Ang maliliit na parts ng electric fan gaya ng spring at boletas ay dapat ingatan. Sila ang bahagi ng vertical tilt mechanism na may click na tunog kapag pinapatingala o pinapababa ang fan. Kung wala ang isa sa mga ito ay di mo na maiti-tilt ang iyong fan. Sa pagandar ng iyong fan darating ang panahon na hihina ang ikot nito o kaya titigil na lang kusa at mainit ang motor. Kung maayos ang shaft at walang gasgas, obserbahan ang play ng shaft. Kung malaki ang play, dapat ay e-minimized. Maapektuhan ang ikot ng shaft kapag sa lugar na may play ay may gasgas ang shaft. Iinit ang bushing at shaft hanggang magkaroon ng build up at mawawala na ang clearance in between hanggang di na makaikot.
5 окт 2024