#INCOriginalMusic
Lyrics
1
Kay daming tao sa mundo,
Ngunit tayo ang pinili ng Ama
At sa Iglesia’y dinala-
Pagmamahal Niya ay natatamo!
Bilang bayang ibinukod,
Pagbutihin ang pagsunod
At lubusan nang iwan
(Lubusang iwan)
Ang masamang kaugalian.
1st Refrain
Sa bawat kilos natin at salita,
Parati nating magunita
Na ang nasa kahalalan,
Namumuhay sa kabanalan.
2
Huwag nating kainggitan
Ang talamak ngayong kalayawan;
Kundi, maging mapagpigil
Nang kasalanan ay maitakuwil.
Tayo ay magpakasigla
Sa gawain ng Iglesia,
At huwag tayong magsawa
(O huwag magsawa)
Na tupdin kung ano ang tama.
2nd Refrain
Hanggang ang kaligtasan ay makamtan,
Sa tuwina’y ating panindigan
Na ang nasa kahalalan,
Namumuhay sa kabanalan.
Coda
Ang nasa kahalalan ay namumuhay sa kabanalan.
24 фев 2023