Тёмный

🏍️ THE UNTOLD STORY OF AGOO ECO-PARK IN AGOO, LA UNION | HISTORY OF AGOO ECO-PARK | Sirpogi ELYU 

Sirpogi ELYU
Подписаться 69 тыс.
Просмотров 16 тыс.
50% 1

ECO-PARK NA DATING DAGAT? | AGOO ECO-PARK IN AGOO, LA UNION
Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ang napakagandang lugar na ito ay dating bahagi ng dagat? Halika at sama-sama nating alamin ang kwento at kasaysayan ng lugar na ito.
Sa mga kagaya ko na mahilig sa mga tahimik at preskong lugar, dayo na sa ipinagmamalaking pasyalan ng Agoo, La Union….. ang AGOO ECO-PARK.
Bago makapasok dito, kailangan munang dumaan sa entrance gate at magbabayad ng environmental fee o parking fee na P20.00. Kung ikaw naman ay taga-Agoo, libre ang pagpasok dito.
Ang Agoo Ecopark ay matatagpuan sa barangay Sta. Rita, sa bayan ng Agoo, La Union. Isa itong man-made forest na nakapaloob ito sa mahigit sampung libong ektaryang Agoo-Damortis Protected Landscape and Seascape. Ang Agoo-Damortis Protected Landscape and Seascape ay unang itinatag bilang isang pambansang parke noong 1965. Sinasaklaw nito ang 30 kilometro ng mga bakawan, seagrass bed, at pinong itim na buhangin sa mga dalampasigan.
Malapit sa baybaying-dagat o sa hilagang bahagi ay makikita naman ang mga bakawan o mangrooves, kung saan ang mga migratory bird ay dumadapo kapag ang araw ay lumulubog na. Sa katunayan ay ginawa itong Eco-Fun Park na binuksan sa publiko noong 2014. Mabilis itong naging hotspot para sa mga turista at lokal na naghahanap ng kaunting tambayan sa kalikasan. Pero sa kasalukuyan, wala na ang mga mangroove sanctuary activities na dinarayo dati dito.
Sa pagpunta sa Agoo Eco-Park, makikita rito ang mga nagtataasang agoho trees na karaniwang pinagkakamalang pine trees ng ilang mga turistang bumibisita rito. Ang mga agoho tree na ito ay itinanim mahigit-kumulang 20 years ago at patuloy pa ring dini-develop o pinagaganda ng mga taong in-charge sa maintenance ng lugar na ito. Ang mga punong ito ay tuwid na nakatayo at nakahilera sa parke sa kahabaan ng coastal village ng barangay Sta. Rita na nakaharap sa Lingayen Gulf.
Siguro magdadalawang-isip ka kung sasabihin nating ang eco-park na ito ay dating bahagi ng dagat. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang umatras ng halos isang kilometro ang tubig ng dagat, at bilang ebidensya nito ay ang seawall malapit sa gate nito na katabi ng simbahan. Kaya noong 2011, sinimulan ng Department of Environment and Natural Resources o (DENR) na tamnan ang lugar sa ilalim ng National Greening Program (NGP) ng mga iba’t ibang uri ng kahoy habilang na ng Agoho Tree.
Ang Agoho, na tinatawag ring Aguho, Aroo o Agoo na may scientific name na Casuarina equisetifolia o sa English ay whistling pine, ay isang puno sa variety ng Casuarina, at isa sa mga punong likas na natatagpuan sa Pilipinas. Kahawig ito ng punong karaniwang makikita sa Baguio City na pine trees. Ang mga puno ng agoho na itinanim dito ay iyong mga nabubuhay sa mainit na panahon at mabuhangin na lugar, at iba sa mga pine trees na makikita sa Baguio City. Gayunpaman, kailangan pa ring maglagay ng garden soil sa paligid ng mga punla upang hindi ito maalog.
At alam niyo ba na sa punong ito hinalaw ang pangalan ng Bayan ng Agoo, La Union dahil sa dami ng mga puno noon na itinanim o tumubo sa bayang ito.
Sa baybaying bahagi nito ay may bagong ginagawang daan. Ito ang mega dike and coastal road project ng DPWH o ang Shore Protection Project. Sa aking pagbabasa ng mga artikulo sa internet ay may haba pala itong mahigit 20 kilometers kung natapos. Ang proyektong ito ang magsisilbing panangga sa storm surge tuwing may bagyo o tag-ulan na pakikinabangan ng coastal barangays na nasasakupan nito.
Napakaganda ng pagkakagawa dito dahil sa gitna o center isle nito ay may mga nakainstall na solar street lights na tiyak na magbibigay liwanag sa madilim na paglalabay ng mga motorista o turista tuwing gabi. Ang dagat ay malinaw, katamtaman ang mga alaon pero kapansin pansin na may mga karatulang nakalagay na “Mag-ingat sa mga dikya”. Ito ay dahil sa ilang insedente ng pag-atake ng mga dikya sa mga nkalipas na taon o buwan.
Unti-unti na ring dumarami ang mga tindahan o bilihan dito na nakahilera sa gilid ng ginagawang kalsada. May mga kubo na rin na maaaring rentahan sa abot-kayang halaga.
Ang Agoo Eco-Park ay perpektong lugar para sa anumang uri ng picture-taking activity maging ito man ay isang prenuptial shoot, isang birthday shoot, o isang simpleng larawan upang ipakita sa Facebook o Instagram. Mayroon ding campsite kung saan maaari mong dalhin ang iyong mga kaibigan o pamilya na may dalang masarap na pagkain para sa isang simpleng picnic o sleepover sa labas. Maaari kang magdala ng anumang makakain at maiinom basta huwag kalilimutang dalhin ang basura kapag aalis na para mapanatili ang kalinisan ng lugar. Isa rin itong nakakapagpasiglang lugar na magandang puntahan para sa mga fitness activity tulad ng jogging o pagbibisikleta.
FOLLOW/CONTACT me at:
EMAIL: sirpogi0026@gmail.com
TEXT/CALL: 09102820549
FACEBOOK: / sirpogielyu
TIKTOK: www.tiktok.com/@sirpogielyu?_...
INSTAGRAM: Sirpogi ELYU

Опубликовано:

 

27 июн 2023

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии : 47   
@maximotewkesbury
@maximotewkesbury 10 месяцев назад
Yes napakaganda dito. Last week lang kagagaling namin ng tita ko ride with tricycle. Wahahah ganda
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu 10 месяцев назад
Kapag natapos na ang baywalk, mas gaganda pa ito ❤️🎉
@maximotewkesbury
@maximotewkesbury 10 месяцев назад
@@sirpogi_elyu waahhh can't wait po. Babalik babalikan namin tong Agoo Eco Park
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu 10 месяцев назад
Yes po. Proud taga-ELYU here.
@KieferAmieryDelosSantos
@KieferAmieryDelosSantos Год назад
The place is so refreshing. Parang di kapani-paniwala na dating bahagi yan ng dagat. 😮 Sir yung sagot ko sa tanong mo ay mahigit 20 kilometers po. Ingat lagi at abangan ko ulit mga new vlogs niyo.
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Yes po. Thank you for watching ❤️
@RoselynJhaneHagonoy
@RoselynJhaneHagonoy Год назад
Ang ganda pala ng mga spots sa Elyu. Nag-iimprove pa lalo quality ng mga videos mo sir. 30 kilometers pala sagot ko sa tanong mo sir. Ingat at Godbless you always.
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Yes! Try niyo po bumisita minsan. 🙂😎
@AceBrandonMHalog
@AceBrandonMHalog Год назад
Sir striker man. Naka subscribe PO ako sir
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Okay! Copy pogi. 😁
@ShirleySab-it-ok6jb
@ShirleySab-it-ok6jb 3 месяца назад
20 kms
@Jhungsvlog836
@Jhungsvlog836 Месяц назад
@santosraymundbelmonte9029
@santosraymundbelmonte9029 6 месяцев назад
Pwede mag overnight tent pitching?
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu 6 месяцев назад
Pwede po basta ipagbigay alam sa mga nagbabantay sa gate o sa Brgy. Hall kapag gabi na kayo nakapunta.
@johnnyyuro
@johnnyyuro Год назад
Sir next vid mo po pa Shout out 😅😅 😂😂
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Okay po. ✅
@MarissaCanlas-bh1dn
@MarissaCanlas-bh1dn Год назад
Ten thousand hectares pla
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Thanks for watching po. 😁
@imeldaalimes724
@imeldaalimes724 Год назад
Hi sir elyu, mahigit 20 kilometers ang haba
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Noted po 😎🙂 Thanks for watching!
@coneylopez2255
@coneylopez2255 Год назад
MARAMI AQ picture jn SA eco park kaELYU
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Kapitbahay lang po kasi natin hehe
@tonylopez5577
@tonylopez5577 Год назад
20 kilometers
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Thanks for watching po. 😇 God bless
@vickyoribello2464
@vickyoribello2464 Год назад
Hi idol
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Hello po 🤟😎
@jocelynendaya5133
@jocelynendaya5133 Год назад
mahihit sampung ektarya
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Salamat po sa panonood! Abangan po ang result on Sunday sa ating FB page! 🙂🤟
@arlenemanuel7911
@arlenemanuel7911 Год назад
10k hectar po
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Thanks for watching po. 😇 Stay safe!
@GeronalynB.Balangue
@GeronalynB.Balangue 4 месяца назад
More than 10,000 hectares
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu 4 месяца назад
@DanielRodriguez-bd3ix
@DanielRodriguez-bd3ix Год назад
aabot ng 20 km
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
😇😇😇
@MarissaCanlas-bh1dn
@MarissaCanlas-bh1dn Год назад
10,000 square mtrs
@user-mw6sb1cj5b
@user-mw6sb1cj5b Год назад
30 ektars
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
😁
@nidatupaz3870
@nidatupaz3870 Год назад
3 hectares
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
😇😇😇
@angelicadiaz1114
@angelicadiaz1114 Год назад
20 kilometer.sir😊
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Noted! 😉
@liliabueno9505
@liliabueno9505 Год назад
20 kilometers po
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Noted po. 😎
@lydbenci320
@lydbenci320 Год назад
Ang haba ay 20 kilometro
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Thanks for watching po. 😇
@HeiraaalNAA
@HeiraaalNAA Год назад
10 hectares po😄
@sirpogi_elyu
@sirpogi_elyu Год назад
Sure? 😂✌️ Abangan ang tamang sagot soon...
Далее
LAKAY AGO NATURE'S PARK (Agoo, La Union)
10:45
Просмотров 1,3 тыс.
ANG BAGONG BAHAY SA MAG-INA MALIIT AT MAGANDA
18:59
Просмотров 1,4 тыс.