Grabeh ung ibang nag comment na nag d-drugs ung tao akala mo naman kilala nila ito at May alam sila sa buhay nito. Sakit ng maraming Pinoy tlaga ang humusga agad ng kapwa nila.🙄 Kung d kayo naniniwala hayaan nyo d ung magbbentang kayo ng bagay kahit d nyo naman alam ang totoo.
Ang sabi ng biblia sa Juan 1: 12.. kung tatanggipin mo si Jesus bilang PANGINOON AT TAGA PAGLIGTAS IKAW AY PAGKAKALOOBAN NA MAGING ANAK NG diyos..... kung anak kana nya (anak ng Diyos) titiyakin ko na mauunawaan mo ang kapangyarihang taglay mo at ito ang ayaw ng kapangyarihan ng kadiliman na gamitin mo laban sa kanya ( kadiliman, masamang ispiritu).. magpa PRAY ka sa isang tunay na BORN AGAIN CHRISTIAN FULL GOSPHEL, dapat maunawaan mo ang SALITA NG DIYOS na magbibigay sayo ng PROTEKSYON!...... lapit kasa isang pastor na.BORN AGAIN FULL GOSPHEL ng maliwanagan ka tungkol sa DIGMAANG SPIRITUAL at maingatan nyo ang buhay nyo laban sa ispiritung gala.......
share ko lng din po kapitbahay lng po nmin,,namatay daw po talaga siya sabi ng papa ko dahil classmate nya ito sobrang bait daw po at tahimik ng tao na ito na kahit binubully daw sa klase ay di man lng nagsasalita,,as in patay po talaga,,wala ng hinga wala ng pulso,pero ang mga magulang nito ay naniniwala sa mga kasabihan kaya di nila ipina embalsamo sa loob ng 24 oras,,pero ipinasok lng sa kabaong na gawa sa plywood,,ng pinaglalamayan na daw po papalapit na ang 24 oras mula sa pagkamatay nito,,maniwala po kayo at sa hindi bumangon po ang taong nasa kabaong po at humingi ng tubig at pagkain dahil nagugutom siya at nauuhaw,lahat ng tao nagtakbuhan talaga😅may nabalian pa nga raw ng buto dahil tumalon sa bintana sa sobrang takot🤣🤣,,pero ang mga magulang nya ay di po natakot at natuwa pa nga na nabuhay ang anak nila,,tinanong daw nila ito ano daw ang nangyare dahil nagulat din ang anak bakit siya pinaglamayan,,sabi ng anak naglalalakad daw siya sa dserto na walang katapusan daw po sa sobrang haba at wala daw po talaga siyang nakikitang dulo nito,,naglakad lng daw siya ng naglakad at ng makaramdam ng daw siya ng pagod at uhaw dahil sa haba ng dsyerto na nilakad,bigla nlng daw po may dumating na matandang mataas daw po ang bigote na sinasabi nya kamukha daw ni san pedro,tinanong nya daw ang matanda kung nasaan siya at bakit walng katao tao sa lugar na iyon,sinagot daw siya ng matanda na tinahak niya daw ang daan papunta sa langit pero HINDI pa daw nya oras para mamatay,natakot daw talaga siya sa narinig niya mula sa matanda,sinabihan daw siya ng matanda na maglakad pa ng kunti at may makikita daw siyang puno sa unahan at sa ilalim daw humiga siya,naglakad na nmn daw siya at nkita nya nga ang puno,,humiga daw po siya sa ilalim nito at yun bigla siyang nagising sa kanyang lamay,,,tinanong ko papa ko kung sino siya,,at nalaman ko yong tao nayon pala ay ang matanda na nag aayos ng mga sirang payong sa mga bahay bahay ,sa pagkakatanda ko mga 2005 yata yon ng tinanong ko ang matanda,,siya na mismo ang nagsabi na totoo talaga,,kaya maniwala daw po tayo sa diyos at manalig sa kanya,dahil kung di mo pa daw po oras na mamatay di mo talaga oras,,hnngng ngayon po 2021 na mga 60 + na po siya around 70 na yata,,buhay pa siya at ganon parin ang hanabuhay niya,matandang binata po siya at marami pong tumutulong sa kanya dahil nga mabait daw po at masipag,,TRUE STORY po talaga to,, Important lesson: wala pong mawawala satin kung maniniwala tayo sa mas nakakatanda sa atin,pwede tayong mag desisyon na wg muna ipa embalsamo kung sakaling mangyayari sa mga kamag anak natin ito hnggang 24 oras dahil di pa rin nmn ito mangangamoy , lahat nmn talaga tayo mamatay sa takdang oras,,......
Totoo yan kahit ang papa ng father and mama ng mother in law ko di pa na imbalsamo bumangon sa kabaong aftr 24 hrs ,tumagal pa ang kanilang buhay ng ilang taon
Totoo po yan, tatay ko patay na sa hospital kaya enuwe nila bumili na sila ng pako at kahoy kasi dati hindi pa uso ang balsamar,. Pagdating sa bahay nya po biglang huminga😅
pwede nmn pong wag muna ipa embalsamo hanngng 24 hours po,kasi kung totoong patay na un tao di na mabubuhay yan sa loob ng 24 oras,,kaya suggest ko lng po pag may nangyayaring ganito,,antayin muna mag 24 oras mula sa paghinto ng paghinga ng isang tao dahil malaki ang chansa na naglalakbay lng ang kaluluwa nito,tulad nalng po ng nangyari sakin wayback mga 15 y.o plng ako naranasan ko na rin pong binangungot,,sa aking pagtulog po ay bigla akong napunta sa isang lugar na para bang nasa kweba na puno ng mga apoy sa ibaba,,at lahat ng nasa itaas na mga bato ay nagbagsakan po,,pinilit ko pong umilag pero nabagsakan po ako,,hindi po ako makagalaw,,kaya naisip ko po na binangungot lng ako,,ramdam ko po na tulog lng ako,,ramdam ko ang ingay ng mga tao sa labas,,gusto kong sumigaw pero di ko magawa,,gusto kong gumalaw pero di ko rin maigalaw kahit isang daliri ko lng,,pero naaalala ko ang sinasabi sakin ng lolo ko na pag may mga ganito kng nararanasan,,di mo maigalaw ang katawan mo at di karin nkakapagsalita ay magdasal nlng po ng magdasal at manalig sa diyos,,hindi ko po makakalimutan ang ginawa kong pagdadasal ng 10 Ama namin,,10 Panginoong Maria,,at isang english prayer na Lord Jesus Christ,,taimtim po akong nagdasal at nanalig sa diyos na kaya kong lampasan ang bangungot,,at nang magising po ako ay nagulat po ang pamilya ko,,bigla kasi akong tumakbo sa kusina at uminom ng maraming tubig dahil sa sobrang uhaw at init ng katawan ko na aking naramdaman sa aking bangungot,,totoo lahat ng sinasabi ng mas nakakatanda sa atin at wala pong mawawala kung maniniwala tayo,totoo pong may diyos at totoo po na buhay ang panginoon ngunit di lng natin nakikita,,kaya wag po nating kalimutan na magdasal bago matulog lalo na kung pagod galing sa trabaho,,isa sa mga sanhi ng bangungot ay pagkakaranas ng stress ng katawan ng isang tao..
Nangyari rin sakin yan di ako makagising sa bangungot ko na panaginip kaya ang ginawa ko nagdasal rin ako ng our father then nagising ako habang nagdadasal as in nagsasalita aq habang nagising ung dasal q sa panaginip kasunod sa paggising ko.
Ganyan po nangyari sa tita ko 35 days na COMATOSE sa hospital,, walang malay,, dinadan lng sa hose ilong kinakain,, nung nagising na ,, naglakbay pla daw sa langit kaluluwa nya,, at nakita nya si Mama Mary,, nkita pa nya mga kapatid, nanay nya sa langit din..
@@CarolineSantiago buti nkpgdasal kapa eh nasa bangungot ka palng,, ngising ako tsaka nagdasal kamu a,, panaginip mo lng yan sa takot mo,, ako rin tumatawa nananaginip ,,nagising ako tumatawa parin,,, 😂😂
Mahirap talaga paniwalaan Ang mga ganyang kwento pero totoo kc kmi ung nanay nmin namatay din noong Bata p kmi naalala q sumanib ung nanay q s pinsan q kc hnd n naubutan ng buhay ng papa q ung nanay q kaya hnd cia nka pag habilin kaya ung dumating ung pinsan nmin n galing Laguna sumanib cia s pinsan q lahat Ng habilin nia sinabi nia s papa q. Kaya naniniwala aq. S episode nio ngaun more power
Nangyari sa amin to, schoolmate ko bale Junior namin. Nag igib lang sya sa balon tanghaling tapat kc maghuhugas ng plato. Biglang nawalan ng malay, pagka 5pm pina embalsamo nila. Yun pala naglakbay lang ung kaluluwa. Sumasanib sya sa best friend nia sa school. Umiiyak sya, bat daw sya pina embalsamo eh buhay pa sya... Ayun bago sya natahimik eh may hiling sya na tawagin sya graduation day na akyat sa stage at may nakalaan na upuan para kanya, matalino pa naman un. RiP sa kanya...
Relate ako diyan batchmate ko na very smart sumakit lang ulo namatay na daw tapos pag dating ng hapon inembalsamo agad so sad sana until now buhay pa siya
Danas koh to. .dahil 1 week after koh manganak nabinat ako. .dinala ako sa hospital pro declaired akong patay so 18hrs ako sa morgue kkunin na sana ako ng mga taga st.peter pro nagulat cla nong kkunin na katawan koh bgla ako napaupo at nanghingi tubig. .talaga nman ang bait ng panginoon. .Sana magkaroon ng clarification before declaring ng pang eembalsamo. .para iwas sa mga gantong case. .hanggat d pa umaabot ng 24 hrs nasa paligid palang ang kaluluwa ng tao. .at hanggat d pa na dedeklara ang 24hrs death may milagro pang mangyayare. .Praying for her Rest assurance in God's Paradise and hoping for Kuya Jojo's recovery. God bless all
Totoo ang sapi hindi naman kasi lahat naniniwala lalo na ang mga doctor kung iisipin bakit nababanggit ng sumapi lahat ng sama ng loob kung mental disorder ang anak ni nanang leonora?
Welcome to Christian world Jojo. Cguradong tahimik na kaluluwa NG Ina mo at na bendisyonan na. Palagi lng po natin ipag dasal ang kaluluwa Nila at kayo din po mag dasal sa panginoon
Ang papatay sa inyo ay ang guilty conscience nyo! Dapat cguro magpa binyag at Have faith in God. 💕 Don't entertain evil thoughts and be strong. Dahil baka hindi na si Nanay mo ang sumasapi sa yo!
Korek,bka nung una nanay n’ya ang sumapi then ngaun iba na.dpat pa deliver s’ya.need n’ya ng deliverance.pa layhands s’ya sa mga pastor sa deliverance church ,visit uckg church po
Glory to God ... Thank you “WISH KO LANG” sa pagbibinyag Kay JoJo at pag bless sa puntod ng kanyang INA.. May God grant mercy and forgive her sins , also the tatay ni Jojo so that their souls will Rest In Peace🙏🙏Amen
This could be real. I experienced it myself. My lolo called up my name nung nsa morgue na cya while we were in his house. Ung boses nia ai galing mismo sa room nia ilang oras plng cya nmmatay. Pls pray for his soul. 🙏🙏🙏
Totoo may ganyan kasi nong namatay ang Lolo ko sa hospital mag Isa lng ang tatay ko sa bahay kasi nandoon kmi lahat nag babantay sa hospital nong madaling araw narining ng tatay ko na tinawag sya ni Lolo at Isa Lang daw naisip ni tatay na namatay na ang Lolo.
There is a possibility na Ang mga nahimatay ay mayroong knowledge at naiisip palagi na baka mahimatay rin sila. Brain is very powerful kaya po ng brain dektahan Ang lahat ng mararamdaman o pwedeng makita at sasabihin ng isang tao.
Ayon po sa pag-aaral ng mga professional expert, Ang brain or cognitive function ay genetics. Kapag mayroon mental problem Ang Isa sa magulang mayroon din possibility sa mga anak at makakaiba Ang severity level ng condition but not necessary all.
I PRAY FOR YOU JOJO, IN THE NAME OF JESUS CHRIST OF NAZARETH, NA PATAHIMIKIN KA, MAG DASAL KA RIN HINGIN ANG TULONG NG PANGINOONG JESUS AT BANAL NA ESPIRITU SANTO, MAG PASAKOP KA SA KANYA, SIYA LANG ANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT NG BAGAY! I PRAY THIS IN JESUS NAME, AMEN
naalala ko tuloy kapatid ko nalunod sya nang umaga tapos ininbalsamo sya ng gabi ..tapos napanaginipan nmen sya ,ang sabi nya dipa daw sya patay .kaya hangang ngaun pumapasok p rin sa isip ko na dapat di muna sya ininbalsamo dpat pinalipasi muna ang 24 hours bago e imbalsamo ang tao 😥
Anak ko nalunod din sya kya lng hnd nga sya pina imbalsama nmin dhil kailangan nmin sya ipa autopsy sbi nman sa funeral kailangan din sya malagyan mg purmalin dhil raw kinbuksan pa ma autopsy eh bka raw mangangamoy sya kc mrami tubig pumasok sa ktwan nya nagpapanginip sya sa kaibigan nya snbi lng raw ng anak ko bkit u ako iniwanan dto ako nlang mag isa.😭😭😭kya nmimis ko anak ko 13years old n sya panganay ko. 😭😭😭
Maam MORALES , may kapit bahay po kami morales po last name nang papa nila tas yung papa at ang mga anak niya is kamukha kamukha Nyo po , Hirap na hirap yung buhay nila ngayon sana po matulungan nyo po rin sila ,, from -CEBU
Acts 2:38 Verse Concepts Peter said to them, “Repent, and each of you be baptized in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins; and you will receive the gift of the Holy Spirit. Act 2:38
Hindi po ako expert at lalong hindi ko po naranasang mamatay at nabuhay pero sa kumakalat na kwento at naglipanang malilikot na utak ang iba dito ay napatunayan ko na tutuo pong kapag nalagutan ng hininga ang isang tao ay hindi pa talaga sya patay..lalo kong hindi naman fatal accident ung sanhi ng pagkalagot ng hininga nya..oo tayong mga tao kapag natutulog wala rin tayong pinag kaiba sa patay.. kaya nga po diba kapag nanaginip tayo at biglang magising tayo sa isang ingay oh sa panaginip natin nasasali ang mga actual na nagaganap sa paligid mo..at ang oba sa atin nakakausap mo kahit tulog sya..opo..wala tayo pinagkaiba sa patay habang tulog..kaya nakakausap natin ang isang taong tulog dahil maaring hindi lumalayo sa katawan nya ang sarili nyang kaluluwa.. isa sa patunay ng mga sinasabi ko ay amg naganap sa probinsya namin..9 yr old na po ako non nong ang kapit bahay naming matanda ay binawian ng hininga sa katandaan nya.ilang bises ng nasagip ng isang anak nya ang buhay nya tuwing magkatabi sila sa higaan at nasaksihan ng mismong anak nya na hindi na humihinga ang tatay nya..iniyakan na sya at iniwan pa nya para tawagin ang ina at mga kapatin nya sakabilang barangay..nong nago sya umalis alam nyang dina humihinga nguni makaraan lng ang kalahating oras nong pag balik niya kasama buong pamilya laking gulat nila nonf naka upo ito sa hagdan at nag sisindi ng kanyang tabako na nasa hunsoy🤦♂🤦♂🤦♂.. nagalit pa ito bakit umalis amg anak nya na di sya ginising eh baka daw manakawan sila ng manok.. Kaya ipinaalam sa kanya ng anak nya habang humahagulhol ito na hindi na sya huminhinga ng halos 10 minuto kaya umalis sya para tawagin ang mama at mga kapatid... Ang sabi ng matanda..malapit na ako mawala dahil nilalakbay kuna ang napakatahimik na daanan subalit naalimpungatan lamang ako nong may marinig akong tumatawag sa akin ng itay gising....gusto kong bumangon pero hindi ko maigalaw ang katawan ko..... kong sino man sa inyo ang naniwala sa bangungut maraming klasi po yan..may bangungot na dahil sa masamang panaginip,merong namang nandahil sa pagkakaipit ng ugat at di makadaloy ng maayus ung dugo nta habang natutulog sya sa iisang posisyon lamang..at ang isa ay yung naglakbay ka sa daang tahimik at dimo alam kong saan ka naan tutungo.. nasa tatlo na ito lamang ang nanyayari sa ina ni jojo..oo tutuo pong nararamdaan ng isang tao ang mga nagaganap sa palihid nya at mas lalong naririnig nya ang ingay sa paligid nya..nasa inyu na po kong naniniwala po kayo..sa tutuo nga po eh nakakakita po tlga ako ng actual ng higis ng kaluluwa..sa loob ng limang oras hindi pa sya naka lutang sa hngin..tulad din natin syang naglalakad at nagsasalita..pero hndi natin sila nakikita at naririnig.marami po hindi naniniwala sa kaluluwa at mas lalong marami hndi naniniwala na nakakakita ako nf kaluluwa.lalo na sa taong kaka lagot lng mg hininga..isa na siguro kayo sa hindi naniwala sakin.oo ikaw na nagbabasa...ererespito kopo kayo..magkaiba man tayo ng paniniwala pero sa lupa parin amg uwi natin.. naniwalq akong kaluluwa ng ina nya ang pumapasok sa katawan nya..dahil di nito matanggap pagkamatay nya at hirap na dinanas nya habang iniimbalsamo syang ramdam nya ang bawat guhit ng matalas na bagay sa kanyang katawan habang piilit nyang gumalaw.. sa mga hindi Christians di sila naniwala jan..opo.erespito po kita bilang tao.. ito lang po ang huling sasabihin ko sa inyo..kapag ang isang taong namatay at matagal ito sumuko sa pag hinga para makita lng nya ang kanyang pinaka hinihintay na tao..pag yan nalagitan mg hininga nakasimangot yan or parang nagmamakaawa ang mukha..kong kaya nyo po tumitig saukha nya mula pag pasok ng pinto ng taong hinihintay nya may pagbabago po kayong makikita..pagktapos nya dungawin ng taong hinitay nya pagkatalikod nya mismo titigan mp ang mukha nong namatay baka himatayin karin at malamang walng maniniwala rin sayo kong ano nakikita mo🤦♂🤦♂🤦♂..
Naniniwala talaga ako sa ganito kasi nangyari nato dito sa amin. 😞 Yung ina nila pina imbalsama nang pamilya nya kahit inataki lang sha, hindi nila alam na buhay pa. Possible kasi daw mangyari yun. Yung mamatay ng ilang oras tapos mabubuhay rin ulit. Kaya di advicesable na ipa imbalsama yung katawan pag di lagpas sa 24 oras. Grabe yung nangyari sa kanila, ilang araw din yun sinapian yung isang anak nya. Hanggang sa hindi na kaya ng anak nya, nagpakamatay sha. Nkakalungkot lang kasi ang bait nong namatay, kapitbahay namin nuon. 😞
Meron po talaga ganun.naglalakbay ang kaluluwa sa mga swertihin makakabalik pa sa katawang luoa ang kaluluwa nila.nanguari din iya sa kuya ko po.pinapanuod nya po ung katawan nya nakaupo sa silya.sa awa ng Diyos nakabalik.minsan akala natin naatake sa puso ..
oo kasi yung lola ko namatay daw sya nung mga 9 yrs old sya tas nabuhay daw sya parang nakatulog pang daw sya alsm nya tapos nagising sya kasi nilalamog sya ng mams nya (yung mama ng lolako) kasi syaw nya maniwala na patay na si lolako kaya nilamog lamog nya tapos biglang nagising si lola
Matthew 3:11 “As for me, I baptize you with water for repentance, but He who is coming after me is mightier than I, and I am not fit to remove His sandals; He will baptize you with the Holy Spirit
this happened to my brother.. nung namatay dad namin after 2 hours binalsamo agad ..tapos after few days sumapi sa kapatid ko ..sabi nya bakit daw siya agad binalsamo hindi pa raw nya time ..5 years din ito pabalik balik sa katawan ng kapatid ko...
Kaya nga suggested dyan sa probincxa 24 hours sa bahay muna pinapatagal ang patay bago ipadala sa punerarya kasi kahit mabuhay pa yan sa punerarya papatayin rin yan
Walang kinalaman ang buhay sa patay.. kung totoo ito sana lahat ng kaluluwa na pinatay na mas karumaldumal dihamak ang pagkamatay eh ganito nadin ang ginawa. Palainom ang anak at alam nya siguro relation ng tatay at manugang nito
gusto kong intindihin ang sinasbi mo pero ppaano nman ang nangyri sa akin ? bka isipin mo naman na gwagwa ko lang ? pero totoong ngyari sa akin dahl npatunayan ko sa npanood ko sa video ng kapatid ko, binidio ako ng isa kong kpatid habang ngyayari sa akin matagal n ako s ibang bansa ako ang breadwinner s aking buong pamilya,, Nmatay ang nanay ko pero hindi sinsabi ng mga kapatid ko dahil ns ibang bansa ako ayw n mag alala ako, pero pinapauwi ako ng mga kapatid ko dahil nmimis dw ako ng nanay ko at gustong gusto dw ako mkita, dahil taon ang bilang bago ako umuwi ng pinas, ang totoo ay patay na pala ang nanay ko at nkaburol, mrami akong nramdaman na kakaiba at nkikita habang nsa ibang bansa, pero hindi ko lang pinapansin, hanggang sa napi[itan n ako umuwi ng pinas at nabigla s nadatnan sobrang iyak ko at sakit sa kalooban ang pagkawala ng nanay ko, at hanggang sa nwalan ako ng lakas hinimatay ako sa burol ng nanay ko, hindi ko na alam ang nangyari, pero ang kwento ng mga kapatid ko paggising ko nangiginig at nagkikisay dw ang katawan ko, sbi pa nila sa akin ay ang lakas ko at galit dw ako sa iba ko mga kapatid at nag iiba daw ang boses ko, samantalang wala naman akong alam sa mga buhay ng pamilya ko sa pinas, ang alam ko lang pag mayroon silang kailangan bsta sa abot ng aking mkakaya ay tumutulong ako pero about sa ibang bagay ay wala na akong alam kundi ang nanay ko lang ang mayroon alam lahat ng buhay ng mga kapatid ko, ang sabi nila sa akin sinaniban daw ako ng nanay ko, hindi ko na ikukuwento ang iba, kaya ng mapanood ko ito, at nbasa ang ibang mga comment bahala na mai share ko rin ang naranasan ko dahil ngyari din s akin, kaya papaano ako maniniwala sayo ? Ok hindi kta piniilit na maniwala ka, Naisip ko lang hindi naman patay ang sumanib sa buhay ?! siguro kaluluwa ng patay ang sumanib sa buhay dahil mayroon lang gustong iparating ang kaluluwa nung namatay sa naiwang pamilyang buhay ( ´-` ).。o?!
@@ソニア111 ewan ko hindi mo alam at nakwento lng sayo ung sinabi mo na pag sanib sayo. Wala nmn ebidendya. Ang sabi ng sensya baka may sakit kayo sa utak kaya ganun. Pero hindi ko sinasabing may sakit ka sa utak. Kase sa bible nakalagay na hindi pwedeng makipag ugnayan ang patay sa buhay. Malinaw yan na ebidendya kung relihiyoso ka alam mong hindi nalalabag ang utos ng dyos.. kaya paano mo nasabi nasaniban ka.? Ibig sabihin pala kahit ipinagbawal sa bible e magagawa paden nila makielam sa buhay..? Ang takot o nararamdaman gawa gawa lng ng isip yan. Baka kailngan mo mas lumapit sa dyos para malinawan ka
Dito sa amin, bawal iimbalsamo ang patay. Kapag ang tao namatay na, di na yun pinapatagal. Pagkatapos niyang linisin at ibalot sa puting tela ay agad na itong ililibing. Respeto din yun sa namatay. Kailangan niyang ibalik agad sa lupa kung saan siya nagmula.