Kamakailan ay tumanggap si Joaquin Domagoso ng parangal mula sa kinatawan ng National Commission for Culture and the Arts sa ika-labing limang Gawad Ani ng Dangal na ginanap sa Malacañang Palace para sa kanyang mga International Awards na natanggap bilang best actor sa kanyang pinagbidahan na pelikulang ‘That Boy in the Dark.’
Kamangha-mangha din ang naging pagganap ng batang aktor sa pelikulang ‘Ako si Ninoy’ na naging kontrobersyal din dahil sa di umano’y pagtapat nito sa isang pelikula ni Darryl Yap na Martyr or Murderer na kung saan ay masasaksihan ang pagbabalik ni Isko Moreno sa industriya sa pag ganap nito bilang Ninoy Aquino sa pelikulang ito.
Hindi maikakaila na ang pagbabalik karera ni Isko Moreno at ang patuloy na pagyabong ng karera ni Joaquin bilang aktor ay masasabing nagtapat sa hindi inaasahang tagpo subalit sa interview na ito ay sasagutin ni Isko Moreno at nang kanyang anak at award-winning na aktor na si Joaquin Domagoso ang mga maiinit na katanungan at bibigyan linaw ng dalawa ang mga haka-haka patungkol sa kanilang buhay bilang magkamag-anak at bilang mga artista.
Alamin kung ano ang kanilang pananaw sa mga usapin na ibabato ng ating mga Ka-Marites na lingkod na sina Ambet Nabus, Jun Nardo, at Rose Garcia sa interview na ito.
Like, Follow, and Support us on our socials!
Facebook: / maritesunive. .
RU-vid: / @maritesunive. .
Twitter: / maritesuniverse
TikTok: / maritesuniver. .
Instagram: / maritesuniv…
#marites #MaritesUniversity #showbiz #tsismis #chika #chismis #gossip #spillthetea #update #showbiznews #iskomoreno #joaquindomagoso
27 фев 2023