrang picky po nila sa pagkain, may mga lasa at texture silang hindi gusto. Nakaka-happy po na unti unti nang nawawala ang symptoms ng baby nyo, hopefully ganyan din po si Nicco namin. Although may mga nabawas na din po sa mga symptoms nya, ang meltdown at pakikipagconverse nalang po ang winoworkout namin sa kanya
Lahat ng Meron,Siya ganyan na ganyn laht😭😭wlanlang tlga kami pang pa consult poro laht po ng Meron sa anak nio,ganyn po narrnsan ng anak,ko ganyn laht Ang inuugali,niya,at his age na 5,marunong magsulat,kabisado alphabet,magbilang,shapes,Ang advance ng isip Sabi ng teacher niya super higper lang tlga ,niya sana mapa consult Nadin namn Ang anak,ko oara alam namin Ang kelangan Gawin,para magka knowledge din kmi sa condition. Niya🤧
@@jackelyndelossantos Yes po need po siguro ng consultation sa DevPed para po masabi sa inyo kung ano man po kailangan gawin. Medyo mahirap nga lang po kumuha ng schedule sa DevPed pero need po ng mga anak natin para mabigay po natin sa kanila ang kailangan nilang intervention kung kailangan man po..
@@jackelyndelossantos Yun nga lang po, mahal po talaga ang bayad sa DevPed, pero sigurado naman po na mabibigyan nya kayo ng guidance kung anong dapat gawin kay baby..
@@Geraldine-rv6dh Hello po.. Yes po mabuti na pong patingin sya sa Doctor, pero wag po muna magiisip masyado, kase iba iba naman po ang mga bata, pwedeng may makikita kayong symptoms na kagaya ng sa iba pero pwedeng wala naman po syang autism. Kaya mainam na din po na ipa check na po sya..
@@colleentiamzonbalajadia nakakapagsalita nmn siya kunti words .baby talk nga lang .. pero Yung iba symptoms, Meron siya .. katulad Minsan Yung laruan niya pantay pantay, tapos takbo at talon na paulit ulit.. nakakabahala talaga. . May chance pa ba Yan gumaling o habang buhay na Po Yan?
@@Geraldine-rv6dh ilang taon na po ba si baby? Sabi po ng dev ped hindi po daw naccure ang autism dahil hindi naman daw po ito sakit, condition or disorder po sya sa brain ng tao. Mama-manage po natin sya, maiimprove. Pero mas maganda po magconsult muna kayo sa doctor, sila po ang nakakaalam kung ano pinakamagandang gawin..
@@Geraldine-rv6dh Tanong ko din po yan dati kung gagaling ba ang anak ko na may autism pag tuloy ang therapy, pero hindi po sakit ang autism kaya hindi sya gagaling, kondisyon or disorder po sya sa brain ng bata. Pero pwede po silang maging functional at almost normal kung consistent po ang therapy at pagtuturo po sa bahay. Karamihan naman po sa kanila nakakapagaral sa regular school
Nung bata po sya talagang hindi po sya lumiligon kaya gusto ng doctor na ipacheck ulit ang hearing nya baka daw po hindi sya nakakarinig, pero normal naman po ang hearing nya. Pero ngayon po mga 70% of the time nagrerespond na po sya, hindi nga lang po consistent pa.
Hi po. Tanong ko lang po kung magkano po per session niya sa therapy? Baka sakaling makaya ko. In denial ang partner ko kaso ako as a nanay, iba yung feeling. Ang hirap lang ng walang pera. Sana po masagot. Thanks po and laban lang po.
Hello po.. sa therapy center po ni Nicco ang occupational therapy is 850 per hour, ang speech therapy po is 950 per hour, and ang sped po is 650 per hour. Napa-check nyo na po ba si baby sa dev ped? Para po malaman kung need ba talaga ni baby ng therapy and kung ano pong therapy ang kailangan..
Dito Po sa province namin,,650 per session 1&1/2 hour OT and speech therapy..tumatanggap Po ung center kahit Wala pang diagnosis ng Development pediatrician..
Pamangkin ko po sa Pinsan May Mild Autism po 6 yrs Old na Po Sobrang Hyper tsaka Adik sa Cellphone 😂 napansin Namin Mahilig sya sa Music madali Nya Ma pick up yung Melody kaso Bulol pa... 😅
@@LouigieVillanueva-q2j Ay kasing edad po sya ni Nicco, pareho po silang mahilig sa music, naaappreciate po nya basta may beat, sumasayaw sya. Music po nyan ang strength ng pamangkin nyo.. Matalino po sila.. 😊
@@tonyodizz1504 1 hour lang po per session. Depende po kung kaya ng bata na mag 2 hrs per day. Si Nicco po kase 1hr per day lang po sya, hindi pa po kasi nagiging effective sa kanya pag 2 hrs straight po, mabilis po syang magsawa pa..
As far as I can remember po, hindi po, kasi kahit po sa name nya noon hindi sya nagrerespond. Parang wala po syang naririnig noon, hindi kami pinapansin kahit bawalan namin sya kagaya po ng pagsaway namin sa kanya pag umaakyat sya sa mga upuan or lumulundag sa kama.
Mam im so stressed napo mag icip na ganun dn po ang baby ko . makapag kanta cya like abcd makabasa cya alphabet then maka count cya sa mga number.pru the problem is hndi cya makapag communicate.main reason is nababad cya parati dati sa phone.kasi ako nasa work hnd ko ksama anak ko.madalas talaga celpon yung anak ko🥹at now confirm kona nga na speech delay cya.mag 4 napo cya sa Monday.
Hello po.. As per the Dev Ped po, major daw po na nakakapagpa delay ng speech ng bata ang sobrang gadget at tv. Kahit daw po walang autism o adhd ang bata, pag exposed daw po masyado sa gadgets mahihirapan po sya matuto makipag communicate. Try nyo po unti untiin na alisin sa kanya ang gadgets para makipagusap po sya sa ibang tao. Guilty po kami dyan noon, para lang po hindi maging magulo si Nicco pinagbibigyan namin sya palagi sa celfone pero ngayon po naglaan nalang po kami ng time para doon. Mahirap po sa umpisa lalo kapag nasanay na ang bata, pero kailangan po natin umpisahan sa ganon. Pag naalis na po sa kanya ang gadgets observe nyo po sya kung ganon parin, if ever po pacheck nyo na po sya sa Dev Ped.
Slamat ma'am.actually six months na cyang hind makapag phone may na improve Naman sa knya.may natutunan na cyang mga salita sa tv lang cya Minsan makapanood.nsa ate kopo kasi cya Nakita dahil NASA work ako at need Kong mag trabaho pra sa knya ,kaya kaht papano may mga Bata na cyang kalaro doon..hoping na mag five maging okay na pananalita nya🙏🙏🙏🙏
@@evamaevega2755 maganda po yung may nakakasalamuha syang ibang mga bata, mas mapapabilis po ang development nya. Hoping for the best po para sa baby nyo.. God bless po.. ❤️🙏🏼
Ung anak ko bago pa nag 6 yrs old di cia makapagsalita ng maayos at di nakikipag usap sa iba.pero kindergarten cia ngaun marunong naman cia sa school kaya lng nag alala lng ako di maka pag salita .di naman cia mahilig mag takbo2x,ung pag speech lng tlga problima ko sa knya kasi iniwan ko cia 7 months nag abroad ako lagi lng cla sa bahay non ngaun pa cia nakalabas na nag aral na.
@@colleentiamzonbalajadia IPA try ko nga po now na buwan ma'am.Kasi makapag salita Naman cia mahilig nga sa games sa cellphone mas sanay pa cia sakin eh.nalito lng cguro sa language Noh di Naman cia nanakit din wla bsta ung pag salita lng nya problima ko
@@merzkielife3066 Ay opo, malaking factor po yung maraming naririnig na iba ibang language ang bata, malilito po daw talaga sya sabi ng mga therapist. Mas maganda po kung iisa lang po muna na language sya kakausapin at bawas gadgets na din po kase nakakadelay po talaga sa pagsasalita ng bata yan. Kami po guilty po kami dyan, pero as much as possible po kahit iiyak na si Nicco, inaalisan namin sya ng gadgets..
@@jaspertampos-k7u Medyo may kamahalan nga po magpacheck up at magpa therapy, ang check up po dito sa amin 4,500 tapos ang therapy po minimum na ang 1,000 per session. Ang alam ko po sa maynila meron libre o murang therapy center at doctor po, hindi ko lang po sure kung saan. Dito po sa amin may assistance po para sa mga batang katulad ni Nicco, may mga requirements nga lang po pero may binibigay naman po kahit papano.
@@jaspertampos-k7u 1 hour per session po ang therapy at sped, si Nicco po 3x a week po ang therapy nya. Minsan po 4x a week pag may speech therapy po sya
@@jaspertampos-k7u Irerecommend po ng doctor kung anong therapy ang kailangan ni baby tsaka kung ilang sessions per week po. Try nyo po ipasok sya sa kindergarten din para makapag interact po sya sa ibang bata at bumilis po ang development ng social skills nya. Malay nyo po baka yun talaga kailangan nya para makahabol po sya..
Napatingnan na po ba sya sa Dev Ped? Hoping po na wala syang ASD pero if ever man po, early intervention is key po para makahabol si baby 😊❤️ God bless po..
@@colleentiamzonbalajadia hindi pa po. Wala po kasi akong pera pang patingin sakanya. Single parent po ako. Meron po bang public na pwede magpatingin po?
@@yoongilogy9316 Dito po sa amin sa Pampanga wala po akong alam na public na Dev Ped e. Pero ang mga Pedia po mismo baka meron po silang alam na public Dev Ped or kahit yung mas mura lang po..
Hello po, yung school po na pinasukan namin is Destiny City School po sa Mabalacat, kayalang inalis na po nila ang sped nila, regular preschool nalang po sila, kaya lumipat na din po kami ng sped sa mismong therapy center po ni Nicco, nagooffer din po kasi sila ng sped, one on one naman po.
@@AissaStaMaria-sx9nu Opo ang hirap nga po, sa dating school po ni Nicco meron silang inclusion, yung minsan po isasali sa regular class ang sa sped, pero ngayon po wala na..
Hello po.. Kay Nicco po meron pinrescribe na medication ang Dev Ped, regulated po ang medicine, hindi po sya basta basta mabibili kung walang prescription at hindi din po sya pang long term para kay Nicco. Nire-regulate lang po namin ang pagtulog nya, and according po sa Dev Ped, pag nakapag form na po kami ng sleeping pattern ni Nicco, aalisin na po nya ang gamot. Isa po syang parang pampa-kalma din. Pwede nyo po ipa-check ang bata sa Dev Ped para malaman po kung need po nya ng ganon or hindi po.
Pacheck nyo na po sila sa dev ped para maibigay na po ang mga kailangan nila para makahabol sila sa age nila. Kung need man po mag therapy o hindi. Early intervention is key po.. Kaya po natin to! 😊
I am very glad you see him that way po, and that's what my heart really wants and prays for. But he is different po from the others (but of course never less) and he has a condition. But we are working very hard for him to be as normal as he can be po. Thank you very much po.. ❤️
@colleentiamzonbalajadia Tanong ko lang po kasi sakin po yung anak ko 3yrs old na po hindi pa sya gaano nakakapagsalita half half English at tagalog my nabubuo na po sya ng sentence like kapag my hihingin po sya nagsasabi sya ng Mama penge dede, Mama penge tubig ganun po pinacheck up ko na po wala pa po masabi ang doktor kung meron po ba sya autism o wala kasi nung tinanong po sya kung Ilan taon na po sya sumagot nman po sya agad at yung inutusan nahihiya lang po sya nun Pero sinabi ng doktor nahihiya Pero alam nya daw po kung ano pinapakuha po sa kanya tanong ko lng po yung sinabi ng doktor na wala pa po sya findings ibig sabihin po kaya nun na late lng po kaya?
Sa palagay ko po baka delayed lang po sya, may mga ganyan po kasi talaga pero wala naman po silang autism. Patuloy nyo lang po syang obserbahan for other symptoms, pero kung wala naman po sa palagay ko po ok naman po sya, kase red flag po ang speech delay sa autism pero kung nakikipag communicate naman sya at sumasagot po sya sa mga tanong, sa palagay ko ok lang po sya.
@@colleentiamzonbalajadia opo nakikipagcommunicate naman po sya nagsasabi po sya na labas Mama para makipaglaro sa mga bata at kapag tinawag mo nman po nagreresponse naman po sya
@@razeldizon6928 Yung gusto po nyang makipaglaro sa mga bata indication po yon na ok sya kase meron po syang interaction sa ibang tao. Si Nicco po kase wala po sya masyadong interaction sa iba lalo na po sa mga kagaya nyang bata, parang uncomfortable po sya. Kaya sa palagay ko po ok naman po si baby nyo..
Opo may kamahalan din po, pero laban lang po, para kay baby, kailangan po kasi nya talaga. Ang occupational therapy po nya is 850 per hour, and speech therapy naman po 900 per hour.
Yan po ang unang question namin noon sa Dev Ped, wala pa din daw pong madetermine na definite na cause pero malaking factor daw po ang hereditary sya. But in our case po kase wala po kaming alam na may autism sa side ko and sa side ng husband ko. Una palang po si Nicco sa family namin.
Hindi pa din po nawawala hanggang ngayong 5 years old na sya. Nag-iimprove lang po sa tulong ng therapy at ng pag-school nya. Medyo mas mahirap lang po ngayon kase dumadalas na po ang pag-meltdown nya..
@@imczareena Maaga pong nag-therapy si baby nyo I'm sure makakahabol po sya. Si Nicco po kase 3 years old po sya nagstart mag-therapy. Ang usual po na nagttrigger sa meltdown ni Nicco is pag hindi po nya nakuha o nagawa ang gusto nya. Dati po kasi napapagbigyan sya sa mga gusto nya, pero ngayong 5 years old na sya tinuturo na po namin sa kanya na pag hindi pwede, hindi pwede. Doon po nattrigger ang meltdown nya. Other triggers po is gutom sya, or inaantok.
Noted momsie. Thank you. Ayun nga dn po sabi ng therapist na dpt di pag bigyan sa gusto dapat mag ask si baby na kung ano gusto nya sabihin tho may iyakan tlga magaganap. Hanggat may mag baby sknya is lalo lalala ung situation.
@@imczareena Opo sis, kaya pag hindi pwede, hindi po natin dapat sila pagbigyan kase matututo po talaga sila mag-manipulate.. Kahit sa loob loob natin gusto natin silang pagbigyan..
@@oyvlogs7174 Marami na po syang na-improve na tulong ng therapy at pagtutok sa everyday routine nya. Although medyo malayo pa din po kami sa age nya (turning 7 na po sya next month), pero atleast malayo na din po in-improve nya. May mga hindi po sya nagagawa noon na nagagawa na nya ngayon. Thank you po for asking 😊
Same symptoms with my son. Ang hirap dahil solo parent ako. Lagi akong puyat sa gabi dahil sa kanya di tuloy makahanap ng work di ko din maiwan. 😭 magkano po nagagastos nyo para sa theraphy?
Hello po.. Isa po sa mga symptoms ni Nicco ang disturbed ang sleep nya, hindi po sya nakakatulog nang maayos kaya lagi po syang puyat at kami din po. Naipacheck nyo na po ba si baby sa Dev Ped? Ang occupational therapy po ni Nicco is 850 per hour, 2 hrs po sya every week. Ramdam ko po kayo, need po kasi talaga ng hands on na magbabantay kay baby. Hoping for the best po sa inyo.. God bless po.. 🙏
@@colleentiamzonbalajadia di pa po napapacheck up sis. Kaka 3 plng po nya, at sobrang iba po siya sa mga pinsan na ka age nya. Wala pa din budget kc nawalan ako ng work last year.. tas di nmn nagbibigay ng sustento yung tatay. Yung ipon ko eh nauubos na sa pambili ng gatas at needs nya. Naghahanap pa ko ng work from home jobs para derederetso na theraphy nya. Gusto ko tlaga maagapan habang maaga para maging normal nmn paglaki nya. Salamat. Sana nga maging okay lahat 🙏
@@pepperart9409 Yes po, early intervention is key po para makahabol si baby. Hoping for the best po para sa inyo lalo na kay baby. Ako din po ay work from home pang extra po para sa therapy at mga needs ni Nicco. God bless you po especially your baby.. 🙏❤️
Thanks for this video po. Meron din po ako signs nakikita sa 2yo baby ko but takot na ipa check ko siya kasi in denial po ako 😢 Not consistent on responding to his name, disturbed sleeping esp during night. Ano po ba dapat gawin na therapy at home? Pa help po. Thank you
Ok lang na ipa-check mo na sya mommy, don't be afraid po. Baka kasi delayed lang sya, mas mabuti na pong mga professional ang mag advice sa inyo sa kailangan gawin para sa kanya. Pero nung kami po habang hindi namin sya napapacheck up si nicco, binibigyan po namin sya ng activities, treat him the way you treat other kids po. Mas mainam po ang outdoor play sa mga bata at gawan po sya ng routine para sundan nya daily.
Hala ganito alaga ko mag 4yrs old na di parin nagsasalita dahil ako ang nagbabantay search ako ng search bkit gnon..lahat po na sinabi nyo na sign nkita ko po sa kanya..san po kaya nkukuha ang autism ano po ang dahilan..hirap mag sabi sa amo ko kasi paniniwala nila speech delay lng tlaga
Hello po.. Mas maganda po siguro kung i-open nyo po sa parents ng alaga nyo ang napapansin nyo sa kanya para mapacheck up po sya. Kung speech delay man po, atleast po mabibigyan na sya ng tamang therapy para makahabol po sya. 😊
@@colleentiamzonbalajadia hirap po..sinabi ko na po sa Lola nya na ipachck para mabigyan ng therapy sinabi nya sa anak nya na Ganon..nagalit pa ang amo ko Kasi daw po Bata speech delay lang daw tlaga..sa abroad Kasi maam mahirap ibigkas sa kanila Ang nakikita ko at. Ang salitang autism baka maoffend cla..kaya lagi ko nlang sinasabi pachck nyo..Kasi Dito dapat 3 nag aaral na di matanggap..
@@MaimaiEncanto Naiintindihan ko po ang lagay nyo at naiintindihan ko din po ang nagiging reaction nila. Sana po one day makita nila ang lagay ng bata para kung meron man po syang kailangan na intervention ay magawa na po at makahabol sya. Hoping po for the best para po sa bata..
Hello po, may mga bata po talaga na mahilig sa mga umiikot at laging tumatalon, hindi po sila red flag pero need lang po natin obserbahan how frequent and how long nya ginagawa..
@@AdrianNiarcos isa din pong sign ang nagti-tiptoe ang bata.. Obserbahan pong mabuti si baby kung gaano po kadalas nya ginagawa and i-consult na po ninyo sya sa Dev Ped para ma-assess po.
My schedule na sya next years Dito sa hk pero ask ng doctor sakin if marunong sya mag body language sabi ko Oo Kapag Dito po sya sa bahay ok nman sya mag lakad kapag sa labas lang po pero kapag naglalakad kami ng dahan dahan ok nman sya maglakad pero kapag mabilis nagtitiptoe sya
@@AdrianNiarcos Medyo mahirap nga lang po makakuha ng appointment sa mga Dev Ped ano po? Matagal po kasi ang assessment nila sa mga bata. Ilista nyo po ang lahat ng mga napapansin nyo kay baby para masabi nyo po lahat sa doctor para ma-assess po sya nang mabuti at ma-advice po nya kayo sa mga kailangan gawin..
@@lovelynjoaquin8218 Kay Dra. Florita Yambao-Dela Cruz po sa The Medical City sa Clark. Sya po ang Dev Ped namin ever since nag-start kami sa journey ni Nicco.
Hopefully po makatulong nga po at meron nang madevelop na cure or treatment or something para matulungan ang mga batang may ASD. So far po kase tanging therapy, school, pagaaruga at love and care and patience palang po ang makakatulong sa kanila at training na din po sa bahay sa mga basics of daily life.
Yung baby ko 1.5yrs old palang pero nakikitaan ko n xa ng sign ng autism, pagtinatawag sya di nalingon tpos hilig nia paikuton jng mga gulong ng car basta mhilig mgpaikot minsan inuuntog nia ung uli nia s dingding 😢 magastos po ata magpa gamot ng ganyan mi?
Pacheck nyo na po si baby sa dev ped para maibigay na po sa kanya ang kailangan nya in case need po nya mag therapy. I'm not going to lie po, mahal po magpacheck sa mga dev ped pati ang mga kailangan nyang therapy kung sakali, pero laban lang po kame hanggat kaya, para po sa future ni Nicco.
Magastos po tlga apo ko 4 years old na po xa nag aaral na xa ngyon sa daycare mula ng pina therapy ko xa malaki improvmnt nya. Sv ng therapy nya sa ot nakkaintindi na xa dlng po tlga mkpag salita ng sentence pa. Nakkasunod din kung anu ipagwa at ipasulat sa pagsslita nlng po tlga xa medyo hirap
@@OfeliaValenzuelabenito Opo malaki po talaga natutulong ng therapy, don po talaga sila unang natututo at nakakapag catch up sa mga life skills na nahuhuli sila. Nakakatuwa naman po ang malaki na ang inimprove ng apo nyo.. 😊 Hindi po magtatagal at makaka catch up na po sya 😊
Yes po, acceptance and early intervention is key po, this way, we can help our kids with autism to be the best they can be, together with our love and support. Thank you po.. ❤️
Baby ko po 2years old na. Wla pong eye contact. Di Rin nalingon pag tinatawag sa name nya. Nakaka depress po. Lalo na nakikita ko mga kaedaran nya madadaldal na. Nakakaiyak po. Few words palang din Ang alam nya.☹️☹️
Try nyo po sya ipa-check sa Dev Ped para ma-assess po sya. Mas mabuti po at magiging grateful tayo kung ok si baby, pero if ever po na meron syang delay, early intervention is key po, mas makakahabol po sya. Madalas po mahirap isipin at tanggapin, pero mas matutulungan po natin sila kung maaga po natin silang ipa-assess.
I am also worried with my child @2yrs old he can't talk fluently though he can say like daddy, my I just thought cguro dahil to sa mga advance technology that they were bothered what language they will used kac delayed talaga pagsasalita nya unlike my eldest child but got amaze coz sa murang edad nya he can identify letters kahit balibaliktarin pgturo also shapes, colors & numbers from 1 to 20 though ung iBang words d maintindihan but he knows like ung first encounter nya na yacht or color gray...nakakaamaze lng c at young age alam nya UN but my worried is what if he has a autism but so far may nakikita akong konting sign pro d namn ung what he wants he gets....I'm still observing him d namn cguro dapat ikahiya if magkaroon xa Ng ganun and as a mother tyaga lng sa pggaguide sa bata....just saying....
Yes po, if ever man po, hindi po natin sila dapat ikahiya bagkus magiging proud pa po tayo sa kanila kase exceptional po sila. They are different but they stand out. Yes po, nakakaapekto din po talaga pag madalas sila sa gadgets, nakakadelay po talaga sa speech nila lalo na kung iba iba po ang language na naririnig nila. Basta consistent lang po tayo sa pag-guide sa kanila and treat them just how we treat other kids 😊
Yes po, Nicco is indeed a blessing to our family. He brings so much joy to our life. We are so blessed to have him. Thank you very much po.. God bless po.. 😊❤️
hey, kaka open ko lang din sa vlog ko about autism ng anak ko. same na same tayo ng experience. ngayon ako na anak ko, nag aaral na sya sa normal classes with shadow teacher
Thank you for sharing po.. Goal din po namin ang makapag regular school si Nicco para maenjoy na din po nya ang childhood nya just like the other kids of his age. God bless your kid po.. 😊❤️
@@jan-jans143 Wow, talagang regular school na po sya no. It's really good to know na ang mga batang katulad ni Nicco ay pwede talagang makapag school just like the other kids. ❤️😊
Medyo mahirap po talaga kase ang mahal po ng bayad sa doctor at sa therapy, kaya sana po magkaroon ng program ang gobyerno natin sa kanila like murang therapy center at doctor po.. Laban lang po palagi..
@@RonadieVergara-i9x Siguro po mga mag 1 yr old na po sya nung napansin namin na hindi sya nagrerespond sa name nya, pero akala po kasi namin noon ok lang yon. Pero nung mag 1 yr and 6 months na po sya ganon parin po at hindi nya po kami tinatawag na mommy or daddy don na po kami nagstart na mag isip..
@@colleentiamzonbalajadia ako po ung baby ko 3mons old palang d na nagrerespond 10mons na po sya ngaun ganun pa dn po walang eye contact pero may time na pag tinawag mo lilingon agad..pero madalas po walang respond
Sa eye contact po medyo consistent na po sya, pero sa pag respond sa name nya mga 30% palang po. Hindi po ako sure kung saan sya matututo doon, kung sa OT or ST po. Pero everyday po talagang palagi po namin tinatawag ang pangalan nya hoping na one day maging consistent na din po sya sa pag respond. Thank you very much po.. ❤️
@@colleentiamzonbalajadia salamat. Yung 2 yrs old ko kasi ayaw lumingon at tumingin sa akin, pati sa mga kalaro at teacher. Unless may screens, tititig talaga sya. Sana lahat tayung parents matutong mag help sa mga anak natin para magibay best environment and early interventions na makakatulong sa future nila. Godbless po
@@3TGamingTBT Yes po early intervention po is key talaga. Kung magpapatuloy po tayong mag deny sa sarili natin kahit meron tayong nakikitang iba sa mga anak natin, lalo po natin silang hindi matutulungan. Thank you very much po.. God bless po.. ❤️
Hi po. Magkano po ang consultation, pag pa assessment po at kapag ipapatherapy po... Just to have an idea, all of the signs kc is nasa mag 2 years old ng anak ko😢. Thanks po
Hello po.. Assessment and consultation po sa Dev Ped ni Nicco is 4,500. Sa therapy center naman po ni Nicco, ang occupational therapy po is 850 per hour, and speech therapy po ay 950 per hour and ang sped naman po is 650 per hour.
Pareho po sila ni Nicco, minsan po namamalo po sya lalo na pag galit. Ang pinapagawa po ng therapist pag ganon is "quiet hands" po, yung i-keep po nya ang mga hands nya to himself para hindi po sya mamalo, paulit ulit lang po hanggang sa masanay sya.
Napa paranoid ewan ko ba ung anak ko oo 2 years old na next month hindi pa sya ganong nag sasalita pero mommy and 1 to 5 kaya nga bigkasin .. hindi ko alam dahil ba minsan lang kami lumabas o sobrang dalang nya makakita ng ibang tao. Bahay lng tlga kami dto sa Malaysia. Lalabas man kami pag mamimili o kakain sa labas
Baka po delayed lang po ang speech nya. Need po nya magkaroon ng kalaro para matuto po syang makipag interact sa ibang mga bata and if ma-expose po sya sa ibang tao matuto din po syang makipag usap.
@@Nicole-95 Relax lang po mommy.. Try nyo po muna paglaruin si baby kasama ang ibang bata pag may chance po kayo. Kailangan po kasi talaga ng mga bata ng kalaro para po sa development nila.
Good things medyo may improvements na si Nicco ..Yung anak ko 4yrs old nakitaan ko din nang mga ganyang symptoms .Ang masaklap di Namin kayang maipatingin at mapasok sa therapist anak ko😢
Pwede po kayong magtanong sa local government po ng mga libre or murang therapy, meron din po sa ibang mga public schools. Dito po sa amin meron sa isang public school, enroll po namin si Nicco doon pag kaya na nya, may kamahalan nga po ang therapy at sped sa private hindi din po namin alam kung hanggang kelan namin kayang igapang. Pero fighting lang po.. 😊
Gawa po cguro ng pandemic.. Lahat ng mommies worried and stress.. kasi ganyan na ganyan din po anak nmin 2 yrs and 6mos.. GDD (Global Development Delay) po yta sila matuturing..
@@uramakison Naging malaking factor po talaga ang pandemic sa pagka-delay din po ng ibang mga bata talaga. Hindi po kasi talaga maganda sa buntis na mommy ang stress at palaging may inaalala, may epekto po talaga sa baby yon. Sa mga bata naman po, imbesna nakakalabas sila para maglaro, na-stay sila sa bahay kaya hindi sila makapaglaro outdoors na crucial po talaga sa pagdevelop ng mga bata. 😢