Тёмный
No video :(

🏍️ THE PINDANGAN RUINS OF SAN FERNANDO CITY, LA UNION | THE STORY OF PINDANGAN RUINS IN LA UNION 

Sirpogi ELYU
Подписаться 69 тыс.
Просмотров 17 тыс.
50% 1

PINDANGAN RUINS
Tahimik, sagrado, at makasaysayan. Ito ang gumuhong simbahan na matatagpuan sa San Fernando City, La Union.
Sa episode na ito ay ating dadalawin ang isang makasaysayang simbahan na puno daw ng kuwento at kababalaghan na itinayo pa noong panahon ng mga kastila. Ito ang Pindangan Ruins.
Kung ikaw ay galing sa bahaging Timog, kailangan mo lang marating ang Clean Fuel sa tapat ng Shakey’s San Fernando. Kumaliwa pakanluran at 500 meters mula dito ay mararating mo na ang makasaysayang Pindangan Ruins sa loob lamang ng 2 minuto.
Isa sa mga religious sites ng San Fernando ngayon ang Pindangan Ruins - mula sa salitang ‘Pindangan’ kung saan nagpapatuyo ng isda ang mga lokal na mamamayan. Pindangan rin ang dating tawag sa bayan bago pa ito tawagin sa kasalukuyang tawag dito na San Fernando. Ayon sa bagong upong pari ng lugar noong 1765, ay iminungkahi niya sa mga taong nakatira dito na palitan nila ang pangalan ng Pindangan at tatawagin na itong San Fernando. Ang pangalan ng kura paroko noon ay si Padre Fernando Rey kay sa kanya hinango ang pagbabago ng katawagan ng lugar na ito.
Ang pindangan ruins ay itinayo ng mga Frayles o mga paring Kastila noong 1764 at ginawang lugar ng pagsamba. Ito ay matatagpuan dito sa Barangay Parian, City of San Fernando.
Ayon sa pananaliksik na ginawa natin na inilathala ng launiontayo.com.ph, noong panahon ng mga Kastila kung saan ang Katolisismo ay lubos na ipinakilala sa Pilipinas, ang panahon kung kailan ang karamihan ng mga tao ay madalas nang dumadalo sa mga misa, ay dahan-dahang natutunan at niyakap ng ng mga tao ang relihiyong katolisismo.
At dahil ito nga ay matatagpuan malapit sa dagat, ang mga pirata at dayuhang mananakop na tumutuntong sa mga baybaying bahagi ng Lungsod noon ay madalas umatake sa lugar. Kaya naman nagpasya ang mga pari na ilipat ang simbahan sa Brgy. Tanqui, sumunod ay sa Brgy. Cabaroan, at pagkatapos ay sa kasalukuyan nitong lokasyon sa harap ng plaza ng lungsod, at pinangalangang St. William the Hermit Parish.
Napinsala ang Pindangan Church dahil sa malakas na lindol noong 1892, ngunit makikita pa rin sa kasalukuyan ang natitirang pader ng simbahan na gawa sa bato.
Ito ay puro bato at hanggang ngayon, matibay pa rin ang mga pader ng gumuhong simbahang ito. Gumapang at nangingibabaw ang mga lumot sa mga pader nito. Ang pagbisita sa lugar ay hindi lamang produkto ng curiosity ng mga bumibisita dito ngunit higit pa sa hilig na maranasan at makaramdam ng sinaunang kaugalian.
Makalipas ang 258 taon, makikita pa rin sa Pindangan Ruins ang lumang balon na dating pinagkukunan ng tubig ng lokal na mga residente. Sa kasalukuyan ito ay mababaw na, dahil natabunan na rin ng mga lupa at ito ay marahil sa mga nagdaang mga kalamidad na nanalasa sa ating mundo.
Buhay na buhay pa rin ang ganda ng Pindangan Ruins. Sa kabila ng pagiging "nagpanawan", ang mga tao sa simbahan ay nagsasagawa pa rin ng mga gawaing panrelihiyon doon. Hindi kalayuan sa site na ito ay mayroong isang bagong istraktura na binubuo ng isang simbahan at kumbento.
Ang Pindangan Ruins ay isa sa mga pinakamagandang destinasyon para sa mga turista at maging sa mga paglalakbay na pang-edukasyon dahil ito ay hindi lamang isang simple o kahanga-hangang lugar, ito rin ay isang masining, relihiyosong lugar, at ito ay makasaysayan.
Sa kasalukuyan, ang Pindangan Ruins ay sumasailalim pa rin sa mahigpit na pangangalaga at wala pang plano ang gobyerno o ng mga kinauukulan na sumasakop dito na galawin o idevelop ito. Kung iisipin, mas mainam na manatili na lamang ito sa anyo nito dahil ito lamang ang nag-iisa sa lungsod na nagpapakita ng mahusay na pagkakagawa ng mga lumang istrukturang naimpluwensyahan ng mga Espanyol.
Likas nga mayaman sa kasaysayan ang maraming lugar sa Pilipinas. Ito ang mga naging pamana ng mga kolonyalistang dayuhan sa atin at hanggang sa kasalukuyan ay matibay pa ring nakatayo sa ating harapan. Pahalagahan natin ang kasaysayang pinagmulan ng kaunlaran ng ating pinakamamahal na bayan.
Sirpogi elyu
#SirpogiElyu
Sirpogi Elyu Vlogs
Sirpogi Elyu Videos
Sirpogi ng ELYU
travel vlogs
Sir Pogi Elyu
sipogi elyu travel vlog
sirpogi elyu travels
sirpogi elyu latest videos
sirpogi elyu latest vlog
sir pogi elyu latest vlogs
sirpogi elyu latest video
sirpogi elyu uploads
FOLLOW/CONTACT me at:
EMAIL: sirpogi0026@gmail.com
TEXT/CALL: 09102820549
FACEBOOK: / sirpogielyu
TIKTOK: www.tiktok.com...
INSTAGRAM: Sirpogi ELYU

Опубликовано:

 

5 сен 2024

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии : 39   
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Para sa chance manalo ng P100 load/data, icomment dito sa comment section ang tamang sagot, ang CP number mo at iraraffle natin ito sa WheelOfNames.com. Ang mananalo ay ipopost natin sa Facebook Page natin at sa reply section ng Pinned Comment na ito. Salamat! 😎
@mindorayontv
@mindorayontv Год назад
Ingat sir pogi elyu nice vlog
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Thank you sir. Kayo rin.
@KieferAmieryDelosSantos
@KieferAmieryDelosSantos Год назад
Ang ganda naman ng pagkakakuha. Cinematic. Galing ni Sir! Sagot ko po sa tanong, B. 1892
@julietsoriano4465
@julietsoriano4465 Год назад
Mag iingat ka po sir pogi
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Opo. Kayo rin ho. Salamat ❤️
@coneylopez2255
@coneylopez2255 Год назад
Sir Pogi ELYU.NASAYAAt TA ADDA VLOGGER NGA TAGA LA UNION.MAHILIG AQ NA MANOOD NG VLOGS...MORE VLOGS KAILIAN
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Thank you po. Wen mam, ipakita tayo ti kinapintas ti lugar tayo ken istorya ti naglabas nga panawen. More videos to come pa po basta aayon ang panahon. 🙂
@DoloresLumanog
@DoloresLumanog Год назад
Nag Pray ka muna pogi qt magpapqalam magpaalqm na kayo ay papasok Godbless you 🙏♥️🤟
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Yes po nagdasal po ako diyan at nagpasalamat sa lugar bago po ako umalis. Di ko na lang po sinama sa video baka sabihin scripted hehe. Thank you po sa panonood. 🙂
@wanderingbangkokboy
@wanderingbangkokboy Год назад
probably orsupposedly yan ang cathedral sana na ngayon ng Diocese of L.U.
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Ang ganda po sana kung hindi lang nasira o gumuho. 🙂
@wanderingbangkokboy
@wanderingbangkokboy Год назад
@@sirpogi_elyu may naradaman ka? taga saan ka mate? maaari na may old past or kamag anak ka na kaluluwa riyan ... ganyan din ako pag nakaka gala sa mga old or century old na lugar... may koneksyon kasi tayo sa kanila mahirap ipaliwanag
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Taga La Union din po ako. Pero ngayon ko lang napuntahan yan. Kaya nagdasal na lang ako bago ako nagpatuloy. 🙂
@vineduke4365
@vineduke4365 Год назад
Ko bubung ng bahay namin
@neliaberonilla4408
@neliaberonilla4408 Год назад
Hi sir Elyu,ngayon ko lang nakita anh iyong vlog.sana makapunta rin kami dyan.hindi gaanong malayo sa lugar namin .Godbless po❤
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Opo, tahimik po sa lugar. Mag-alay po kayo ng dasal bago niyo libutin 🙂
@hilarioparaan990
@hilarioparaan990 Год назад
Bitin nman.....mas mahaba pa yung kwento ng viaje ✌️😃✌️
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Hahaha next time brad gagawin ko na pelikula paea di tayo mabitin 😂🤟 Salamat sa panonood. 🙂
@limandrei7916
@limandrei7916 Год назад
B.1892 sir!❤️
@RoselynJhaneHagonoy
@RoselynJhaneHagonoy Год назад
Siguro kung idevelop yan, di na mapapanindigan ang name niyang "Ruins". Mas maganda kung ganyan na lang, linisan at alisin mga damo para safe sa mga bisita. Btw, ang husay ng pagkakagawa, parang KMJS yung intro niya o Dokumentaryo ni Ms. Kara David sa i witness ng GMA. Yung sagot ko sa tanong is B. 1892 po sir. Sana manalo hehe
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Congratulations! Kayo po ang nanalo ng 100 peso load. Pa-pm na lang po ako sa aking Facebook Page. Thank you.
@RoselynJhaneHagonoy
@RoselynJhaneHagonoy Год назад
@@sirpogi_elyu Thanks po. 😇
@johnnyyuro
@johnnyyuro Год назад
Sir pa notice po🎉🎉🎉🎉
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Hi @johnnyyuro! 😎
@user-ok6zp8pd2u
@user-ok6zp8pd2u 3 месяца назад
Bakit ninyo ito ginawa Ang krus ay ❌ at hindi letter T t
@erickadulay1783
@erickadulay1783 Год назад
A sir.
@KhateSotelo-zt2fl
@KhateSotelo-zt2fl Год назад
B. 1892 sir!
@angelicadiaz1114
@angelicadiaz1114 Год назад
B.1892 sir
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Right answer
@user-kk4uy3on1d
@user-kk4uy3on1d Год назад
B.sir 1892
@umeentertainment3746
@umeentertainment3746 Год назад
Hi Sirpogi sana Maka Ponta ka dito sa amin sa Surigao mindanao
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Soon po, iipon po muna ako ng lakas ng loob sumakay ng eroplano 😂 hehe
@jonardgile4203
@jonardgile4203 Год назад
1892 po
@MarySalveBansalan
@MarySalveBansalan Год назад
1892
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
✅ Ang galing! Thanks for watching po. 😇
@julietsoriano4465
@julietsoriano4465 Год назад
A po
@dextersrbatatas
@dextersrbatatas 11 месяцев назад
Haha itol mol lang dayta😂😂
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu 11 месяцев назад
Wen kailyan 😁
Далее
Tara't mag-Christmas foodtrip sa Pampanga! | Brigada
13:06
Lumubog Sa Lahar Na Simbahan Ng Bacolor [English Sub]
22:06