Minarapat ko pong itampok ngayong araw ang isang panalangin na inaasahan kong makakatulong sa mga libu-libong mananampalataya na dumudulog kay Padre Pio upang maibsan ang mga iba’t-ibang uri ng karamdaman o kapansanan na kanilang ini-inda at pinaghihirapan. Sa espitritu ng pagpapakumbaba, nawa’y tugunan ng Panginoon ang kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng panalangin na ito. Sana’y maging batis ito ng lakas at pag-asa para sa ating lahat. May sakit man o wala.
Bisitahin ang aming website sa:
www.angtinigni... at
www.angtinigni...
PANALANGIN KAY PADRE PIO PARA SA MGA MAYSAKIT AT NAGHIHIRAP.
Padre Pio, alam mo ang aming mga puso, ang aming mga alalahanin, at ang aming mga pag-asa. Naranasan mo sa iyong buhay ang mga pagsubok at karamdaman at pagdurusa. Bantayan mo ang mga kaganapan ng aming buhay sa pag-ibig.
Oh, Padre Pio, inialay mo ang iyong buhay nang may lambing at kahabagan, sa paggaling ng mga may sakit at naghihirap. Sa pamamagitan nila pinaglingkuran mo si Kristo Jesus.
Padre Pio, mula sa iyong kinaroroonan sa langit, bigyang tulong mo ang lahat ng nasa mundo na may sakit. Bigyan mo ng lakas ang mga nawalan na ng pag-asa para gumaling, at aliwin mo sila na sumisigaw at lumuluha sa sakit.
Tuyuin mo ang kanilang luha, upang ang kanilang sakit ay maaaring maging isang landas ng pag-asa. Nakapanlulumong masdan ang kanilang paghihirap.
Padre Pio, sa pamamagitan ng iyong mapagmahal na presensya, iahon mo ang mga nalugmok sa kawalan na ng pag-asa dahil sa isang sakit na walang lunas, ang mga nauupos, sa kakila-kilabot na paghihirap, sa araw-araw.
Sa hapdi ng aking puso, bumabaling ako sa iyo, Padre Pio; Nakikiusap ako sa iyo na bigyan mo sila ng lubos na paggaling.
Padre Pio, pagkalooban mo ng mga masaganang pagpapala ang lahat ng kasama sa pangangalaga ng mga maysakit at nagdurusa. Aliwin mo sila sa kanilang pagdadalamhati at iangat mo sila sa pag-asa.
Linisin mo ang aming kaluluwa at gawin mong karapat-dapat na dinggin ang aming mga panalangin. Pagtibayin mo ang aming pagtitiwala sa Panginoong HesuKristo. Ang aming mga pag-aalinlangan at kawalan ng katiyakan sa pagpapagaling ng iba ay nagpaparupok sa aming pananampalataya.
Padre Pio, turuan mo kaming mahalin hindi lamang ang aming mga mahal sa buhay na may sakit, na hindi lamang manalangin para sa aming mga minamahal. Bigyan mo kami ng isang hindi makasariling puso. Turuan mo kami na maging tunay na mapagbigay: ang pagbibigay na di umaasa sa isang makamundong gantimpala.
Nawa’y matulungan kami ng sakit na ito upang higit na maunawaan namin ang kahulugan ng buhay at pag-ibig at tanggapin ang mga plano na inilaan ng Diyos para sa bawat isa sa atin.
Padre Pio, sa pamamagitan ng iyong intersesyon sa makapangyarihang Diyos,at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, nagawa mo ang mga mahimalang pagpapagaling. Sa oras na ito, alagaan mo [PANGALAN ng maysakit.]
Paginhawahin mo ang kanyang pagdurusa, bigyan siya ng kapayapaan at lakas ng loob. At kung mamarapatin ng Panginoon nawa’y ipagkaloob sa amin ang galak ng kaniyang paggaling.
SIYA NAWA.
Website: angtinignipadr...
ENGLISH: HOW TO JOIN ANG MGA ALAGAD SA KALINGA NI PADRE PIO
Help us to spread Padre Pio to many others! BECOME A member of Mga Alagad Sa Kalinga Ni Padre Pio
Click here to see how! www.angtinigni...
Special Benefits for those who join:
* Weekly or Monthly Masses celebrated for your intentions
* Free A4-size full-color picture
* Free Padre Pio medal
Click here to see how! www.angtinigni...
TAGALOG: PAPAANO LUMAHOK SA MGA ALAGAD SA KALINGA NI PADRE PIO
Tulungan kaming maikalat ang pagkakakilanlan kay Padre Pio sa marami pang iba! Maging miyembro ng Mga Alagad Sa Kalinga Ni Padre Pio
I-click ang link sa ibaba upang makita kung paano! www.angtinigni...
Mga espesyal na mga benepisyo para sa mga lalahok:
* Lingguhan o Buwanang Misa na ipinagdiriwang para sa iyong mga instensyon
* Libreng A4 na sukat na larawan ni Padre Pio
* Libreng medalyon ni Padre Pio
I-click ang link sa ibaba upang makita kung paano! www.angtinigni...
SUBSCRIBE to our RU-vid Channel Here: / @angtinignipadrepio
VISIT our FACEBOOK Page here: / angtinignipadrepio
Email: angtinignipadrepio@gmail.com
#padrepio #panalangin #tagalog
18 сен 2024